< Ezekiel 6 >
1 Og Herrens ord kom til mig således:
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 Menneskesøn, vend dit Ansigt mod Israels Bjerge, profeter imod dem
“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban sa mga bundok ng Israel at magpropesiya sa kanila.
3 og sig: Israels Bjerge, hør den Herre HERRENs Ord! Så siger den Herre HERREN til Bjergene og Højene, til Kløfterne og Dalene: Se, jeg sender Sværd over eder og tilintetgør eders Offerhøje.
Sabihin mo, 'Mga bundok ng Israel, makinig kayo sa salita ng Panginoong Yahweh! Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga lambak: Tingnan ninyo! magdadala ako ng isang espada laban sa inyo at wawasakin ko ang inyong matataas na lugar.
4 Eders Altre skal ødelægges, eders Solstøtter sønderbrydes, og eders dræbte lader jeg segne foran eders Afgudsbilleder;
Pagkatapos, magiging ulila ang inyong mga dambana at mawawasak ang inyong mga haligi at itatapon ko ang inyong mga patay sa harapan ng inyong mga diyus-diyosan.
5 jeg kaster Israeliternes Lig hen for deres Afgudsbilleder og strør eders Ben rundt om eders Altre.
Ilalatag ko ang patay na mga katawan ng mga tao ng Israel sa harapan ng kanilang mga diyus-diyosan at ikakalat ang inyong mga buto sa palibot sa inyong mga altar.
6 Overalt hvor I bor, skal Byerne lægges øde og Offerhøjene gå til Grunde, for at eders Altre kan lægges øde og gå til Grunde, eders Afudsbilleder sønderbrydes og udryddes, eders Solstøtter hugges om og eders Værker tilintetgøres.
Saanman kayo manirahan, masasayang ang inyong mga lungsod at maging ulila ang inyong matataas na lugar upang ang inyong mga altar ay masasayang at magiging ulila. Pagkatapos, mawawasak ang mga ito at maglalaho, ang inyong mga poste ay ibabagsak at mabubura ang inyong mga gawa.
7 Mandefald skal ske iblandt eder, og I skal kende, at jeg er HERREN.
Babagsak ang patay sa inyong kalagitnaan at malalaman ninyo na ako si Yahweh!
8 Men en Rest lader jeg blive tilbage, idet nogle af eder undslipper fra Sværdet blandt Folkene, når I spredes i Landene,
Ngunit magpapanatili ako ng isang natira sa inyo, at may ilan na makakatakas sa espada sa mga bansa, nang maikalat kayo sa buong mga bansa.
9 og de undslupne skal komme mig i Hu blandt Folkene, hvor de er Fanger; jeg sønderbryder deres bolerske Hjerter, som faldt fra mig, og deres bolerske Øjne, som hang ved deres Afgudsbilleder; og de skal væmmes ved sig selv over alt det onde, de har gjort, over alle deres Vederstyggeligheder.
At silang mga nakatakas ay alalahanin ako sa mga bansa kung saan sila binihag, nagdalamhati ako sa kanilang hindi matinong puso na tumalikod mula sa akin at sa pamamagitan ng kanilang mga mata na sumumpa sa kanilang mga diyus-diyosan. At nagpapakita sila ng pagkamuhi sa kanilang sarili sa kasamaan na kanilang nagawa kasama ang lahat ng kanilang pagkasuklam.
10 Og de skal kende, at jeg er HERREN; det var ikke tomme Ord, når jeg talede om at gøre den Ulykke på dem.
Upang kanilang malaman na ako si Yahweh. Ito ay isang kadahilanan na sinabi kong dadalhin ko ang masamang bagay na ito sa kanila.
11 Så siger den Herre HERREN: Slå Hænderne sammen, stamp med Foden og råb Ve over alle Israels Huses grimme Vederstyggeligheder! De skal falde for Sværd, Hunger og Pest.
Ang Panginoong Yahweh ang nagsabi nito: Ipalakpak ang iyong kamay at ipadyak ang iyong paa! Sabihin, “O!” dahil sa lahat ng kasamaang kasuklam-suklam ng sambahayan ng Israel! Sapagkat babagsak sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.
12 Den, som er langt borte, skal dø af Pest; den, som er nær, skal falde for Sværd; og den, som levnes og reddes, skal dø af Hunger; således udtømmer jeg min Vrede over dem.
Ang isang nasa malayo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot at ang isang nasa malapit ay babagsak sa pamamagitan ng espada. Silang mga natira at nakaligtas ay mamamatay sa pamamagitan ng taggutom; sa ganitong paraan ko gagawin ang aking poot laban sa kanila.
13 De skal kende, at jeg er HERREN, når deres dræbte ligger midt iblandt deres Afgudsbilleder rundt om deres Altre på hver høj Bakke, på alle Bjergenes Tinder, under hvert grønt Træ og hver løvrig Eg, der, hvor de opsendte liflig Duft til deres Afgudsbilleder.
At malalaman ninyo na ako si Yahweh, kapag ang kanilang mga patay ay nakahiga kasama ng kanilang mga diyus-diyosan sa palibot ng kanilang mga altar sa bawat mataas na burol—sa lahat ng mga taluktok ng bundok at sa ilalim ng bawat malagong punong kahoy at mayabong na ensena—ang mga lugar kung saan sila nagsusunog ng mga insenso sa kanilang mga diyus-diyosan.
14 Jeg udrækker Hånden imod dem og gør Landet øde og tomt lige fra Ørkenen til Ribla, overalt hvor de bor; og de skal kende, at jeg er HERREN.
Ipapakita ko ang aking kapangyarihan at gagawin kong ulila at masasayang ang lupain, mula sa ilang hanggang sa Diblah, sa buong lugar kung saan sila naninirahan. At malalaman nila na ako si Yahweh.”