< Joshua 9 >

1 And it came to pass, when all the kings who were beyond the Jordan, in the hill-country, and in the lowland, and on all the shore of the great sea in front of Lebanon-the Hittite, and the Amorite, the Canaanite, the Perizzite, the Hivite, and the Jebusite-heard of it,
At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng malaking dagat sa tapat ng Libano, ng Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo;
2 that they gathered themselves together to fight with Joshua and with Israel with one accord.
Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel, na may pagkakaisa.
3 But when the inhabitants of Gibeon heard what Joshua had done to Jericho and to Ai,
Nguni't nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,
4 they also worked shrewdly, and went and made as if they had been ambassadors, and took old sacks upon their donkeys, and wine-skins, old and torn and bound up,
Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;
5 and old and patched shoes upon their feet, and old garments upon them, and all the bread of their provision was dry and became moldy.
At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.
6 And they went to Joshua to the camp at Gilgal, and said to him, and to the men of Israel, We have come from a far country, now therefore make ye a covenant with us.
At sila'y nagsiparoon kay Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.
7 And the men of Israel said to the Hivites, Perhaps ye dwell among us, and how shall we make a covenant with you?
At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo?
8 And they said to Joshua, We are thy servants. And Joshua said to them, Who are ye, and from where do ye come?
At kanilang sinabi kay Josue, Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo?
9 And they said to him, From a very far country. Thy servants have come because of the name of Jehovah thy God, for we have heard the fame of him, and all that he did in Egypt,
At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto,
10 and all that he did to the two kings of the Amorites who were beyond the Jordan, to Sihon king of Heshbon, and to Og king of Bashan, who was at Ashtaroth.
At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth.
11 And our elders and all the inhabitants of our country spoke to us, saying, Take provision in your hand for the journey, and go to meet them, and say to them, We are your servants, and now make ye a covenant with us.
At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.
12 This our bread we took hot for our provision out of our houses on the day we came forth to go to you, but now, behold, it is dry, and has become moldy.
Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag:
13 And these wine-skins, which we filled, were new, and, behold, they are torn. And these our garments and our shoes have become old by reason of the very long journey.
At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay.
14 And the men took of their provision, and did not ask counsel at the mouth of Jehovah.
At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon.
15 And Joshua made peace with them, and made a covenant with them to let them live, and the rulers of the congregation swore to them.
At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.
16 And it came to pass at the end of three days after they had made a covenant with them, that they heard that they were their neighbors, and that they dwelt among them.
At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila.
17 And the sons of Israel journeyed, and came to their cities on the third day. Now their cities were Gibeon, and Chephirah, and Beeroth, and Kiriath-jearim.
At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at Kiriath-jearim.
18 And the sons of Israel did not smite them, because the rulers of the congregation had sworn to them by Jehovah, the God of Israel. And all the congregation murmured against the rulers.
At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe.
19 But all the rulers said to all the congregation, We have sworn to them by Jehovah, the God of Israel, now therefore we may not touch them.
Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila.
20 This we will do to them, and let them live, lest wrath be upon us because of the oath which we swore to them.
Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.
21 And the rulers said to them, Let them live. So they became hewers of wood and drawers of water to all the congregation, as the rulers had spoken to them.
At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.
22 And Joshua called for them, and he spoke to them, saying, Why have ye beguiled us, saying, We are very far from you, when ye dwell among us?
At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; dangang nananahan kayong kasama namin?
23 Now therefore ye are cursed, and there shall never fail to be bondmen of you, both hewers of wood and drawers of water for the house of my God.
Ngayon nga'y sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios.
24 And they answered Joshua, and said, Because it was certainly told thy servants, how that Jehovah thy God commanded his servant Moses to give you all the land, and to destroy all the inhabitants of the land from before you. Therefore we were very afraid for our lives because of you, and have done this thing.
At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.
25 And now, behold, we are in thy hand. As it seems good and right to thee to do to us, do.
At ngayon, narito, kami ay nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo.
26 And so he did to them, and delivered them out of the hand of the sons of Israel, that they did not kill them.
At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay.
27 And Joshua made them that day hewers of wood and drawers of water for the congregation, and for the altar of Jehovah to this day in the place which he should choose.
At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang pipiliin.

< Joshua 9 >