< Matthew 18 >
1 In that hour the disciples came to Jesus, saying, Who then is greater in the kingdom of the heavens?
Sa oras ding iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at sinabi, “Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?”
2 And having called in a child, Jesus set it in the midst of them.
Tinawag ni Jesus ang isang bata sa kaniya, at inilagay niya sa kanilang kalagitnaan,
3 And he said, Truly I say to you, if ye are not turned, and become as children, ye will, no, not enter into the kingdom of the heavens.
at sinabi, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, maliban na lamang kung kayo ay magsisi at maging katulad ng mga maliliit na bata, hindi talaga kayo makapapasok sa kaharian ng langit.
4 He therefore who will make himself lowly as this child, this man is the greater in the kingdom of the heavens.
Kaya kung sinuman ang nagpapakumbaba sa kaniyang sarili katulad ng maliit na batang ito, ang taong iyon ang pinakadakila sa kaharian ng langit.
5 And whoever will receive one such child in my name receives me.
At sinumang tumatanggap sa katulad ng maliit na batang ito alang-alang sa aking pangalan ay tinatanggap ako.
6 But whoever may cause one of these little ones who believe in me to stumble, it is advantageous for him that a donkey-powered millstone were hanged on his neck, and he were drowned in the depth of the sea.
Ngunit ang sinuman ang magiging sanhi ng pagkakasala ng isa sa mga maliliit na bata na sumampalataya sa akin, mas mabuti para sa kaniya na talian ang leeg ng malaking batong gilingan, at dapat siyang ilubog sa kailaliman ng dagat.
7 Woe to the world because of stumbling-blocks. For it is necessary that the stumbling-blocks come, yet woe to that man through whom the stumbling-block comes.
Sa aba sa sanlibutan dahil sa panahon ng pagkatisod! Sapagkat kinakailangang dumating ang mga panahong iyon, ngunit sa aba sa taong sanhi ng pinanggalingan nito!
8 And if thy hand or thy foot causes thee to stumble, cut them off and cast from thee. It is good for thee to enter into life crippled or maimed, than having two hands or two feet to be cast into the eternal fire. (aiōnios )
Kung ang iyong kamay o mga paa ay nagiging sanhi ng inyong pagkatisod, putulin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may kapansanan o lumpo, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang kamay o dalawang paa. (aiōnios )
9 And if thine eye causes thee to stumble, remove it and cast it from thee. It is good for thee to enter into life one-eyed, than having two eyes to be cast into the hell of fire. (Geenna )
Kung ang inyong mga mata ay maging dahilan ng inyong pagkatisod, dukutin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang mata. (Geenna )
10 See that ye not disparage one of these little ones, for I say to you, that in the heavens their agents do always behold the face of my Father in the heavens.
Tingnan ninyo na huwag ninyong hahamakin kahit na isa sa mga maliliit na bata. Sapagkat sasabihin ko sa inyo na sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nakatingin sa mukha ng aking Amang nasa langit. (
11 For the Son of man came to save that which was lost.
Sapagkat pumarito ang Anak ng Tao upang maligtas ang mga nawawala.)
12 What does it seem to you? If it happens a hundred sheep are with some man, and one of them went astray, after going (having left the ninety-nine on the mountains), does he not seek the one going astray?
Ano sa palagay ninyo? Kung may isang taong mayroong isandaang tupa, at ang isa ay naligaw, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa burol at maghahanap sa isang naliligaw?
13 And if he happens to find it, truly I say to you, that he rejoices over it more than over the ninety-nine that have not gone astray.
At kung matagpuan niya ito, totoo itong sinasabi ko sa inyo, ikagagalak niya ito higit sa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
14 So, it is not a purpose before your Father in the heavens, that one of these little ones should perish.
Sa gayon ding paraan, hindi ito ang kalooban ng inyong Ama na nasa langit na ang isa sa mga maliliit na batang ito ay mapahamak.
15 But if thy brother should sin against thee, go and reprove him between thee and him alone. If he should hear thee, thou have gained thy brother.
Kung ang iyong kapatid ay nagkasala laban sa iyo, pumuntahan mo, ipakita mo ang kaniyang pagkakamali na ikaw at siya lamang. Kung makikinig siya sa iyo, mapapanumbalik mo ang iyong kapatid.
16 But if he should not hear, take with thee one or two besides, so that at the mouth of two or three witnesses every word may be established.
Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, isama mo sa iyo ang isa o dalawa pang mga kapatid, upang sa pamamamagitan ng bibig ng dalawa o tatlong mga saksi ang bawat salita ay maaaring mapatunayan.
17 And if he is heedless of them, speak to the church. But if he is also heedless of the church, let him be to thee as the heathen and the tax collector.
At kung tumanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa iglesiya. Kung siya ay tumanggi na makinig sa iglesiya, ituring ninyo siyang gaya ng isang Gentil at maniningil ng buwis.
18 Truly I say to you, however many things ye may bind on the earth will be things that are bound in heaven, and however many things ye may loose on the earth will be things that that are loosed in heaven.
Totoo itong sinasabi ko sa inyo, anumang mga bagay ang igapos ninyo sa lupa ay igagapos din sa langit. At anumang mga bagay ang inyong kalagan sa lupa ay kakalagan din sa langit.
19 Again I say to you truly, that if two of you should agree on the earth concerning every matter, whatever they might ask, it will happen for them from my Father in the heavens.
Dagdag pa nito, sinasabi ko sa inyo, na kung ang dalawa sa inyo ay sumang-ayon sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling, mangyayari ito sa kanila sa pamamagitan ng aking Amang nasa langit.
20 For where two or three are gathered together in my name, there am I in the midst of them.
Sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ang nagkatipon dahil sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan.”
21 Then Peter having come to him, he said, Lord, how often will my brother sin against me, and I forgive him? Until seven times?
Pagkatapos, lumapit si Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ba na magkakasala ang aking kapatid laban sa akin at akin siyang patatawarin? Hanggang pitong beses?”
22 Jesus says to him, I say to thee, not until seven times, but until seventy times seven.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ko sasabihin sa inyo na pitong beses, kundi hanggang pitumpung ulit at pito.
23 Because of this the kingdom of the heavens is compared to a man, a king, who wanted to settle account with his bondmen.
Samakatuwid, ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa isang hari na nais makipagsulit sa kaniyang mga utusan.
24 And when he began to settle, one debtor of ten thousand talents was brought to him.
Habang inuumpisahan ang pagsusulit, isang utusan ang dinala sa kaniya na nagkautang ng sampung libong mga talento.
25 But of him not having to pay, his lord commanded him to be sold, and his wife and children, and all things, as many as he had, and payment to be made.
Ngunit dahil sa wala siyang kakayanan na magbayad, inutusan siya ng kaniyang amo na ipagbili, kasama ng kaniyang asawa at mga anak at lahat na mayroon siya, at nang makabayad.
26 The bondman therefore having fallen down, worshiped him, saying, Lord, be patient toward me and I will pay thee all.
Kaya lumuhod ang utusan, yumuko sa kaniyang harapan, at sinabi, 'Amo, pagtiisan mo ako, at babayaran ko ang lahat.'
27 And having felt compassion, the lord of that bondman released him, and forgave him the debt.
Kaya nahabag ang amo sa kaniyang utusan, pinakawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
28 But after going out, that bondman found one of his fellow bondmen who owed him a hundred denarii. And having grabbed him, he choked him, saying, Pay me if thou owe anything.
Ngunit lumabas ang utusan at nakita ang isa sa kaniyang kapwa utusan na nagkautang sa kaniya ng isang daang denario. Sinunggaban niya ito, sinakal at sinabi, 'Bayaran mo ako sa iyong inutang.'
29 So his fellow bondman having fallen down at his feet, besought him, saying, Be patience toward me, and I will pay thee.
Ngunit lumuhod ang kaniyang kapwa utusan at nakiusap sa kaniya na nagsasabi, “Pagtiisan mo ako, at babayaran rin kita.'
30 But he would not, instead, having left him, he cast him into prison until he would pay that which was owed.
Ngunit tumanggi ang naunang utusan. Sa halip, pumunta siya at itinapon siya sa kulungan, hanggang sa mabayaran niya ang kaniyang inutang.
31 And when his fellow bondmen saw the things that happened, they were extremely sorry. And after coming, they reported to their lord all the things that happened.
Nang makita ng kapwa mga utusan kung ano ang nangyari, labis silang nagdamdam. Pumunta sila sa kanilang amo at sinabi ang lahat ng nangyari.
32 Then his lord having summoned him, he says to him, Thou evil bondman, I forgave thee all that debt because thou besought me.
Pagkatapos nito, ipinatawag ng amo ang kaniyang utusan, at sinabi sa kaniya, 'Napakasama mong utusan, pinatawad kita sa lahat ng iyong inutang dahil ikaw ay nakiusap sa akin.
33 Was it not necessary for thee also to be merciful to thy fellow bondman, as I also was merciful to thee?
Hindi ba dapat naawa ka din sa iyong kapwa utusan, gaya ng pagkahabag ko sa iyo?
34 And having become angry, his lord delivered him to the tormentors until he would pay all that was due to him.
Nagalit ang kaniyang amo at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang mga inutang.
35 So also my heavenly Father will do to you, if ye do not forgive each man his brother, from your hearts, their trespasses.
Kaya ganoon din ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung ang bawat isa sa inyo ay hindi magpapatawad sa kaniyang kapatid na mula sa kaniyang puso.”