< Daniel 1 >

1 I Kong Joakim af Judas tredje regeringsår drog kong Nebukadnezar af Babel til Jerusalem og belejrede det.
Sa ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa Jerusalem at kinubkob ang lungsod upang putulin ang lahat ng mga tulong para rito.
2 Og Herren gav Kong Jojakim af Juda og en Del af Guds Huses Kar i hans Hånd, og han førte dem til Sinears Land; men Karrene bragte han til sin Guds Skatkammer.
Binigyan ng Panginoon si Nebucadnezar ng katagumpayan laban kay Jehoiakim na hari ng Juda at ibinigay sa kaniya ang ilan sa mga sagradong bagay mula sa tahanan ng Diyos. Dinala niya ang mga ito sa lupain ng Babilonia, sa tahanan ng kaniyang diyos at inilagay ang sagradong mga bagay sa kabang-yaman ng kaniyang diyos.
3 Kongen bød derpå sin Overhofmester Asjpenaz at tage nogle Israeliter, dels af kongelig Slægt, dels af adelig Byrd,
At nakipag-usap ang hari kay Aspenaz, ang kaniyang pinunong opisyal upang dalhin ang ilan sa mga Israelita, sa maharlikang angkan at mga dakilang tao—
4 unge Mænd uden mindste Lyde og med et smukt Ydre, vel bevandrede i al Visdom, kundskabsrige og lærenemme, egnede til at gøre Tjeneste i Kongens Palads, og lære dem Kaldæernes Skrift og Tungemål
mga binatang walang kapintasan, kaakit-akit ang itsura, at mahusay sa lahat ng karunungan, puno ng kaalaman at pang-unawa at karapat-dapat na maglingkod sa palasyo ng hari. Tuturuan niya sila ng panitikan at wika ng mga taga-Babilonia.
5 og opdrage dem i tre År, for at de så kunde træde i Kongens Tjeneste; og Kongen tildelte dem deres daglige kost af sin egen Mad og af den Vin, han selv drak.
At ibinilang sila ng hari ng bahagi sa araw ng kaniyang mga pagkain at sa alak na kaniyang iinumin. Sasanayin ang mga binatang ito sa tatlong taon at pagkatapos, maglilingkod sila sa hari.
6 Iblandt dem var Judæerne Daniel, Hananja, Misjael og Azarja;
Kabilang sa mga ito ay sina Daniel, Hananaias, Misael, at Azarias, ilan sa mga tao ng Juda.
7 og Overhofmesteren gav dem andre Navne, idet han kaldte Daniel Beltsazzar, Hananja Sjadrak, Misjael Mesjak og Azarja Abed Nego.
Binigyan sila ng mga pangalan ng pinunong opisyal: tinawag si Daniel na Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misael na Meshac, at si Azarias na Abednego.
8 Men Daniel satte sig for, at han ikke vilde gøre sig uren med kongens Mad eller den Vin Kongen drak; derfor bad han Overhofmesteren om at blive fri for at gøre sig uren dermed.
Ngunit ipinasiya ni Daniel sa kaniyang isipan na hindi niya dudungisan ang kaniyang sarili sa mga pagkain ng hari o sa mga alak na kaniyang iniinom. Kaya humiling siya ng pahintulot mula sa pinunong opisyal na hindi niya maaaring dungisan ang kaniyang sarili.
9 Og Gud lod Daniel finde Yndest og Velvilje hos Overhofmesteren;
Binigyang pabor at habag ng Diyos si Daniel sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paggalang ng pinuno ng mga opisyal sa kaniya.
10 men Overhofmesteren sagde til ham: "Jeg frygter for, at min Herre Kongen, som har tildelt eder Mad og brikke, skal finde, at I ser ringere ud end de andre unge Mænd på eders Alder, og at I således skal bringe Skyld over mit Hoved hos Kongen."
Sinabi ng pinunong opisyal kay Daniel, “Natatakot ako sa aking panginoong hari. Ipinag-utos ng hari kung ano ang inyong kakainin at ang inyong iinumin. Bakit kailangan niyang makita na mukhang mahina kayo kaysa sa mga binata na kasing-edad ninyo? Pupugutan ako ng ulo ng hari dahil sa inyo.”
11 Så sagde Daniel til den Opsynsmand, som Overhofmesteren havde sat over Daniel, Hananja, Misjael og Azarja:
At nakipag-usap si Daniel sa katiwala na siyang itinalaga ng pinunong opisyal kina Daniel, Hananias, Misael at Azarias.
12 "Prøv engang dine Trælle i ti, Dage og lad os få Grøntsager at spise og Vand at drikke!
Sinabi niya, “Nakikiusap ako na subukin mo kami, ang iyong mga lingkod, sa sampung araw. Bigyan mo lamang kami ng ilang mga gulay na makakain at tubig upang inumin.
13 Sammenlign så vort Udseende med de unge Mænds, som spiser Kongens Mad; så kan du gøre med dine Trælle, efter hvad du ser."
At ihambing ang aming itsura sa itsura ng mga binatang nagsikain ng pagkain ng hari, at pakitunguhan mo kami, na iyong mga lingkod, batay sa kung ano ang iyong nakita.”
14 Han føjede dem da heri og prøvede det med dem i ti Dage.
Kaya sumang-ayon ang tagapamahala sa kaniya na gawin ito. At sinubukan niya sila sa loob ng sampung araw.
15 Og da de ti Dage var omme, så de bedre ud og var ved bedre Huld end alle de unge Mænd, som spiste kongens Mad.
At pagkatapos ng sampung araw ang kanilang itsura ay naging mas malusog, at malakas ang pangangatawan kaysa sa lahat ng mga binata na kumain ng pagkain ng hari.
16 Så lod Opsynsmanden deres Mad og Vinen, de skulde drikke, bringe bort og gav dem Grøntsager i Stedet.
Kaya kinuha ng mga katiwala ang kanilang mga pagkain at ang kanilang alak at binigyan lamang sila ng mga gulay.
17 Disse fire unge Mænd gav Gud Kundskab og Indsigt i al Skrift og Visdom; Daniel forstod sig også på alle Hånde Syner og Drømme.
Para sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman at maliwanag na pagkaunawa sa lahat ng panitikan at karunungan at nauunawaan ni Daniel ang lahat ng uri ng mga pangitain at mga panaginip.
18 Og da den Tid, Kongen havde fastsat for deres Fremstilling, kom, førte Overhofmesteren dem frem for Nebukadnezar.
At sa pagtatapos ng araw na itinakda ng hari upang sila ay dalhin, dinala sila ng pinunong opisyal sa harapan ni Nebucadnezar.
19 Da så Kongen talte med dem, fandtes der iblandt dem alle ingen, som kunde måle sig med Daniel, Hananja, Misjael og Azarja, og de trådte derfor i Kongens Tjeneste.
Kinausap sila ng hari, at sa kanilang lahat walang maihahalintulad kay Daniel, Hananias, Misael, at Azarias. Nakatayo sila sa harap ng hari, nakahandang paglingkuran siya.
20 Og når som helst Kongen spurgte dem om noget, der krævede Visdom og Indsigt, fandt han dem ti Gange dygtigere end alle Drømmetydere og Manere i hele sit Rige.
At sa bawat katanungan ng karunungan at pang-unawa na itinanong sa kanila ng hari, nasumpungan niya na sila ay sampung beses na mas mainam kaysa sa lahat ng salamangkero at ang mga umaangking nakakausap ang mga patay na nasa kaniyang buong kaharian.
21 Og Daniel blev.... til Kong Kyross første År.
Namalagi si Daniel hanggang sa unang taon ng haring Ciro.

< Daniel 1 >