< Joshua 11 >
1 And it came to pass, when Jabin king of Hazor heard of it, that he sent to Jobab king of Madon, and to the king of Shimron, and to the king of Achshaph,
At nangyari nang mabalitaan ni Jabin na hari sa Hasor, na siya'y nagsugo kay Jobab na hari sa Madon, at sa hari sa Simron, at sa hari sa Achsaph,
2 and to the kings who were on the north, in the hill-country, and in the Arabah south of Chinneroth, and in the lowland, and in the heights of Dor on the west,
At sa mga hari na nangasa hilagaan, sa lupaing maburol, at sa Araba sa timugan ng Cinneroth at sa mababang lupain, at sa mga kaitaasan ng Dor sa kalunuran,
3 to the Canaanite on the east and on the west, and the Amorite, and the Hittite, and the Perizzite, and the Jebusite in the hill-country, and the Hivite under Hermon in the land of Mizpah,
Sa Cananeo sa silanganan at sa kalunuran at sa Amorrheo, at sa Hetheo, at sa Pherezeo, at sa Jebuseo sa lupaing maburol, at sa Heveo sa ibaba ng Hermon, sa lupain ng Mizpa.
4 and they went out, they and all their armies with them, much people, even as the sand that is upon the sea-shore in multitude, with horses and chariots, very many.
At sila'y lumabas, sila at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, maraming tao, na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan, na may mga kabayo at mga karo na totoong marami.
5 And all these kings met together. And they came and encamped together at the waters of Merom, to fight with Israel.
At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan; at sila'y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom, upang makipaglaban sa Israel.
6 And Jehovah said to Joshua, Be not afraid because of them, for tomorrow at this time I will deliver them up all slain before Israel. Thou shall hock their horses, and burn their chariots with fire.
At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagka't bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel: inyong pipilayan ang kanilang mga kabayo, at sisilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
7 So Joshua came, and all the people of war with him, against them by the waters of Merom suddenly, and fell upon them.
Sa gayo'y biglang naparoon si Josue, at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom, at dumaluhong sila sa kanila.
8 And Jehovah delivered them into the hand of Israel, and they smote them, and chased them to great Sidon, and to Misrephoth-maim, and to the valley of Mizpeh eastward. And they smote them until they left them none remaining.
At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
9 And Joshua did to them as Jehovah bade him. He hocked their horses, and burnt their chariots with fire.
At ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; kaniyang pinilayan ang kanilang mga kabayo, at sinilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
10 And Joshua turned back at that time, and took Hazor, and smote the king of it with the sword, for Hazor was formerly the head of all those kingdoms.
At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagka't ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon.
11 And they smote all the souls who were in it with the edge of the sword, utterly destroying them. There was none left that breathed, and he burnt Hazor with fire.
At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang lahat na tao na nandoon, na kanilang lubos na nilipol: walang naiwan na may hininga, at kaniyang sinilaban ng apoy ang Hasor.
12 And all the cities of those kings, and all the kings of them, Joshua took, and he smote them with the edge of the sword, and utterly destroyed them, as Moses the servant of Jehovah commanded.
At ang lahat ng mga bayan ng mga haring yaon at ang lahat ng mga hari ng mga yaon ay sinakop ni Josue, at sinugatan niya sila ng talim ng tabak at lubos na nilipol sila; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.
13 But as for the cities that stood on their mounds, Israel burned none of them, except only Hazor. Joshua burned that.
Nguni't tungkol sa mga bayang natatayo sa kanilang mga bunton, ay walang sinunog ang Israel sa mga yaon, liban sa Hasor lamang, na sinunog ni Josue.
14 And all the spoil of these cities, and the cattle, the sons of Israel took for a prey to themselves, but every man they smote with the edge of the sword until they had destroyed them, neither did they leave any who breathed.
At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; nguni't ang bawa't tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga.
15 As Jehovah commanded Moses his servant, so Moses commanded Joshua, and so Joshua did. He left nothing undone of all that Jehovah commanded Moses.
Kung paanong nagutos ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod, ay gayon nagutos si Moises kay Josue: at gayon ang ginawa ni Josue; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
16 So Joshua took all that land, the hill-country, and all the South, and all the land of Goshen, and the lowland, and the Arabah, and the hill-country of Israel, and the lowland of the same,
Sa gayo'y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon, ang lupaing maburol, at ang buong Timugan, at ang buong lupain ng Gosen, at ang mababang lupain, at ang Araba, at ang lupaing maburol ng Israel, at ang mababang lupain niyaon;
17 from mount Halak, that goes up to Seir, even to Baal-gad in the valley of Lebanon under mount Hermon. And he took all their kings, and smote them, and put them to death.
Mula sa bundok ng Halac na paahon sa Seir, hanggang sa Baal-gad sa libis ng Libano sa ibaba ng bundok Hermon: at kinuha niya ang lahat nilang hari, at sinaktan niya sila at ipinapatay niya sila.
18 Joshua made war a long time with all those kings.
Si Josue ay nakipagdigmang malaong panahon sa lahat ng mga haring yaon.
19 There was not a city that made peace with the sons of Israel, except the Hivites the inhabitants of Gibeon. They took all in battle.
Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel, liban ang mga Heveo na mga taga Gabaon: kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka.
20 For it was of Jehovah to harden their hearts, to come against Israel in battle, that he might utterly destroy them, that they might have no favor, but that he might destroy them as Jehovah commanded Moses.
Sapagka't inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso, upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka, upang kanilang malipol silang lubos, na huwag silang magtamo ng biyaya, kundi kaniyang malipol sila, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
21 And Joshua came at that time, and cut off the Anakim from the hill-country, from Hebron, from Debir, from Anab, and from all the hill-country of Judah, and from all the hill-country of Israel. Joshua utterly destroyed them with their cities.
At naparoon si Josue nang panahong yaon at nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa Hebron, sa Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.
22 There was none of the Anakim left in the land of the sons of Israel. Only in Gaza, in Gath, and in Ashdod some remained.
Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa Gaza, sa Gath, at sa Asdod lamang, nagiwan siya ng ilan.
23 So Joshua took the whole land, according to all that Jehovah spoke to Moses. And Joshua gave it for an inheritance to Israel according to their divisions by their tribes. And the land had rest from war.
Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises; at ibinigay ni Josue na pinakamana sa Israel, ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma.