< Første Kongebog 21 >
1 Derefter hændte følgende. Jizrae'eliten Nabot havde en Vingård i Jizre'el lige ved Kong Akab af Samarias Palads.
Dumating ang araw na si Nabot ang taga-Jezreel ay nagkaroon ng ubasan sa Jezreel, malapit sa palasyo ni Ahab, hari ng Samaria.
2 Akab sagde til Nabot: "Overlad mig din Vingård, for at jeg kan få den til Køkkenhave; den ligger jo lige ved mit Palads; jeg vil give dig en bedre Vingård i Bytte eller betale dig, hvad den er værd, i rede Penge, om du foretrækker det."
Nakipag-usap si Ahab kay Nabot, sinasabing, “Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan, para magkaroon ako ng hardin para sa gulay, dahil malapit ito sa aking bahay. Bilang kapalit, bibigyan kita ng mas magandang ubasan, o, kung gusto mo, babayaran ko ang halaga nito sa pera.”
3 Men Nabot svarede Akab: "HERREN bevare mig fra at overlade dig mine Fædres Arvelod!"
Sumagot si Nabot kay Ahab, “Nawa'y ipagbawal ni Yahweh na dapat kong ibigay sa iyo ang lupain na ipinamana ng aking mga ninuno.”
4 Så gik Akab hjem, misfornøjet og ilde til Mode over det Svar, Jizre'eliten Nabot havde givet ham: "Jeg vil ikke overlade dig mine Fædres Arvelod!" Og han lagde sig til Sengs, vendte sit Ansigt bort og spiste ikke.
Kaya umuwi si Ahab sa kaniyang palasyo nagdadamdam at galit dahil sa sagot na ibinigay sa kaniya ni Nabot na taga-Jezreel, “Hindi ko ibibigay sa iyo ang ipinamana ng aking mga ninuno.” Humiga siya sa kaniyang higaan, ibinaling ang kaniyang mukha, at tumangging kumain ng kahit anong pagkain.
5 Da kom hans Hustru Jesabel ind og sagde til ham: "Hvorfor er du så misfornøjet, og hvorfor spiser du ikke?"
Pinuntahan siya ng kaniyang asawang si Jezebel at sinabi sa kaniya, “Bakit napaka lungkot ng iyong puso, kaya ba hindi ka kumain ng pagkain?”
6 Han svarede hende: "Jo, jeg sagde til Jizreeliten Nabot: Overlad mig din Vingård for rede Penge, eller mod at jeg giver dig en anden Vingård i Bytte, om du hellere vil det! Men han svarede: Jeg vil ikke overlade dig min Vingård!"
Sumagot siya sa kaniya, “Nakipag-usap ako kay Nabot na taga-Jezreel at sinabi ko sa kaniya, 'Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan kapalit ng pera, o kung ikalulugod mo, bibigyan kita ng ibang ubasan na magiging iyo.' At sumagot siya, 'Hindi ko ibibigay sa iyo ang aking ubasan.'”
7 Da sagde hans Hustru Jesabel til ham: "Er det dig, der for Tiden er Konge i Israel? Stå op, spis og vær ved godt Mod, jeg skal skaffe dig Jizre'eliten Nabots Vingård!"
Kaya sumagot ang kaniyang asawang si Jezebel, “Hindi ba't pinamumunuan mo pa rin ang kaharian ng Israel? Bumangon ka at kumain; hayaan mo ang iyong puso na magsaya. Kukunin ko ang ubasan ni Nabot na taga-Jezreel para sa iyo.”
8 Derpå skrev hun et Brev i Akabs Navn, satte hans Segl under og sendte det til de Ældste og de fornemme i Nabots By, dem, han boede imellem.
Kaya sumulat si Jezebel ng mga liham sa pangalan ni Ahab, sinelyuhan ito ng kaniyang mga selyo, at pinadala ito sa mga nakatatanda at sa mayayaman na nakaupo na kasama niya sa mga pagpupulong, at sa naninirahan malapit kay Nabot.
9 I Brevet havde hun skrevet: "Udråb en Fastedag og sæt Nabot øverst blandt Folket
Kaniyang isinulat sa liham, “Maghayag ng isang pag-aayuno at iupo si Nabot ng mataas sa mga tao.
10 og lige over for ham to Niddinger, som kan vidne imod ham og sige: Du har forbandet Gud og Kongen! Og før ham så ud og sten ham til Døde!"
Maglagay ng dalawang lalaking hindi tapat kasama niya at hayaan silang tumestigo laban sa kaniya, na magsasabing, 'Sinumpa mo ang Diyos at ang hari.'” At ilabas ninyo siya at pagbabatuhin hanggang mamatay.
11 Hans Bysbørn, de Ældste og de fornemme, som boede i hans By, gjorde nu, som Jesabel havde sendt Bud til dem om, således som der stod i Brevet, hun havde sendt dem;
Kaya ang mga tao sa kaniyang lungsod, ang mga nakatatanda at ang mayayaman na naninirahan sa kaniyang lungsod, ay ginawa ang inilarawan ni Jezebel sa kanila, gaya ng nasusulat sa mga liham na kaniyang pinadala sa kanila.
12 de udråbte en Fastedag og satte Nabot øverst blandt Folket;
Naghayag sila ng isang pag-aayuno at inupo si Nabot ng mataas sa mga tao.
13 og de to Niddinger kom og satte sig lige over for ham og vidnede imod ham i Folkets Påhør og sagde: "Nabot har forbandet Gud og Kongen!" Og derpå førte de ham uden for Byen og stenede ham til Døde.
Dumating ang dalawang lalaki at umupo sa harapan ni Nabot; tumestigo sila laban kay Nabot sa presensya ng mga tao, na nagsasabing, “Isinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Pagkatapos siya ay nilabas nila sa lungsod at pinagbabato hangggang siya ay mamatay.
14 Så sendte de Jesabel det Bud: "Nabot er stenet til Døde!"
Pagkatapos ang mga nakatatanda ay nagpadala ng ulat kay Jezebel na nagsasabing, “Pinagbabato si Nabot at ngayon ay patay na.
15 Og da Jesabel hørte, at Nabot var stenet til Døde, sagde hun til Akab: "Stå op og tag Jizre'eliten Nabots Vingård, som han vægrede sig ved at sælge dig, i Besiddelse, thi Nabot lever ikke mere, han er død!"
At nang marinig ni Jezebel na si Nabot ay pinagbabato at patay na, sinabi niya kay Ahab, “Bumangon ka at kunin ang ubasan ni Nabot na taga-Jezreel, na kaniyang tinangging ibigay sa iyo kapalit ng pera, dahil si Nabot ay hindi na buhay, pero patay na.”
16 Så snart Akab hørte, at Nabot var død, rejste han sig og gik ned til Jizre'eliten Nabots Vingård for at tage den i Besiddelse.
Nang marinig ni Ahab na patay na si Nabot, bumangon siya at bumaba sa ubasan ni Nabot na taga-Jezreel at kinuha ito.
17 Men HERRENs Ord kom til Tisjbiten Elias således:
Pagkatapos ang salita ni Yahweh ay dumating kay Elias na taga-Tisbe, na nagsasabing,
18 "Stå op, gå Akab, Israels Konge i Samaria, i Møde; han er just i Nabots Vingård, som han er gået ned at tage i Besiddelse.
“Bumangon ka at makipagkita kay Ahab na hari ng Israel, na naninirahan sa Samaria. Siya ay nasa ubasan ni Nabot, kung saan siya nagpunta para kunin ito.
19 Og tal således til ham: Så siger HERREN: Har du myrdet og allerede tiltrådt Arven? Sig fremdeles til ham: Så siger HERREN: På samme Sted, Hundene slikkede Nabots Blod, skal de også slikke dit!"
Dapat kang makipag-usap sa kaniya at sabihin na sinasabi ni Yahweh, 'Pumatay ka ba at nagkamkam ng ari-arian?' At sasabihin mo sa kaniya na sinasabi ni Yahweh, 'Sa lugar kung saan dinilaan ng mga aso ang dugo ni Nabot, didilaaan ng mga aso ang iyong dugo, oo, ang iyong dugo.'
20 Da sagde Akab til Elias: "Har du fundet mig, min Fjende?" Og han svarede: "Ja, jeg har fundet dig! Fordi du har solgt dig selv til at gøre, hvad der er ondt i HERRENs Øjne,
Sinabi ni Ahab kay Elias, “Natagpuan mo ba ako, aking kaaway?” Sumagot si Elias, “Natagpuan kita, dahil ipinagbili mo ang iyong sarili para gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
21 se, derfor vil jeg bringe Ulykke over dig og feje dig bort og udrydde hvert mandligt Væsen, store og små, af Akabs Slægt, i Israel;
Sinasabi ito sa iyo ni Yahweh: 'Masdan mo, magdadala ako sa iyo ng sakuna at lubos na uubusin at kukunin mula sa iyo ang bawat batang lalaki at alipin at malayang lalaki sa Israel.
22 jeg vil handle med dit Hus som med Jeroboams, Nebats Søns, Hus og Basjas, Abijas Søns, Hus for den Krænkelse, du har øvet, og fordi du har forledt Israel til Synd.
Ang pamilya mo ay gagawin kong tulad sa pamilya ni Jeroboam anak ni Nebat, at tulad ng pamilya ni Baasa anak ni Ahias, dahil ginalit mo ako at inakay ang Israel na magkasala.'
23 Men også om Jesabel har HERREN talet og sagt: Hundene skal æde Jesabel på Jizre'els Mark!
Nagsalita rin si Yahweh ukol kay Jezebel, na nagsasabing, 'Kakainin ng mga aso si Jezebel sa pader ng Jezreel.'
24 Den af Akabs Slægt, der dør i Byen, skal Hundene æde, og den, der dør på Marken, skal Himmelens Fugle æde!"
Sinumang nabibilang kay Ahab at ang mamamatay sa lungsod—kakainin ng aso ang taong iyon. At sinumang mamamatay sa bukid—kakainin ang taong iyon ng mga ibon sa himpapawid.”
25 Aldrig har der været nogen der som Akab solgte sig selv til at gøre, hvad der er ondt i HERRENs Øjne, fordi hans Hustru Jesabel forledte ham dertil;
Walang katulad si Ahab, na ibinenta ang kaniyang sarili para gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, na kaniyang asawa na si Jezebel ay inudyukan na magkasala.
26 han handlede såre vederstyggeligt, idet han boldt sig til Afgudsbillederne ganske som Amoriterne, dem, HERREN drev bort foran Israeliterne.
Gumawa si Ahab ng nakasusuklam na mga gawain para sa mga diyus-diyosang kaniyang sinundan, tulad nalang ng ginawa ng mga taga-Amoreo, silang mga inalis ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.
27 Da Akab hørte de Ord, sønderrev han sine Klæder og bandt Sæk om sin bare Krop og fastede, og han sov i Sæk og gik sagtelig om.
Nang marinig ni Ahab ang mga salitang ito, pinunit niya ang kaniyang kasuotan at nagsuot ng damit na sako sa kaniyang katawan at nag-ayuno, at nahiga na nakadamit ng sako at naging labis na malungkot.
28 Da kom HERRENs Ord til Tisjbiten Elias således:
Pagkatapos ang salita ni Yahweh ay dumating kay Elias na taga-Tisbe, na nagsasabing,
29 "Har du set, hvorledes Akab ydmyger sig for mig? Fordi han ydmyger sig for mig, vil jeg ikke lade Ulykken komme i hans Dage; i hans Søns Dage vil jeg lade Ulykken komme over hans Hus!"
“Nakita mo ba kung paano ibinaba ni Ahab ang kaniya sarili sa aking harapan? Dahil ibinaba niya ang kaniyang sarili sa aking harapan, hindi ko na dadalhin ang darating na sakuna sa kaniyang panahon; dadalhin ko ang sakunang ito sa panahon ng kaniyang anak na lalaki at sa kaniyang pamilya.”