< Tim Jo-Lawi 1 >
1 Eka Jehova Nyasaye noluongo Musa mowuoyo kode gie Hemb Romo. Nowachone niya,
Tinawag ni Yahweh si Moises at kinausap siya mula sa tolda ng pagpupulong, sinasabing,
2 Wachne nyithind Israel kiwacho kama: Ka ngʼato kuomu kelo chiwo ne Jehova Nyasaye, to onego okel chiwo mag chiayo kaka dhok kata rombe.
“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang tao mula sa inyo ang magdadala ng isang handog kay Yahweh, dalhin bilang inyong handog ang isa sa inyong mga hayop, alinman mula sa pangkat ng mga hayop o mula sa kawan.
3 Ka chiwo en misango miwangʼo pep mar dhiangʼ, to nyaka obed mana mano madichwo maonge songa. Nyaka to ochiwe e dho Hemb Romo mondo omi Jehova Nyasaye oyie kode.
Kung ang kaniyang handog ay isang handog na susunugin mula sa pangkat ng mga hayop, dapat niyang ihandog ang isang lalaking hayop na walang dungis. Ihahandog niya ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, para maaari itong tanggapin sa harapan ni Yahweh.
4 Nyaka oket lwete ewi misango miwangʼo pep, mi Jehova Nyasaye noyie gi misangono mondo obed gima opwodhgo richone.
Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin, at pagkatapos tatanggapin ito sa ngalan niya para gawing kabayaran ng kasalanan para sa kanyang sarili.
5 Kendo enoyangʼ nyarwath e nyim Jehova Nyasaye, eka yawuot Harun ma bende gin jodolo nokel remo, kendo ginikir remo molworo kendo mar misango kendo mochomore gi dho Hemb Romo.
Pagkatapos dapat niyang patayin ang toro sa harapan ni Yahweh. Ang mga anak na lalaki ni Aaron, ang mga pari, ihahandog ang dugo at isasaboy ito sa altar na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
6 Eka noyangʼ rwadhno kaka misango miwangʼo pep kendo enopoge matindo tindo.
Pagkatapos dapat niyang balatan ang handog na susunugin at pagpira-pirasuhin ito.
7 Eka yawuot Harun jadolo nomok mach e kendo mar misango, kendo ginichan yien ewi mach.
Pagkatapos ilalagay ng mga anak na lalaki ni Aaron na pari ang apoy sa ibabaw ng altar at maglalagay ng kahoy para palakasin ang apoy.
8 Bangʼe yawuot Harun ma jodolo nochan lemo duto kaka wich gi boche ewi yien manie mach mar kendo mar misango.
Ilalagay ng mga anak na lalaki ni Aaron, na mga pari, ang mga piraso, ang ulo at ang taba nang maayos sa kahoy na nasa apoy na nasa altar.
9 Enoluoki jamb-ich gi tiendene gi pi, kendo jadolo nowangʼ-gi duto ewi kendo mar misango. En misango miwangʼo pep, madungʼ tik mangʼwe ngʼar ni Jehova Nyasaye.
Pero dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti nito. Pagkatapos susunugin ng pari ang lahat ng bagay sa altar bilang isang handog na susunugin. Magbibigay ito sa akin ng mabangong halimuyak; magiging isang handog ito na ginawa sa akin sa pamamagitan ng apoy.
10 To ka chiwono en misango miwangʼo pep nowuogi kuom jamni kata kuom rombe kata diek, to nyaka ochiw mano madichwo maonge songa.
Kung mula sa kawan ang kaniyang handog para sa handog na susunugin, isa sa mga tupa o isa sa mga kambing, isang lalaking walang kapintasan ang dapat niyang ihandog.
11 Kendo mondo onege e bath kendo mar misango yo nyandwat nyim Jehova Nyasaye, eka jodolo magin yawuot Harun nokir rembgi ewi kendo mar misango bathe koni gi koni.
Dapat niya patayin ito sa hilagang dako ng altar sa harapan ni Yahweh. Isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron, na mga pari, ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
12 Kendo nongʼade matindo tindo, eka jadolo nochan-gi ewi yien manie wi kendo mar misango wich kod boche.
Pagkatapos dapat niyang pagpira-pirasuhin ito, kasama ang ulo at ang taba nito, at ilalatag ang mga iyon ng pari sa kahoy na nasa apoy, na nasa altar,
13 To noluok jamb-ich gi tiendene kod pi, eka jadolo nokelgi duto mi nowangʼ-gi ewi kendo mar misango. En misango miwangʼo pep, madungʼ tik mangʼwe ngʼar e nyim Jehova Nyasaye.
subalit dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti. Pagkatapos ihahandog ng pari ang kabuuan, at susunugin ito sa altar. Ito ay isang handog na susunugin, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
14 To ka misango miwangʼo pep michiwone Jehova Nyasaye gin mana winy, to koro nyaka okel mana akuch odugla kata nyathi akuru.
Kung ang handog niya kay Yahweh ay isang sinunog na handog na mga ibon, sa gayon dapat niyang dalhin bilang kaniyang handog ang alinman sa isang kalapati o batang ibon.
15 Jadolo nokele e kendo mar misango, kendo nochod wiye, eka owangʼe ewi kendo mar misango, kendo rembe nobii michwer e bath kendo mar misango.
Dapat itong dalhin ng pari sa altar, pilipitin ang ulo nito, at sunugin ito sa altar. Pagkatapos dapat patuluin lahat ng dugo nito sa gilid ng altar.
16 Enogol oswakone gi gik moko manie i oswakone mowitgi oko e bath kendo mar misango, yo wuok chiengʼ kama otimo buru.
Dapat niyang alisin ang balun-balunan kasama ang mga laman nito, at itapon ito sa tabi ng altar sa silangang dako, sa lugar para sa mga abo.
17 Eka enobare gi e bwombe, to ok nopoge chuth, kendo bangʼe jadolo nowangʼe ewi kendo mar misango, kokete ewi yien manie mach. Ma en misango miwangʼo pep, ma en misango miwangʼo gi mach, madungʼ tik mangʼwe ngʼar ni Jehova Nyasaye.
Dapat niyang biyakin ito hawak ang mga pakpak, pero hindi niya ito dapat hatiin sa dalawang bahagi. Pagkatapos susunugin ito ng pari sa altar, sa kahoy na nasa apoy. Magiging isang handog na susunugin ito, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; magiging isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.