< 2 Koningen 4 >

1 Een vrouw nu uit de vrouwen van de zonen der profeten riep tot Elisa, zeggende: Uw knecht, mijn man, is gestorven, en gij weet, dat uw knecht den HEERE was vrezende; nu is de schuldheer gekomen, om mijn beide kinderen voor zich tot knechten te nemen.
Ngayon, nagpuntang umiiyak ang isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, sinabing, “Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na, at alam mo na may takot ang iyong lingkod kay Yahweh. Ngayon pumunta ang nagpapautang para kunin ang aking dalawang anak para maging mga alipin niya.”
2 En Elisa zeide tot haar: Wat zal ik u doen? Geef mij te kennen, wat gij in het huis hebt. En zij zeide: Uw dienstmaagd heeft niet met al in het huis, dan een kruik met olie.
Kaya sinabi ni Eliseo sa kaniya, “Ano ang magagawa ko para sa iyo?” Sinabi niya, “Ang iyong lingkod ay walang kahit ano sa bahay, maliban sa palayok ng langis.”
3 Toen zeide hij: Ga, eis voor u vaten van buiten, van al uw naburen ledige vaten; maak er niet weinig te hebben.
Pagkatapos, sinabi ni Eliseo, “Umalis ka para manghiram ng mga tapayan na walang laman sa iyong mga kapit-bahay. Manghiram ka ng marami hangga't maaari.
4 Kom dan in, en sluit de deur voor u en voor uw zonen toe; daarna giet in al die vaten, en zet weg, dat vol is.
Pagkatapos kailangan mo pumunta sa loob ng bahay mo at isara ang pinto sa likod mo at ng iyong mga anak, at ibuhos ang langis sa mga tapayan na iyon; itabi mo ang mga tapayan na napuno.”
5 Zo ging zij van hem, en sloot de deur voor zich en voor haar zonen toe; die brachten haar de vaten toe, en zij goot in.
Kaya iniwan niya si Eliseo at sinara ang pinto sa likod niya at kaniyang mga anak. Nagdala sila ng mga tapayan para sa kaniya, at pinuno ang mga ito ng langis.
6 En het geschiedde, als die vaten vol waren, dat zij tot haar zoon zeide: Breng mij nog een vat aan; maar hij zeide tot haar: Er is geen vat meer. En de olie stond stil.
Nang napuno na ang mga lagayan, sabi niya sa kaniyang mga anak, “Magdala pa kayo ng isa pang tapayan.” Pero ang sabi ng anak niya sa kaniya, “Wala ng mga tapayan.” Pagkatapos, huminto na sa pagdaloy ng langis.
7 Toen kwam zij, en gaf het den man Gods te kennen; en hij zeide: Ga heen, verkoop de olie, en betaal uw schuldheer; gij dan met uw zonen, leef bij het overige.
Pagkatapos, bumalik siya at sinabi sa lingkod ng Diyos. Sabi niya, “Pumunta ka roon, ibenta mo ang langis; bayaran mo ang iyong utang, at mamuhay kasama ng iyong mga anak sa mga natira.”
8 Het geschiedde ook op een dag, als Elisa naar Sunem doortrok, dat aldaar een grote vrouw was, dewelke hem aanhield om brood te eten. Voorts geschiedde het, zo dikwijls hij doortrok, week hij daarin, om brood te eten.
Isang araw, naglakad si Eliseo sa Sunem kung saan nakatira ang isang mahalagang babae; pinilit niyang kumain sila ng magkasama. Kaya sa madalas na pagdaan ni Eliseo, siya ay humihinto para kumain doon.
9 En zij zeide tot haar man: Zie nu, ik heb gemerkt, dat deze man Gods heilig is, die bij ons altoos doortrekt.
Sinabi ng babae sa kaniyang asawa, “Tingnan mo, nalaman ko na ang lalaking ito na laging dumadaan dito ay lingkod ng Diyos.
10 Laat ons toch een kleine opperkamer van een wand maken, en laat ons daar voor hem zetten een bed, en tafel, en stoel, en kandelaar; zo zal het geschieden, wanneer hij tot ons komt, dat hij daar inwijke.
Gumawa tayo ng maliit na silid sa bubungan para kay Eliseo, at maglagay tayo ng higaan, upuan, at lampara. Pagkatapos, kapag pumunta siya sa atin, mananatili na siya roon.”
11 En het geschiedde op een dag, dat hij daar kwam; en hij week in die opperkamer, en leide zich daar neder.
Kaya nang dumating ang araw na bumalik si Eliseo para huminto roon, nanatili siya sa silid at nagpahinga roon.
12 Toen zeide hij tot zijn jongen Gehazi: Roep deze Sunamietische. En als hij ze geroepen had, stond zij voor zijn aangezicht.
Sinabi ni Eliseo sa kaniyang lingkod na si Gehazi, “Tawagin mo ang Sunamita.” Nang tinawag niya ito, tumayo ang babae sa harap niya.
13 (Want hij had hem gezegd: Zeg nu tot haar: Zie, gij zijt zorgvuldig voor ons geweest, met al deze zorgvuldigheid; wat is er voor u te doen? Is er iets om voor u te spreken tot den koning, of tot den krijgsoverste? En zij had gezegd: Ik woon in het midden mijns volks.
Sinabi ni Eliseo sa lingkod, “Sabihin mo sa babae na, 'Ginawa mo ang lahat ng abalang ito para alagaan kami. Ano ang maaari kong gawin para sa iyo? Gusto mo bang kausapin namin ang hari para sa iyo o sa pinuno ng hukbo?'” Sumagot siya, 'Namuhay ako kasama ang aking sariling bayan.”
14 Toen had hij gezegd: Wat is er dan voor haar te doen? En Gehazi had gezegd: Zij heeft toch geen zoon, en haar man is oud.
Kaya sinabi ni Eliseo, “Ano pala ang maaari nating gawin para sa kaniya?” Sumagot si Gehazi, “Tunay nga, wala siyang anak, at matanda na ang kaniyang asawa.”
15 Daarom had hij gezegd: Roep haar. En als hij ze geroepen had, stond zij in de deur.)
Kaya sumagot si Eliseo, “Tawagin mo siya.” Nang siya ay tinawag niya, tumayo siya sa pintuan.
16 En hij zeide: Op dezen gezetten tijd, omtrent dezen tijd des levens zult gij een zoon omhelzen. En zij zeide: Neen, mijn heer, gij, man Gods, lieg tegen uw dienstmaagd niet.
Sinabi ni Eliseo, “Sa parehong oras ng taong ito, pagkatapos ng isang taon, makakahawak ka ng isang anak.” Sinabi niya, “Hindi, aking panginoon at lingkod ng Diyos, huwag kang magsinungaling sa iyong alipin.”
17 En de vrouw werd zwanger, en baarde een zoon op dien gezette tijd, omtrent den tijd des levens, dien Elisa tot haar gesproken had.
Pero nagdalang-tao ang babae at nanganak ng isang lalaki sa parehong panahon ng sumunod na taon, tulad ng sinabi ni Eliseo sa kaniya.
18 Toen nu het kind groot werd, geschiedde het op een dag, dat het uitging tot zijn vader, tot de maaiers.
Nang lumaki na ang bata, pumunta siya sa kaniyang ama, na kasama ng mga taga-ani.
19 En het zeide tot zijn vader: Mijn hoofd, mijn hoofd! Hij dan zeide tot een jongen: Draag hem tot zijn moeder.
Sinabi niya sa kaniyang ama, “Ang ulo ko, ang ulo ko.” Sabi ng kaniyang ama sa kaniyang alipin, “Buhatin mo siya sa kaniyang ina.”
20 En hij droeg hem, en bracht hem tot zijn moeder. En hij zat op haar knieen tot aan den middag toe; toen stierf hij.
Nang binuhat siya at dinala ang bata sa kaniyang ina, umupo ang bata sa tuhod ng kaniyang ina hanggang tanghali at pagkatapos ay namatay.
21 En zij ging op, en leide hem op het bed van den man Gods; daarna sloot zij voor hem toe, en ging uit.
Kaya tumayo ang babae at hiniga ang bata sa higaan ng lingkod ng Diyos, sinara ang pinto, at umalis.
22 En zij riep om haar man, en zeide: Zend mij toch een van de jongens, en een van de ezelinnen, dat ik tot den man Gods lope, en wederkome.
Tinawag niya ang kaniyang asawa, at sinabi, “Pakiusap magpadala ka sa akin ng isa sa mga alipin at isa sa mga asno para ako ay makapagmadali sa lingkod ng Diyos at makabalik agad.”
23 En hij zeide: Waarom gaat gij heden tot hem? Het is geen nieuwe maan, noch sabbat. En zij zeide: Het zal wel zijn.
Sinabi ng asawa niya, “Bakit gusto mong pumunta sa kaniya ngayong araw na ito? Hindi naman Kapistahan ng Bagong Buwan o Araw ng Pamamahinga.” Sumagot siya. “Magiging maayos din ang lahat.”
24 Toen zadelde zij de ezelin, en zeide tot haar jongen: Drijf, en ga voort; houd mij niet op voort te rijden, tenzij dan dat ik het u zegge.
Pagkatapos, sinakyan niya ang asno at sinabi sa kaniyang alipin, “Bilisan mo ang pagmamaneho; huwag kang babagal hangga't hindi ko sinasabi.”
25 Alzo toog zij heen, en kwam tot den man Gods, tot den berg Karmel. En het geschiedde, als de man Gods haar van tegenover zag, dat hij tot Gehazi, zijn jongen, zeide: Zie, daar is de Sunamietische.
Kaya pumunta siya sa lingkod ng Diyos sa Bundok Carmel. Nang nakita siya ng lingkod ng Diyos sa malayo, sinabi niya kay Gehazi kaniyang alipin, “Tingnan mo, paparating na ang Sunamita.
26 Nu loop toch haar tegemoet, en zeg tot haar: Is het wel met u? Is het wel met uw man? Is het wel met uw kind? En zij zeide: Het is wel.
Pakiusap, tumakbo ka para salubungin siya at sabihin mo sa kaniya, 'Maayos ba ang lahat sa iyo at iyong asawa at anak'” Sumagot siya, “Maayos naman.”
27 Toen zij nu tot den man Gods op den berg kwam, vatte zij zijn voeten. Maar Gehazi trad toe, om haar af te stoten. Doch de man Gods zeide: Laat ze geworden; want haar ziel is in haar bitterlijk bedroefd, en de HEERE heeft het voor mij verborgen, en mij niet verkondigd.
Nang pumunta siya sa lingkod ng Diyos sa bundok, hinawakan niya ang paa ng lingkod ng Diyos. Lumapit si Gehazi para ilayo siya pero sinabi ng lingkod ng Diyos, “Pabayaan mo siya, dahil siya ay malungkot, at tinago ni Yahweh ang problema sa akin, at walang siyang sinabi sa akin.”
28 En zij zeide: Heb ik een zoon van mijn heer begeerd? Zeide ik niet: Bedrieg mij niet?
Pagkatapos kaniyang sinabi, “Humingi ba ako sa iyo ng anak, aking panginoon? Hindi ba sinabi ko sa iyo na, 'Huwag mo akong linlangin'?”
29 En hij zeide tot Gehazi: Gord uw lenden, en neem mijn staf in uw hand, en ga henen; zo gij iemand vindt, groet hem niet; en zo u iemand groet, antwoord hem niet; en leg mijn staf op het aangezicht van den jongen.
Pagkatapos sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Magdamit ka para sa paglalakbay at kunin mo ang aking tungkod. Pumunta ka sa bahay niya. Kung may makakasalubong ka, huwag mo siyang batiin, at kung may babati sa iyo, huwag mo siyang sagutin. Ilagay mo ang tungkod ko sa mukha ng bata.”
30 Doch de moeder van den jongen zeide: Zo waarachtig als de HEERE leeft en uw ziel leeft, ik zal u niet verlaten! Hij stond dan op, en volgde haar na.
Pero sinabi ng ina ng bata, “Hanggang nabubuhay si Yahweh, at hanggang nabubuhay ka, hindi kita iiwan.” Kaya tumayo si Eliseo at sinundan siya.
31 Gehazi nu was voor hun aangezicht doorgegaan; en hij leide den staf op het aangezicht van den jongen; doch er was geen stem, noch opmerking. Zo keerde hij weder hem tegemoet, en bracht hem boodschap, zeggende: De jongen is niet ontwaakt.
Nagmadaling nauna sa kanila si Gehazi at nilagay ang tungkod sa mukha ng bata, pero hindi ito nagsalita o nakarinig. Kaya bumalik si Gehazi para salubungin si Eliseo at sinabi sa kaniya, “Hindi nagising ang bata.”
32 En toen Elisa in het huis kwam, ziet, zo was de jongen dood, zijnde gelegd op zijn bed.
Nang dumating si Eliseo sa bahay, patay na ang bata at nasa higaan pa rin.
33 Zo ging hij in, en sloot de deur voor hen beiden toe, en bad tot den HEERE.
Kaya pumasok si Eliseo at sinara ang pinto at nanalangin kay Yahweh. Umakyat siya at dinapaan ang bata;
34 En hij klom op, en leide zich neder op het kind, en leggende zijn mond op deszelfs mond, en zijn ogen op zijn ogen, en zijn handen op zijn handen, breidde zich over hem uit. En het vlees des kinds werd warm.
nilagay ang bibig niya sa bibig ng bata, kaniyang mata sa mata ng bata, at kaniyang kamay sa kamay ng bata. Inunat niya ang kaniyang sarili sa bata, at nag-init ang katawan ng bata.
35 Daarna kwam hij weder, en wandelde in het huis eens herwaarts, en eens derwaarts, en klom weder op, en breidde zich over hem uit; en de jongen niesde tot zevenmaal toe; daarna deed de jongen zijn ogen open.
Pagkatapos tumayo si Eliseo at naglakad sa silid at umakyat muli at inunat ang kaniyang sarili sa bata. Bumahing ang bata ng pitong beses at binuksan ang kaniyang mga mata!
36 En hij riep Gehazi, en zeide: Roep deze Sunamietische. En hij riep ze, en zij kwam tot hem; en hij zeide: Neem uw zoon op.
Kaya tinawag ni Eliseo si Gehazi, “Tawagin mo ang Sunamita!” Kaya tinawag niya ito, at nang pumunta siya sa silid, sabi ni Eliseo, “Kunin mo ang iyong anak.”
37 Zo kwam zij, en viel voor zijn voeten, en boog zich ter aarde, en zij nam haar zoon op, en ging uit.
Pagkatapos nagpatirapa siya sa lupa at yumuko sa lupa, at pagkatapos kinuha ang kaniyang anak at umalis.
38 Als nu Elisa weder te Gilgal kwam, zo was er honger in dat land, en de zonen der profeten zaten voor zijn aangezicht; en hij zeide tot zijn jongen: Zet den groten pot aan, en zied moes voor de zonen der profeten.
Pagkatapos pumunta muli si Eliseo sa Gilgal. Mayroong taggutom doon sa lupain, at umupo sa kaniyang tabi ang mga anak ng mga propeta. Sinabi niya sa mga alipin, “Ilagay ninyo ang malaking palayok sa apoy at magluto ng nilaga para sa mga anak ng mga propeta.”
39 Toen ging er een uit in het veld, om moeskruiden te lezen, en hij vond een wilden wijnstok, en las daarvan, zijn kleed vol wilde kolokwinten, en kwam, en sneed ze in den moespot; want zij kenden ze niet.
Ang isa sa kanila ay pumunta sa sakahan para maglikom ng mga gulay. Nakahanap siya ng ligaw na punong ubas at nakalikom ng sapat na ligaw na mga gulay para punuin ang tupi ng kaniyang balabal. Hiniwa nila ang mga ito at nilagay sa nilaga, pero hindi nila alam kung anong uri ang mga iyon.
40 Daarna schepten zij voor de mannen op om te eten; en het geschiedde, als zij aten van dat moes, dat zij riepen en zeiden: Man Gods, de dood is in den pot! En zij konden het niet eten.
Kaya binuhos nila ang nilaga para kainin ng mga tao. Kinalaunan, habang kumakain sila, sumigaw sila at sinabi, “Lingkod ng Diyos, may kamatayan sa palayok!” At hindi na sila makakain.
41 Maar hij zeide: Brengt dan meel; en hij wierp het in den pot; en hij zeide: Schep voor het volk op, dat zij eten. Toen was er niets kwaads in den pot.
Pero sinabi ni Eliseo, “Magdala ng ilang harina.” Hinagis niya ito sa palayok at sinabi, “Ibuhos ninyo ito para sa mga tao, para makakain sila.” At wala ng anumang bagay ang nakakasakit sa loob ng palayok.
42 En er kwam een man van Baal-Salisa, en bracht den man Gods broden der eerstelingen, twintig gerstebroden, en groene aren in haar hulzen; en hij zeide: Geef aan het volk, dat zij eten.
Isang lalaking taga-Baal-salisa ang lumapit sa lingkod ng Diyos at nagdala ng labingdalawang trigong tinapay sa kaniyang sako mula sa bagong ani, at sariwang aning butil. Sinabi niya, “Ibigay mo ito sa mga tao para makakain sila.”
43 Doch zijn dienaar zeide: Wat zou ik dat aan honderd mannen voorzetten? En hij zeide: Geef aan het volk, dat zij eten; want alzo zegt de HEERE: Men zal eten en overhouden.
Sinabi ng kaniyang alipin, “Ano, dapat ko ba itong ihain sa harapan ng isang-daang lalaki?” Pero sinabi ni Eliseo, “Ibigay mo ito sa mga tao, para makakain sila, dahil sinabi ito ni Yahweh, 'Kakain sila at magkakaroon pa ng tira.'”
44 Zo zette hij het hun voor, en zij aten, en zij hielden over, naar het woord des HEEREN.
Kaya hinain ito ng kaniyang alipin sa kanilang harapan; kumain sila, at may mga natira pa, gaya ng pinangakong salita ni Yahweh.

< 2 Koningen 4 >