< Esajas 1 >

1 Det Syn, Esajas, Amoz's Søn, skuede om Juda og Jerusalem, i de Dage da Uzzija, Jotam, Akaz og Ezekias var Konger i Juda.
Ang pangitain ni Isaias, anak ni Amos, na kaniyang nakita patungkol sa Judah at Jerusalem, sa mga araw ni Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias, ang mga hari ng Juda.
2 Hør, I Himle, lyt, du Jord, thi HERREN taler: Børn har jeg opfødt og fostret, men de forbrød sig imod mig.
Makinig kayong mga langit, at pakinggan mo ako lupa; dahil nagsalita si Yahweh: “Nag-alaga at nag-aruga ako ng mga bata pero nagrebelde sila sa akin.
3 En Okse kender sin Ejer, et Æsel sin Herres Krybbe; men Israel kender intet, mit Folk kan intet fatte.
Kilala ng baka ang nagmamay-ari sa kaniya, at alam din ng asno ang pakainan ng kaniyang amo, pero ang Israel hindi, hindi nakauunawa ang Israel.
4 Ve det syndefulde Folk, en brødetynget Slægt, Ugerningsmænds Æt, vanartede Børn! De svigtede HERREN, lod haant om Israels Hellige, vendte ham Ryg.
Nakalulungkot —ang mga bansa, mga makasalanan, mga taong lubog sa kasalanan, mga anak ng mga mapaggawa ng masama, mga anak ng tiwali! Iniwan nila si Yahweh, kinasuklaman nila ang Banal ng Israel, lumayo sila mula sa kaniya.
5 Kan I taale flere Hug, siden I stadig falder fra? Kun Saar er Hovedet, sygt hele Hjertet;
Bakit pa kayo nasasaktan? Bakit pa kayo nagrerebelde nang paulit-ulit? May sakit ang inyong buong ulo, nanghihina ang buong puso niyo.
6 fra Fodsaal til Isse er intet helt, kun Flænger, Strimer og friske Saar; de er ej trykket ud, ej heller forbundet og ikke lindret med Olie.
Mula talampakan hanggang sa ulo, walang bahagi na katawan niyo ang walang pinsala; mga gasgas, at pasa at mga sariwang sugat; hindi sila nagsara, ni nilinisan, ni ginamot o nilagyan ng langis.
7 Eders Land er øde, eders Byer brændt, fremmede æder eders Jord for eders Øjne — saa øde som ved Sodomas Undergang.
Wasak ang bansa niyo; sinunog ang mga lungsod niyo; sa harapan niyo, sinisira ng mga dayuhan ang lupain niyo; iniwan nila itong wasak at sira-sira, pinabagsak ng mga dayuhan.
8 Zions Datter er levnet som en Hytte i en Vingaard, et Vagtskur i en Græskarmark, en omringet By.
Ang anak na babae ng Sion, iniwan na parang kubo sa ubasan, gaya ng isang silong sa hardin ng pipino, gaya ng isang lungsod na sinakop.
9 Havde ikke Hærskarers HERRE levnet os en Rest, da var vi som Sodoma, ligned Gomorra.
Kung hindi nag-iwan si Yahweh ng mga hukbo ng ilan sa ating mga kababayan, naging tulad na sana tayo ng Sodoma, naging gaya tayo ng Gomorra.
10 Laan Øre til HERRENS Ord, I Sodomadommere, lyt til vor Guds Aabenbaring, du Gomorrafolk!
Dinggin niyo ang salita ni Yahweh, kayong mga tagapamahala ng Sodoma; makinig kayo sa batas ng ating Diyos, kayong bayan ng Gomorra:
11 Hvad skal jeg med alle eders Slagtofre? siger HERREN; jeg er mæt af Væderbrændofre, af Fedekalves Fedt, har ej Lyst til Blod af Okser og Lam og Bukke.
“Ano ang silbi ng marami ninyong mga alay sa akin?” sabi ni Yahweh. “Sawa na ako sa mga tupa, at taba ng mga hayop na sinunog niyo para ihandog; at sa dugo ng toro, tupa at kambing, hindi ako nalulugod.
12 Naar I kommer at stedes for mit Aasyn, hvo kræver da af jer, at min Forgaard trampes ned?
Sa tuwing lalapit kayo sa harapan ko, sinong nagsabi sa inyo na maaari niyong yurakan ang aking mga patyo?
13 Bring ej flere tomme Afgrødeofre, vederstyggelig Offerrøg er de mig! Nymaanefest, Sabbat og festligt Stævne — jeg afskyr Uret og festlig Samling.
Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga; kasuklam-suklam sa akin ang insenso; ang mga pagtitipon niyo tuwing bagong buwan at araw ng pamamahinga —hindi ko na matiis ang lahat ng makasalanan niyong mga pagtitipon.
14 Eders Nymaanefester og Højtider hader min Sjæl, de er mig en Byrde, jeg er træt af at bære.
Namumuhi ako sa mga bagong buwan at mga pista ninyo; pabigat sila sa akin; pagod na akong tiisin sila.
15 Breder I Hænderne ud, skjuler jeg Øjnene for jer. Hvor meget I saa end beder, jeg hører det ikke. Eders Hænder er fulde af Blod;
Kaya sa tuwing itinataas ninyo ang mga kamay ninyo, tinatago ko ang mga mata ko sa inyo; kahit na nag-alay kayo ng maraming panalangin, hindi ako makikinig; puno ng dugo ang mga kamay ninyo.
16 tvæt jer, rens jer, bort med de onde Gerninger fra mine Øjne! Hør op med det onde,
Maghugas kayo, linisin ninyo ang mga sarili niyo; alisin ninyo ang kasamaan sa mga gawain ninyo sa paningin ko; tigilan ninyo na ang pagiging masama;
17 lær det gode, læg Vind paa, hvad Ret er; hjælp fortrykte, skaf faderløse Ret, før Enkens Sag!
alamin ninyo paano maging mabuti; isulong ninyo ang katarungan, tulungan niyo ang mga inaapi, bigyan ninyo ng katarungan ang mga walang ama, protektahan ninyo ang mga balo.”
18 Kom, lad os gaa i Rette med hinanden, siger HERREN. Er eders Synder som Skarlagen, de skal blive hvide som Sne; er de end røde som Purpur, de skal dog blive som Uld.
“Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana.
19 Lyder I villigt, skal I æde Landets Goder;
Kung handa kayo at susunod, kakainin ninyo ang maiinam na bunga ng lupain.
20 staar I genstridigt imod, skal I ædes af Sværd. Thi HERRENS Mund har talet.
Pero kung magmamatigas kayo at magrerebelde, lalamunin kayo ng espada dahil ang bibig ni Yahweh ay nagsalita.”
21 At den skulde ende som Skøge, den trofaste By, Zion, saa fuld af Ret, Retfærdigheds Hjem — men nu er der Mordere.
Naging babaeng bayaran ang tapat na lungsod! Siya na dating puno ng katarungan ay puno ng katuwiran, pero ngayon puno siya ng mamamatay-tao.
22 Dit Sølv er blevet til Slagger, din Vin er spædet med Vand.
Naging marumi ang mga pilak ninyo, at ang alak ninyo hinaluan ng tubig.
23 Tøjlesløse er dine Førere, Venner med Tyve; Gaver elsker de alle, jager efter Stikpenge, skaffer ej faderløse Ret og tager sig ikke af Enkens Sag.
Mga rebelde at kasama ng mga magnanakaw ang mga prinsipe niyo; ang bawat isa, nagnanais ng suhol at naghahabol ng bayad. Hindi nila pinoprotektahan ang mga ulila, maging ang mga hinaing pang-legal ng mga balo sa kanilang harapan.
24 Derfor lyder det fra Herren, Hærskarers HERRE, Israels Vældige: »Min Gengælds Ve over Avindsmænd, min Hævn over Fjender!
Kaya, ito ang pahayag ng Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, ang Magiting ng Israel: “Kaawa-awa sila! Maghihiganti ako laban sa mga kaaway ko, at ipaghihiganti ko ang aking sarili laban sa mga kalaban ko;
25 Jeg vender min Haand imod dig, renser ud dine Slagger i Ovnen og udskiller alt dit Bly.
itutuon ko sa inyo ang kamay ko para alisin ang kalawang sa inyo at para tanggalin ang lahat ng karumihan ninyo.
26 Jeg giver dig Dommere som fordum, Raadsherrer som før; saa kaldes du Retfærdigheds By, den trofaste Stad.«
Ibabalik ko ang mga hukom ninyo gaya noon, at ang mga taga-payo ninyo gaya noong simula; matapos nito, tatawagin kayong lungsod ng katuwiran, isang tapat na bayan.
27 Zion genløses ved Ret, de omvendte der ved Retfærd.
Mababawi ang Sion sa pamamagitan ng katarungan, maging ang mga nagsisisi sa pamamagitan ng katuwiran.
28 Men Overtrædere og Syndere knuses til Hobe; hvo HERREN svigter, forgaar.
Parehong madudurog ang mga rebelde at mga makasalanan, at ang mga tumalikod kay Yahweh ay maglalaho.
29 Thi Skam vil I faa af de Ege, I elsker, Skuffelse af Lundene, I sætter saa højt;
Dahil ikahihiya ninyo ang banal na mga punong owk na ninais ninyo, at ipapahiya kayo ng mga hardin na pinili ninyo.
30 thi I bliver som en Eg med visnende Løv, som en Lund, hvor der ikke er Vand.
Dahil magiging tulad kayo ng mga owk, na ang mga dahon ay nalalanta, at tulad ng isang hardin na walang tubig.
31 Den stærke bliver til Blaar, hans Værk til en Gnist; begge brænder med hinanden, og ingen slukker.
Ang malakas ay magiging tulad kusot, at ang ginagawa nila ay magiging tulad ng kislap; magkasama silang masusunog at walang aapula sa mga ito.”

< Esajas 1 >