< Job 20 >

1 Daarop nam Sofar van Naäma het woord en sprak:
Pagkatapos sumagot si Zofar ang taga-Naaman,
2 Mijn inzicht dwingt mij tot antwoord, Omdat het in mij stormt,
“Mabilis akong pinapasagot ng aking kaisipan dahil sa aking pag-aalala.
3 Nu ik een grievend verwijt moet horen, En domme bluf mij antwoord geeft.
Nakarinig ako mula sa iyo ng isang pagsaway na nagpahiya sa akin, pero tinutugon ako ng espiritu na higit sa aking pang-unawa.
4 Weet ge dan niet, dat van de vroegste tijd af, Sinds de mens op de aarde werd geplaatst,
Hindi mo ba alam ang katotohanan na ito noong sinaunang panahon, nang nilagay ng Diyos ang tao sa lupa:
5 Het gejuich van den boze slechts korte tijd duurt, De vreugde van den goddeloze een ogenblik?
saglit lang ang katagumpayan ng masama, at ang kagalakan ng taong hindi naniniwala diyos ay hindi nagtatagal?
6 Al verheft zijn gestalte zich hemelhoog, En reikt zijn hoofd tot de wolken:
Bagaman umabot sa kalangitan ang tangkad niya, at umabot ang ulo niya sa kaulapan,
7 Als zijn eigen drek verdwijnt hij voor immer, Die hem zagen, roepen: Waar is hij?
pero maglalaho ang taong iyon katulad ng kaniyang dumi; sasabihin ng mga nakakita sa kaniya, 'Nasaan siya?'
8 Spoorloos vervluchtigt hij als een droom, Wordt weggevaagd als een nachtgezicht;
Lilipad siya palayo tulad ng panaginip at hindi na masusumpungan; itataboy siya palayo katulad ng pangitain sa gabi.
9 Het oog, dat hem zag, bespeurt hem niet langer, De plaats, waar hij woonde, aanschouwt hem niet meer.
Hindi na siya muling makikita ng mga mata na nakakita sa kaniya; hindi na siya muling makikita ng pinanggalingan niya.
10 Zijn zonen bedelen bij armen, Zijn kinderen geven zijn rijkdom af;
Hihingi ng kapatawaran ang mga anak niya sa mga dukha, ibabalik ng mga kamay niya ang kaniyang kayamanan.
11 En al is zijn gebeente vol jeugdige kracht, Het legt zich neer bij hem in het graf.
Puno ng kasiglahan ang kaniyang mga buto, pero kasama niya itong hihiga sa kaniya sa alabok.
12 Hoe zoet het slechte in zijn mond mag smaken, Hoe hij het onder zijn tong ook verbergt,
Bagaman matamis ang kasamaan sa kaniyang bibig, bagaman itinatago niya ito sa ilalim ng kaniyang dila,
13 Hoe hij het smekt en niet doorslikt, En het tegen zijn gehemelte houdt:
bagaman pinipigilan niya ito at hindi pinapakawalan pero pinapanatili pa rin ito sa kaniyang bibig—
14 Toch verschaalt zijn spijs in zijn ingewanden, Wordt in zijn binnenste adderengif;
magiging mapait ang pagkain sa kaniyang bituka, magiging kamandag ito ng mga ahas sa loob niya.
15 Hij slokt schatten in, maar braakt ze uit, God drijft ze weer uit zijn buik.
Nilulunok niya ang kaniyang mga kayamanan, pero isusuka niya ulit ito; palalabasin ito ng Diyos mula sa kaniyang tiyan.
16 Adderengif moet hij drinken, Een slangentong zal hem doden;
Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.
17 Hij zal geen beken van olie genieten, Geen stromen van honing en boter.
Hindi siya mabubuhay para magalak sa panonood ng mga ilog at dumadaloy na agos ng pulot at mantikilya.
18 Zijn winst geeft hij terug, en slokt ze niet door, Verheugt zich niet in de vrucht van zijn handel;
Pagbabayaran niya ang kaniyang mga pinaghirapan; hindi niya ito lulunukin; hindi siya magagalak sa kayamanan na nakuha niya.
19 Want hij heeft de armen verdrukt en verlaten, Hun huis geroofd, niet gebouwd.
Dahil inapi niya at pinabayaan ang mga dukha; sapilitan niyang inagaw ang mga bahay na hindi niya itinayo.
20 Omdat hij voor zijn buik geen verzadiging vond, Niets aan zijn eetlust ontsnapte,
Dahil hindi siya makahanap ng kasiyahan sa kaniyang sarili, hindi niya maliligtas ang kahit anong bagay na nagbibigay sa kaniya ng kaligayahan.
21 En niets aan zijn vraatzucht ontging: Daarom houdt zijn voorspoed geen stand!
Walang naiwang bagay ang hindi niya nilamon; kaya hindi magtatagal ang kaniyang kasaganaan.
22 Op het toppunt van zijn geluk wordt het hem bang, Wordt hij door al de slagen van rampspoed getroffen;
Sa kasaganaan ng kaniyang kayamanan siya ay mahuhulog sa kaguluhan; darating sa kaniya ang kamay ng lahat ng nasa kahirapan.
23 Terwijl hij zijn buik vult, laat God zijn ziedende toorn op hem los, Laat schichten regenen op zijn ingewanden.
Kapag naghahanda na siyang magpakabusog, ibubuhos ng Diyos ang bagsik ng kaniyang poot sa taong iyon; papaulanin niya ito sa kaniya habang kumakain siya.
24 Als hij vlucht voor de ijzeren wapenrusting, Doorboort hem de koperen boog,
Bagaman tatakas ang taong iyon sa bakal na sandata, patatamaan siya ng isang tanso na pana.
25 Puilt de schicht uit zijn rug, De bliksemende pijl uit zijn gal. Dan overvalt hem de doodschrik,
Tatagos ang palaso mula sa likod niya; tunay nga, lalabas mula sa atay niya ang kumikinang na dulo nito; katakot-takot na mga bagay ang darating sa kaniya.
26 De diepste duisternis houdt hem omvangen; Een vuur verslindt hem, dat niet is ontstoken, Vreet weg wat nog leeft in zijn tent.
Nakalaan ang ganap na kadiliman para sa kaniyang mga kayamanan; lalamunin siya ng apoy na hindi naapula; lalamunin nito kung ano ang nalabi sa kaniyang tolda.
27 De hemelen openbaren zijn schuld, En de aarde staat tegen hem op;
Ipapakita ng kalangitan ang kaniyang mga kasalanan, at babangon ang kalupaan laban sa kaniya bilang isang saksi.
28 Een stortvloed spoelt zijn woning weg, Een vloedgolf op de dag van zijn toorn!
Maglalaho ang kayamanan ng kaniyang bahay; aanurin ang kaniyang mga kalakal sa araw ng poot ng Diyos.
29 Dit is het lot van den boze, door God hem bedeeld, Het erfdeel, dat de Godheid hem toewijst!
Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Diyos, ang pamana ng Diyos na nakalaan para sa kaniya.”

< Job 20 >