< Job 31 >
1 Jeg sluttede en Pagt med mit Øje om ikke at se på en Jomfru;
Gumawa ako ng tipan sa aking mga mata; paano kaya ako makakatingin nang may pagnanasa sa isang birhen?
2 hvad var ellers min Lod fra Gud hist oppe, den Arv, den Almægtige gav fra det høje?
Dahil ano ang gantimpala mula sa Diyos sa itaas, ang mana mula sa Makapangyarihan na nasa itaas?
3 Har ikke den lovløse Vanheld i Vente, Udådsmændene Modgang?
Dati ay iniisip ko na ang kalamidad ay para sa mga makasalanan, na ang kapahamakan ay para sa mga gumagawa ng kasamaan.
4 Ser han ej mine Veje og tæller alle mine Skridt?
Hindi ba nakikita ng Diyos ang aking mga pamamaraan at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
5 Har jeg holdt til med Løgn, og hasted min Fod til Svig
Kung ako ay lumakad nang may kasinungalingan, kung ang paa ko ay nagmadali patungo sa panlilinlang,
6 på Rettens Vægtskål veje han mig, så Gud kan kende min Uskyld
(hayaang ako ay timbangin sa isang parehas na timbangan para malaman ng Diyos ang aking integridad).
7 er mit Skridt bøjet af fra Vejen, og har mit Hjerte fulgt mine Øjne, hang noget ved mine Hænder,
kung nalihis mula sa tamang daan ang aking hakbang, kung sumunod ang aking puso sa aking mga mata, kung may anumang bahid ng karumihan ang dumikit sa aking mga kamay,
8 da gid jeg må så og en anden fortære, og hvad jeg planted, oprykkes med Rode!
kung gayon hayaang maghasik ako at hayaang ang iba ang kumain; tunay nga, hayaang bunutin ang ani mula sa aking bukid.
9 Blev jeg en Dåre på Grund at en Kvinde, og har jeg luret ved Næstens Dør,
Kung naakit ang aking puso sa ibang babae, kung ako ay naghintay sa pinto ng aking kapwa para sa kaniyang asawang babae,
10 så dreje min Hustru Kværn for en anden, og andre bøje sig over hende!
kung gayon hayaang gumiling ng butil ang aking asawa para sa ibang lalaki, at hayaang sumiping ang ibang mga lalaki sa kaniya.
11 Thi sligt var Skændselsdåd, Brøde, der drages for Retten,
Dahil iyon ay magiging kakila-kilabot na krimen; tunay nga, iyon ay magiging isang krimen na parurusahan ng mga hukom.
12 ja, Ild, der æder til Afgrunden og sætter hele min Høst i Brand!
Dahil iyon ay isang apoy na sumusunog sa lahat ng bagay para sa sheol at susunugin niyon ang lahat ng aking mga ani.
13 Har jeg ringeagtet min Træls og min Trælkvindes Ret, når de trættede med mig,
Kung hindi ko pinansin ang pagsamo para sa katarungan mula sa aking lalaki o babaeng lingkod nang sila ay nakipagtalo sa akin,
14 hvad skulde jeg da gøre, når Gud stod op, hvad skulde jeg svare, når han så efter?
ano kung ganoon ang gagawin ko kapag tumayo ang Diyos para akusahan ako? Kapag dumating siya para husgahan ako, paano ko siya sasagutin?
15 Har ikke min Skaber skabt ham i Moders Skød, har en og samme ej dannet os begge i Moders Liv?
Hindi ba't ginawa rin sila ng siyang gumawa sa akin sa sinapupunan? Hindi ba't pareho ang nag-iisa na bumuo sa ating lahat sa sinapupunan?
16 Har jeg afslået ringes Ønske, ladet Enkens Øjne vansmægte,
Kung ipinagkait ko ang mga ninanais ng mga mahihirap, o kung idinulot ko na lumabo ang mga mata ng mga biyuda dahil sa pag-iyak,
17 var jeg ene om at spise mit Brød, har den faderløse ej spist deraf
o kung kinain kong mag-isa ang aking pagkain at hindi pinayagang kumain din nito ang mga walang ama -
18 nej, fra Barnsben fostred jeg ham som en Fader, jeg ledede hende fra min Moders Skød.
(sa halip, mula sa aking pagkabata ang ulila ay lumaki kasama ko parang sa isang ama, at ginabayan ko ang kaniyang ina, isang biyuda, mula sa sinapupunan ng sarili kong ina) —
19 Har jeg set en Stakkel blottet for Klæder, en fattig savne et Tæppe
kung nakita ko ang sinuman na namatay dahil sa kakulangan ng pananamit, o kung nakita ko ang isang nangangailangang tao na walang pananamit;
20 visselig nej, hans Hofter velsigned mig, når han varmed sig i Uld af mine Lam.
o kung hindi ako binasbasan ng kaniyang puso dahil hindi siya nainitan ng balahibo ng aking tupa,
21 Har jeg løftet min Bånd mod en faderløs, fordi jeg var vis på Medhold i Retten,
kung iniamba ko ang aking kamay laban sa mga taong walang ama dahil nakita ko ang pagsuporta para sa akin sa tarangkahan ng lungsod —
22 så falde min Skulder fra Nakken, så rykkes min Arm af Led!
kung ganoon hayaang malaglag ang aking balikat mula sa paypay, at hayaang ang bisig ko ay mabali mula sa hugpungan.
23 Thi Guds Rædsel var kommet over mig, og når han rejste sig, magted jeg intet!
Dahil ang sakuna mula sa Diyos ay magiging malaking takot sa akin; dahil sa kaniyang kamahalan, hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito.
24 Har jeg slået min Lid til Guld, kaldt det rene Guld min Fortrøstning,
Kung ginawa kong aking pag-asa ang ginto, at kung sinabi ko sa mainam na ginto, 'Sa iyo ako may tiwala;'
25 var det min Glæde, at Rigdommen voksed, og at min Hånd fik sanket så meget,
Kung ako ay nagalak dahil labis ang aking kayamanan, dahil kinuha ng aking kamay ang maraming pag-aari;
26 så jeg, hvorledes Sollyset stråled, eller den herligt skridende Måne,
kung nakita ko ang araw nang ito ay lumiwanag, o ang buwan na naglalakad sa kaniyang kaliwanagan,
27 og lod mit Hjerte sig dåre i Løn, så jeg hylded dem med Kys på min Hånd
at kung lihim na naakit ang aking puso, kaya hinalikan ng aking bibig ang aking kamay sa pagsamba sa kanila -
28 også det var Brøde, der drages for Retten, thi da fornægted jeg Gud hist oppe.
ito rin ay magiging isang krimen na paparusahan ng mga hukom, sapagkat ikakaila ko sana ang Diyos na nasa itaas.
29 Var min Avindsmands Fald min Glæd jubled jeg, når han ramtes af Vanheld
Kung nagalak ako sa pagkasira ng sinumang namumuhi sa akin at binati ang aking sarili nang inabutan siya ng sakuna —
30 nej, jeg tillod ikke min Gane at synde, så jeg bandende kræved hans Sjæl.
(tunay nga, hindi ko pinayagan ang aking bibig na magkasala sa pamamagitan ng paghingi ng kaniyang buhay gamit ang isang sumpa)
31 Har min Husfælle ej måttet sige: "Hvem mættedes ej af Kød fra hans Bord"
kung hindi kailanman sinabi ng mga tao sa aking tolda, “Sino ang makakahanap ng isang hindi nabusog sa pagkain ni Job?”
32 nej, den fremmede lå ej ude om Natten, jeg åbned min Dør for Vandringsmænd.
(hindi kailanman kinailangan ng dayuhan na manatili sa lansangan; sa halip, lagi kong binubuksan ang aking mga pinto sa manlalakbay)
33 Har jeg skjult mine Synder, som Mennesker gør, så jeg dulgte min Brøde i Brystet
kung, tulad ng sangkatauhan, itinago ko ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatago ng aking kasalanan sa loob ng aking tunika
34 af Frygt for den store Hob, af Angst for Stamfrænders Ringeagt, så jeg blev inden Døre i Stilhed!
- dahil kinatakutan ko ang napakaraming tao, dahil lubha akong natakot sa paghamak ng mga pamilya, kung kaya't nanahimik ako at hindi lumabas ng aking bahay.
35 Ak, var der dog en, der hørte på mig! Her er mit Bomærke - lad den Almægtige svare! Havde jeg blot min Modparts Indlæg!
O, kung mayroon lang sanang makikinig sa akin! Tingnan ninyo, narito ang aking lagda; hayaang sagutin ako ng Makapangyarihan! Kung nasa akin lang sana ang sakdal na isinulat ng aking kalaban!
36 Sandelig, tog jeg det på min Skulder, kransed mit Hoved dermed som en Krone,
Tiyak na lantarang dadalhin ko ito sa aking balikat; isusuot ko ito nang tulad ng isang korona.
37 svared ham for hvert eneste Skridt og mødte ham som en Fyrste.
Magpapahayag ako sa kaniya ng isang pagsusulit ng aking mga hakbang; gaya ng isang prinsipeng malakas ang loob, lalapitan ko siya.
38 Har min Mark måttet skrige over mig og alle Furerne græde,
Kung sakaling sumigaw laban sa akin ang aking lupain, at ang mga daan ng araro nito ay sama-samang umiyak,
39 har jeg tæret dens Kraft uden Vederlag, udslukt dens Ejeres Liv,
kung kinain ko ang ani nito nang hindi ito binabayaran o naging dahilan na mamatay ang mga may-ari nito,
40 så gro der Tjørn for Hvede og Ukrudt i Stedet for Byg! Her ender Jobs Ord.
kung ganoon hayaang tumubo ang mga tinik sa halip na trigo at damo sa halip na barley.” Tapos na ang mga salita ni Job.