< 1 Corinthians 1 >
1 Paul, called [to be] an apostle of Jesus Christ through the will of God, and Sosthenes our brother,
Mula kay Pablo, na tinawag upang maging isang apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at kay Sostenes na ating kapatid,
2 unto the church of God which is at Corinth, [even] them that are sanctified in Christ Jesus, called [to be] saints, with all that call upon the name of our Lord Jesus Christ in every place, their [Lord] and ours:
sa iglesia ng Diyos sa Corinto, na mga naihandog kay Cristo Jesus, silang tinawag na maging mga taong banal. Sumusulat din kami sa lahat nang dako sa mga tumatawag sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang kanilang Panginoon at sa atin.
3 Grace to you and peace from God our Father and the Lord Jesus Christ.
Nawa ay sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
4 I thank my God always concerning you, for the grace of God which was given you in Christ Jesus;
Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos sa inyo, dahil sa biyaya ng Diyos na ibinigay ng Panginoong Cristo Jesus sa inyo.
5 that in everything ye were enriched in him, in all utterance and all knowledge;
Ginawa niya kayong mayaman sa lahat ng paraan, sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman.
6 even as the testimony of Christ was confirmed in you:
Ginawa niya kayong mayaman, gaya ng patotoo tungkol kay Cristo na napatunayang totoo nga sa inyo.
7 so that ye come behind in no gift; waiting for the revelation of our Lord Jesus Christ;
Samakatuwid kayo nga ay hindi nagkukulang sa kaloob ng Espiritu, habang sabik kayong naghihintay sa kapahayagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
8 who shall also confirm you unto the end, [that ye be] unreproveable in the day of our Lord Jesus Christ.
Kayo din ay kaniyang palalakasin hanggang sa huli, upang kayo ay walang bahid sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
9 God is faithful, through whom ye were called into the fellowship of his Son Jesus Christ our Lord.
Tapat ang Diyos na siyang tumawag sa inyo sa pakikipagtipon sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.
10 Now I beseech you, brethren, through the name of our Lord Jesus Christ, that ye all speak the same thing, and [that] there be no divisions among you; but [that] ye be perfected together in the same mind and in the same judgment.
Ngayon, hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkakasundo kayong lahat, at walang pagkakahati-hati sa inyo. Pinapakiusap ko sa inyo na kayo ay magkaisa sa kaisipan at maging sa layunin.
11 For it hath been signified unto me concerning you, my brethren, by them [that are of the household] of Chloe, that there are contentions among you.
Sapagkat ibinalita sa akin ng mga tauhan ni Cloe na may namumuong mga alitan sa inyo.
12 Now this I mean, that each one of you saith, I am of Paul; and I of Apollos; and I of Cephas; and I of Christ.
Ang ibig kong sabihin: Ang bawat isa sa inyo ay nagsasabi, “Kay Pablo ako,” o “Kay Apolos ako,” o “Kay Cefas ako,” o “Kay Cristo ako.”
13 Is Christ divided? was Paul crucified for you? or were ye baptized into the name of Paul?
Si Cristo ba ay nahahati? Si Pablo ba ay napako para sa inyo? Kayo ba ay binautismuhan sa pangalan ni Pablo?
14 I thank God that I baptized none of you, save Crispus and Gaius;
Ako ay nagpapasalamat sa Diyos na wala akong binautismuhan sa inyo, maliban kay Crispo at Gayo.
15 lest any man should say that ye were baptized into my name.
Ito ay upang walang isa man sa inyo na magsasabing binautismuhan ko kayo sa aking pangalan.
16 And I baptized also the household of Stephanas: besides, I know not whether I baptized any other.
(Binautismuhan ko din ang sambahayan ni Stefanas. Sa kabila nito, hindi ko na alam kung may nabautismuhan pa akong iba.)
17 For Christ sent me not to baptize, but to preach the gospel: not in wisdom of words, lest the cross of Christ should be made void.
Sapagkat hindi ako isinugo ni Cristo upang magbautismo kundi mangaral ng ebanghelyo. Hindi niya ako isinugo upang mangaral sa salita na may karunungan ng tao, upang ang krus ni Cristo ay hindi mawawalan ng kapangyarihan.
18 For the word of the cross is to them that perish foolishness; but unto us who are saved it is the power of God.
Sapagkat ang mensahe tungkol sa krus ay kamangmangan sa mga mamamatay. Ngunit para sa mga inililigtas ng Diyos, ito ay ang kapangyarihan ng Diyos.
19 For it is written, I will destroy the wisdom of the wise, And the discernment of the discerning will I bring to nought.
Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong. Bibiguin ko ang pang-unawa ng mga matatalino.”
20 Where is the wise? where is the scribe? where is the disputer of this world? hath not God made foolish the wisdom of the world? (aiōn )
Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang dalubhasa? Nasaan ang debatista ng mundong ito? Hindi ba't pinalitan ng Diyos ang karunungan ng mundong ito ng kamangmangan? (aiōn )
21 For seeing that in the wisdom of God the world through its wisdom knew not God, it was God’s good pleasure through the foolishness of the preaching to save them that believe.
Dahil ang mundo sa sarili nitong karunungan ay hindi kinilala ang Diyos, nalugod ang Diyos sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral na iligtas ang sinumang sumasampalataya.
22 Seeing that Jews ask for signs, and Greeks seek after wisdom:
Sapagkat humihiling ang mga Judio ng mga tanda ng himala at naghahangad ng karunungan ang mga Griyego.
23 but we preach Christ crucified, unto Jews a stumblingblock, and unto Gentiles foolishness;
Ngunit ipinapangaral namin si Cristo na napako, isang ikinatitisod ng mga Judio at kamangmangan sa mga Griyego.
24 but unto them that are called, both Jews and Greeks, Christ the power of God, and the wisdom of God.
Ngunit sa lahat ng mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griyego, ipinapangaral namin na si Cristo ang kapangyarihan at ang karunungan ng Diyos.
25 Because the foolishness of God is wiser than men; and the weakness of God is stronger than men.
Sapagkat ang kamangmangan ng Diyos ay mas higit sa karunungan ng tao, at ang kahinaan ng Diyos ay higit sa kalakasan ng tao.
26 For behold your calling, brethren, that not many wise after the flesh, not many mighty, not many noble, [are called]:
Tumingin kayo sa pagkatawag ng Diyos sa inyo, mga kapatid. Iilan lamang ang marurunong sa inyo sa pamamagitan ng pamantayan ng tao. Iilan lamang ang makapangyarihan sa inyo. Iilan lamang ang may maharlikang kapanganakan sa inyo.
27 but God chose the foolish things of the world, that he might put to shame them that are wise; and God chose the weak things of the world, that he might put to shame the things that are strong;
Ngunit pinili ng Diyos ang mga bagay na mangmang sa mundo upang hiyain ang mga marurunong. Pinili ng Diyos kung anong mahihina sa mundo upang hiyain ang malakas.
28 and the base things of the world, and the things that are despised, did God choose, [yea] and the things that are not, that he might bring to nought the things that are:
Pinili ng Diyos kung ano ang mabababa at hinamak sa mundo. Pinili nga niya ang mga bagay na itinuring na walang kabuluhan, upang mawalang kabuluhan ang mga bagay na pinanghahawakang mahalaga.
29 that no flesh should glory before God.
Ginawa niya ito upang walang sinuman ang may dahilan upang magyabang sa harapan niya.
30 But of him are ye in Christ Jesus, who was made unto us wisdom from God, and righteousness and sanctification, and redemption:
Dahil sa ginawa ng Diyos, kayo ngayon ay na kay Cristo Jesus na naging karunungan natin na mula sa Diyos. Siya ang ating naging katuwiran, kabanalan, at katubusan.
31 that, according as it is written, He that glorieth, let him glory in the Lord.
Kaya nga, gaya ng sinabi ng kasulatan, “Kung ang isa man ay magmamalaki, ipagmalaki niya ang Panginoon,”