< Ordsprogene 12 >
1 At elske Tugt er at elske Kundskab, at hade Revselse er dumt.
Sinumang umiibig sa disiplina ay iniibig ang kaalaman, pero sinumang namumuhi sa pagtatama ay mangmang.
2 Den gode vinder Yndest hos HERREN, den rænkefulde dømmer han skyldig.
Nagbibigay si Yahweh ng pabor sa mabuting tao, pero pinarurusahan niya ang taong gumagawa ng masasamang plano.
3 Ingen staar fast ved Gudløshed, men retfærdiges Rod skal aldrig rokkes.
Ang isang tao ay hindi tatatag sa pamamagitan ng kasamaan, pero silang gumagawa ng katuwiran ay hindi mabubunot kailanman.
4 En duelig Kvinde er sin Ægtemands Krone, en daarlig er som Edder i hans Ben.
Ang isang karapat-dapat na asawang babae ay korona ng kaniyang asawang lalaki, ngunit ang babaeng nagdadala nang kahihiyan ay tulad ng isang sakit na sumisira ng kaniyang mga buto.
5 Retfærdiges Tanker er Ret, gudløses Opspind er Svig.
Ang mga balakin ng lahat ng gumagawa ng tama ay makatarungan, ngunit ang payo ng masasama ay mapanlinlang.
6 Gudløses Ord er paa Lur efter Blod, retsindiges Mund skal bringe dem Frelse.
Ang mga salita ng masasamang tao ay bitag na nakaabang ng pagkakataong pumatay, ngunit ang mga salita ng matutuwid ang siyang nag-iingat sa kanila.
7 Gudløse styrtes og er ikke mer, retfærdiges Hus staar fast.
Ang masasama ay bumabagsak at naglalaho, pero ang bahay ng mga taong gumagawa ng tama ay mananatili.
8 For sin Klogskab prises en Mand, til Spot bliver den, hvis Vid er vrangt.
Pinupuri ang isang tao sa kaniyang karunungan, ngunit sinumang gumagawa ng baluktot na mga pagpili ay kinamumuhian.
9 Hellere overses, naar man holder Træl, end optræde stort, naar man mangler Brød.
Mas mabuti na magkaroon ng mababang katayuan—ang maging isang lingkod lamang, kaysa ang magmalaki patungkol sa iyong katayuan ngunit walang namang makain.
10 Den retfærdige føler med sit Kvæg, gudløses Hjerte er grumt.
Nagmamalasakit ang matuwid sa pangangailangan ng kaniyang alagang hayop, pero maging ang habag ng masasama ay kalupitan.
11 Den mættes med Brød, som dyrker sin Jord, uden Vid er den, der jager efter Tomhed.
Sinumang nagbubungkal ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng kasaganaan ng pagkain, pero sinumang naghahabol ng mga proyektong walang halaga ay hindi nag-iisip.
12 De ondes Fæstning jævnes med Jorden, de retfærdiges Rod holder Stand.
Hinahangad ng masama ang mga ninakaw ng makasalanan mula sa iba, pero ang bunga ng mga matuwid ay galing sa kanilang mga sarili.
13 I Læbernes Brøde hildes den onde, den retfærdige undslipper Nøden.
Ang masamang tao ay nabibitag ng kaniyang masamang pananalita, pero ang mga taong gumagawa ng tama ay nakaliligtas sa kapahamakan.
14 Af sin Munds Frugt mættes en Mand med godt, et Menneske faar, som hans Hænder har øvet.
Mula sa bunga ng kaniyang mga salita, ang tao ay napupuno ng mabuting mga bagay, tulad ng paggagantimpala ng mga kamayy niyang nagtatrabaho.
15 Daarens Færd behager ham selv, den vise hører paa Raad.
Ang kaparaanan ng isang mangmang ay tama sa kaniyang paningin, pero ang taong may karunungan, sa payo ay nakikinig.
16 En Daare giver straks sin Krænkelse Luft, den kloge spottes og lader som intet.
Ang mangmang ay kaagad nagpapakita ng galit, pero ang nagsasawalang-kibo sa insulto ay maingat.
17 Den sanddru fremfører, hvad der er ret, det falske Vidne kommer med Svig.
Sinumang nagsasabi ng totoo ay nagsasalita ng tama, pero ang bulaang saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan.
18 Mangens Snak er som Sværdhug, de vises Tunge læger.
Ang mga salitang padalos-dalos ay tulad ng saksak ng isang espada, pero ang dila ng matalino, kagalingan ang dinadala.
19 Sanddru Læbe bestaar for evigt, Løgnetunge et Øjeblik.
Ang makatotohanang mga labi ay tumatagal habang-buhay, pero ang sinungaling na dila ay panandalian lamang.
20 De, som smeder ondt, har Svig i Hjertet; de, der stifter Fred, har Glæde.
Mayroong panlilinlang sa puso ng mga taong nagbabalak ng kasamaan, pero kagalakan ang dumarating sa mga tagapagpayo ng kapayapaan.
21 Den retfærdige times der intet ondt, gudløse oplever Vanheld paa Vanheld.
Walang karamdaman ang dumarating sa mga matuwid, pero ang masasama ay puno ng paghihirap.
22 Løgnelæber er HERREN en Gru, de ærlige har hans Velbehag.
Galit si Yahweh sa sinungaling na mga labi, pero ang mga namumuhay nang tapat ay ang kasiyahan ng Diyos.
23 Den kloge dølger sin Kundskab, Taabers Hjerte udraaber Daarskab.
Itinatago ng taong maingat ang kaniyang kaalaman, pero ang puso ng hangal ay sumisigaw ng kamangmangan.
24 De flittiges Haand skal raade, den lade tvinges til Hoveriarbejde.
Ang kamay ng matiyaga ay maghahari, pero ang tamad ay sasailalim sa sapilitang pagtatrabaho.
25 Hjertesorg bøjer til Jorden, et venligt Ord gør glad.
Ang pangamba sa puso ng tao ay nagpapabigat sa kaniya, ngunit nagpapagalak ang mabuting salita.
26 Den retfærdige vælger sin Græsgang, gudløses Vej vildleder dem selv.
Ang matuwid ay gabay sa kaniyang kaibigan, pero ang paraan ng masama ay nag-aakay sa kanila sa lihis na daan.
27 Ladhed opskræmmer intet Vildt, men kosteligt Gods faar den flittige tildelt.
Ang mga tamad ay hindi niluluto ang kanilang sariling huli, pero ang matiyaga ay magkakaroon pa ng yamang natatangi.
28 Paa Retfærds Sti er der Liv, til Døden fører den onde Vej.
Ang mga lumalakad sa tamang daan, buhay ang nasusumpungan at sa kaniyang landas ay walang kamatayan.