< 2 Kings 23 >
1 And the king sent, and they gathered to him all the elders of Judah and of Jerusalem.
Kaya nagpadala ng mga sugo ang hari na tinipon sa kaniya lahat ng mga nakatatandang pinuno ng Juda at ng Jerusalem.
2 And the king went up to the house of Jehovah, and all the men of Judah and all the inhabitants of Jerusalem with him, and the priests, and the prophets, and all the people, both small and great. And he read in their ears all the words of the book of the covenant which was found in the house of Jehovah.
Pagkatapos pumunta ang hari sa tahanan ni Yahweh, at kasama niya ang lahat ng mga lalaki ng Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at ang mga pari, mga propeta, at lahat ng mga tao, mula sa hamak hanggang sa dakila. Pagkatapos binasa niya sa kanilang pandinig lahat ng mga salita ng aklat ng tipan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.
3 And the king stood by the pillar, and made a covenant before Jehovah to walk after Jehovah, and to keep his commandments, and his testimonies, and his statutes, with all his heart, and all his soul, to confirm the words of this covenant that were written in this book. And all the people stood to the covenant.
Tumayo ang hari sa tabi ng haligi at gumawa ng tipan sa harap ni Yahweh, na susunod kay Yahweh, at susundin ang kaniyang mga utos, mga batas ng tipan, at mga tuntunin, nang kaniyang buong puso at buong kaluluwa, para pagtibayin ang mga salita ng tipang ito na nakasulat sa aklat na ito. Kaya sumang-ayon ang lahat ng mga tao na panindigan ang tipan.
4 And the king commanded Hilkiah the high priest, and the priests of the second order, and the keepers of the threshold, to bring forth out of the temple of Jehovah all the vessels that were made for Baal, and for the Asherah, and for all the host of heaven, and he burned them outside Jerusalem in the fields of the Kidron, and carried the ashes of them to Bethel.
Inutusan ng hari ang punong pari na si Hilkias, ang mga pari sa ilalim niya, at ang mga bantay ng tarangkahan, na ilabas mula sa templo ni Yahweh lahat ng mga sisidlan na ginawa para kay Baal at Asera, at para sa lahat ng mga bituin ng langit. Sinunog niya ang mga iyon sa labas ng Jerusalem sa mga bukid sa Lambak ng Kidron at dinala ang kanilang abo sa Bethel.
5 And he put down the idolatrous priests, whom the kings of Judah had ordained to burn incense in the high places in the cities of Judah, and in the places round about Jerusalem; those also who burned incense to Baal, to the sun, and to the moon, and to the planets, and to all the host of heaven.
Inalis niya ang mga pari ng mga diyus-diyosan na pinili ng mga hari ng Juda para magsunog ng insenso sa mga dambana sa mga lungsod ng Juda at sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem - ang mga nagsunog ng insenso para kay Baal, para sa araw at sa buwan, para sa mga planeta at sa lahat ng mga butuin ng langit.
6 And he brought out the Asherah from the house of Jehovah, outside Jerusalem, to the brook Kidron, and burned it at the brook Kidron, and beat it to dust, and cast the dust of it upon the graves of the common people.
Inilabas niya ang poste ni Asera mula sa templo ni Yahweh, sa labas ng Jerusalem sa Lambak ng Kidron at sinunog ito roon. Ipinadurog niya ito at itinapon ang mga abo na iyon sa mga libingan ng mga karaniwang tao.
7 And he broke down the houses of the sodomites that were in the house of Jehovah where the women wove hangings for the Asherah.
Inalis niya ang mga gamit sa mga silid ng mga gumagawa ng mahahalay na ritwal bilang pagsamba, sa templo ni Yahweh, kung saan humabi ang mga babae ng mga kasuotan para kay Asera.
8 And he brought all the priests out of the cities of Judah, and defiled the high places where the priests had burned incense, from Geba to Beersheba. And he broke down the high places of the gates that were at the entrance of the gate of Joshua the governor of the city, which were on a man's left hand at the gate of the city.
Inilabas ni Josias ang lahat ng mga pari mula sa mga lungsod ng Juda at nilapastangan ang mga dambana kung saan nagsunog ng insenso ang mga pari, mula Geba hanggang Beerseba. Winasak niya ang mga dambana sa mga tarangkahan, ang mga dambana na nasa pasukan patungo sa Tarangkahan ni Josue, na itinayo ng isang gobernador ng lungsod na nagngangalang Josue. Ang mga dambanang ito ay nasa gawing kaliwa ng tarangkahan ng lungsod sa pagpasok ng lungsod.
9 Nevertheless the priests of the high places did not come up to the altar of Jehovah in Jerusalem, but they ate unleavened bread among their brothers.
Kahit na hindi pinapayagan ang mga pari ng mga dambanang iyon na paglingkuran ang altar ni Yahweh sa Jerusalem, pinayagan sila na kumain ng tinapay na walang pampaalsa, tulad ng mga kapwa nila pari.
10 And he defiled Topheth, which is in the valley of the sons of Hinnom, that no man might make his son or his daughter to pass through the fire to Molech.
Nilapastangan ni Josias ang Tofet, na nasa lambak ng Ben Hinom, para walang makapaghandog ng kaniyang anak na lalaki o kaniyang anak na babae bilang isang sinunog na handog sa apoy para kay Molec.
11 And he took away the horses that the kings of Judah had given to the sun, at the entrance of the house of Jehovah, by the chamber of Nathan-melech the chamberlain, which was in the suburbs. And he burned the chariots of the sun with fire.
Inalis niya ang mga kabayo na ibinigay ng mga hari ng Juda sa araw. Nasa isang lugar ang mga iyon sa pasukan patungo sa templo ni Yahweh, malapit sa silid ni Natan Melec, ang katiwala. Sinunog ni Josias ang mga karwahe ng araw.
12 And the altars that were on the roof of the upper chamber of Ahaz, which the kings of Judah had made, and the altars which Manasseh had made in the two courts of the house of Jehovah, the king broke down, and beat them down from there, and cast the dust of them into the brook Kidron.
Winasak ng haring si Josias ang mga altar na nasa bubong ng kaitaasang silid ni Ahaz, na ginawa ng mga hari ng Juda, at ang mga altar na ginawa ni Manases sa dalawang patyo ng templo ni Yahweh. Winasak ni Josias ang mga ito sa maraming piraso at tinapon ang mga ito sa Lambak ng Kidron.
13 And the king defiled the high places that were before Jerusalem, which were on the right hand of the mount of corruption, which Solomon the king of Israel had built for Ashtoreth the abomination of the Sidonians, and for Chemosh the abomination of Moab, and for Milcom the abomination of the sons of Ammon.
Hinamak ni Josias ang mga dambana na nasa silangan ng Jerusalem, sa katimugan ng Bundok ng Katiwalian na itinayo ni Solomon ang hari ng Israel para kay Astoret, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Sidonio, para kay Quemos, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng Moab; at para kay Milcom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga mamamayan ng Ammon.
14 And he broke in pieces the pillars, and cut down the Asherim, and filled their places with the bones of men.
Binasag ni Haring Josias ang mga sagradong batong haligi, giniba ang mga poste ni Asera, at pinuno ang kanilang mga lugar ng mga buto ng tao.
15 Moreover the altar that was at Bethel, and the high place which Jeroboam the son of Nebat, who made Israel to sin, had made, even that altar and the high place he broke down. And he burned the high place and beat it to dust, and burned the Asherah.
Giniba rin ni Josias ang altar na nasa Bethel at ang dambana na itinayo ni Jeroboam, anak na lalaki ni Nebat, na nanguna sa Israel para magkasala. Sinunog niya ang altar sa dambana at dinurog ito; sinunog niya rin ang poste ni Asera.
16 And as Josiah turned himself, he noticed the sepulchers that were there in the mount. And he sent, and took the bones out of the sepulchers, and burned them upon the altar, and defiled it, according to the word of Jehovah which the man of God proclaimed, who proclaimed these things.
Nang makita ni Josias ang lugar, napansin niya ang mga libingan na nasa gilid ng burol. Ipinadala niya ang mga lalaki para kunin ang mga kalansay mula sa mga libingan; pagkatapos sinunog niya ang mga iyon sa altar, na lumapastangan nito. Ito ay sang-ayon sa salita ni Yahweh na sinabi ng lingkod ng Diyos, ang lalaki na sa simula pa ay nagsabi ng mga bagay na ito.
17 Then he said, What monument is that which I see? And the men of the city told him, It is the sepulcher of the man of God who came from Judah, and proclaimed these things that thou have done against the altar of Bethel.
Pagkatapos sinabi niya, “Anong bantayog iyon na nakikita ko?' Sinabi sa kaniya ng mga lalaki ng lungsod, “Iyon ay ang libingan ng lingkod ng Diyos na nanggaling sa Juda at nagsalita tungkol sa mga bagay na ito na kagagawa mo lamang laban sa altar ng Bethel.”
18 And he said, Let him be; let no man move his bones. So they let his bones alone, with the bones of the prophet who came out of Samaria.
Kaya sinabi ni Josias, “Pabayaan ninyo ito. Walang dapat gumalaw ng kaniyang kalansay.” Kaya hindi nila ginalaw ang kaniyang kalansay, kasama ng kalansay ng propeta na nanggaling sa Samaria.
19 And Josiah also took away all the houses of the high places that were in the cities of Samaria, which the kings of Israel had made to provoke Jehovah to anger. And he did to them according to all the acts that he had done in Bethel.
Ang lahat ng mga templo at dambana na nasa mga lungsod ng Samaria, na dinulot ng mga hari ng Israel na pumukaw ng galit ni Yahweh - ipinagiba ni Josias ang mga iyon. Ginawa niya sa kanila eksakto kung ano ang nagawa sa Bethel.
20 And he killed all the priests of the high places that were there, upon the altars, and burned men's bones upon them. And he returned to Jerusalem.
Pinatay rin niya ang lahat ng mga pari ng mga dambana sa mga altar doon, at sinunog ang mga kalansay ng tao sa mga iyon. Pagkatapos bumalik siya sa Jerusalem.
21 And the king commanded all the people, saying, Keep the Passover to Jehovah your God, as it is written in this book of the covenant.
Pagkatapos inutos ng hari sa lahat ng mga tao, na sinasabing, “Ipagdiwang ang Paskwa para kay Yahweh ang inyong Diyos, tulad ng nasusulat sa aklat ng tipan na ito.”
22 Surely such a Passover was not kept from the days of the judges who judged Israel, nor in all the days of the kings of Israel, nor of the kings of Judah.
Ang gayong pagdiriwang ng Paskwa ay hindi kailanman idinaos mula pa sa mga araw ng mga hukom na namuno sa Israel ni sa loob ng lahat ng mga araw ng mga hari ng Israel o Juda.
23 But in the eighteenth year of king Josiah this Passover was kept to Jehovah in Jerusalem.
Ngunit ang Paskwang ito ay tunay na ipinagdiwang noong ika-labing walong taon ni Haring Josias; ito ay para kay Yahweh sa Jerusalem.
24 Moreover Josiah put away the psychics, and the wizards, and the teraphim, and the idols, and all the abominations that were seen in the land of Judah and in Jerusalem, that he might perform the words of the law which were written in the book that Hilkiah the priest found in the house of Jehovah.
Pinaalis din ni Josias ang mga nakipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu. Pinaalis din niya ang mga anti-anting, ang mga diyus-diyosan, at ang lahat ng mga nakasusuklam na mga bagay na nakita sa lupain ng Juda at sa Jerusalem, para pagtibayin ang mga salita ng batas na nasusulat sa aklat na natagpuan ng paring si Hilkias sa tahanan ni Yahweh.
25 And there was no king before him like him, who turned to Jehovah with all his heart, and with all his soul, and with all his might, according to all the law of Moses; neither arose any like him after him.
Bago kay Josias, walang naging hari na tulad niya, na nagtalaga ng sarili kay Yahweh nang kaniyang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas, na sinunod ang lahat ng batas ni Moises. Ni walang sinumang haring kasunod na katulad ni Josias.
26 Notwithstanding, Jehovah did not turn from the fierceness of his great wrath, with which his anger was kindled against Judah, because of all the provocations with which Manasseh had provoked him.
Pero hindi bumaling si Yahweh mula sa bangis ng kaniyang matinding galit, na nag-alab laban sa Juda dahil sa lahat ng pagsambang pagano na kung saan inudyok siya ni Manases.
27 And Jehovah said, I will remove Judah also out of my sight as I have removed Israel, and I will cast off this city which I have chosen, even Jerusalem, and the house of which I said, My name shall be there.
Kaya sinabi ni Yahweh, “Aalisin ko rin ang Juda mula sa aking paningin, tulad ng pag-aalis ko sa Israel, at itatapon ko ang lungsod na ito na aking pinili, Jerusalem, ang tahanan na sinabi kong, 'Malalagay doon ang aking pangalan.'”
28 Now the rest of the acts of Josiah, and all that he did, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Judah?
Tungkol sa ibang mga bagay hinggil kay Josias, lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba't nasusulat ang mga iyon sa Ang Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
29 In his days Pharaoh-necoh king of Egypt went up against the king of Assyria to the river Euphrates, and king Josiah went against him. And Pharaoh-necoh killed him at Megiddo when he had seen him.
Sa panahon na siya ang hari ng Ehipto, nilabanan ni Faraon Neco ang hari ng Asiria sa Ilog Eufrates. Pumunta si Haring Josias para harapin si Neco sa labanan, at pinatay siya ni Neco sa Megido.
30 And his servants carried him in a chariot dead from Megiddo, and brought him to Jerusalem, and buried him in his own sepulcher. And the people of the land took Jehoahaz the son of Josiah, and anointed him, and made him king in his father's stead.
Binuhat siyang patay ng mga lingkod ni Josias sa isang karwahe mula sa Megido, dinala siya sa Jerusalem, at inilibing siya sa kaniyang sariling puntod. Pagkatapos pinili ng mga mamamayan ng lupain si Jehoahas, anak ni Josias, pinahiran siya ng langis at ginawa siyang hari kapalit ng kaniyang ama.
31 Jehoahaz was twenty-three years old when he began to reign, and he reigned three months in Jerusalem. And his mother's name was Hamutal the daughter of Jeremiah of Libnah.
Si Jehoahas ay dalawampu't tatlong taong gulang nang nagsimula siyang maghari, at siya ay naghari nang tatlong buwan sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ang anak na babae ni Jeremias ng Libna.
32 And he did that which was evil in the sight of Jehovah, according to all that his fathers had done.
Ginawa ni Jehoahas kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng lahat ng ginawa ng kaniyang mga ninuno.
33 And Pharaoh-necoh put him in bonds at Riblah in the land of Hamath, that he might not reign in Jerusalem. And he put the land to a tribute of a hundred talents of silver, and a talent of gold.
Ikinadena siya ni Faraon Neco sa Ribla sa lupain ng Hamat, para hindi siya makapaghari sa Jerusalem. Pagkatapos minultahan ni Neco ang Juda ng isang daang talento ng pilak at isang talento ng ginto.
34 And Pharaoh-necoh made Eliakim the son of Josiah king in the place of Josiah his father, and changed his name to Jehoiakim. But he took Jehoahaz away, and he came to Egypt, and died there.
Ginawang hari ni Faraon Neco si Eliakim anak ni Josias, bilang kapalit ng kaniyang amang si Josias, at pinalitan ang kaniyang pangalan sa Jehoiakim. Pero dinala niyang palayo si Jehoahas sa Ehipto, at namatay doon si Jehoahas.
35 And Jehoiakim gave the silver and the gold to Pharaoh, but he taxed the land to give the money according to the commandment of Pharaoh. He exacted the silver and the gold from the people of the land, of every one according to his taxation, to give it to Pharaoh-necoh.
Ibinayad ni Johoiakim kay Faraon ang pilak at ginto. Binuwisan niya ang lupain para ibayad ang pera, para sundin ang utos ni Faraon. Pinilit niya ang bawat isang lalaki sa mga mamamayan ng lupain na magbayad ng pilak at ng ginto para ibigay ito kay Faraon Neco.
36 Jehoiakim was twenty-five years old when he began to reign, and he reigned eleven years in Jerusalem. And his mother's name was Zebidah the daughter of Pedaiah of Rumah.
Si Jehoiakim ay dalawamput limang taong gulang nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng labing isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Zebida; siya ay ang anak ni Pedaias ng Ruma.
37 And he did that which was evil in the sight of Jehovah, according to all that his fathers had done.
Ginawa ni Jehoiakim kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng lahat ng ginawa ng kaniyang mga ninuno.