< Deuteronomy 9 >
1 Hear, Israel! You are to pass over the Jordan today, to go in to dispossess nations greater and mightier than yourself, cities great and fortified up to the sky,
Makinig, Israel; malapit na kayong tumawid sa Jordan sa araw na ito, pasukin para agawin ang mga bansang higit na malaki at higit na malakas kaysa sa inyong sarili, at mga lungsod na pinatibay pataas hanggang sa langit,
2 a people great and tall, the sons of the Anakim, whom you know, and of whom you have heard say, “Who can stand before the sons of Anak?”
isang malalakas na mga tao at matatangkad, ang mga anak na lalaki ng Anakim, na kilala ninyo, at siyang narinig ninyong sinabi ng mga tao, 'Sino ang makakapanindigan sa harapan ng mga anak na lalaki ni Anak?'
3 Know therefore today that the LORD your God is he who goes over before you as a devouring fire. He will destroy them and he will bring them down before you. So you shall drive them out and make them perish quickly, as the LORD has spoken to you.
Kaya alamin sa araw na ito, na si Yahweh na inyong Diyos ang siyang mangunguna sa harapan ninyo katulad ng isang lumalamong apoy; wawasakin niya sila, at sila ay ibabagsak niya sa inyong harapan; para palayasin ninyo sila palabas at agad silang mamatay, gaya ng sinabi ni Yahweh sa inyo.
4 Do not say in your heart, after the LORD your God has thrust them out from before you, “For my righteousness the LORD has brought me in to possess this land;” because the LORD drives them out before you because of the wickedness of these nations.
Huwag sabihin sa inyong puso, matapos silang itulak palabas ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyong harapan, 'dahil ako ay matuwid kaya dinala ako ni Yahweh para angkinin ang lupang ito,' dahil ito sa kasamaan nitong mga bansa kaya't pinaaalis sila ni Yahweh palabas mula sa harapan ninyo.
5 Not for your righteousness or for the uprightness of your heart do you go in to possess their land; but for the wickedness of these nations the LORD your God does drive them out from before you, and that he may establish the word which the LORD swore to your fathers, to Abraham, to Isaac, and to Jacob.
Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob.
6 Know therefore that the LORD your God does not give you this good land to possess for your righteousness, for you are a stiff-necked people.
Kaya alamin ninyo, na hindi nagbigay si Yahweh na inyong Diyos sa inyo nitong masaganang lupain para angkinin dahil sa inyong pagkamatuwid, sapagkat kayo'y suwail na sangkatauhan.
7 Remember, and do not forget, how you provoked the LORD your God to wrath in the wilderness. From the day that you left the land of Egypt until you came to this place, you have been rebellious against the LORD.
Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.
8 Also in Horeb you provoked the LORD to wrath, and the LORD was angry with you to destroy you.
Pati sa Horeb ginalit ninyo si Yahweh, at nagalit si Yahweh sa inyo na sapat para lipulin kayo.
9 When I had gone up onto the mountain to receive the stone tablets, even the tablets of the covenant which the LORD made with you, then I stayed on the mountain forty days and forty nights. I neither ate bread nor drank water.
Nang umakyat ako sa bundok para tanggapin ang mga tipak na bato, ang mga tipak ng tipan na ginawa ni Yahweh kasama ninyo, nanatili ako sa bundok ng apatnapung araw at apatnapung gabi; ni hindi ako kumain ng tinapay o uminom ng tubig.
10 The LORD delivered to me the two stone tablets written with God’s finger. On them were all the words which the LORD spoke with you on the mountain out of the middle of the fire in the day of the assembly.
Ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na batong sinulatan gamit ang kaniyang daliri; nasusulat sa mga ito ang lahat ng bagay gaya ng lahat ng mga salitang ipinahayag ni Yahweh sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy noong araw ng pagtitipon.
11 It came to pass at the end of forty days and forty nights that the LORD gave me the two stone tablets, even the tablets of the covenant.
Nangyari ito sa matapos ang apatnapung araw at apatnapung gabing iyon ng ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na bato, ang mga tipak ng kautusan.
12 The LORD said to me, “Arise, get down quickly from here; for your people whom you have brought out of Egypt have corrupted themselves. They have quickly turned away from the way which I commanded them. They have made a molten image for themselves!”
Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tumayo ka, agad na bumaba mula rito, dahil dinungisan ng iyong mga tao na dinala mo palabas ng Ehipto ang kanilang mga sarili. Agad silang lumihis sa landas na aking iniutos sa kanila. Gumawa sila para sa kanilang sarili ng isang hinulmang hugis.'
13 Furthermore the LORD spoke to me, saying, “I have seen these people, and behold, they are a stiff-necked people.
Dagdag pa rito, nagsalita si Yahweh sa akin at sinabing, 'Nakita ko ang mga taong ito; mga taong matitigas ang ulo.
14 Leave me alone, that I may destroy them, and blot out their name from under the sky; and I will make of you a nation mightier and greater than they.”
Hayaan mo akong mag-isa, para mawasak ko sila at burahin ang kanilang pangalan mula sa silong ng langit, at gagawin kitang isang bansang higit na malakas at higit na dakila kaysa sa kanila'.
15 So I turned and came down from the mountain, and the mountain was burning with fire. The two tablets of the covenant were in my two hands.
Kaya tumalikod ako at bumaba sa bundok, at ang bundok ay nasusunog. Nasa aking mga kamay ang dalawang tipak ng tipan.
16 I looked, and behold, you had sinned against the LORD your God. You had made yourselves a molded calf. You had quickly turned away from the way which the LORD had commanded you.
Tumingin ako, at nakitang, nagkasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos. Naghulma kayo para sa inyong sarili ng isang guya. Lumihis kayo mula sa daang iniutos ni Yahweh sa inyo.
17 I took hold of the two tablets, and threw them out of my two hands, and broke them before your eyes.
Kinuha ko ang dalawang tipak at tinapon ang mga ito mula sa aking mga kamay. Binasag ko ang mga ito sa harapan ng inyong mga mata.
18 I fell down before the LORD, as at the first, forty days and forty nights. I neither ate bread nor drank water, because of all your sin which you sinned, in doing that which was evil in the LORD’s sight, to provoke him to anger.
Muli akong nagpatirapa sa harapan ni Yahweh ng apatnapung araw at apatnapung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig, dahil sa lahat kasalanang ginawa ninyo, sa paggawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, para galitin siya.
19 For I was afraid of the anger and hot displeasure with which the LORD was angry against you to destroy you. But the LORD listened to me that time also.
Dahil natakot ako sa galit at sa mainit na pagkayamot na kung saan galit si Yahweh laban sa inyo para wasakin kayo. Pero nakinig din si Yahweh sa akin ng oras na iyon.
20 The LORD was angry enough with Aaron to destroy him. I prayed for Aaron also at the same time.
Galit na galit si Yahweh kay Aaron para patayin siya; nanalangin din ako para kay Aaron ng oras na iyon.
21 I took your sin, the calf which you had made, and burned it with fire, and crushed it, grinding it very small, until it was as fine as dust. I threw its dust into the brook that descended out of the mountain.
Kinuha ko ang inyong kasalanan, ang guya na ginawa ninyo, at sinunog ito, hinampas ito, at dinurog ito nang napakaliit, hanggang sa naging pino ito tulad ng alikabok. Tinapon ko ang alikabok nito sa tubig na dumadaloy pababa mula sa bundok.
22 At Taberah, at Massah, and at Kibroth Hattaavah you provoked the LORD to wrath.
Sa Tabera, sa Massa, at sa Kibrot Hataava, ginalit ninyo si Yahweh ng matindi.
23 When the LORD sent you from Kadesh Barnea, saying, “Go up and possess the land which I have given you,” you rebelled against the commandment of the LORD your God, and you did not believe him or listen to his voice.
Nang ipinadala kayo ni Yahweh mula sa Kades Barnea at sinabing, 'Humayo at angkinin ang lupain na ibinigay ko sa inyo,' pagkatapos naghimagsik kayo laban sa utos ni Yahweh na inyong Diyos, at hindi kayo naniwala o nakinig sa kaniyang boses.
24 You have been rebellious against the LORD from the day that I knew you.
Naging suwail kayo laban kay Yahweh mula sa araw na nakilala ko kayo.
25 So I fell down before the LORD the forty days and forty nights that I fell down, because the LORD had said he would destroy you.
Kaya nagpatirapa ako sa harapan ni Yahweh ng apatnapung wawasakin niya kayo.
26 I prayed to the LORD, and said, “Lord GOD, do not destroy your people and your inheritance that you have redeemed through your greatness, that you have brought out of Egypt with a mighty hand.
Nagdasal ako kay Yahweh at sinabing, 'O Panginoong Yahweh, huwag mong wasakin ang iyong mga tao o ang iyong pamana na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong kadakilaan, na dinala mo palabas ng Ehipto gamit ang isang makapangyarihang kamay.
27 Remember your servants, Abraham, Isaac, and Jacob. Do not look at the stubbornness of this people, nor at their wickedness, nor at their sin,
Isipin ang inyong mga lingkod, na sina Abraham, Isaac, at Jacob; huwag tumingin sa katigasan ng ulo mga taong ito, ni sa kanilang kasamaan, ni sa kanilang kasalanan,
28 lest the land you brought us out from say, ‘Because the LORD was not able to bring them into the land which he promised to them, and because he hated them, he has brought them out to kill them in the wilderness.’
para ang lupain mula sa kung saan mo kami dinala ay dapat sabihing, “Dahil hindi sila dadalhin ni Yahweh sa lupang ipinangako niya sa kanila, at dahil kinasuklaman niya sila, dinala niya sila palabas para patayin sila sa ilang.”
29 Yet they are your people and your inheritance, which you brought out by your great power and by your outstretched arm.”
Gayun pa man sila ay iyong mga tao at iyong pamana, na dinala mo palabas sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong kapangyarihan.'