< Romerne 14 >
1 Men tager eder af den, som er skrøbelig i Troen, og dømmer ikke hans Meninger!
Tanggapin ang sinumang mahina ang pananampalataya, nang hindi hinahatulan ang mga pagtatalo.
2 En har Tro til at spise alt; men den skrøbelige spiser kun Urter.
Sa isang dako, ang isang tao ay may paniniwalang maari niyang kainin ang kahit na ano, ngunit sa kabilang dako, ang ibang mahina ay kumakain lamang ng mga gulay.
3 Den, som spiser, må ikke ringeagte den, som ikke spiser; og den, som ikke spiser, må ikke dømme den, som spiser; thi Gud har taget sig af ham.
Huwag sanang hamakin ng taong kumakain ng kahit na ano ang taong hindi kinakain ang lahat. At ang siyang hindi kinakain ang lahat ay huwag husgahan ang taong kumakain ng lahat. Dahil tinanggap siya ng Diyos.
4 Hvem er du, som dømmer en andens Tjener? For sin egen Herre står eller falder han; men han skal blive stående, thi Herren er mægtig til at lade ham stå.
Sino ka, ikaw na humuhusga sa isang lingkod na pagmamay-ari ng iba? Sa harapan ng kaniyang amo siya tatayo o matutumba. Ngunit siya ay patatayuin, dahil nagagawa ng Panginoon na siya ay patayuin.
5 En agter den ene Dag fremfor den anden, en anden agter alle dage lige; enhver have fuld Vished i sit eget Sind!
Sa isang dako, pinahahalagahan ng isang tao ang isang araw ng higit kaysa sa iba. Sa kabilang dako, pinahahalagahan naman ng iba ang bawat araw ng pantay-pantay. Ang bawat tao ay magpasya sa kaniyang sariling isipan.
6 Den, som lægger Vægt på Dagen, han gør det for Herren. Og den, som spiser, gør det for Herren, thi han takker Gud; og den, som ikke spiser, gør det for Herren og takker Gud.
Ang nagpapahalaga ng araw, ay nagpapahalaga nito para sa Panginoon. At siya na kumakain, ay kumakain para sa Panginoon, sapagkat siya ay nagbibigay pasasalamat sa Diyos. Ang hindi kumakain, ay nagpipigil na kumain para sa Panginoon. Nagpapasalamat din siya sa Diyos.
7 Thi ingen af os lever for sig selv, og ingen dør for sig selv;
Sapagkat wala sa atin ang nabubuhay para sa kaniyang sarili, at walang namamatay para sa kaniyang sarili.
8 thi når vi leve, leve vi for Herren, og når vi dø, dø vi for Herren; derfor, enten vi leve, eller vi dø, ere vi Herrens.
Sapagkat kung tayo ay nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon. At kung tayo ay mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya kung tayo man ay mamamatay o mabubuhay, tayo ay sa Panginoon.
9 Dertil er jo Kristus død og bleven levende, at han skal herske både over døde og levende.
Dahil sa layuning ito namatay si Cristo at nabuhay muli, upang siya ay maging Panginoon ng mga patay at mga buhay.
10 Men du, hvorfor dømmer du din Broder? eller du, hvorfor ringeagter du din Broder? Vi skulle jo alle fremstilles for Guds Domstol.
Ngunit ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? At ikaw, bakit mo kinamumuhian ang iyong kapatid? Dahil lahat tayo ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Diyos.
11 Thi der er skrevet: "Så sandt jeg lever, siger Herren, for mig skal hvert Knæ bøje sig, og hver Tunge skal bekende Gud."
Sapagkat ito ay nasusulat, “Habang ako ay nabubuhay,” sabi ng Panginoon, “ang bawat tuhod ay luluhod sa akin, at ang bawat dila ay magbibigay ng papuri sa Diyos.”
12 Altså skal hver af os gøre Gud Regnskab for sig selv.
Kaya kung gayon, ang bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit ng kaniyang sarili sa Diyos.
13 Derfor, lader os ikke mere dømme hverandre, men dømmer hellere dette, at man ikke må give sin Broder Anstød eller Forargelse.
Samakatuwid, itigil na natin ang paghuhusga sa isa't isa, ngunit sa halip pagpasyahan ito, na walang sinuman ang maglalagay ng ikatitisod o patibong para sa kaniyang kapatid.
14 Jeg ved og er vis på i den Herre Jesus, at intet er urent i sig selv; dog, for den, som agter noget for urent, for ham er det urent.
Nalalaman ko at nahikayat ako sa Panginoong Jesus, na walang bagay na hindi malinis sa kaniyang sarili. Sa kaniya lamang na itinuturing ang anumang bagay na marumi, para sa kaniya ito ay marumi.
15 Thi dersom din Broder bedrøves for Mads Skyld, da vandrer du ikke mere i Kærlighed. Led ikke ved din Mad den i Fordærvelse, for hvis Skyld Kristus er død.
Kung dahil sa pagkain ay nasaktan ang iyong kapatid, hindi ka na lumalakad sa pag-ibig. Huwag mong ipahamak sa iyong pagkain ang siyang pinagkamatayan ni Cristo.
16 Lader derfor ikke eders Gode blive bespottet!
Kaya huwag ninyong hayaan na ang inyong mabubuting gawa ang maging dahilan upang kutyain sila ng mga tao.
17 Thi Guds Rige består ikke i at spise og drikke, men i Retfærdighed og Fred og Glæde i den Helligånd.
Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, ngunit tungkol ito sa pagiging matuwid, kapayapaan at kagalakan sa Banal na Espiritu.
18 Thi den, som deri tjener Kristus, er velbehagelig for Gud og tækkelig for Menneskene.
Sapagkat ang sinumang naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay katanggap-tanggap sa Diyos at sinang-ayunan ng mga tao.
19 Derfor, lader os tragte efter det, som tjener til Fred og indbyrdes Opbyggelse!
Kung gayon, ipagpatuloy natin ang mga bagay ng kapayapaan at ang mga bagay na nakapagpapatibay ng bawat isa.
20 Nedbryd ikke Guds Værk for Mads Skyld! Vel er alt rent, men det er ondt for det Menneske, som spiser med Anstød.
Huwag ninyong sirain ang gawain ng Diyos ng dahil sa pagkain. Ang lahat ng mga bagay ay tunay na malinis, ngunit masama ito para sa taong kumakain at nagiging dahilan ng kaniyang pagkatisod.
21 Det er rigtigt ikke at spise Kød eller at drikke Vin eller at gøre noget, hvoraf din Broder tager Anstød.
Mabuti ang hindi kumain ng karne, o uminom ng alak, o anumang magiging sanhi ng pagkakatisod ng iyong kapatid.
22 Den Tro, du har, hav den hos dig selv for Gud! Salig er den, som ikke dømmer sig selv i det, som han vælger.
Ang mga paniniwalang ito na mayroon ka, ikaw at ang Diyos lamang ang dapat nakakaalam. Pinagpala ang taong hindi hinahatulan ang kaniyang sarili bilang respeto sa kung ano ang kaniyang sinasang-ayunan.
23 Men den, som tvivler, når han spiser, han er domfældt, fordi det ikke er at Tro; men alt det, som ikke er af Tro, er Synd.
Ang nagdududa ay hinahatulan kung siya ay kakain, dahil hindi ito mula sa pananampalataya. At ang anumang hindi mula sa pananampalataya ay kasalanan.