< Salme 49 >

1 (Til sangmesteren. Af Koras sønner. En salme.) Hør det, alle Folkeslag, lyt til, al Verdens Folk,
Pakinggan ninyo ito, lahat kayong mga mamamayan; ibaling ang inyong pandinig, lahat kayong mga naninirahan sa mundo,
2 både høj og lav, både rig og fattig!
kapwa mababa at mataas, mayaman at mahirap na magkakasama.
3 Min Mund skal tale Visdom, mit Hjerte udgransker Indsigt;
Magsasabi ang aking bibig ng karunungan at ang magiging pagbubulay-bulay ng aking puso ay pang-unawa.
4 jeg bøjer mit Øre til Tankesprog, råder min Gåde til Strengeleg.
Ikikiling ko ang aking pandinig sa isang parabola; sisimulan ko ang aking parabola gamit ang alpa.
5 Hvorfor skulle jeg frygte i de onde dage, når mine lumske Fjender omringer mig med Brøde,
Bakit kailangang matakot ako sa mga araw ng kasamaan, kapag napapaligiran ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
6 de, som stoler på deres gods og bryster sig af deres store rigdom?
Ang mga nagtitiwala sa kanilang yaman at ipinagmamalaki ang halaga ng kanilang yaman -
7 Visselig, ingen kan købe sin sjæl fri og give Gud en løsesum
tiyak na walang makatutubos sa kaniyang kapatid o makapagbibigay sa Diyos ng panubos para sa kaniya,
8 - Prisen for hans sjæl blev for høj, for evigt måtte han opgive det - så han kunde blive i Live
Dahil mahal ang pagtubos ng buhay ng isang tao, at sa ating pagkakautang walang makakapagbayad.
9 og aldrig få Graven at se;
Walang mabubuhay ng magpakailanman nang hindi mabubulok ang kanyang katawan.
10 nej, han skal se den; Vismænd dør, både Dåre og Tåbe går bort. Deres Gods må de afstå til andre,
Dahil makararanas siya ng pagkabulok. Ang mga marurunong ay namamatay; ang mga hangal at ang mga malupit ay parehong mamamatay at iiwanan nila ang kanilang kayamanan sa iba.
11 deres Grav er deres Hjem for evigt, deres Bolig Slægt efter Slægt, om Godser end fik deres Navn.
Ang nasa kaloob-looban ng kaisipan nila ay magpapatuloy ang kanilang mga pamilya magpakailanman, pati na ang mga lugar kung saan (sila) naninirahan, sa lahat ng mga salinlahi; tinawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang mga pangalan.
12 Trods Herlighed bliver Mennesket ikke, han er som Dyrene, der forgår.
Pero ang tao na may taglay na yaman ay hindi nananatiling buhay; tulad siya ng mga hayop na namamatay.
13 Så går det dem, der tror sig trygge, så ender det for dem, deres Tale behager. (Sela)
Ito, ang kanilang pamamaraan, ay kanilang kahangalan; pero pagkatapos nila, ang mga tao ay sumasang-ayon sa kanilang mga sinasabi. (Selah)
14 I Dødsriget drives de ned som Får, deres Hyrde skal Døden være; de oprigtige træder på dem ved Gry, deres Skikkelse går Opløsning i Møde, Dødsriget er deres Bolig. (Sheol h7585)
Itinatalaga (sila) tulad ng isang kawan na pupunta sa sheol; kamatayan ang kanilang magiging pastol; ang matuwid ay magkakaroon ng kapangyarihan sa kanila pagsapit ng umaga; lalamunin ng sheol ang kanilang mga katawan at wala silang lugar na matitirahan. (Sheol h7585)
15 Men Gud udløser min Sjæl af Dødsrigets Hånd, thi han tager mig til sig. (Sela) (Sheol h7585)
Pero tutubusin ng Diyos ang aking buhay mula sa kapangyarihan ng sheol; ako ay kaniyang tatanggapin. (Selah) (Sheol h7585)
16 Frygt ej, når en Mand bliver rig, når hans Huses Herlighed øges;
Huwag matakot kapag may isang taong yumayaman, kapag ang kapangyarihan ng kaniyang pamilya ay lumalawak,
17 thi intet tager han med i Døden, hans Herlighed følger ham ikke.
dahil kapag siya ay namatay, wala siyang dadalhin kahit anong bagay; hindi niya kasamang bababa ang kanyang kapangyarihan.
18 Priser han end i Live sig selv: "De lover dig for din Lykke!"
Pinagpala niya ang kaniyang kaluluwa habang siya ay nabubuhay - at pinupuri ka ng mga tao kapag namumuhay ka para sa iyong sarili -
19 han vandrer til sine Fædres Slægt, der aldrig får Lyset at skue.
pupunta siya sa salinlahi ng kanyang mga ama at hindi nila kailanman makikitang muli ang liwanag.
20 Den, som lever i Herlighed, men uden Forstand, han er som Dyrene, der forgår.
Ang isang taong may yaman pero walang pang-unawa ay tulad ng mga hayop na namamatay.

< Salme 49 >