< Esajas 19 >
1 Et Udsagn om Ægypten. Se, HERREN farer på letten Sky og kommer til Ægypten; Ægyptens Guder bæver for ham, Ægyptens Hjerte smelter i Brystet.
Isang kapahayagan tungkol sa Ehipto. Pagmasdan ninyo, nakasakay si Yahweh sa mabilis na ulap at paparating sa Ehipto; nayayanig ang mga diyos-diyosan ng Ehipto sa kaniyang harapan, at natutunaw ang mga puso ng mga taga-Ehipto.
2 Jeg hidser Ægypten mod Ægypten, så de kæmper Broder mod Broder, Ven mod Ven, By mod By, Rige mod Rige.
“Paglalabanin ko ang mga taga-Ehipto laban sa kapwa taga-Ehipto: lalabanan ng isang tao ang kaniyang kapatid, at ang isang tao laban sa kaniyang kapwa; ang lungsod ay lalaban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.
3 Ægyptens Forstand står stille, dets Råd gør jeg til intet, så de søger Guder og Manere, Genfærd og Ånder.
Mapanghihinaan ng loob ang Ehipto. Wawasakin ko ang kaniyang payo sa kaniya, bagama't humingi sila ng payo mula sa mga diyos-diyosan, mga espiritu ng patay, manghuhula, at mga espirtista.
4 Jeg giver Ægypten hen i en hårdhjertet Herres Hånd, en Voldskonge bliver deres Hersker, så lyder det fra Herren, Hærskarers HERRE.
Ibibigay ko sa kamay ng malupit na amo ang mga taga-Ehipto, at pamamahalaan sila ng makapangyarihang hari—ito ang kapahayagan ng Panginoon, Yahweh ng mga hukbo.”
5 Vandet i Floden svinder, Strømmen bliver sid og tør;
Matutuyo ang tubig ng karagatan, matutuyo ang ilog at mawawalan ng laman.
6 Strømmene udspreder Stank, Ægyptens Floder svinder og tørres; Rør og Siv visner hen,
Babaho ang mga ilog; mauubos ang agos ng mga ilog ng Ehipto at matutuyo; malalanta ang mga tambo at mga halaman.
7 alt Græsset ved Nilbredden dør, al Sæd ved Nilen hentørres, svinder og er ikke mere.
Ang mga tambo sa pampang ng Nilo, sa may bibig ng Nilo, at ang lahat ng bukirin na pinagtaniman sa Nilo ay matutuyo, magiging alikabok, at tatangayin ng hangin.
8 Fiskerne sukker og sørger, alle, som meder i Nilen; de, som, sætter Garn i Vandet, gribes af Modløshed.
Magluluksa at iiyak ang mga mangingisda, ang lahat ng naghagis ng mga pamingwit sa Nilo ay iiyak gaya ng pagdadalamhati ng mga naghahagis ng kanilang lambat sa mga tubig.
9 Til Skamme er de, som væver Linned, Heglersker og de, som væver Byssus;
Mamumutla ang mga nagtatrabaho sa sinuklay na hibla ng bulaklak pati ang mga naghahabi ng puting tela.
10 Spinderne er sønderknust, hver Daglejer sørger bittert.
Dudurugin ang mga gumagawa ng tela sa Ehipto; magdadalamhati sa kanilang kalooban ang lahat ng mga nagtatrabaho para kumita.
11 Kun Dårer er Zoans Øverster, Faraos viseste Rådmænd så dumt et Råd. Hvor kan I sige til Farao: "Jeg er en Ætling af Vismænd, Ætling af Fortidens Konger?"
Ganap na hangal ang mga prinsipe ng Soan. Naging walang kabuluhan ang payo ng pinakamatalinong taga-payo ng Paraon. Paano mo nasasabi sa Paraon, “Ako ang anak ng matatalinong tao, isang anak ng sinaunang mga hari”?
12 Ja, hvor er nu dine Vismænd? Lad dem dog kundgøre dig og lade dig vide, hvad Hærskarers HERRE har for mod Ægypten!
Nasaan ngayon ang matatalino mong mga tao? Hayaan mong sabihin nila sa iyo at ipahayag kung ano ang mga plano ni Yahweh ng mga hukbo tungkol sa Ehipto.
13 Hans Fyrster blev Dårer: Fyrster i Nof blev Tåber. Ægypten er bragt til at rave af Stammernes Hjørnesten.
Naging hangal ang mga prinsipe ng Soan, nalinlang ang mga prinsipe ng Memfis; niligaw nila ang Ehipto, ang panulukang bato ng kaniyang mga tribo.
14 I dets Indre har HERREN udgydt Svimmelheds Ånd; Ægypten fik de til at rave i al dets Id, som den drukne raver i sit Spy.
Nilagay ni Yahweh sa kanilang kalagitnaan ang espiritu ng kaguluhan, at niligaw nito ang Ehipto sa lahat ng kaniyang ginagawa, gaya ng isang lasing na sumusuray-suray sa kaniyang suka.
15 For Ægypten lykkes intet, hverken for Hoved eller Hale, Palme eller Siv.
Walang sinuman ang may magagawa para sa Ehipto, ulo man o buntot, sanga man ng palma o tambo.
16 På hin Dag skal Ægypten blive som Kvinder; det skal ængstes og grue for Hærskarers HERREs svungne Hånd, som han svinger imod det.
Sa panahon na iyon, ang mga taga-Ehipto ay magiging tulad ng mga babae. Manginginig sila at matatakot dahil sa nakataas na kamay ni Yahweh ng mga hukbo na kaniyang itinataas sa kanila.
17 Judas Land bliver Ægypten en Rædsel; hver Gang nogen minder dem derom, gribes de af Angst for, hvad Hærskarers HERRE har for imod det.
Ang kalupaan ng Juda ang magiging sanhi ng pagkasuray ng Ehipto. Sa tuwing may magpapaalala sa kanila ng tungkol sa kaniya, matatakot sila, dahil sa mga plano na binabalak ni Yahweh laban sa kanila.
18 På hin Dag skal fem Byer i Ægypten tale Kana'ans Tungemål og sværge ved Hærskarers HERRE; en af dem skal kaldes Ir-Haheres.
Sa panahon na iyon, magkakaroon ng limang mga lungsod sa lupain ng Ehipto na nagsasalita ng wika sa Cana at manunumpa ng katapatan kay Yahweh ng mga hukbo. Ang isa sa mga lungsod na iyon ay tatawaging Ang Lungsod ng Araw.
19 På hin Dag skal HERREN have et Alter midt i Ægypten og en Stenstøtte ved dets Grænse.
Sa araw na iyon, magkakaroon ng altar kay Yahweh sa gitna ng kalupaan ng Ehipto, at isang batong haligi sa hangganan para kay Yahweh.
20 Det skal være Tegn og Vidne for Hærskarers HERRE i Ægypten; når de råber til HERREN over dem, som mishandler dem, vil han sende dem en Frelser; han skal stride og udfri dem.
Ito ay magiging tanda at patotoo kay Yahweh ng mga hukbo sa kalupaan ng Ehipto. Kapag tumawag sila kay Yahweh dahil sa mga nang-aapi sa kanila, magpapadala siya sa kanila ng tagapagligtas at ng tagapagtanggol, at kaniyang ililigtas sila.
21 Da skal HERREN give sig til Kende for Ægypten, Ægypterne skal lære HERREN at kende på hin Dag; de skal bringe Slagtoffer og Afgrødeoffer og gøre Løfter til HERREN og indfri dem.
Makikilala si Yahweh sa Ehipto, at sa araw na iyon ay makikilala si Yahweh ng mga taga-Ehipto. Sasamba sila nang may mga alay at mga handog, at manunumpa sila kay Yahweh at kanilang tutuparin ito.
22 HERREN skal slå Ægypten, slå og læge; og når de omvender sig til HERREN, bønhører han dem og læger dem.
Pahihirapan ni Yahweh ang Ehipto, pahihirapan niya at pagagalingin ito. Babalik sila kay Yahweh; pakikinggan niya ang kanilang mga panalangin at pagagalingin niya sila.
23 På hin Dag skal der gå en banet Vej fra Ægypten til Assyrien, og Assyrien skal komme til Ægypten og Ægypten til Assyrien, og Ægypten skal tjene Herren sammen med Assyrien.
Sa araw na iyon, magkakaroon ng malawak na daanan mula Ehipto hanggang Asiria, at pupunta ang mga taga-Asiria sa Ehipto, at ang mga taga-Ehipto sa Asiria; at sasamba ang mga taga-Ehipto kasama ng mga taga-Asiria.
24 På hin Dag skal Israel selvtredje, sammen med Ægypten og Assyrien, være en Velsignelse midt på Jorden,
Sa panahon na iyon, magiging pangatlo ang Israel kasama ng Ehipto at Asiria, isang pagpapala sa gitna ng sanlibutan;
25 som Hærskarers HERRE velsigner med de Ord: "Velsignet være Ægypten, mit Folk, og Assyrien, mine Hænders Værk, og Israel, min Arvelod!"
pagpapalain sila ni Yahweh ng mga hukbo at sasabihin, “Pagpalain ang Ehipto, ang aking bayan; ang Asiria, ang gawa ng aking mga kamay; at ang Israel, ang aking mana.”