< Matthew 5 >
1 And seeing the multitudes, he went up into the mountain; and when he had sat down, his disciples came to him;
Noong nakita ni Jesus ang maraming tao, umakyat siya sa bundok. Nang makaupo na siya, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya.
2 and he opened his mouth and taught them, saying:
Nagsalita siya at tinuruan sila na sinasabi,
3 Blessed are the poor in spirit; for theirs is the kingdom of heaven.
“Pinagpala ang mahihirap sa espiritu, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
4 Blessed are they that mourn; for they shall be comforted.
Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.
5 Blessed are the meek; for they shall inherit the earth.
Pinagpala ang mga maamo, sapagkat mamanahin nila ang mundo.
6 Blessed are they that hunger and thirst for righteousness; for they shall be filled.
Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin.
7 Blessed are the merciful; for they shall receive mercy.
Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan.
8 Blessed are the pure in heart; for they shall see God.
Pinagpala ang may pusong dalisay, sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 Blessed are the peacemakers; for they shall be called sons of God.
Pinagpala ang mga mapagpayapa, sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.
10 Blessed are they that are persecuted on account of righteousness; for theirs is the kingdom of heaven.
Pinagpala ang mga inuusig alang-alang sa katuwiran, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
11 Blessed are you, when they shall reproach you, and persecute you, and say every evil thing against you, falsely, on my account.
Pinagpala kayo kung inaalipusta kayo at inuusig ng mga tao o pagsalitaan ng lahat ng uri ng mga masasamang bagay na pawang mga kasinungalingan ng dahil sa akin.
12 Rejoice, and leap for joy; for great is your reward in heaven: for so did they persecute the prophets who were before you.
Magsaya kayo at labis na magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Sapagkat sa ganitong paraan inusig ng mga tao ang mga propetang nabuhay noon bago pa kayo.
13 You are the salt of the earth: but if the salt has become tasteless, by what means shall it become salt again? It is then good for nothing but to be thrown out and trod upon by men.
Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano muling maibabalik ang alat nito? Wala na itong pakinabang pa kundi itapon at tapak-tapakan ng mga tao.
14 You are the light of the world: a city that lies upon a mountain can not be hid:
Kayo ang ilaw ng mundo. Ang lungsod na nakatayo sa isang burol ay hindi maitatago.
15 neither do men light a lamp and place it under the measure, but on the lamp-stand, and it gives light to all that are in the house.
Ni hindi nagsisindi ang mga tao ng lampara at ilagay sa loob ng basket, bagkus sa isang patungan ng ilawan, at magliliwanag ito sa lahat ng nasa bahay.
16 In this way let your light shine before men, that they may see your good works, and glorify your Father who is in heaven.
Hayaan ninyong magliwanag ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao sa paraang makikita nila ang inyong mga mabubuting gawa at papurihin ang inyong Amang nasa langit.
17 Think not that I have come to make the law or the prophets of no effect. I have not come to make them of no effect, but to give them their full efficiency.
Huwag ninyong isipin na pumarito ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta. Naparito ako hindi upang sirain ang mga ito kundi upang ito ay tuparin.
18 For verily I say to you, Till heaven and earth pass away, one yod or one point shall in no way pass from the law till all be fulfilled.
Sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hanggang hindi lilipas ang langit at lupa, wala ni isang tuldok o kudlit man ang mawawala sa kautusan, hanggang sa ang lahat ng mga bagay ay maganap.
19 Whoever, therefore, shall make void one of the least of these commandments, and shall teach men so, shall be called least in the kingdom of heaven. But whoever shall do and teach, he shall be called great in the kingdom of heaven.
Kung gayon, sinuman ang lalabag ng kahit isa sa kaliit-liitan sa mga kautusang ito at nagtuturo sa iba na gawin ang paglabag nito ay tatawaging pinakahamak sa kaharian ng langit. Ngunit ang sinumang tumupad sa mga ito at itinuturo sa iba na tupariin ito ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
20 For I say to you, That, unless your righteousness excel that of the scribes and Pharisees, you can by no means enter into the kingdom of heaven.
Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hangga't hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.
21 You have heard that it was said to the ancients: You shall not kill; and whoever shall kill, shall be liable to the sentence of the judges.
Inyong narinig na sinabi sa kanila noong mga unang panahon, 'Huwag kang pumatay,' at 'Sinumang papatay ay manganganib sa paghuhukom.'
22 But I say to you, Whoever is angry with his brother without a cause, shall be liable to the sentence of the judges. And whoever shall say to his brother, Worthless fellow, shall be liable to the sentence of the Sanhedrin. But who ever shall say, Impious wretch, shall be in danger of hell-fire. (Geenna )
Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang magalit sa kaniyang kapatid ay manganganib sa paghuhukom. At kung sinuman ang magsabi sa kaniyang kapatid na, 'Wala kang kuwentang tao!' ay manganganib sa konseho. At sinumang magsabi ng, 'Hangal ka!' ay manganganib sa apoy ng impiyerno. (Geenna )
23 If, therefore, you bring your gift to the altar, and there remember that your brother has any thing against you,
Kaya kung ikaw ay naghahandog ng iyong kaloob sa altar at maalala mo doon ang iyong kapatid na may anumang bagay laban sa iyo,
24 leave your gift there before the altar, and go, first be reconciled to your brother, and then come and offer your gift.
iwan mo doon ang iyong kaloob sa harap ng altar at humayo ka. Makipag-ayos ka muna sa iyong kapatid, pagkatapos ay pumunta ka at ihandog mo ang iyong kaloob.
25 Come to an agreement with your opponent at law quickly, while you are on the road with him, lest your opponent at law deliver you to the judge, and the judge deliver you to the officer, and you be thrown into prison.
Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo habang siya ay kasama mo pa sa daan patungo sa hukuman, o ipapasakamay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom at ipapasakamay ka ng hukom sa pinuno at ikaw ay ipapatapon sa bilangguan.
26 Verily, I say to you, You shall by no means come out thence, till you have paid the last farthing.
Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ka kailanman makalalabas doon hanggang mapagbayaran mo ang kahuli-hulihang salapi na iyong inutang.
27 You have heard that it was said: You shall not commit adultery.
Narinig ninyo na sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.'
28 But I say to you, Whoever looks upon a woman to cherish desire for her, has already committed adultery with her in his heart.
Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang tumingin sa isang babae upang siya ay pagnasaan ay nangalunya sa babaing iyon sa kaniyang puso.
29 If, then, your right eye ensnare you, tear it out, and throw it from you; for it is profitable for you that one of your members should perish, and not that your whole body should be thrown into hell. (Geenna )
At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno. (Geenna )
30 And if your right hand ensnare you, cut it off, and throw it from you; for it is profitable for you that one of your members should perish, and not that your whole body should be thrown into hell. (Geenna )
At kung ang iyong kanang kamay ang sanhi ng iyong pagkadapa, putulin mo ito at itapon sa malayo. Sapagkat mas mabuti na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ay mapunta sa impiyerno. (Geenna )
31 It has been said: Whoever will put away his wife, let him give her a bill of divorce.
At sinabi din, 'Kung sinuman ang magpalayas sa kaniyang asawang babae, dapat niya itong bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.'
32 But I say to you, Whoever shall put away his wife, unless on account of lewdness, causes her to commit adultery: and whoever marries her that is divorced, commits adultery.
Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae maliban lamang kung sa sekswal na imoralidad ang dahilan nito ay nagiging sanhi ng pangangalunya ng kaniyang asawa. At kung sinumang magpakasal sa kaniya pagkatapos siyang hiwalayan ay nangangalunya rin.
33 Again, you have heard that it was said to the ancients: You shall not swear falsely, but shall pay to the Lord your vows.
Narinig ninyo rin na sinabi nang mga tao noong unang panahon, 'Huwag kang manunumpa ng kasinungalingan ngunit tuparin mo ang iyong mga sumpa sa Panginoon.'
34 But I say to you, Swear not at all: neither by heaven, for it is the throne of God;
Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na lamang kayong manumpa, huwag sa langit dahil ito ang trono ng Diyos,
35 nor by the earth, for it is his footstool; nor by Jerusalem, for it is the city of the great King:
huwag sa lupa dahil ito ang tapakan ng kaniyang mga paa, huwag din sa Jerusalem dahil ito ang lungsod ng dakilang Hari.
36 neither shall you swear by your head, for you can not make one hair white or black.
Huwag ka ring manumpa sa pamamagitan ng iyong ulo sapagkat ni isa mang buhok ay hindi mo kayang gawing puti o itim.
37 But let your word be, Yes, yes; No, no; for whatever is more than these is of the Evil One.
Ngunit hayaan mo ang iyong salita ay maging, 'Oo, kung oo' o 'Hindi, kung hindi.' Anuman ang lalabis pa sa mga ito ay galing sa kaniya na masama.
38 You have heard that it was said: An eye for an eye, and a tooth for a tooth.
Narinig ninyo itong sinabi, 'Mata para sa mata at ngipin para sa ngipin.'
39 But I say to you, Resist not the injurious. But whoever will smite you on your right cheek, turn to him the other also.
Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong labanan ang taong masama, sa halip, sinumang sumampal sa iyong kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila.
40 And to him that will go to law with you, and take away your coat, give your mantle also.
At kung hiniling ng sinuman na magpunta sa hukuman kasama ka at kunin ang iyong tuniko, hayaan mo rin na mapasakaniya ang iyong balabal.
41 And whoever will compel you to go one mile, go with him two.
At sinumang pumilit sa iyo na maglakad ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya kasama niya.
42 Give to him that asks of you; and from him that would borrow of you, turn not away.
Ibigay mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo.
43 You have heard that it was said: You shall love your neighbor, and hate your enemy.
Inyong narinig na sinabing, 'Mahalin ninyo ang inyong kapwa at kamuhian ang inyong kaaway.'
44 But I say to you, Love your enemies: bless those who curse you, do good to those who hate you, and pray for those who insult you and persecute you:
Ngunit sinasabi ko sa inyo, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo,
45 that you may be the sons of your Father who is in heaven; for he makes his sun to rise upon the evil and the good, and causes it to rain on the just and on the unjust.
upang magiging mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at mabuti at kaniyang ipinadadala ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.
46 For if you love those who love you, what reward have you? Do not even the publicans the same?
Sapagkat kung mamahalin ninyo lamang ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang inyong makakamit? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?
47 And if you salute your brethren only, in what do you excel? Do not even the publicans so?
At kung ang mga kapatid ninyo lamang ang inyong babatiin, ano ang ginawa ninyo na higit sa iba? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga Gentil?
48 Be you therefore perfect, as your Father who is in heaven is perfect.
Kaya dapat kayong maging ganap sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay ganap.