< Tim Jo-Lawi 25 >

1 Jehova Nyasaye nowacho ne Musa ewi Got Sinai niya,
Nakipag-usap si Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai, na sinasabing,
2 Wuo gi jo-Israel kendo inyisgi ni: Ka gichopo e piny mabiro miyogi, to pinyno nyaka rit Sabato mar Jehova Nyasaye.
“Makipag-usap ka sa mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, sa gayon dapat na magpatupad ang lupain ng isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh.
3 Kuom higni auchiel oyienu pidho cham e puotheu, gi loso tiend yiendeu mag mzabibu kendo oyienu kayo chambu kendo pono olembeu.
Dapat ninyong taniman ang inyong bukid sa loob ng anim na taon, at sa loob ng anim na taon dapat ninyong putulan ang ubasan at tipunin ang mga bunga.
4 To kochopo higa mar abiriyo to puodho nyaka yud yweyo mar Sabato, ma en Sabato mar Jehova Nyasaye. E higano lowo nyaka yud yweyo ma kik upidh gimoro amora e puotheu mag cham gi mag mzabibu.
Subalit sa ikapitong taon, isang Araw ng Pamamahinga ng taimtim na pahinga para sa lupa ang dapat ipatupad, isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh. Hindi ninyo dapat taniman ang inyong bukid o putulan ang inyong ubasan.
5 E higano kik uka orowe kata kik upon mzabibu monyak kendgi e yien mane ok uloso, nikech en higa ma piny yweyoe.
Hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang tumutubong mag-isa, at hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang ubas na tumutubo sa mga hindi pinutulang baging ninyo. Ito ay magiging isang taon ng taimtim na pahinga para sa lupa.
6 To gimoro amora ma piny nochiegnu e hik Sabato nobed mar chiembu, chiemb jotichu machwo gi mamon kaachiel gi jotichu mamoko, kod welo molimou kuma udakie kuom ndalo machwok,
Anuman ang tumubo sa hindi sinakang lupa sa panahon ng taon ng Araw ng Pamamahinga ay magiging pagkain para sa inyo. Kayo, ang inyong mga lalaki at babaeng lingkod, ang inyong mga upahang lingkod at ang mga dayuhang naninirahan kasama ninyo ay maaaring magtipon ng pagkain.
7 kendo nobed mar jambu gi le manie pinyu. Gimoro amora ma piny ochiego inyalo cham.
At ang inyong mga alagang hayop at saka mga mababangis na hayop ay maaaring kainin anuman ang tumubo sa lupa.
8 Waluru Sabato abiriyo mag higni abiriyo nyadibiriyo, tiendeni higni piero angʼwen gochiko.
Dapat kayong bumilang ng pitong taon ng mga Araw ng Pamamahinga, iyon ay, pitong ulit na pitong taon, upang magkaroon ng pitong mga Araw ng Pamamahingang taon, na binubuo ng apatnapu't siyam na taon.
9 Eka gouru turumbete kamoro amora e odiechiengʼ mar apar mar dwe mar abiriyo, kendo Odiechieng Pwodhruokno gouru turumbete e gwengeu duto.
Pagkatapos dapat kayong umihip ng maingay na trumpeta sa lahat ng dako sa ikasampung araw ng ikapitong buwan. Sa Araw ng Pagbabayad ng Kasalanan dapat kayong umihip ng isang trumpeta sa kabuuan ng lahat ng inyong lupain.
10 Waluru higa mar piero abich, kendo ugo milome e piny duto ni en higa ma joma otwe igonyo iweyogi gibedo thuolo. Enobed hiku mar mor; ngʼato ka ngʼato nodog thurgi ir joode kendo ir anywolane.
Dapat ninyong italaga ang ikalimampung taon kay Yahweh at magpahayag ng kalayaan sa buong lupain para sa lahat ng naninirahan dito. Magiging isang Paglaya ito para sa inyo, kung saan dapat ibalik ang mga ari-arian at mga alipin sa kanilang mga pamilya.
11 Higa mar piero abichno nobednu uduto hik mor, kik upidhe cham, kendo kik ukaye orowe, kata kik uponie mzabibu monyak kende e yien mane ok uloso.
Ang ikalimampung taon ay magiging isang Paglaya para sa inyo. Hindi kayo dapat magtanim o gumawa ng isinaayos na pag-aani. Kainin anuman ang tumutubong mag-isa, at tipunin ang mga ubas na tumutubo sa hindi pinutulang mga baging.
12 Nimar en higa mar piero abich, kendo mosewalnu maler ni Jehova Nyasaye, nyaka ucham gik monyak e puothe.
Dahil isang Paglaya iyon, na magiging banal para sa inyo. Dapat ninyong kainin ang bungang tumutubong mag-isa mula sa kabukiran.
13 E higani mar piero abich nyaka ngʼato ka ngʼato odog thurgi.
Dapat ninyong ibalik ang bawat isa sa kanyang sariling ari-arian sa Taon ng Paglaya.
14 E higani ka ngʼato ongʼiewo lop wadgi to kik wuond moro bedie kindgi.
Kung magbebenta kayo ng anumang lupa sa inyong kapit-bahay o bibili ng anumang lupa mula sa inyong kapit-bahay, hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa.
15 Ka ingʼiewo lop wadu nyaka ikwan higni kochakore e higa mar piero abich mokadho. Nyaka oket nengo lopno mana maromre gi higni ma pod ibiro keyoe.
Kung bibili kayo ng lupa mula sa inyong kapit-bahay, isaalang-alang ang bilang ng mga taon at mga pananim na maaaring anihin hanggang sa susunod na Paglaya. Dapat din iyong isaalang-alang ng inyong kapit-bahay na nagbebenta ng lupa.
16 Ka hignigo ngʼeny to nyaka imed nengo, to ka higni nok, to nyaka idwok nengo piny, nikech gima ingʼiewo kuome en mana cham mibiro kayo.
Ang higit na malaking bilang ng taon hanggang sa susunod na Paglaya ay magdaragdag sa halaga ng lupa, at ang higit na maliit na bilang ng taon hanggang sa susunod na Paglaya ay magbabawas sa halaga, dahil ang bilang ng pag-aani na idudulot ng lupa para sa bagong may-ari ay may kaugnayan sa bilang ng mga taon bago ang susunod na Paglaya.
17 Kik ngʼat maa nyawadgi, to luoruru Nyasachu. An e Jehova Nyasaye ma Nyasachu.
Hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa; sa halip, dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos, sapagkat ako ay Yahweh, na inyong Diyos.
18 Rituru buchena kendo une ni uluwo chikena, eka mondo udag gi kwe e pinyno.
Kaya nga dapat ninyong sundin ang aking mga kautusan, ingatan ang aking mga batas, at tuparin ang mga iyon. Sa gayon ligtas kayong mamumuhay sa lupain.
19 Mano eka lowo nochiegnu cham kendo nuchiem ma uyiengʼ mi unudagi gi kwe.
Mamumunga ang lupain, at kakain kayo hanggang mabusog at ligtas na mamumuhay roon.
20 Kapo upenjo niya, “Angʼo ma wabiro chamo e higa mar abiriyo ka ok wachwoyo, kata ka ok wakeyo?”
Maaaring sabihin ninyo, “Anong kakainin namin sa panahon ng ikapitong taon? Masdan, hindi kami makakapagtanim o makakapagtipon ng bunga.”
21 To anadwoku kama: Anaolnu gweth mogundho e higa mar auchiel, kendo puotheu nochieg cham moromou chamo nyaka bangʼ higni adek.
Iuutos kong dumating sa inyo ang aking pagpapala sa ikaanim na taon, at magbibigay ito ng aning sapat para sa tatlong taon.
22 E kinde ma uchwoyo e higa mar aboro to unubed mana kapod uchamo cham machon nyaka chop ubed gi keyo e higa mar ochiko.
Magtatanim kayo sa ikawalong taon at patuloy na kakain mula sa bunga ng mga nakaraang taon at mga itinagong pagkain. Hanggang sa dumating ang ani ng ikasiyam na taon, makakakain kayo mula sa mga pagkaing itinago sa mga nakaraang taon.
23 Kik ngʼato usne wadgi lowo chuth, nikech lowo en mara, un to un mana joma amiyo lowo kaka wenda kendo jodak.
Hindi dapat ipagbili ang lupa sa bagong permanenteng may-ari, dahil sa akin ang lupa. Kayong lahat ay mga dayuhan at pansamantalang naninirahan sa aking lupain.
24 E pinyu kamoro amora mudakie, nyaka uyie mondo puodho mane oseusi mondo owar.
Dapat ninyong sundin ang karapatan ng pagtubos para sa lahat ng lupang makamtan ninyo; dapat ninyong payagang muling bilhin ang lupa ng pamilya ng kung kanino ninyo ito binili.
25 Ka wadu moro dhier omako ma ouso lope, to nyaka wadgi moro tem matek kendo owarne lopeno.
Kung naging mahirap ang kapwa ninyo Israelita at dahil doon ipinagbili ang ilan sa kanyang ari-arian, sa gayon maaaring bilhin muli ng pinakamalapit niyang kamag-anak ang ari-ariang ipinagbili niya sa inyo.
26 To ka ngʼato onge gi watne manyalo warone lowo, to kata en owuon ndalo moyudo pesa onyalo ware,
Kung ang isang tao ay walang kamag-anak para tumubos ng kanyang ari-arian, subalit kung umunlad siya at may kakayahang tubusin ito,
27 kendo enokwan chakre higni mane ouse lopeno, kendo chulo ngʼatno pesa moromo gi higni ma pod odongʼ nyaka chop higa mar mor, eka koro oyiene kawo lopno obed mare kendo.
sa gayon maaari niyang kuwentahin ang mga taon mula nang ipinagbili ang lupa at bayaran ang nalalabi sa tao na kung kanino niya ito ipinagbili. Pagkatapos maaari siyang bumalik sa kanyang sariling ari-arian.
28 To ka ok onyal waro lopeno, to lopno nosik e lwet ngʼat mane ongʼiewocha nyaka chop higa mar piero abich. To kochopo higa mar morno to nowe lowo odogni wuon mare machon, kendo wuon-gi nokawe.
Subalit kung hindi niya kayang bawiin ang lupa para sa kanyang sarili, sa gayon mananatili ang lupang ipinagbili niya sa pagmamay-ari ng bumili nito hanggang sa Taon ng Paglaya. Sa Taon ng Paglaya, ibabalik ang lupa sa taong nagbenta nito, at babalik ang tunay na may-ari sa kanyang ari-arian.
29 Ka ngʼato oyie mi wadgi ongʼiewo ode mar dak manie dala mochiel motegno gi ohinga, to oyiene mana mar ware ka higa achiel pok orumo nyaka ne ngʼiewe. Higano mangima en gi thuolo mar ware.
Kung ang isang tao ay magbebenta ng isang bahay sa isang pinaderang siyudad, sa gayon maaari niya itong bilhin muli sa loob ng isang buong taon matapos na ipagbili ito. Sa loob na isang buong taon magkakaroon siya ng karapatan ng pagtubos.
30 Ka ok oware ka higa pok orumo, to odno mantiere ei ohinga mochiel motegnono mar dala maduongʼ nosik mana kobedo mar ngʼat mane ongʼiewecha, kaachiel gi nyikwaye kod kothe duto nyaka chiengʼ. Kata kochopo higa mar piero abich to ok nodwoke e lwet wuon machon.
Kung hindi matubos ang bahay sa loob ng isang buong taon, sa gayon ang bahay na nasa pinaderang siyudad ay magiging permanenteng ari-arian ng taong bumili nito, sa kabuuan ng mga salinhlahi ng kanyang mga kaapu-apuhan. Hindi na ibabalik ang bahay na iyon sa Paglaya.
31 To udi moger e mier ma ok ochiel gi ohinga nokwan mana kaka ikwano lowo. Ginto gin gik minyalo waro, maka ochopo higa mar piero abich to nyaka dwokgi e lwet wegi.
Subalit ang mga bahay sa mga bayan na walang pader sa palibot ng mga iyon ay magiging ari-ariang may kaugnayan sa mga bukirin ng bansa. Maaaring bilhin muli ang mga iyon, at dapat ibalik ang mga iyon sa panahon ng paglaya.
32 Jo-Lawi nigi thuolo kinde duto mar waro utegi manie miechgi.
Gayunman, ang mga bahay na pagmamay-ari ng mga Levita sa kanilang mga siyudad ay maaaring tubusin sa anumang oras.
33 Ka ja-Lawi moro ok owaro ode manie dalagi, to odni nyaka duogne e higa mar piero abich, nikech udi manie miech joka Lawi e mwandu kende ma gin godo e piny Israel.
Kung hindi tutubusin ng isa sa mga Levita ang bahay na ipinagbili niya, sa gayon dapat ibalik ang bahay na ipinagbili sa siyudad kung saan ito naroon sa Paglaya, dahil ang mga bahay sa mga siyudad ng mga Levita ay ari-arian nila sa gitna ng mga tao ng Israel.
34 To puothe mag lek mag joka Lawi ok nyal usi, nikech mano en mwandugi nyaka chiengʼ.
Subalit hindi maaring ipagbili ang mga bukid sa palibot ng kanilang mga siyudad dahil ang mga iyon ay permanenteng ari-arian ng mga Levita.
35 Ka ja-Israel wadu moro obedo modhier e dieru, to nyaka ukonye mana kaka ukonyo jadak kata wendo molimou kuma udakie kuom ndalo machwok mondo omi osik kodak kodu.
Kung naging mahirap ang kapwa kababayan ninyo, kung kaya hindi na niya kayang itaguyod ang kanyang sarili, sa gayon dapat ninyo siyang tulungan tulad ng tutulungan ang isang dayuhan o sino pa mang naninirahan bilang tagalabas na kasama ninyo.
36 Kik ukaw ohala moro amora kuome, to daguru kode kuluoro Nyasachu.
Huwag siyang singilin ng tubo o subukang kumita mula sa kanya sa anumang paraan, ngunit parangalan ang inyong Diyos upang ang kapatid ninyo ay makapanatiling namumuhay kasama ninyo.
37 Kik uhole pesa mondo uyudie ohala, kendo kik ukaw ohala kuom chiemo ma uhole.
Hindi ninyo siya dapat bigyan ng pautang na pera at patawan ng tubo, ni pagbilhan ng iyong pagkain upang kumita.
38 An e Jehova Nyasaye ma Nyasachu, mane ogolou e piny Misri momiyou piny Kanaan kendo mondo abed Nyasachu.
Ako ay Yahweh na inyong Diyos na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at upang ako ay maging Diyos ninyo.
39 Ka wadu odhier kendo ochiwore mondo ingʼiewe, to kik ikete otini ka misumba.
Kung maging mahirap ang kapwa kababayan ninyo at ipagbili ang kanyang sarili sa inyo, hindi ninyo siya dapat pagtrabahuhin tulad ng isang alipin.
40 To dag kode kaka jatich michulo kata kaka wendo modak kodi, kendo obiro tiyoni nyaka chop higa mar piero abich.
Ituring siyang isang upahang lingkod. Dapat siyang maging tulad ng isang taong pansamantalang naninirahan kasama ninyo. Maglilingkod siya sa inyo hanggang sa Taon ng Paglaya.
41 Eka bangʼe noa iri en kaachiel gi nyithinde, kendo odogi ir joodgi owuon kendo e lop kwerene.
Pagkatapos aalis siya mula sa inyo, siya at ang kanyang mga anak na kasama niya, at babalik siya sa kanyang sariling pamilya at sa ari-arian ng kanyang ama.
42 Nikech jo-Israel gin wasumbiniga mane agolo an awuon e piny Misri, ok onego ngʼiewgi kaka wasumbini.
Sapagkat mga lingkod ko sila na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Hindi sila ipagbibili bilang mga alipin.
43 Kik isand ja-Israel wadu kata matin, to iluor Nyasachi.
Hindi ninyo sila dapat pamunuan nang malupit, subalit dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos.
44 Wasumbini magu machwo kata mamon, unyalo mana ngʼiewo koa ir ogendini mukiewogo.
Para sa inyong mga aliping lalaki at babae, na maaari ninyong makuha mula sa mga bansang naninirahan sa palibot ninyo, maaari kayong bumili ng mga alipin mula sa kanila.
45 To bende un gi thuolo mar ngʼiewo nyithind jodak manie dieru, kaachiel gi joma ginywolo e dieru, makoro ginibed mwandu magu uwegi,
Maaari rin kayong bumili ng mga alipin sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo, iyon ay, mula sa kanilang mga pamilyang kasama ninyo, mga batang ipinanganak sa inyong lupain. Maaari ninyo silang maging ari-arian.
46 Bangʼ ka usetho to unuwegi ni yawuotu kaka girkeni kendo ginibed wasumbini mag-gi nyaka chiengʼ, makmana ni jo-Israel weteu to kik usandi.
Maaari ninyong ibigay ang ganyang mga alipin bilang isang pamana sa inyong mga anak na kasunod ninyo, para panghawakan bilang ari-arian. Mula sa kanila ay maaari kayong palaging bumili ng inyong mga alipin, ngunit hindi ninyo dapat pamunuan ang mga tao ng Israel nang may pagmamalupit.
47 Ka jadak moro manie dieru kata wendo oyudo mwandu mi obedo jamoko, to wadu moro to obedo modhier, mi ongʼiewe gi jadak modak e dieru kata anywola jadakno,
Kung isang dayuhan o isang taong pansamantalang naninirahan kasama ninyo ang naging mayaman, at kung isa sa mga kapwa ninyo Israelita ang naging mahirap at ipagbili ang kanyang sarili sa dayuhang iyon, o sa isang tao sa pamilya ng isang dayuhan,
48 to en giratiro mondo oware bangʼ ka osengʼiewe. Achiel kuom wedene nyalo ware.
matapos na ang inyong kapwa Israelita ay nabili, maaari siyang muling bilhin. Isang tao sa kanyang pamilya ang maaaring tumubos sa kanya.
49 Ngʼatni nyalo bedo owad gi wuon, kata wuod wuon kata mana watne moro amora e anywolane. To en bende kobedo ja-mwandu to onyalo warore owuon.
Marahil ang tiyuhin ng tao o anak ng kanyang tiyuhin ang siyang tutubos sa kanya, o sinumang malapit na kamag-anak niya mula sa kanyang pamilya. O, kung naging maunlad siya, maaari niyang tubusin ang kanyang sarili.
50 En kaachiel gi ngʼat mane ongʼieweno nyaka kwan kar romb higni chakre chiengʼ mane ongʼiewe nyaka chop higa mar piero abich. Pesa monego dwokne ngʼat mane ongʼieweno nyaka bed maromre gi pok ma dine ngʼatno ondikogo jatich kuom higni ma ngʼatno osetiyogo.
Dapat siyang makipagtawaran sa taong bumili sa kanya; dapat niyang bilangin ang mga taon mula sa taong ipinagbili niya ang kanyang sarili sa nakabili sa kanya hanggang sa Taon ng Paglaya. Ang halaga ng kanyang katubusan ay dapat kuwentahin alinsunod sa halagang ibabayad sa isang upahang lingkod, para sa bilang ng mga taon na maaari siyang patuloy na magtrabaho para sa bumili sa kanya.
51 To ka higni modongʼ ngʼeny, to noware gi chudo mamalo.
Kung may maraming taon pang natitira hanggang sa Paglaya, dapat siyang magbalik bayad bilang halaga para sa kanyang katubusan ng isang katumbas na dami ng perang angkop sa bilang ng mga taong iyon.
52 To kodongʼ gi higni manok mondo ochop e higa mar piero abich, to noware gi chudo ma piny.
Kung may ilang taon na lamang tungo sa Taon ng Paglaya, sa gayon ay dapat siyang makipagtawaran sa nakabili sa kanya upang ipakita ang bilang ng mga taong natitira bago ang Paglaya, at dapat siyang magbayad para sa kanyang katubusan alinsunod sa bilang ng mga taon.
53 Ngʼatni nyaka riti kaka jatich mondiki kendo ngʼat mane ongʼiewe ok oyiene mondo osande.
Dapat siyang ituring bilang isang taong inuupahan taun-taon. Dapat ninyong tiyaking hindi siya mapagmalupitan.
54 Ka ngʼatno ok owar e achiel kuom yorego, to en kaachiel gi nyithinde noweye thuolo e higa mar piero abich,
Kung hindi siya matutubos sa mga paraang ito, dapat siyang maglingkod hanggang sa Taon ng Paglaya, siya at ang kanyang mga anak na kasama niya.
55 nikech jo-Israel gin wasumbini maga. Gin wasumbini maga mane agolo e piny Misri. An e Jehova Nyasaye ma Nyasachu.
Para sa akin ang mga tao ng Israel ay mga lingkod. Mga lingkod ko sila na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'”

< Tim Jo-Lawi 25 >