< Kwan 14 >
1 Otienono oganda duto mag gwengʼ notingʼo dwondgi malo mi giywak matek.
Umiyak nang malakas ang sambayanan sa gabing iyon.
2 Jo-Israel duto nongʼur ne Musa kod Harun, kendo chokruok mar oganda duto nowachonegi niya, “Donge dine ber ka watho Misri? Kata mana e thim ka!
Pinuna ng lahat ng mga tao ng Israel sina Moises at Aaron. Sinabi ng buong sambayanan sa kanila, “Nais naming kami ay namatay na lang sa lupain ng Ehipto, o dito sa ilang!
3 Angʼo momiyo Jehova Nyasaye kelowa e pinyni mondo negwa gi ligangla? Mondewa kod nyithindwa ibiro kaw mana kaka gik moyaki. Donge deber ka wadok Misri?”
Bakit tayo dinala ni Yahweh sa lupaing ito upang mamatay sa pamamagitan ng espada? Ang ating mga asawa at mga maliliit na anak ay magiging mga biktima. Hindi ba mas mabuti para sa atin na bumalik sa Ehipto?”
4 Kendo negiwacho e kindgi giwegi niya, “Onego wayier jatelo mondo wadog Misri.”
Sinabi nila sa bawat isa, “Pumili tayo ng isa pang pinuno at bumalik tayo sa Ehipto.”
5 Eka Musa kod Harun nopodho auma e nyim chokruok mar oganda Israel duto mane ochokore kanyo.
At nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng buong kapulungan ng sambayanan ng mga tao ng Israel.
6 Joshua wuod Nun kod Kaleb wuod Jefune, ma gin achiel kuom joma ne odhi nono piny Kanaan, noyiecho lepgi
Si Josue na anak na lalaki ni Nun at si Caleb na anak na lalaki ni Jefune ay pinunit ang kanilang mga damit, ang ilan sa mga ipinadala upang suriin ang lupain.
7 mi owacho ne chokruok mar oganda jo-Israel duto niya, “Piny mane wakalo e iye kendo wanono ber miwuoro.
Nagsalita sila sa buong sambayanan ng mga tao ng Israel. Sinabi nila, “Isang napakabuting lupain ang aming dinaanan at siniyasat.
8 Ka dipo ni Jehova Nyasaye mor kodwa, to obiro telonwa nyaka e pinyno, piny mopongʼ gi chak kod mor kich, kendo obiro miyowa pinyno.
Kung nalulugod si Yahweh sa atin, sa gayon dadalhin niya tayo sa lupaing ito at ibibigay ito sa atin. Dinadaluyan ang lupain ng gatas at pulot-pukyutan.
9 Gima utim en ni kik ungʼanyne Jehova Nyasaye. Kik uluor jopinyno, nikech wabiro mwonyogi duto. Jarit mag-gi osea, to wan to Jehova Nyasaye nikodwa kendo kik uluorgi.”
Ngunit huwag kayong maghimagsik laban kay Yahweh at huwag kayong matakot sa mga tao ng lupain. Uubusin natin sila na kasindali ng pagkain. Maaalis mula sa kanila ang kanilang pananggalang, dahil kasama natin si Yahweh. Huwag ninyo silang katakutan.”
10 To chokruok mar oganda duto nowuoyo e kindgi giwegi mondo gichielgi gi kite. Eka duongʼ mar Jehova Nyasaye nothinyore ne jo-Israel duto e Hemb Romo.
Ngunit tinangka ng buong sambayanan na pagbabatuhin sila hanggang mamatay. Pagkatapos, lumitaw ang kaluwalhatian ni Yahweh sa tolda ng pagpupulong sa lahat ng mga tao ng Israel.
11 Jehova Nyasaye nowacho ne Musa niya, “Nyaka karangʼo ma jogi biro jarae? Nyaka karangʼo ma jogi biro tamore yie kuoma, kata bangʼ timo honni mopogore opogore e kindgi?
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hanggang kailan ba ako kamumuhian ng mga taong ito? Hanggang kailan sila mabibigong magtiwala sa akin, sa kabila ng lahat ng palatandaan ng aking kapangyarihan na aking ginawa sa kanila?
12 Abiro negogi gi masira mi atiekgi chuth, to un to abiro miyou ubed oganda maduongʼ kendo motegno moloyogi.”
Lulusubin ko sila ng salot, hindi ko sila pamamanahan at gagawa ako mula sa iyong angkan ng isang bansa na magiging higit na dakila at mas malakas kaysa sa kanila.”
13 Musa noywak ne Jehova Nyasaye niya, “Jo-Misri ongʼeyo wachni malongʼo ni in ema nigolo jo-Israel oa kuomgi gi tekoni iwuon.
Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Kung gagawin mo ito, maririnig ng mga taga-Ehipto ang tungkol dito, dahil sinagip mo ang mga tao mula sa kanila sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
14 Kendo gibiro nyiso jopinyni wachni. To bende gisewinjo ni in, yaye Jehova Nyasaye, oseneni kitelonegi godiechiengʼ gi boche mag polo, to gotieno itelonegi gi pilni mar mach.
Sasabihin nila ito sa mga naninirahan sa lupain. Maririnig nila na ikaw, Yahweh ay kapiling ng mga taong ito, dahil nakita ka nila nang harapan. Nasa itaas ng iyong mga tao ang iyong ulap. Pinangungunahan mo sila sa isang haligi ng ulap sa araw at isang haligi ng apoy sa gabi.
15 Ka inego jogi duto dichiel, to oganda mabiro winjo wach machalo kama kuomi biro wacho niya,
Ngayon, kung papatayin mo ang mga taong ito gaya ng isang tao, ang mga bansang nakarinig sa iyong katanyagan ay magsasalita at sasabihin,
16 ‘Jehova Nyasaye ne ok nyal chopo gi jogi e piny mane osingorenegi kokwongʼore, momiyo ne onegogi e thim.’
'Dahil hindi magawang dalhin ni Yahweh ang mga taong ito sa lupaing kaniyang ipinangakong ibigay sa kanila, pinatay niya sila sa ilang.'
17 “Mad koro teko Jehova Nyasaye oyangre malongʼo, mana kaka isewacho:
Ngayon, nagmamakaawa ako sa iyo, gamitin mo ang iyong dakilang kapangyarihan. Sapagkat sinabi mo,
18 ‘Jehova Nyasaye ok kech piyo, to en gihera mogundho kendo oweyo ne ji richogi kendo ongʼwono ne joma ongʼanyo. To kata kamano, joma oketho ok nyal we ma ok okum; okumo nyithindo kuom richo mag wuonegi nyaka tiengʼ mar adek kata nyaka tiengʼ mar angʼwen.’
banayad si Yahweh kung magalit at sagana sa tipan ng katapatan. Pinapatawad niya ang kasamaan at pagsuway. Hindi siya magpapawalang sala kapag dadalhin niya ang parusa ng kasalanan ng mga ninuno sa kanilang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.'
19 Kaluwore gihera mari maduongʼ, yie iwene jogi richo mag-gi, mana kaka isebedo ka ingʼwononegi chakre gia Misri nyaka sani.”
Patawad, nakikiusap ako sa iyo, itong kasalanan ng mga tao dahil sa kadakilaan ng iyong tipan ng katapatan, tulad ng palagi mong pagpapatawad sa mga taong ito mula sa panahong nasa Ehipto sila hanggang ngayon.”
20 Jehova Nyasaye nodwoko niya, “Aseweyonegi richogi mana kaka ne ikwayo.
Sinabi ni Yahweh, “Pinatawad ko na sila ayon sa iyong kahilingan,
21 Kata kamano, akwongʼora gi nyinga awuon kod duongʼ mara mopongʼo piny,
ngunit totoo, habang nabubuhay ako at habang napupuno ang buong mundo ng aking kaluwalhatian,
22 ni onge kata mana ngʼato achiel kuomgi mane oneno duongʼ mara kod ranyisi mag honni mane atimo Misri kendo e thim, to ne ok owinja kendo otema nyadipar; ma nochopi e piny mane asingonegi.
lahat ng mga taong iyon na nakakita ng aking kaluwalhatian at sa mga palatandaan ng aking kapangyarihang ginawa ko sa Ehipto at sa ilang—tinutukso pa rin nila ako ng sampung beses at hindi nakinig sa aking tinig.
23 Bende onge kata mana ngʼato achiel kuomgi mabiro neno piny mane asingone kweregi ka akwongʼora. Ngʼato angʼata ma osenyisa achaya ok none pinyno.
Kaya sinabi kong tiyak na hindi nila makikita ang lupaing aking ipinangako sa kanilang mga ninuno. Wala ni isa sa kanilang namuhi sa akin ang makakakita nito,
24 To nikech jatichna Kaleb nigi chuny mopogore kod mag-gi kendo ma luwa gi chunye duto, abiro tere e piny mane odhiyoeno, kendo nyikwaye nokaw pinyno kaka girkeni margi.
maliban kay Caleb na aking lingkod, dahil mayroon siyang ibang espiritu. Sinunod niya ako ng ganap; Dadalhin ko siya sa lupaing kaniyang pinuntahan upang suriin. Aangkinin ito ng kaniyang mga kaapu-apuhan.
25 To nikech jo-Amalek kod jo-Kanaan odak e kuonde mag holo, dwoguru kiny kendo udhi e thim mantiere e yo mochiko Nam Makwar.”
(Ngayon nakatira ang mga Amalekita at mga Cananeo sa lambak.) Bukas lumiko kayo at pumunta sa ilang sa pamamagitan ng daan ng Dagat ng mga Tambo.”
26 Jehova Nyasaye nowacho ne Musa kod Harun niya,
Nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron. Sinabi niya,
27 “Nyaka karangʼo ma oganda ma timbegi richogi biro ngʼur koda? Asewinjo ngʼur mar jo-Israel ma jo-mibadhigi.
“Hanggang kailan ko ba dapat tiisin itong masamang sambayanang bumabatikos sa akin? Narinig ko ang mga pagrereklamo ng mga tao ng Israel laban sa akin.
28 Omiyo nyisgiuru ni Jehova Nyasaye owacho ni, ‘Akwongʼora gi nyinga awuon, ni abiro timonu mana gigo mane awinjo kuwacho:
Sabihin mo sa kanila, 'Dahil ako ay buhay,' sinabi ni Yahweh, 'ayon sa sinabi mo sa aking pandinig, gagawin ko ito sa inyo:
29 Ringreu nolwar mana e thimni; ngʼato angʼata kuomu ma hike piero ariyo ka dhi nyime mane okwan e ndalo kweno kendo mosengʼur koda.
Babagsak ang inyong mga patay na katawan sa ilang na ito, lahat kayong nagreklamo laban sa akin, kayong nabilang na sa sensus, ang kabuoang bilang ng mga tao mula sa dalawampung taon pataas.
30 Onge ngʼato angʼata kuomu manodonji e piny mane asingone katingʼo bada malo mondo obed dalau, makmana Kaleb wuod Jefune kod Joshua wuod Nun.
Tiyak na hindi kayo makakapunta sa lupaing aking ipinangako upang gawin ninyong tahanan, maliban kay Caleb na lalaking anak ni Jefune at Josue na lalaking anak ni Nun.
31 To kuom nyithindu mane uwacho ni ibiro kaw kaka gik moyaki, gin to abiro kelogi mondo giyud mor mar piny mane udagi.
Ngunit ang inyong mga maliliit na anak na sinasabi ninyong magiging mga biktima, dadalhin ko sila sa lupain. Mararanasan nila ang lupaing inyong tinanggihan!
32 To un, ringreu nodongʼ e thim.
At para sa inyo, babagsak sa ilang na ito ang mga patay ninyong katawan.
33 Nyithindu nobed jokwath e pinyni kuom higni piero angʼwen, ka giyudo thagruok nikech bedou maonge gi ratiro, nyaka ane ni ringre ngʼama ogik odongʼ e thim.
Magiging pagala-gala ang inyong mga anak sa ilang sa loob ng apatnapung taon. Dapat nilang dalhin ang bunga ng inyong paghihimagsik hanggang sa patayin ng ilang ang inyong mga katawan.
34 Ne ubet ka unono pinyno kuom ndalo piero angʼwen, omiyo unuchul richou kuom higni piero angʼwen, ka higa achiel ikwano kar ndalo achiel, mi unufweny malongʼo gima omiyo akwedou.’
Tulad ng bilang ng mga araw na sinuri ninyo ang lupain—apatnapung araw, dapat din ninyong dalhin ang bunga ng inyong mga kasalanan sa loob ng apatnapung taon—isang taon sa bawat araw at dapat ninyong malaman kung ano ang katulad ng maging aking kaaway.
35 An, Jehova Nyasaye, asewacho, kendo abiro timo gigi adieri ne oganda ma timbegi richogi, moseriwore mar kweda. Giko mar ngimagi notimre e thim; kendo kae ema gibiro thoe.”
Akong, si Yahweh, ang nagsalita. Tiyak na gagawin ko ito sa buong masamang sambayanang ito na nagtipun-tipon laban sa akin. Mauubos sila sa ilang na ito. Dito sila mamamatay.'”
36 Omiyo joma Musa ne oseoro mondo odhi onon pinyno, mi odwogo kendo omiyo oganda duto ma timbegi richogi ongʼur kode kaluwore gi wach marach mane gikelo kuom pinyno;
Kaya namatay lahat ng lalaking ipinadala ni Moises upang tingnan ang lupain sa pamamagitan ng salot sa harapan ni Yahweh. Ito ang mga lalaking bumalik at nagdala ng isang masamang ulat tungkol sa lupain. Sila ang nagdulot sa buong sambayanan na magreklamo laban kay Moises.
37 jogi mane okelo wach marachni kuom pinyno noneg-gi gi masira e nyim Jehova Nyasaye.
38 Kuom joma nodhi nono pinyno, Joshua wuod Nun kod Kaleb wuod Jefune kende ema notony.
Mula sa mga lalaking pumunta upang tingnan ang lupain, tanging si Josue na anak na lalaki ni Nun at si Caleb na anak na lalaki ni Jefune ang natirang buhay.
39 Ka Musa nowacho ne jo-Israel duto wachni kendo ne giywak gi lit ahinya.
Nang iulat ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng tao ng Israel, nagluksa sila ng napakatindi.
40 Kiny gokinyi mangʼich ne giwuok mi gidhi e piny manie got. Negiwacho niya, “Wasetimo richo. Wabiro dhi nyaka kama Jehova Nyasaye nosingo.”
Bumangon sila nang maaga at pumunta sa tuktok ng bundok at sinabi, “Tingnan mo, narito kami at pupunta kami sa lugar na ipinangako ni Yahweh, sapagkat nagkasala kami.”
41 To Musa nowachonegi niya, “Angʼo momiyo utamoru winjo chik Jehova Nyasaye? Mano ok bi timore!
Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinusuway ninyo ngayon ang utos ni Yahweh? Hindi kayo magtatagumpay.
42 Kik udhi kuno, nikech Jehova Nyasaye oseweyou. Wasiku biro lou,
Huwag kayong umalis, dahil hindi ninyo kasama si Yahweh upang pigilan kayo mula sa pagkakatalo sa pamamagitan ng inyong mga kaaway.
43 nimar jo-Amalek kod jo-Kanaan noked kodu kuno. Nikech useweyo Jehova Nyasaye, ok enodhi kodu kendo nonegu gi ligangla.”
Nandoon ang mga Amalekita at mga Cananeo at mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada dahil tumalikod kayo mula sa pagsunod kay Yahweh. Kaya hindi niya kayo sasamahan.”
44 To kata kamano, ne ok gidewo wachno, mi gichako dhi malo e piny got, to Musa kata Sandug Muma mar Jehova Nyasaye ne ok owuok e kambi.
Ngunit nagpumilit silang umakyat sa maburol na lugar; gayunpaman, hindi umalis si Moises ni ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa kampo.
45 Eka jo-Amalek kod jo-Kanaan mane odak e piny got nolor mwalo mi omonjogi kendo neginegogi duto ma gichopo nyaka Horma.
Bumaba ang mga Amalekita at gayundin ang mga Cananeo na nakatira sa mga burol na iyon. Nilusob nila ang mga Israelita at tinalo silang lahat hanggang sa daan patungo ng Horma.