< Salme 17 >
1 (En bøn af David.) HERRE, hør en retfærdig Sag, lyt til min Klage lån Øre til Bøn fra svigløse Læber!
Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing; ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2 Fra dig skal min Ret udgå, thi hvad ret er, ser dine Øjne.
Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan; masdan ng iyong mga mata ang karampatan.
3 Prøv mit Hjerte, se efter om Natten, ransag mig, du finder ej Svig hos mig.
Iyong sinubok ang aking puso; iyong dinalaw ako sa kinagabihan; iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan; ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4 Ej synded min Mund, hvad end Mennesker gjorde; ved dine Læbers Ord vogted jeg mig for Voldsmænds Veje;
Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi. Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5 mine Skridt har holdt dine Spor, jeg vaklede ej på min Gang.
Ang aking mga hakbang ay nagsipanatili sa iyong mga landas, ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 Jeg råber til dig, thi du svarer mig, Gud, bøj Øret til mig, hør på mit Ord!
Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios: Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 Vis, dig underfuldt nådig, du Frelser for dem, der tyr til din højre for Fjender!
Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob, Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo. Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
8 Vogt mig som Øjestenen, skjul mig i dine Vingers Skygge
Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata, ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
9 for gudløse, der øver Vold imod mig, glubske Fjender, som omringer mig;
Sa masama na sumasamsam sa akin, sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin.
10 de har lukket deres Hjerte med Fedt, deres Mund fører Hovmodstale.
Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba: sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na may kapalaluan.
11 De omringer os, overalt hvor vi går, de sigter på at slå os til Jorden.
Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang: itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa.
12 De er som den rovgridske Løve, den unge Løve, der ligger på Lur.
Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli, at parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako.
13 Rejs dig, HERRE, træd ham i Møde, kast ham til Jorden, fri med dit Sværd min Sjæl fra den gudløses Vold,
Bumangon ka, Oh Panginoon, harapin mo siya, ilugmok mo siya: iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak;
14 fra Mændene, HERRE, med din Hånd, fra dødelige Mænd - lad dem få deres Del i levende Live! Fyld deres Bug med dit Forråd af Vrede, lad Børnene mættes dermed og efterlade deres Børn, hvad de levner!
Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon, sa mga tao ng sanglibutan, na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito, at ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan: kanilang binubusog ang kanilang mga anak, at iniiwan nila ang natira sa kanilang pag-aari sa kanilang sanggol.
15 Men jeg skal i Retfærd skue dit Åsyn, mættes ved din Skikkelse, når jeg vågner.
Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran: ako'y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis.