< 1 Samuel 4 >
1 Thus the word of Samuel came to all Israel. Now the Israelites went out to meet the Philistines in battle and camped at Ebenezer, while the Philistines camped at Aphek.
At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel, Ngayo'y lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang makipagbaka, at humantong sa Ebenezer: at ang mga Filisteo ay humantong sa Aphec.
2 The Philistines arrayed themselves against Israel, and as the battle spread, Israel was defeated by the Philistines, who struck down about four thousand men on the battlefield.
At ang mga Filisteo ay humanay laban sa Israel: at nang sila'y magsagupa, ang Israel ay nasaktan sa harap ng mga Filisteo; at kanilang pinatay sa hukbo sa parang, ay may apat na libong lalake.
3 When the troops returned to the camp, the elders of Israel asked, “Why has the LORD brought defeat on us before the Philistines today? Let us bring the ark of the covenant of the LORD from Shiloh, so that it may go with us to save us from the hand of our enemies.”
At nang ang bayan ay dumating sa kampamento, ay sinabi ng mga matanda sa Israel, Bakit sinaktan tayo ngayon ng Panginoon sa harap ng mga Filisteo? Ating dalhin sa atin ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa Silo, upang mapasa gitna natin yaon, at iligtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway.
4 So the people sent men to Shiloh, and they brought back the ark of the covenant of the LORD of Hosts, who sits enthroned between the cherubim. And the two sons of Eli, Hophni and Phinehas, were there with the ark of the covenant of God.
Sa gayo'y nagsugo ang bayan sa Silo, at kanilang dinala mula roon ang kaban ng tipan ng Panginoon ng mga hukbo, na nauupo sa gitna ng mga querubin: at ang dalawang anak ni Eli, si Ophni at si Phinees, ay nandoon na binabantayan ang kaban ng tipan ng Dios.
5 When the ark of the covenant of the LORD entered the camp, all the Israelites raised such a great shout that it shook the ground.
At nang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay pumasok sa kampamento, ang buong Israel ay humiyaw ng malakas na hiyaw, na ano pa't naghinugong sa lupa.
6 On hearing the noise of the shout, the Philistines asked, “What is this loud shouting in the camp of the Hebrews?” And when they realized that the ark of the LORD had entered the camp,
At nang marinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyaw, ay nagsipagsabi, Ano ang kahulugan ng ingay nitong malakas na hiyaw sa kampamento ng mga Hebreo? At kanilang natalastas na ang kaban ng Panginoon ay ipinasok sa kampamento.
7 the Philistines were afraid. “The gods have entered their camp!” they said. “Woe to us, for nothing like this has happened before.
At ang mga Filisteo ay nangatakot, sapagka't kanilang sinabi, Ang Dios ay pumasok sa kampamento. At kanilang sinabi, Sa aba natin! sapagka't hindi pa nagkakaroon ng ganyang bagay kailan man.
8 Woe to us! Who will deliver us from the hand of these mighty gods? These are the gods who struck the Egyptians with all kinds of plagues in the wilderness.
Sa aba natin! sino ang magliligtas sa atin sa kamay ng makapangyarihang mga dios na ito? ito ang mga dios na nanakit sa mga taga-Egipto ng sarisaring salot sa ilang.
9 Take courage and be men, O Philistines! Otherwise, you will serve the Hebrews just as they served you. Now be men and fight!”
Kayo'y magpakalakas at magpakalalake, Oh kayong mga Filisteo, upang kayo'y huwag maging mga alipin ng mga Hebreo, na gaya ng naging lagay nila sa inyo: kayo'y magpakalalake, at magsilaban.
10 So the Philistines fought, and Israel was defeated, and each man fled to his tent. The slaughter was very great—thirty thousand foot soldiers of Israel fell.
At ang mga Filisteo ay nagsilaban, at ang Israel ay nasaktan, at tumakas ang bawa't isa sa kanila sa kaniyang tolda: at nagkaroon ng malaking patayan; sapagka't nabuwal sa Israel ay tatlong pung libong lalaking lakad.
11 The ark of God was captured, and Eli’s two sons, Hophni and Phinehas, died.
At ang kaban ng Dios ay kinuha; at ang dalawang anak ni Eli, si Ophni at Phinees ay pinatay.
12 That same day a Benjamite ran from the battle line all the way to Shiloh, with his clothes torn and dirt on his head.
At tumakbo ang isang lalake ng Benjamin na mula sa hukbo, at naparoon sa Silo nang araw ding yaon, na may barong hapak at may lupa sa kaniyang ulo.
13 When he arrived, there was Eli, sitting on his chair beside the road and watching, because his heart trembled for the ark of God. When the man entered the city to give a report, the whole city cried out.
At nang siya'y dumating, narito, si Eli ay nakaupo sa kaniyang upuan sa tabi ng daan na nagbabantay; sapagka't ang kaniyang puso'y nanginginig dahil sa kaban ng Dios. At nang ang tao ay pumasok sa bayan, at saysayin ang mga balita, ang buong bayan ay humiyaw.
14 Eli heard the outcry and asked, “Why this commotion?” So the man hurried over and reported to Eli.
At nang marinig ni Eli ang ingay ng hiyawan, ay kaniyang sinabi, Ano ang kahulugan ng kaingay ng gulong ito? At ang tao'y nagmadali, at naparoon, at isinaysay kay Eli.
15 Now Eli was ninety-eight years old, and his gaze was fixed because he could not see.
Si Eli nga'y may siyam na pu't walong taon na; at ang kaniyang mga mata'y malalabo na, siya'y di na makakita.
16 “I have just come from the battle,” the man said to Eli. “I fled from there today.” “What happened, my son?” Eli asked.
At sinabi ng lalake kay Eli, Ako yaong nanggaling sa hukbo, at ako'y tumakas ngayon mula sa hukbo. At kaniyang sinabi, Paano ang nangyari, anak ko?
17 The messenger answered, “Israel has fled before the Philistines, and there has been a great slaughter among the people. Your two sons, Hophni and Phinehas, are both dead, and the ark of God has been captured.”
At siya na nagdala ng mga balita ay sumagot at nagsabi, Ang Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo, at nagkaroon din naman doon ng isang malaking patayan sa gitna ng bayan, at pati ng iyong dalawang anak, si Ophni at si Phinees ay patay na, at ang kaban ng Dios ay kinuha.
18 As soon as the ark of God was mentioned, Eli fell backward from his chair by the city gate, and being old and heavy, he broke his neck and died. And Eli had judged Israel forty years.
At nangyari, nang kaniyang banggitin ang kaban ng Dios, na siya'y nabuwal sa likuran sa kaniyang upuan sa dako ng pintuang-bayan; at nabalian siya sa leeg, at siya'y namatay: sapagka't siya'y lalaking matanda at mabigat. At hinatulan niya ang Israel na apat na pung taon.
19 Now Eli’s daughter-in-law, the wife of Phinehas, was pregnant and about to give birth. When she heard the news of the capture of God’s ark and the deaths of her father-in-law and her husband, she collapsed and gave birth, for her labor pains overtook her.
At ang kaniyang manugang, na asawa ni Phinees, ay buntis na kagampan: at pagkarinig niya ng balita na ang kaban ng Dios ay kinuha, at ang kaniyang biyanan at kaniyang asawa ay patay na, ay yumukod siya at napanganak; sapagka't ang kaniyang pagdaramdam ay dumating sa kaniya.
20 As she was dying, the women attending to her said, “Do not be afraid, for you have given birth to a son!” But she did not respond or pay any heed.
At nang mamatay na siya, ay sinabi sa kaniya ng mga babaing nakatayo sa siping niya, Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay nanganak ng isang lalake. Nguni't hindi siya sumagot, o inalumana man niya.
21 And she named the boy Ichabod, saying, “The glory has departed from Israel,” because the ark of God had been captured and her father-in-law and her husband had been killed.
At ipinangalan niya sa bata ay Ichabod, na sinasabi, Ang kaluwalhatian ay nahiwalay sa Israel; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha, at dahil sa kaniyang biyanan at sa kaniyang asawa.
22 “The glory has departed from Israel,” she said, “for the ark of God has been captured.”
At kaniyang sinabi, Ang kaluwalhatian ng Dios ay nahiwalay sa Israel; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha.