< Dommer 4 >

1 Men da Ehud var død, blev Israelitterne ved at gøre, hvad der var ondt i HERRENs Øjne.
Matapos mamatay ni Ehud, muling sinuway ng bayan ng Israel si Yahweh sa pamamagitan ng paggawa ng masasamang bagay, at nakita niya kung ano ang ginawa nila.
2 Derfor gav han dem til Pris, for Kana'anæerkongen Jabin, som herskede i Hazor; hans Hærfører var Sisera, som boede i Harosjet-Haggojim.
Ibinigay sila ni Yahweh sa kapangyarihan ni Jabin na hari ng Canaan na naghahari sa Hazor. Ang pinuno ng kaniyang hukbo ay nagngangalang Sisera, at naninirahan siya sa Haroshet ng mga Hentil.
3 Da råbte Israelitterne til HERREN. Thi Jabin havde 900 Jernvogne, og han trængte Israelitterne hårdt i tyve År.
Tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh para sa tulong, dahil mayroong siyamnaraang bakal na karwaheng pandigma si Sisera at inapi niya ang bayan ng Israel sa loob ng dalawampung taon.
4 Profetinden Debora, Lappidots Hustru, var på den Tid Dommer i Israel;
Ngayon si Debora, isang babaeng propeta (asawa ni Lappidot), ay isang nangungunang hukom sa Israel nang panahong iyon.
5 hun sad under Deborapalmen imellem Rama og Betel i Efraims Bjerge, og Israelitterne drog op til hende med deres Retstrætter.
Madalas siyang nakaupo sa ilalim ng palmera ni Debora sa pagitan ng Rama at Betel sa bulubundukin ng Efraim, at lumalapit sa kaniya ang mga tao ng Israel para lutasin ang kanilang mga alitan.
6 Hun sendte nu Bud efter Barak, Abinoams Søn fra Kedesj i Naftali, og sagde til ham: "Har ikke HERREN, Israels Gud, budt: Bryd op, drag hen på Tabors Bjerg og tag 10000 Mand af Naftali og Zebulon med dig;
Ipinatawag niya si Barak na anak ni Abinoam mula sa Kedes sa Neftali. Sinabi niya sa kaniya, “Inuutusan ka ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Pumunta ka sa Bundok Tabor, at magsama ng sampung libong kalalakihan mula sa Neftali at Zebulun.
7 så skal jeg drage Jabins Hærfører Sisera med hans Vogne og Hærstyrke hen til dig ved Kisjonbækken og give ham i din Hånd!"
Palalabasin ko si Sisera, na pinuno ng hukbo ni Jabin, para salubungin kayo sa ilog ng Kison, kasama ang kaniyang mga karwaheng pandigma at kaniyang hukbo, at bibigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya.'”
8 Barak svarede hende: "Hvis du vil gå med, vil jeg gå; men hvis du ikke går med, går jeg ikke!"
Sinabi ni Barak sa kaniya, “Kung sasama ka sa akin, pupunta ako, pero kung hindi ka sasama sa akin, hindi ako pupunta.”
9 Da sagde hun: "Vel, jeg går med, men så får du ikke Æren af den Færd, du begiver dig ud på, thi HERREN vil overgive Sisera i en Kvindes Hånd!" Så brød Debora op og drog af Sted til Kedesj med Barak.
Sinabi niya, “Talagang sasama ako sa iyo. Gayunman, ang landas na dadaanan mo ay hindi maghahatid sa iyong karangalan, dahil gagawin ni Yahweh na talunin si Sisera ng isang babae sa pamamagitan ng kaniyang lakas.” Pagkatapos tumayo si Debora at sumama kay Barak sa Kedes.
10 Barak stævnede nu Zebulon og Naftali sammen i Kedesj, og 10000 Mand fulgte med ham derop; også Debora gik med.
Tinawag ni Barak ang mga kalalakihan ng Neftali para magtipon sa Kedes. Sampung libong kalalakihan ang sumama sa kaniya, at sumama sa kanya si Debora.
11 Men Keniten Heber havde skilt sig fra Keniterne, Moses's Svigerfader Hobabs Sønner, og slået Telt i Egnen hen imod Elon-Beza'anannim ved Kedesj.
Ngayon hiniwalay ni Heber (ang Kenita) ang kaniyang sarili mula sa mga Kenita—sila ay mga kaapu-apuhan ni Hobab (biyenan ni Moises) —at nagtayo ng kaniyang tolda sa may kakahuyan ng Zaananim malapit sa Kedes.
12 Da Sisera fik Melding om, at Barak, Abinoams Søn, var draget op på Tabors Bjerg,
Nang sinabihan nila si Sisera na umakyat si Barak sa Bundok Tabor,
13 stævnede han alle sine Stridsvogne, 900 jernbeslagne Vogne, og hele sin Krigsstyrke fra Harosjet Haggojim til Kisjonbækken.
tinipon ni Sisera ang kaniyang mga karwaheng pandigma, siyamnaraang bakal na karwaheng pandigma, at lahat ng mga sundalong kasama niya, mula sa Haroset ng mga Hentil patungo sa Ilog Kison.
14 Da sagde Debora til Barak: "Bryd nu op! Thi det er i Dag. HERREN vil give Sisera i din Hånd. Er HERREN ikke draget foran dig?" Barak steg da ned fra Tabors Bjerg, fulgt af de 10000 Mand.
Sinabi ni Debora kay Barak, “Humayo ka! Dahil ito ang araw na ibinigay sa iyo ni Yahweh ang tagumpay laban kay Sisera. Hindi ba pinangungunahan ka ni Yahweh?” Kaya bumaba si Barak mula sa Bundok Tabor na may sampung libong kalalakihang sumusunod sa kaniya.
15 Og foran Barak bragte HERREN Uorden iblandt alle Siseras Stridsvogne og i hele hans Hær. Sisera sprang af sin Vogn og flygtede til Fods;
Ginawa ni Yahweh na malito ang hukbo ni Sisera, ang lahat ng kaniyang mga karwaheng pandigma, at lahat ng kaniyang hukbo. Sinalakay sila ng mga tauhan ni Barak at bumaba si Sisera sa kaniyang karwaheng pandigma at tumakbo.
16 men Barak satte efter Vognene og Hæren lige til Harosjet Haggojim, og hele Siseras Hær faldt for Sværdet, ikke een blev tilbage.
Pero tinugis ni Barak ang mga karwaheng pandigma at ang hukbo patungo sa Haroset ng mga Hentil, at ang buong hukbo ni Sisera ay namatay sa pamamagitan ng talim ng espada, at wala ni isa mang nakaligtas.
17 Sisera var imidlertid flygtet til Fods til Keniten Hebers Hustru Jaels Telt, thi der var Fred imellem Kong Jabin af Hazor og Keniten Hebers Slægt.
Pero tumakbo palayo si Sisera patungo sa tolda ni Jael, na asawa ni Heber na Kenita, dahil mayroong kapayapaan sa pagitan ni Jabin na hari ng Hazor at ng sambahayan ni Heber na Kenita.
18 Da gik Jael Sisera i Møde og sagde til ham: "Tag dog ind hos mig, Herre, du bar intet at frygte!" Han tog da ind i Teltet hos hende, og hun dækkede ham til med et Tæppe.
Lumabas si Jael para salubungin si Sisera at sinabi sa kaniya, “Lumapit ka, aking panginoon; lumapit ka patungo sa akin at huwag matakot.” Kaya lumapit si Sisera patungo sa kaniya at pumasok sa kaniyang tolda at siya ay tinakpan niya ng isang kumot.
19 Og han sagde til hende: "Giv mig lidt Vand at drikke, thi jeg er tørstig!" Da åbnede hun Mælkesækken og gav ham at drikke og dækkede ham atter til.
Sinabi niya sa kaniya, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig na maiinom, dahil ako ay nauuhaw.” Binuksan niya ang isang balat na supot ng gatas at binigyan siya ng inumin, at siya'y tinakpan niyang muli.
20 Så sagde han til hende: "Stil dig hen i Teltdøren, og hvis der kommer en og spørger, om der er nogen herinde, så sig nej!"
Sinabi niya sa kaniya, “Tumayo ka sa bungad ng tolda at kung may dumating at magtanong sa iyo, 'May tao ba riyan?' sabihing, 'Wala'.”
21 Men Jael, Hebers Hustru, greb en Teltpæl og tog en Hammer i Hånden, listede sig ind til ham og slog Pælen igennem hans Tinding, så den trængte ned i Jorden; thi han var faldet i dyb Søvn, træt som han var; således døde han.
Pagkatapos nagdala si Jael (ang asawa ni Heber) ng isang pakong kahoy ng tolda at martilyo sa kaniyang kamay at palihim na pumunta sa kaniya, dahil siya ay nasa mahimbing na pagtulog, at ipinukpok niya ang pakong kahoy sa tagiliran ng kaniyang ulo at ito ay tumusok patagos sa kaniya at bumaba sa lupa. At siya ay namatay.
22 Og se, Barak, søm forfulgte Sisera, kom forbi. Da gik Jael ham i Møde og sagde til ham: "Kom, jeg skal vise dig den Mand, du søger efter!" Så kom han ind til hende. Og se, der lå Sisera død med Teltpælen gennem Tindingen.
Habang hinahabol ni Barak si Sisera, lumabas si Jael para salubungin siya at sinabi sa kaniya, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang taong hinahanap mo.” Kaya sumama siya sa kaniya, at naroon nakabulagtang patay si Sisera, na ang pakong kahoy ng tolda ay nasa tagiliran ng kaniyang ulo.
23 Således lod Gud på den Dag Kana'anæerkongen Jabin bukke under for Israelitterne;
Kaya sa araw na iyon tinalo ng Diyos si Jabin, ang hari ng Canaan, sa harapan ng mga tao ng Israel.
24 og Israelitternes Hånd faldt hårdere og hårdere på Kana'anæerkongen Jabin, til de fik ham tilintetgjort.
Ang lakas ng mga tao ng Israel ay tumindi nang tumindi laban kay Jabin ang hari ng Canaan, hanggang sa siya ay wasakin nila.

< Dommer 4 >