< Psalmen 92 >
1 Een psalm; een lied voor de Sabbat. Heerlijk is het, Jahweh te loven, Uw Naam te prijzen, Allerhoogste,
Ito ay isang mabuting bagay para magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at para umawit ng papuri sa iyong ngalan, Kataas-taasan,
2 ‘s Morgens vroeg uw goedheid te roemen, En uw trouw in de nacht:
para ipahayag ang iyong katapatan sa tipan sa umaga at ang iyong katotohanan tuwing gabi,
3 Op lier en harp, Met citerslag.
na may alpa na may sampung kuwerdas at may himig ng lira.
4 Want Gij hebt mij verblijd door uw daden, o Jahweh, En ik juich om het werk uwer handen.
Dahil ikaw, Yahweh, ay pinasaya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga gawa. Aawit ako sa tuwa dahil sa gawa ng iyong mga kamay.
5 Hoe groot zijn uw werken, o Jahweh, Hoe peilloos diep uw gedachten!
Napakadakila ng iyong mga gawa, Yahweh! Ang iyong kaisipan ay napakalalim.
6 Dom, wie dàt niet erkent; Dwaas, wie dàt niet begrijpt.
Hindi alam ng malupit na tao, ni maiintindihan ng hangal:
7 Wanneer dan de zondaars groeien als gras, En al de boosdoeners bloeien: Dan is het, om voor altijd te gronde te gaan,
Kapag sumisibol ang masasama katulad ng damo, at kahit ang lahat ng gumagawa ng masama ay magtagumpay, mananatili silang nasa tiyak na kapahamakan magpakailanman.
8 Maar Gij, Jahweh, blijft eeuwig verheven!
Pero ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanman.
9 Ja, uw vijanden, Jahweh, lopen hun bederf tegemoet, En alle boosdoeners worden verstrooid.
Sa katunayan, tingnan mo ang iyong mga kaaway, Yahweh; lahat ng gumagawa ng masama ay nakakalat.
10 Maar mijn hoorn heft zich op als die van een buffel, Met verse olie word ik gezalfd;
Itinaas mo ang aking sungay katulad ng sungay ng mabangis na toro; pinahiran mo ako ng sariwang langis.
11 Vol vreugde ziet mijn oog op mijn vijanden neer, Hoort mijn oor van die mij bestrijden.
Nakita ng aking mga mata ang pagkabagsak ng aking mga kaaway; ang aking mga tainga ay narinig ang katapusan ng aking mga masasamang kaaway.
12 Maar de rechtvaardige groeit als een palm, Als de ceder op de Libanon rijst hij omhoog.
Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon.
13 Zij worden in Jahweh’s tempel geplant, En bloeien in de voorhoven van onzen God;
(Sila) ay nakatanim sa tahanan ni Yahweh; (sila) ay yayabong sa patyo ng ating Diyos.
14 Zij dragen nog vrucht als ze oud zijn, En blijven nog sappig en fris.
Namumunga (sila) kahit (sila) ay matanda na; nanatili silang sariwa at luntian,
15 Zo verkondigen ze, dat Jahweh gerecht is, Mijn Rots, aan wien geen onrecht kleeft!
para ihayag na si Yahweh ay makatuwiran. Siya ang aking bato, at walang hindi matuwid sa kaniya.