< 2 Corinthians 1 >

1 Paul, an apostle of Christ Jesus by the will of God, and Timothy our brother, To the church of God in Corinth, together with all the saints throughout Achaia:
Ako si Pablo na apostol ni Jesu-Cristo dahil sa kalooban ng Diyos, at si Timoteo na ating kapatid, para sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto at sa lahat ng mga mananampalataya sa buong rehiyon ng Acaya.
2 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ.
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo.
3 Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, the Father of compassion and the God of all comfort,
Nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay mapapurihan. Siya ang Ama ng mga awa at ang Diyos ng lahat ng kaalliwan.
4 who comforts us in all our troubles, so that we can comfort those in any trouble with the comfort we ourselves have received from God.
Ang Diyos ang nagbibigay ng kaginhawaan sa atin sa lahat ng ating mga pagdurusa, upang mabigyan natin ng kaaliwan ang lahat ng nagdurusa. Makakapagbigay tayo ng aliw sa iba kung paano tayo binigyang aliw ng Diyos.
5 For just as the sufferings of Christ overflow to us, so also through Christ our comfort overflows.
Sapagkat kung paano nananagana ang paghihirap ni Cristo para sa atin, ganoon din nananagana ang kaaliwan na aming nararanasan mula kay Cristo.
6 If we are afflicted, it is for your comfort and salvation; if we are comforted, it is for your comfort, which accomplishes in you patient endurance of the same sufferings we experience.
Ngunit kung kami ay nagdurusa, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan. At kung kami ay naaaliw, ito ay parasa inyong kaaliwan. Ang inyong kaaliwan ay mabisa kung ibabahagi ninyo nang may tiyaga ang mga paghihirap na atin ding naranasan.
7 And our hope for you is sure, because we know that just as you share in our sufferings, so also you will share in our comfort.
At ang aming pagtitiwala para sa inyo ay tiyak. Alam namin na habang nakikihati kayo sa paghihirap, nakikihati din kayo sa kaaliwan.
8 We do not want you to be unaware, brothers, of the hardships we encountered in the province of Asia. We were under a burden far beyond our ability to endure, so that we despaired even of life.
Dahil ayaw namin na hindi ninyo malaman, mga kapatid, ang tungkol sa kaguluhang naranasan namin sa Asya. Kami ay labis na nabigatan nang higit sa aming makakaya, na halos hindi na kami umasang mabuhay pa.
9 Indeed, we felt we were under the sentence of death, in order that we would not trust in ourselves, but in God, who raises the dead.
Sa katunayan, hinatulan na kami ng kamatayan. Ngunit iyon ay upang hindi kami magtiwala sa aming mga sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay.
10 He has delivered us from such a deadly peril, and He will deliver us. In Him we have placed our hope that He will yet again deliver us,
Siya ang nagligtas sa amin sa malagim na kamatayan, at ililigtas niya kaming muli. Inilagay na namin ang aming pagtitiwala sa kaniya na ililigtas niya kaming muli.
11 as you help us by your prayers. Then many will give thanks on our behalf for the favor shown us in answer to their prayers.
Gagawin niya ito habang tinutulungan ninyo kami sa pamamagitan ng inyong panalangin. At marami ang magpapasalamat para sa amin para sa pagpapala na ibinigay sa amin sa pamamagitan ng panalangin ng marami.
12 And this is our boast: Our conscience testifies that we have conducted ourselves in the world, and especially in relation to you, in the holiness and sincerity that are from God—not in worldly wisdom, but in the grace of God.
Ipinagmamalaki namin ito: ang patotoo ng aming budhi. Dahil sa malinis na hangarin at katapatan sa Diyos kaya kami namuhay sa mundo. Ginawa namin ito lalong lalo na sa inyo, at hindi sa karunungan ng mundo, ngunit sa halip sa biyaya ng Diyos.
13 For we do not write you anything that is beyond your ability to read and understand. And I hope that you will understand us completely,
Hindi kami sumulat sa inyo ng ano mang bagay na hindi niyo mababasa o maiintindihan. Ako ay nagtitiwala
14 as you have already understood us in part, so that you may boast of us just as we will boast of you in the day of our Lord Jesus.
na naintindihan na ninyo kami ng bahagya. At nagtitiwala ako na sa araw ng ating Panginoong Jesus, kami ay inyong ipagmamalaki, katulad ng pagmamalaki namin sa inyo.
15 Confident of this, I planned to visit you first, so that you might receive a double blessing.
Dahil nagtitiwala ako tungkol dito, nais kong una kayong puntahan, upang matanggap ninyo ang pakinabang ng dalawang pagbisita.
16 I wanted to visit you on my way to Macedonia, and to return to you from Macedonia, and then to have you help me on my way to Judea.
Balak kong bumisita sa inyo sa pagpunta ko sa Macedonia. Pagkatapos nais kong bumisita muli sa inyo sa aking paglalakbay galing Macedonia at upang matulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa Judea.
17 When I planned this, did I do it carelessly? Or do I make my plans by human standards, so as to say “Yes, yes” when I really mean “No, no”?
Nang nag-iisip ako ng ganito, nag-aalinlangan ba ako? Binalak ko ba ang mga bagay ayon sa pamantayan ng mga tao, upang masabi ko ang “Oo, oo” at “Hindi, hindi” ng sabay?
18 But as surely as God is faithful, our message to you is not “Yes” and “No.”
Ngunit kung paanong ang Diyos ay tapat, hindi natin sasabihin ng sabay ang “Oo” at “Hindi.”
19 For the Son of God, Jesus Christ, who was proclaimed among you by me and Silvanus and Timothy, was not “Yes” and “No,” but in Him it has always been “Yes.”
Dahil si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos na ipinahayag namin nina Silvanus at Timoteo sa inyo, ay hindi “Oo” at “Hindi.” Kundi laging “Oo”.
20 For all the promises of God are “Yes” in Christ. And so through Him, our “Amen” is spoken to the glory of God.
Dahil ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay “Oo” sa kaniya. Kaya sa pamamagitan din niya, magsasabi tayo ng “Amen” sa kaluwalhatian ng Diyos.
21 Now it is God who establishes both us and you in Christ. He anointed us,
Ngayon ang Diyos na nagpatibay sa amin at sa inyo kay Cristo, at kaniya tayong sinugo.
22 placed His seal on us, and put His Spirit in our hearts as a pledge of what is to come.
Nilagay niya ang kaniyang tatak sa atin at ibinigay ang Espiritu sa ating mga puso bilang katiyakan sa kung ano ang ibibigay niya sa atin pagkatapos.
23 I call God as my witness that it was in order to spare you that I did not return to Corinth.
Sa halip, tumawag ako sa Diyos upang maging saksi para sa akin na ang dahilan ng hindi ko pagpunta sa Corinto ay upang matulungan ko kayo.
24 Not that we lord it over your faith, but we are fellow workers with you for your joy, because it is by faith that you stand firm.
Ito ay hindi dahil sa sinusubukan namin kayong pangunahan kung ano ang dapat sa inyong paniniwala. Sa halip, kami ay gumagawa kasama ninyo para sa inyong kagalakan, habang kayo ay naninindigan sa inyong pananampalataya.

< 2 Corinthians 1 >