< Zefanias 1 >
1 HERRENS Ord, som kom til Zefanias, en Søn af Kusji, en Søn af Gedalja, en Søn af Amarja, en Søn af Ezekias, i de Dage da Josias, Amons Søn, var Konge i Juda.
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Zefanias na anak ni Cusi na anak ni Geldias na anak ni Amarias na anak ni Hezekias, sa mga araw ni Josias na anak ni Ammon na hari ng Juda.
2 Jeg bortriver, bortriver alt fra Jorden, lyder det fra HERREN;
“Ganap kong lilipulin ang lahat ng nasa lupa! Ito ang pahayag ni Yahweh.
3 jeg bortriver Folk og Fæ, jeg bortriver Himlens Fugle og Havets Fisk. Gudløse bringer jeg til Fald, og Syndere rydder jeg bort fra Jorden, lyder det fra HERREN.
Lilipulin ko ang mga tao at mga hayop, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga isda sa dagat, ang sanhi ng pagkasira kasama ng mga masasama! Sapagkat lilipulin ko ang sangkatauhan sa lupa!” Ito ang pahayag ni Yahweh.
4 Jeg udrækker Haanden mod Juda og alle Jerusalems Borgere. Jeg fjerner den sidste Ba'al fra dette Sted og Afgudspræsternes Navn med Præsterne
“Iuunat ko ang aking kamay sa buong Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem. Papatayin ko ang bawat nalalabi ni Baal sa lugar na ito at ang mga pangalan ng mga taong sumasamba sa diyus-diyosan na kabilang sa mga pari,
5 og dem, som paa Tagene tilbeder Himlens Hær, og dem, som tilbeder HERREN og sværger til ham, men ogsaa sværger ved Milkom,
ang mga taong nasa mga bubungan ng bahay na sumasamba sa mga natatanaw sa kalawakan at ang mga taong sumasamba at nangangako kay Yahweh ngunit nangangako rin kay Milcom.
6 og dem, som veg bort fra HERREN, ej søger, ej raadspørger HERREN.
Gayundin ang gagawin ko sa mga tumalikod sa pagsunod kay Yahweh, maging ang mga hindi naghahanap kay Yahweh, ni humihingi ng kaniyang patnubay.”
7 Stille for den Herre HERREN! Thi hans Dag er nær; thi HERREN har et Offer rede, han har helliget de budne.
Manahimik ka sa harap ng Panginoong Yahweh sapagkat paparating na ang araw ni Yahweh, sapagkat naghanda si Yahweh ng alay na itinalaga niya sa kaniyang mga panauhin.
8 Og paa HERRENS Offerdag skal det ske: Da vil jeg hjemsøge Fyrsterne og Kongens Sønner og alle dem, som er klædt i udenlandsk Dragt.
“Mangyayari ito sa araw ng pag-aalay ni Yahweh na parurusahan ko ang mga prinsipe at ang mga anak ng hari at ang lahat ng nakasuot ng mga pandayuhang kasuotan.
9 Den Dag hjemsøger jeg alle, som hopper over Tærsklen, som fylder deres Herres Hus med Vold og Svig.
Sa araw na iyon, parurusahan ko ang mga nagsisilukso sa pintuan, ang mga taong pumupuno sa bahay ng kanilang panginoon sa pamamagitan ng karahasan at panlilinlang!
10 Den Dag skal det ske, saa lyder det fra HERREN: Hør Skrig fra Fiskeporten og Jamren fra den nye Bydel, fra Højene et vældigt Brag!
Ito ang pahayag ni Yahweh. Kaya mangyayari ito sa araw na iyan, na ang pag-iyak ng pagkabahala ay magmumula sa Tarangkahang tinawag na Isda, pananaghoy mula sa Ikalawang Distrito at isang napakalakas na ingay ng pagbagsak mula sa mga burol.
11 Beboerne i Morteren jamrer, thi slettet er alt Kræmmerfolket, udryddet enhver, som vejer Sølv.
Tumaghoy kayong mga naninirahan sa Pamilihang Distrito, sapagkat lilipulin ang lahat ng mangangalakal at mamamatay ang lahat ng nagtitimbang ng mga pilak.
12 Til den Tid skal det ske: Jeg ransager Jerusalem med Lygter og hjemsøger Mændene der, som ligger i Ro paa deres Bærme, som siger i deres Hjerte: »HERREN gør hverken godt eller ondt.«
Darating ito sa panahong iyon na maghahanap ako sa Jerusalem gamit ang mga ilawan at parurusahan ko ang mga kalalakihang nasiyahan sa kanilang mga alak at nagsabi sa kanilang mga puso, 'Walang anumang gagawin si Yahweh, mabuti man o masama!'
13 Deres Gods skal gøres til Bytte, deres Huse skal ødelægges. De skal vel bygge Huse, men ej bo deri, vel plante Vingaarde, men Vinen skal de ikke drikke.
Nanakawin ang kanilang mga kayamanan at hahayaang ganap na mawasak ang kanilang mga bahay! Magtatayo sila ng mga bahay ngunit hindi maninirahan sa mga ito at magtatanim sila ng mga ubasan ngunit hindi iinom ng alak nito!
14 Nær er HERRENS Dag, den store, den er nær og kommer hastigt. Hør, HERRENS Dag, den bitre! Da udstøder Helten Skrig.
Malapit na ang dakilang araw ni Yahweh, malapit na at nagmamadali! Ang tunog ng araw ni Yahweh ay magiging tulad ng mandirigmang umiiyak nang may kapaitan!
15 Den Dag er en Vredens Dag, en Trængselens og Nødens Dag, en Ødelæggelsens og Ødets Dag, en Mørkets og Mulmets Dag, en Skyernes og Taagens Dag,
Ang araw na iyan ay magiging araw ng matinding galit, araw ng pagkabahala at pagdadalamhati, araw ng unos at pagkawasak, araw ng kadiliman at kalungkutan, araw ng mga ulap at pumapaitaas na kadiliman!
16 en Hornets og Krigsskrigets Dag imod de faste Stæder og imod de knejsende Tinder.
Magiging araw ito ng mga trumpeta at mga hudyat laban sa mga matitibay na lungsod at mga matataas na kuta!
17 Over Menneskene bringer jeg Trængsel; som blinde vanker de om, fordi de synded mod HERREN. Deres Blod øses ud som Støv, deres Livssaft ligesom Skarn.
Sapagkat magdadala ako ng pagkabahala sa sangkatauhan, upang lumakad sila na gaya ng mga bulag na tao sapagkat nagkasala sila kay Yahweh! Ibubuhos ang kanilang dugo na gaya ng alabok at ang kanilang mga lamanloob gaya ng dumi!
18 Hverken deres Sølv eller Guld evner at frelse dem paa HERRENS Vredes Dag, naar hele Jorden fortæres af hans Nidkærheds Ild; thi Undergang, ja brat Tilintetgørelse bringer jeg over alle, som bor paa Jorden.
Hindi sila maililigtas maging ng kanilang mga pilak o ginto sa araw ng matinding galit ni Yahweh! Tutupukin ng apoy ng matinding poot ni Yahweh ang buong lupain sapagkat nakasisindak ang paglipol na kaniyang idudulot laban sa lahat ng naninirahan sa lupain!”