< Job 30 >
1 Nu derimod ler de ad mig, Folk, der er yngre end jeg, hvis Fædre jeg fandt for ringe at sætte iblandt mine Hyrdehunde.
Ngayon ang mga mas nakababata sa akin ay walang maidulot kundi pangungnutya sa akin - ang mga kabataang lalaking ito na ang mga ama ay gusto kong tanggihang magtrabaho katabi ng mga aso sa aking kawan.
2 Og hvad skulde jeg med deres Hænders Kraft? Deres Ungdomskraft har de mistet,
Tunay nga, ang lakas ng mga kamay ng kanilang mga ama - paano nito ako matutulungan - mga lalaki na kung saan ang lakas ng kanilang kaganapan sa gulang ay naglaho na?
3 tørrede hen af Trang og Sult. De afgnaver Ørk og Ødemark
Sila ay mga payat dahil sa kahirapan at kagutuman, ngumangatngat sila sa tuyong lupa sa kadiliman ng ilang at kapanglawan.
4 og plukker Melde ved Krattet, Gyvelrødder er deres Brød.
Namitas sila ng halaman ng soltwot at mga dahon ng palumpong; ang mga ugat ng puno ng tambo ang kanilang pagkain.
5 Fra Samfundet drives de bort, som ad Tyve raabes der efter dem.
Pinalayas sila mula sa mga tao na sumigaw sa kanila na parang isang tao na sinisigawan ang isang magnanakaw.
6 De bor i Kløfter, fulde af Rædsler, i Jordens og Klippernes Huler.
Kaya kinailangan nilang manirahan sa ilog lambak, sa mga lungga ng lupa at ng mga bato.
7 De brøler imellem Buske, i Tornekrat kommer de sammen,
Sa mga palumpong, umungal sila tulad ng mga asno; sa ilalim ng mga palumpong nagtitipon-tipon sila.
8 en dum og navnløs Æt, de joges med Hug af Lande.
Sila ay mga inapo ng mga hangal; tunay nga, na walang kwentang mga tao; pinalayas sila sa lupain sa pamamagitan ng mga pamalo.
9 Men nu er jeg Haansang for dem, jeg er dem et Samtaleemne;
Pero ngayon, para sa kanilang mga anak, naging paksa ako ng isang kanta ng pangungutya; tunay nga, naging isang katatawanan ako sa kanila.
10 de afskyr mig, holder sig fra mig, nægter sig ikke af spytte ad mig.
Kinasusuklaman nila ako at hindi lumalapit sa akin; hindi sila nag-aatubiling dumura sa aking mukha.
11 Thi han løste min Buestreng, ydmyged mig, og foran mig kasted de Tøjlerne af.
Dahil tinanggal ng Diyos ang lubid ng aking pana at pinahirapan ako, kaya sa harapan ko ay nawawala ang lahat ng pagpipigil sa sarili ng mga taong ito.
12 Til højre rejser sig Ynglen, Fødderne slaar de fra mig, bygger sig Ulykkesveje imod mig;
Sa aking kanang kamay naghimagsik ang magulong pulutong ng mga tao; itinaboy nila ako at itinambak laban sa akin ang kanilang punso ng paglusob.
13 min Sti har de opbrudt, de hjælper med til mit Fald, og ingen hindrer dem i det;
Sinisira nila ang aking landas; Itinutulak nila ang kapahamakan para sa akin, mga lalaki na walang sinumang makapipigil.
14 de kommer som gennem et gabende Murbrud, vælter sig frem under Ruiner,
Sinasalakay nila ako tulad ng isang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking butas sa pader ng lungsod; sa gitna ng pagkawasak gumulong sila sa akin.
15 Rædsler har vendt sig imod mig; min Værdighed joges bort som af Storm, min Lykke svandt som en Sky.
Nilukuban ako ng malaking takot; itinaboy ang aking karangalan na parang ng hangin; naglaho ang aking kasaganaan na parang isang ulap.
16 Min Sjæl opløser sig i mig; Elendigheds Dage har ramt mig:
Ngayon ang buhay ko ay ibinubuhos mula sa akin. Hinawakan ako ng maraming araw ng pagdurusa.
17 Natten borer i mine Knogler, aldrig blunder de nagende Smerter.
Sa gabi sinasaksak ang aking mga buto sa loob ng aking katawan; ang mga sakit na nagpapahirap sa akin ay walang kapahingahan.
18 Med vældig Kraft vanskabes mit Kød, det hænger om mig, som var det min Kjortel.
Hinablot ng malakas na pwersa ng Diyos ang aking kasuotan; binalutan ako nito tulad ng kwelyo ng aking tunika.
19 Han kasted mig ud i Dynd, jeg er blevet som Støv og Aske.
Inihagis niya ako sa putik; Naging tulad ako ng alabok at mga abo.
20 Jeg skriger til dig, du svarer mig ikke, du staar der og ænser mig ikke;
Umiiyak ako sa iyo, Diyos, pero hindi mo ako sinasagot; tumatayo ako pero tinitingnan mo lang ako.
21 grum er du blevet imod mig, forfølger mig med din vældige Haand.
Nagbago ka na at naging malupit sa akin; sa kapangyarihan ng iyong kamay ay pinapahirapan mo ako.
22 Du løfter og vejrer mig hen i Stormen, og dens Brusen gennemryster mig;
Itinaas mo ako sa hangin at dinulot na tangayin ako nito; tinutunaw mo ako sa bagyo.
23 thi jeg ved, du fører mig hjem til Døden, til det Hus, hvor alt levende samles.
Dahil alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan, sa bahay na nakatadhana para sa lahat ng mga buhay na bagay.
24 Dog, mon den druknende ej rækker Haanden ud og raaber om Hjælp, naar han gaar under?
Pero, wala bang umaabot ng kaniyang kamay para humingi ng tulong kapag siya ay bumabagsak? Wala bang nasa kaguluhan na nagmakaawa para sa tulong?
25 Mon ikke jeg græder over den, som havde det haardt, sørgede ikke min Sjæl for den fattiges Skyld?
Hindi ba ako umiyak para sa kaniya na nasa kaguluhan? Hindi ba ako nagdalamhati para sa taong nangangailangan?
26 Jeg biede paa Lykke, men Ulykke kom, jeg haabed paa Lys, men Mørke kom;
Nang naghanap ako ng kabutihan, ang dumating ay kasamaan; nang ako ay naghintay para sa liwanag, sa halip ay dumating ang kadiliman.
27 ustandseligt koger det i mig, Elendigheds Dage traf mig;
Naguguluhan ang aking puso at hindi nagpapahinga; mga araw ng dalamhati ang dumating sa akin.
28 trøstesløs gaar jeg i Sorg, i Forsamlingen rejser jeg mig og raaber;
Patuloy na nangingitim ang aking balat hindi dahil sa araw; tumatayo ako sa kapulungan at humihingi ng tulong.
29 Sjakalernes Broder blev jeg, Strudsenes Fælle.
Ako ay kapatid ng asong gubat, isang kasama ng mga ostrich.
30 Min Hud er sort, falder af, mine Knogler brænder af Hede;
Maitim ang aking balat at natutuklap; nasunog sa init ang aking mga buto.
31 min Citer er blevet til Sorg, min Fløjte til hulkende Graad!
Kaya ang aking alpa ay nakatono para sa mga kanta ng pagluluksa, ang aking plauta para sa pagkanta ng mga nananaghoy.