< Jakob 2 >
1 Mine Brødre! Eders Tro på vor Herre Jesus Kristus, den herliggjorte, være ikke forbunden med Persons Anseelse!
Mga kapatid ko huwag natin sundin ang pananampalataya ng ating Panginoon Jesus-Cristo, na Panginoon ng kadakilaan, na may pagtatangi sa ilang mga tao,
2 Når der nemlig kommer en Mand ind i eders Forsamling med Guldring på Fingeren, i prægtig Klædning, men der også kommer en fattig ind i smudsig Klædning,
Kung may taong pumasok sa inyong pagpupulong na may suot na mga gintong singsing at may mga marangyang kasuotan, at mayroon ding pumasok na taong mahirap na may maruming kasuotan,
3 og I fæste Øjet på den, som bærer den prægtige Klædning og sige: Sæt du dig her på den gode Plads, og I sige til den fattige: Stå du der eller sæt dig nede ved min Fodskammel:
at nagbigay lamang kayo ng pansin sa taong may marangyang kasuotan, at sinabing, “Maupo po kayo rito sa magandang lugar,” ngunit sinabi mo sa taong mahirap, “Tumayo ka sa banda roon,” o kaya ay, “maupo ka sa aking paanan,”
4 ere I så ikke komne i Strid med eder selv og blevne Dommere med slette Tanker?
hindi ba kayo gumagawa ng paghatol sa inyong sarili, at nagiging hukom ng may mga masasamang kaisipan?
5 Hører, mine elskede Brødre! Har Gud ikke udvalgt de for Verden fattige til at være rige i Tro og Arvinger til det Rige, som han har forjættet dem, der elske ham?
Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid, hindi ba pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at manahin ang kaharian na ipinangako sa kanila na nagmamahal sa kaniya?
6 Men I have vanæret den fattige! Er det ikke de rige, som underkue eder, og er det ikke dem, som slæbe eder for Domstolene?
Ngunit hindi ninyo binigyan ng karangalan ang mahihirap! Hindi ba ang mayayaman, sila ay ang ang nang-aapi sa inyo, at hindi ba sila ang nagkakaladkad sa inyo sa mga hukuman?
7 Er det ikke dem, som bespotte det skønne Navn, som er nævnet over eder?
Hindi ba ang mayaman ang lumalait sa magandang pangalan kung kanino kayo tinawag?
8 Ganske vist, dersom I opfylde den kongelige Lov efter Skriften: "Du skal elske din Næste som dig selv", gøre I ret;
Gayunman, kung tinutupad ninyo ang mga maharlikang kautusan, na naisulat sa mga kasulatan, “Mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili,” maganda ang ginagawa ninyo.
9 men dersom I anse Personer, gøre I Synd og revses af Loven som Overtrædere.
Ngunit kung nagbibigay kayo ng pagtatangi sa ilang tao, kayo ay nagkakasala, nahatulan ng kautusan bilang isang lumalabag sa batas.
10 Thi den, som holder hele Loven, men støder an i eet Stykke, er bleven skyldig i alle.
Kung sinuman ang sumusunod sa lahat ng kautusan, ngunit matisod sa isa sa mga ito, magkakasala siya sa pagsuway sa lahat ng kautusan!
11 Thi han, som sagde: "Du må ikke bedrive Hor," sagde også: "Du må ikke slå ihjel." Dersom du da ikke bedriver Hor, men slår ihjel, da er du bleven en Lovens Overtræder.
Sapagkat ang Diyos na nagsasabi ng,”Huwag kang mangangalunya,” nagsabi ring, “Huwag papatay.” Kung hindi ka nangalunya, ngunit ikaw ay pumatay, sinuway mo ang kautusan ng Diyos.
12 Taler således og gører således, som de, der skulle dømmes efter Frihedens Lov.
Kaya't magsalita at sumunod katulad nila na malapit ng hatulan sa pamamagitan ng batas ng kalayaan.
13 Thi Dommen er ubarmhjertig imod den, som ikke har øvet Barmhjertighed; Barmhjertighed træder frimodigt op imod Dommen.
Sapagkat darating ang paghahatol na walang kahabagan sa kanila na nagpakita ng walang kahabagan. Ang kahabagan ay nagtatagumpay laban sa kahatulan!
14 Hvad gavner det, mine Brødre! om nogen siger, han har Tro, men ikke har Gerninger? mon Troen kan frelse ham?
Ano ang kabutihan nito, mga kapatid, kung may magsasabi na mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala siyang mga gawa? Kaya ba ng pananampalatayang iyon na iligtas siya?
15 Dersom en Broder eller Søster er nøgen og fattes den daglige Føde,
Kung ang kapatid na lalaki o kapatid na babae ang nangangailangan ng kasuotan at pagkain araw-araw,
16 og en af eder siger til dem: Går bort i Fred, varmer eder og mætter eder, men I ikke give dem det, som hører til Legemets Nødtørst, hvad gavner det?
at ang isa sa inyo ay magsasabi sa kanila, “Humayo kayong mapayapa, mangagpainit kayo at magpakabusog kayo,”' subalit hindi ninyo sila binigyan ng mga kinakailangan para sa katawan, anong kabutihan iyon?
17 Ligeså er også Troen, dersom den ikke har Gerninger, død i sig selv.
Sa ganuon ding pamamaraan ang pananampalataya lang, kung hindi ito nagtataglay ng mga gawa, ay patay.
18 Men man vil sige: Du har Tro, og jeg har Gerninger. Vis mig din Tro uden Gerningerne, og jeg vil af mine Gerninger vise dig Troen.
Ngunit may isang magsasabing, “Mayroon kang pananampalataya, at mayroon akong gawa.” Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalataya na walang gawa, at ipapakita ko sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa.
19 Du tror, at Gud er een; deri gør du ret; også de onde Ånder tro det og skælve.
Naniniwala ka na ang Diyos ay iisa; tama ka. Ngunit ang mga demonyo ay naniniwala rin at nanginginig.
20 Men vil du vide, du tomme Menneske! at Troen uden Gerninger er unyttig?
Gusto mo bang malaman, taong mangmang, kung paano na ang pananampalataya na walang gawa ay walang kabuluhan?
21 Blev ikke vor Fader Abraham retfærdiggjort af Gerninger, da han ofrede sin Søn Isak på Alteret?
Hindi ba si Abraham na ating patriyarka ay pinawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa nang ihain niya sa altar ang anak niyang si Isaac?
22 Du ser, at Troen virkede sammen med hans Gerninger, og ved Gerningerne blev Troen fuldkommet,
Nakita ninyo na ang pananampalataya ay kumilos kasama ang kaniyang gawa, at sa pamamagitan ng paggawa nakamit ng kaniyang pananampalataya ang layunin nito.
23 og Skriften blev opfyldt, som siger: "Abraham troede Gud, og det blev regnet ham til Retfærdighed", og han blev kaldet Guds Ven.
Natupad ang kasulatan na nagsasabing, “Naniwala si Abraham sa Diyos, at ibinilang ito sa kaniya na katuwiran.” Kaya't si Abraham ay tinawag na kaibigan ng Diyos.
24 I se, at et Menneske retfærdiggøres af Gerninger, og ikke af Tro alene.
Nakita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa ang tao ay mapapa-walang sala, at hindi sa pananampalataya lamang.
25 Ligeså Skøgen Rahab, blev ikke også hun retfærdiggjort af Gerninger, da hun tog imod Sendebudene og lod dem slippe bort ad en anden Vej?
Sa parehong paraan din hindi ba't si Rahab na nagbebenta ng aliw ay napawalang sala sa pamamagitan ng gawa, nang tinanggap niya ang mga mensahero at pinaalis sila sa pamamagitan ng ibang daan?
26 Thi ligesom Legemet er dødt uden Ånd, således er også Troen død uden Gerninger.
Kung paanong ang katawan na hiwalay sa espiritu ay patay, gayon din ang pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ay patay.