< Joshua 12 >

1 Now these are the kings of the land, whom the children of Israel smote, and possessed their land beyond the Jordan toward the sunrising, from the valley of the Arnon unto mount Hermon, and all the Arabah eastward:
Ngayon ito ang mga hari ng lupain, na siyang lumupig ng kalalakihan ng Israel. Inangkin ng mga Israelita ang lupa sa silangang bahagi ng Jordan kung saan sumisikat ang araw, mula sa lambak ng Ilog Arnon patungo sa Bundok Hermon, at lahat ng Araba sa silangan.
2 Sihon king of the Amorites, who dwelt in Heshbon, and ruled from Aroer, which is on the edge of the valley of the Arnon, and [the city that is in] the middle of the valley, and half Gilead, even unto the river Jabbok, the border of the children of Ammon;
Si Sihon ay hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon. Namuno siya mula sa Aroer, kung saan nasa gilid ng bangin ng Arnon mula sa gitna ng lambak, at kalahati ng Galaad pababa sa Ilog Jabbok sa hangganan ng mga Ammonita.
3 and the Arabah unto the sea of Chinneroth, eastward, and unto the sea of the Arabah, even the Salt Sea, eastward, the way to Beth-jeshimoth; and on the south, under the slopes of Pisgah:
Pinamunuan din ni Sihon ang Araba patungo sa Dagat ng Cinneret, sa silangan, patungo sa Dagat ng Araba (ang Dagat ng Asin) patungong silangan, hanggang sa Beth Jesimot at patungong timog, patungo sa paanan ng mga libis ng Bundok Pisga.
4 and the border of Og king of Bashan, of the remnant of the Rephaim, who dwelt at Ashtaroth and at Edrei,
Si Og, hari ng Bashan, isa sa natira ng Rephaim, na nanirahan sa Astarot at Edrei.
5 and ruled in mount Hermon, and in Salecah, and in all Bashan, unto the border of the Geshurites and the Maacathites, and half Gilead, the border of Sihon king of Heshbon.
Namuno siya sa Bundok Hermon, Saleca, at lahat ng Bashan, patungo sa hangganan ng bayan ng Gesur at mga Maacateo, at kalahati ng Galaad, patungo sa hangganan ni Sihon, hari ng Hesbon.
6 Moses the servant of Jehovah and the children of Israel smote them: and Moses the servant of Jehovah gave it for a possession unto the Reubenites, and the Gadites, and the half-tribe of Manasseh.
Tinalo sila ni Moises na lingkod ni Yahweh, at ng bayan ng Israel, at ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang lupain bilang pag-aari sa mga Rubenita, ng mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
7 And these are the kings of the land whom Joshua and the children of Israel smote beyond the Jordan westward, from Baal-gad in the valley of Lebanon even unto mount Halak, that goeth up to Seir (and Joshua gave it unto the tribes of Israel for a possession according to their divisions;
Ito ang mga hari ng lupain na siyang tinalo ni Josue at ng bayan ng Israel sa kanlurang bahagi ng Jordan, mula sa Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon patungo sa Bundok Halak malapit sa Edom. Ibinigay ni Josue ang lupain sa mga lipi ng Israel para sa kanila para angkinin.
8 in the hill-country, and in the lowland, and in the Arabah, and in the slopes, and in the wilderness, and in the South; the Hittite, the Amorite, and the Canaanite, the Perizzite, the Hivite, and the Jebusite):
Ibinigay niya ang maburol na bansa, ang mga mababang lupain, ang Araba, ang mga gilid ng mga bundok, ang ilang, at ang Negeb—ang lupain ng mga Heteo, mga Amoreo, mga Cananaeo, mga Perezeo, mga Hivita, at mga Jebuseo.
9 the king of Jericho, one; the king of Ai, which is beside Beth-el, one;
Ang mga hari kabilang ang hari ng Jerico, ang hari ng Ai na nasa tabi ng Bethel,
10 the king of Jerusalem, one; the king of Hebron, one;
ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Enaim,
11 the king of Jarmuth, one; the king of Lachish, one;
ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lachish,
12 the king of Eglon, one; the king of Gezer, one;
ang hari ng Eglon, ang hari ng Gezer,
13 the king of Debir, one; the king of Geder, one;
ang hari ng Debir, ang hari ng Geder,
14 the king of Hormah, one; the king of Arad, one;
ang hari ng Horma, ang hari ng Arad,
15 the king of Libnah, one; the king of Adullam, one;
ang hari ng Libna, ang hari ng Adulam,
16 the king of Makkedah, one; the king of Beth-el, one;
ang hari ng Maceda, ang hari ng Bethel,
17 the king of Tappuah, one; the king of Hepher, one;
ang hari ng Tappua, ang hari ng Hepher,
18 the king of Aphek, one; the king of Lassharon, one;
ang hari ng Apek, ang hari ng Lasaron,
19 the king of Madon, one; the king of Hazor, one;
ang hari ng Madon, ang hari ng Hasor,
20 the king of Shimron-meron, one; the king of Achshaph, one;
ang hari ng Simron-Meron, ang hari ng Acsap,
21 the king of Taanach, one; the king of Megiddo, one;
ang hari ng Taanac, ang hari ng Megiddo,
22 the king of Kedesh, one; the king of Jokneam in Carmel, one;
ang hari ng Kedes, ang hari ng Jocneam sa Carmel,
23 the king of Dor in the height of Dor, one; the king of Goiim in Gilgal, one;
ang hari ng Dor sa Napat Dor, ang hari ng Goyim sa Gilgal,
24 the king of Tirzah, one: all the kings thirty and one.
at ang hari ng Tirsa. Ang kabuuang bilang ng mga hari ay tatlumpu't isa.

< Joshua 12 >