< Jeremias 17 >
1 Optegnet er Judas Synd med Griffel af Jern, med Diamantspids ristet i deres Hjertes Tavle og paa deres Altres Horn,
“Ang kasalanan ng Juda ay nasulat gamit ang isang panulat na bakal na may diyamante sa dulo. Ito ay nakaukit sa kanilang mga puso at sa mga sungay ng inyong mga altar.
2 naar Sønnerne kommer deres Altre og Asjerer i Hu, paa alle grønne Træer, paa de høje Steder,
Naalala ng kanilang mga anak ang kanilang mga altar at ang imahen ni Ashera na nasa madahong mga puno sa mataas na mga burol.
3 paa Bjergene paa Marken. Din Rigdom, alle dine Skatte giver jeg hen til Rov til Løn for din Synd, saa langt dine Grænser naar.
Naalala nila ang kanilang mga altar na nasa mga bundok sa nayon. Gagawin ko ang inyong mga kayamanan bilang samsam para sa iba. Sapagkat ang inyong kasalanan ay nasa lahat ng mga hangganan.
4 Din Haand maa slippe din Arvelod, den, jeg gav dig. Jeg lader dig trælle for Fjender i et ukendt Land, thi Ild luer op i min Vrede, den brænder evigt.
Mawawala sa inyo ang mga mana na ibinigay ko sa inyo. Aalipinin kayo ng inyong mga kaaway sa lupaing hindi ninyo alam, sapagkat kayo ang nagpaalab ng aking galit, kung saan mag-aapoy magpakailanman.”
5 Saa siger HERREN: Forbandet være den Mand, som stoler paa Mennesker, og som holder Kød for sin Arm, hvis Hjerte viger fra HERREN.
Sinasabi ni Yahweh, “Sumpain ang mga tao na nagtitiwala sa kapwa tao; ang kaniyang kalakasan ay sa laman ngunit itinalikod niya ang kaniyang puso palayo kay Yahweh.
6 Han bliver som Ødemarkens Ene og faar ej Lykke at se; han bor i glødende Ørk, i Saltland, hvor ingen fæster Bo.
Sapagkat siya ay tulad ng maliit na halaman sa Araba at hindi makikita ang anumang kabutihang darating. Siya ay nananatili sa mabatong lugar sa ilang, tigang na lupain na walang nananahan.
7 Velsignet være den Mand, som stoler paa HERREN, og hvis Tillid HERREN er.
Ngunit mapalad ang tao na nagtitiwala kay Yahweh, sapagkat si Yahweh ang kaniyang pag-asa.
8 Han bliver som et Træ, der er plantet ved Vand og strækker sine Rødder til Bækken, ej ængstes, naar Heden kommer, hvis Løv er frodiggrønt, som ej ængstes i Tørkens Aar eller ophører med at bære Frugt.
Sapagkat magiging katulad siya ng halaman na itinanim sa tabi ng tubig-batis; ang kaniyang mga ugat ay kakalat. Hindi niya makikita ang init na parating, sapagkat ang kaniyang mga dahon ay malalapad at maganda. At sa panahon ng tag-tuyot hindi siya mangangamba, ni titigil ang kaniyang pamumunga.
9 Hjertet er svigefuldt fremfor alt, det er sygt, hvo kender det?
Ang puso ay higit na mapanlinlang sa anumang bagay. Ito ay sakit; sino ang nakakaunawa rito?
10 Jeg, HERREN, jeg ransager Hjerte og prøver Nyrer for at gengælde hver hans Færd, hans Gerningers Frugt.
Ako si Yahweh, ang nakakasaliksik ng kaisipan, ang sumusubok sa puso. Ibibigay ko sa bawat tao ang nararapat sa kaniya, parurusahan ko siya sa bunga ng kaniyang mga nagawa.
11 Som en Agerhøne paa Æg, den ikke har lagt, er den, der vinder Rigdom med Uret; han maa slippe den i Dagenes Hælvt og slaar ved sin Død som en Daare.
Nililimliman ng isang pugo ang itlog na hindi naman siya ang nangitlog. Maaaring may taong yayaman sa kalikuan. Ngunit sa panahon ng kalakasan sa kaniyang buhay, iiwan siya ng mga kayamanang iyon at magiging mangmang sa huli.”
12 En Herlighedstrone, en urgammel Høj er vor Helligdoms Sted.
Ang lugar ng ating templo ay isang maluwalhating trono, nakataas mula sa simula.
13 HERRE, du Israels Haab, enhver, der forlader dig, faar Skam; de, der falder fra dig, skal udryddes af Landet, thi HERREN, Kilden med levende Vand, forlod de.
Si Yahweh ang pag-asa ng Israel. Lahat ng mang-iwan sa iyo ay mapapahiya. Ang mga tumalikod sa iyo na nasa lupain ay puputulin. Sapagkat iniiwan nila si Yahweh, ang bukal ng tubig ng buhay.
14 Læg mig, HERRE, saa jeg læges, frels du mig, saa jeg frelses, thi du er min Ros.
Pagalingin mo ako, Yahweh, at ako ay gagaling! Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas. Sapagkat ikaw ang aking awit ng papuri.
15 Se, de andre siger til mig: »Hvor er HERRENS Ord? Lad det komme!«
Tingnan ninyo, sinasabi nila sa akin, 'Nasaan na ang salita ni Yahweh? Hayaang ito ay pumarito!
16 Jeg vægred mig ej ved at være Hyrde i dit Spor, begæred ej heller Ulykkens Dag, du ved det; hvad der udgik fra mine Læber, er for dit Aasyn.
Para sa akin, hindi ako tumakbo sa pagiging isang pastol na sumusunod sa inyo. Hindi ko hinangad ang araw ng sakuna. Alam mo ang mga pahayag na lumabas sa aking mga labi. Sila ay ginawa sa iyong harapan.
17 Bliv ikke en Rædsel for mig, du min Tilflugt paa Ulykkens Dag.
Huwag maging katatakutan sa akin. Ikaw ang aking kanlungan sa panahon ng kalamidad.
18 Lad Forfølgerne beskæmmes, lad ej mig beskæmmes, lad dem forfærdes, lad ej mig forfærdes; send over dem Ulykkens Dag, knus dem og gentag Slaget!
Nawa ang mga tumutugis sa akin ay mapapahiya, ngunit huwag mo akong gawing kahiya-hiya. Nawa sila ay panghinaan ng loob, ngunit huwag mong hayaang panghinaan ako ng loob. Ipadala ang araw ng sakuna laban sa kanila at wasakin sila ng ibayong pagkawasak.”
19 Saaledes sagde HERREN til mig: Gaa hen og stil dig i Folkets Sønners Port, ad hvilken Judas Konger gaar ind og ud, og i alle Jerusalems Porte
Sinabi ni Yahweh ito sa akin: “Pumunta ka at tumayo sa tarangkahan ng mga tao kung saan pumapasok at lumalabas ang mga hari ng Juda, at sa lahat ng ibang tarangkahan ng Jerusalem.
20 og sig til dem: Hør HERRENS Ord, I Judas Konger og hele Juda og alle Jerusalems Borgere, som gaar ind ad disse Porte!
Sabihin mo sa kanila, 'Pakingggan ninyo ang salita ni Yahweh, mga hari ng Juda at lahat ng mga tao ng Juda, at sa bawat naninirahan sa Jerusalem na pumapasok sa mga tarangkahang ito.
21 Saa siger HERREN: Vogt eder for eders Sjæles Skyld, at I ikke bærer Byrder ind gennem Jerusalems Porte paa Sabbatsdagen!
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Maging maingat kayo alang-alang sa inyong mga buhay at huwag kayong magpapasan ng mabibigat sa Araw ng Pamamahinga upang dalhin ito sa tarangkahan ng Jerusalem.
22 Bring ingen Byrde ud af eders Huse paa Sabbatsdagen og gør intet Arbejde, men hold Sabbatsdagen hellig, som jeg bød eders Fædre.
At huwag kayong magdala ng pasan mula sa inyong bahay sa Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain, kundi ilaan ninyo ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh, gaya ng aking inutos sa inyong mga ninuno na gawin.
23 De hørte ikke og bøjede ikke deres Øre, men gjorde Nakken stiv for ikke at høre eller tage ved Lære.
Hindi sila nakinig o nagbigay pansin, kundi pinatigas nila ang kanilang mga leeg upang hindi na nila ako pinakinggan ni tanggapin ang aking pagtutuwid.
24 Men hvis I hører mig, lyder det fra HERREN, saa I ikke bringer nogen Byrde ind gennem denne Bys Porte paa Sabbatsdagen, men holder den hellig og ikke gør noget Arbejde paa den,
Ito ay mangyayari kung tunay na nakinig kayo sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—at huwag kayong magbuhat ng pasan sa mga tarangkahan ng lungsod na ito sa Araw ng Pamamahinga ngunit sa halip ilaan ninyo kay Yahweh ang Araw ng Pamamahinga at huwag kayong gagawa ng anumang gawain—
25 saa skal Konger og Fyrster, som sidder paa Davids Trone, drage ind ad denne Bys Porte med Vogne og Heste, de og deres Fyrster, Judas Mænd og Jerusalems Borgere, og denne By skal staa til evig Tid.
At ang mga hari, mga prinsipe, at sa mga umupo sa trono ni David na pupunta sa mga tarangkahan ng lungsod na ito na nakakarwahe at may mga nakakabayo, sila at ang kanilang mga pinuno, mga kalalakihan ng Juda at lahat ng naninirahan sa Jerusalem. At ang lungsod na ito ay mananatili magpakailanman.
26 Og fra Judas Byer, fra Jerusalems Omegn, fra Benjamins Land, fra Lavlandet, Bjergene og Sydlandet skal man komme og bringe Brændoffer, Slagtoffer, Afgrødeoffer og Røgelse og Takoffer til HERRENS Hus.
Darating sila mula sa mga lungsod ng Juda at sa lahat ng nasa palibot ng Jerusalem, at mula sa lupain ng Benjamin at mula sa mababang lupain, mula sa mga bundok at mula sa Negev, magdadala ng mga susunuging handog, mga alay, at mga pagkaing handog at kamanyang. At magdadala sila ng mga handog pasasalamat sa aking tahanan.
27 Men hvis I ikke hører mit Ord om at holde Sabbatsdagen hellig og om ikke at bære nogen Byrde ind gennem Jerusalems Porte paa Sabbatsdagen, saa sætter jeg Ild paa dets Porte, og den skal fortære Jerusalems Paladser uden at slukkes.
Ngunit kung hindi kayo makikinig, upang ilaan ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh—kung magpapasan kayo ng mga pasanin sa mga tarangkahan ng Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga, kung gayon sisindihan ko ng apoy ang mga tarangkahan, apoy na susunog sa mga tanggulan ng Jerusalem, at hindi ito mapapatay.”