< Efeserne 1 >
1 Paulus, Kristi Jesu Apostel ved Guds Villie, til de hellige, som ere i Efesus og ere troende i Kristus Jesus:
Ako si Pablo na Apostol ni Cristo ayon sa kalooban ng Diyos, para sa mga binukod sa Diyos na mga nasa Efeso at mga tapat kay Cristo Jesus.
2 Nåde være med eder og Fred fra Gud vor Fader og den Herre Jesus Kristus!
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
3 Lovet være Gud og vor Herres Jesu Kristi Fader, som har velsignet os med al åndelig Velsignelse i det himmelske i Kristus,
Mapapurihan nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Pinagpala niya tayo ng bawat pagpapalang espirituwal kay Cristo sa kalangitan.
4 ligesom han har udvalgt os i ham før Verdens Grundlæggelse til at være hellige og ulastelige for hans Åsyn,
Bago likhain ang sanlibutan, pinili na tayo ng Diyos na mga mananampalataya kay Cristo. Pinili niya tayo upang tayo ay maging banal at walang kapintasan sa kaniyang paningin.
5 idet han i Kærlighed forudbestemte os til Sønneudkårelse hos sig ved Jesus Kristus, efter sin Villies Velbehag,
Dahil sa pag-ibig itinalaga tayo ng Diyos upang ampunin bilang kaniyang sariling mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ginawa niya ito sapagkat nasiyahan siyang gawin ang kaniyang nais.
6 til Pris for sin Nådes Herlighed, som han benådede os med i den elskede,
Ang naging resulta ay napapurihan ang Diyos sa kaniyang kamangha-manghang biyaya. Kusang loob niya itong ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kaniyang pinakamamahal na anak.
7 i hvem vi have Forløsningen ved hans Blod, Syndernes Forladelse, efter hans Nådes Rigdom,
Sapagkat sa kaniyang pinakamamahal na anak, nagkaroon tayo ng katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan. Nagkaroon tayo nito dahil sa yaman ng kaniyang biyaya.
8 som han rigelig tildelte os i al Visdom og Forstand,
Ginawa niyang masagana ang kaniyang biyaya para sa atin nang buong karunungan at kaalamann.
9 idet han kundgjorde os sin Villies Hemmelighed, efter sin velbehagelige Beslutning, som han havde fattet hos sig selv,
Ipinaalam sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang nais na kaniyang ipinakita kay Cristo.
10 for at oprette en Husholdning i Tidernes Fylde, nemlig at sammenfatte sig alt i Kristus, det, som er i Himlene, og det, som er på Jorden, i ham,
Kapag naganap na ang panahon para sa kaniyang kalooban, sama-samang dadalhin ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa kay Cristo.
11 i hvem vi også have fået Arvelodden, forud bestemte efter hans Forsæt, der virker alt efter sin Villies Råd,
Pinili tayo kay Cristo at napagpasyahan noon pa man. Ito ay ayon sa kalooban ng gumawa ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng layunin ng kaniyang kalooban.
12 for at vi skulde være til Pris for hans Herlighed, vi, som forud havde håbet på Kristus,
Ginawa ito ng Diyos upang tayo ay mamuhay sa pagpuri ng kaniyang kaluwalhatian. Tayo ang nauna na nagkaroon ng tiwala kay Cristo.
13 i hvem også I, da I hørte Sandhedens Ord, Evangeliet om eders Frelse, i hvem I også, da I bleve troende, bleve beseglede med Forjættelsens hellige Ånd,
Dahil kay Cristo kaya napakinggan din ninyo ang salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. Dahil sa kaniya kayo rin ay nanampalataya at tinatakan sa pinangakong Banal na Espiritu.
14 som er Pant på vor Arv, til Ejendommens Forløsning, til Pris for hans Herlighed.
Ang Espiritu ang katibayan ng ating pamana hanggang sa makamtan ang pangako. Para ito sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.
15 derfor har også jeg, efter at have hørt om eders Tro på den Herre Jesus og om eders Kærlighed til alle de hellige,
Dahil dito, mula noong panahon na napakinggan ko ang tungkol sa inyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at tungkol sa inyong pag-ibig sa mga binukod para sa kaniya,
16 ikke ophørt at takke for eder, idet jeg ihukommer eder i mine Bønner om,
Hindi ako tumigil sa pagpapasalamat sa Diyos tungkol sa inyo at pagbanggit sa inyo sa aking mga panalangin.
17 at vor Herres Jesu Kristi Gud, Herlighedens Fader, må give eder Visdoms og Åbenbarelses Ånd i Erkendelse af ham,
Ipinapanalangin ko na ang Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kaluwalhatian, ay magbigay sa inyo ng espiritu ng karunungan at kapahayagan ng kaniyang kaalaman.
18 gøre eders Hjertes Øjne oplyste til at kende, hvilket det Håb er, som han kaldte eder til, hvilken hans Arvs Herligheds Rigdom er iblandt de hellige,
Ipinapanalangin ko na ang mga mata ng inyong puso ay maliwanagan upang malaman ninyo kung ano ang inaasahan ng ating pagkakatawag. Ipinapanalangin ko na malaman ninyo ang yaman ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa kanila na binukod para sa kaniya.
19 og hvilken hans Krafts overvættes Storhed er over for os, som tro, alt efter hans Styrkes vældige Virkekraft,
Ipinapanalangin ko na malaman ninyo ang hindi masukat na kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan sa atin na mga nanampalataya. Ang kadakilaang ito ay ayon sa pagkilos sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan.
20 som han udviste på Kristus, da han oprejste ham fra de døde og satte ham ved sin højre Hånd i det himmelske,
Ito ang kapangyarihan na kumilos kay Cristo noong siya ay binuhay ng Diyos mula sa mga patay at pinaupo siya sa kaniyang kanang kamay sa kalangitan.
21 langt over al Magt og Myndighed og Kraft og Herredom og hvert Navn, som nævnes, ikke alene i denne Verden, men også i den kommende, (aiōn )
Pinaupo niya si Cristo na pinakamataas sa lahat ng kapamahalaan, kapangyarihan, pamunuan, at bawat pangalan na pinangalanan. Pinaupo niya si Cristo hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa panahong darating. (aiōn )
22 og lagde alt under hans Fødder, og ham gav han som Hoved over alting til Menigheden,
Pinailalim ng Dios ang lahat sa paanan ni Cristo. Ginawa niya siyang ulo sa lahat ng nasa iglesia.
23 der er hans Legeme, fyldt af ham, som fylder alt i alle.
Ang iglesiya ay ang kaniyang katawan, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng mga bagay sa lahat ng mga kaparaanan.