< Zaburi 19 >
1 Kuom jatend wer. Zaburi mar Daudi. Polo hulo duongʼ mar Nyasaye; kor polo nyiso tich mar lwete.
Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos, at ipinapaalam ng himpapawid ang ginawa ng kaniyang kamay!
2 Odiechiengʼ kodiechiengʼ gilando wach; otieno kotieno ginyiso rieko.
Bawat araw ang pananalita ay bumubuhos; bawat gabi nagpapahayag ito ng kaalaman.
3 Gionge dhok kata weche kata dwondgi ok winji.
Walang pananalita o salaysay; ni hindi naririnig ang kanilang tinig.
4 Kata kamano dwondgi chopo kuonde duto e piny, wechegi osechopo nyaka e tunge piny. Osechungo hema e kor polo ne wangʼ chiengʼ,
Gayumpaman ang kanilang mga salita ay umaabot sa buong mundo; at ang kanilang pananalita ay hanggang sa dulo ng mundo. Nagtayo siya ng tolda para sa araw sa kalagitnaan nila.
5 machalo gi wuon kisera mothinyore oko kawuok e ode mar mor, kendo mana ka jangʼwech mongirore moil moikore ni chako ngʼwech.
Ang araw ay parang lalaking ikakasal na lumalabas sa kaniyang silid at parang isang lalaking malakas na nagagalak kapag siya ay tumatakbo sa kaniyang karera.
6 Owuok gie tungʼ polo konchiel, kendo olworore nyaka komachielo; onge gima opondo ne liet mare.
Ang araw ay sumisikat mula sa isang dako at tumatawid sa himpapawid hanggang sa kabila; walang makatatakas sa init nito.
7 Chik Jehova Nyasaye longʼo chuth, odwogo chuny. Buche mag Jehova Nyasaye gin adiera, gimiyo joma riekogi tin bedo mariek.
Ang batas ni Yahweh ay perpekto, pinasisigla ang kaluluwa; ang patotoo ni Yahweh ay maaasahan, ginagawang marunong ang payak ang kaisipan.
8 Chike mag Jehova Nyasaye nikare, gichiwo mor ne chuny. Chike mag Jehova Nyasaye rieny, gichiwo ler ne wangʼ.
Ang mga tagubilin ni Yahweh ay matuwid, pinasasaya ang puso; ang kautusan ni Yahweh ay dalisay, nagdadala ng liwanag sa mga mata.
9 Luoro Jehova Nyasaye en gima ber, mosiko nyaka chiengʼ. Buche mag Jehova Nyasaye gin adier kendo gin kare kargi giduto.
Ang takot kay Yahweh ay dalisay, nananatili magpakailanman; ang makatuwirang mga kautusan ni Yahweh ay totoo at matuwid sa kabuuan!
10 Gibeyo moloyo dhahabu, moloyo dhahabu malerie moloyo; gimit moloyo mor kich moa e pedni.
Ang mga ito ay mas mahalaga kaysa ginto, mas higit pa kaysa pinong ginto; mas matamis kaysa pulot na tumutulo mula sa pulot-pukyutan.
11 Gin ema gimiyo jatichni bedo motangʼ; kendo bedogi kanyo kelo pok maduongʼ.
Oo, sa pamamagitan ng mga ito ang iyong lingkod ay binalaan; sa pagsunod dito ay may malaking gantimpala.
12 En ngʼa manyalo ngʼeyo kethone mopondo? Wena kethoga mopondo.
Sino ang makababatid sa lahat ng kaniyang sariling mga kamalian? Linisin mo ako sa mga lihim na kasalanan.
13 Bende gengʼ jatichni kuom richo mag wich teko; mad kik gibed gi loch kuoma. Eka anabed maonge ketho, anabed ka aonge gi ketho chik moro maduongʼ.
Ingatan mo rin ang iyong lingkod sa mga kasalanang mapagmataas; huwag mong hayaan na ang mga ito ay maghari sa akin. Sa gayon ako ay magiging ganap, at inosente sa maraming kasalanan.
14 Mad weche mawuok e dhoga, kod paro manie chunya, obed malongʼo e nyimi, yaye Jehova Nyasaye, Lwandana kendo Jawarna.
Nawa ang mga salita ng aking bibig at mga saloobin ng aking puso ay maging katanggap-tanggap sa iyong paningin, Yahweh, aking bato at aking manunubos.