< Ezra 5 >
1 Men Profeterne Haggaj og Zakarias, Iddos Søn, profeterede for Jøderne i Juda og Jerusalem i Israels Guds Navn, som var over dem.
Pagkatapos, si propetang Hagai at si Zacarias na anak ng propetang si Ido ay nagpropesiya sa mga Judio sa ngalan ng Diyos ng Israel sa loob ng Juda at Jerusalem.
2 Da tog Zerubbabel, Sjealtiels Søn, og Jesua, Jozadaks Søn, fat og begyndte at bygge paa Guds Hus i Jerusalem sammen med Guds Profeter, som støttede dem.
Umakyat si Zerubabel na anak ni Sealtiel at Josue na anak ni Jozadak at sinimulang itayo ang tahanan ng Diyos sa Jerusalem kasama ang mga propeta na nanghikayat sa kanila.
3 Men paa den Tid kom Tattenaj, Statholderen hinsides Floden, Sjetar-Bozenaj og deres Embedsbrødre til dem og sagde: »Hvem har givet eder Lov til at bygge dette Tempel og genopføre denne Helligdom,
At dumating sina Tatenai na gobernador ng Lalawigan sa ibayo ng Ilog, Setar Bozenai, at ang kanilang mga kasamahan at sinabi sa kanila, “Sino ang nag-utos na itayo ninyo ang tahanang ito at ganap na tapusin ang mga pader na ito?”
4 og hvad er Navnene paa de Mænd, der bygger denne Bygning?«
Sinabi pa nila, “Ano ang mga pangalan ng mga lalaking gumagawa sa gusaling ito?”
5 Men over Jødernes Ældste vaagede deres Guds Øje, saa de ikke standsede dem i Arbejdet, før Sagen var forelagt Darius og der var kommet Svar derpaa.
Ngunit ang mata ng Diyos ay nasa mga nakatatanda ng mga Judio, at hindi sila pinigilan ng kanilang mga kalaway. Naghihintay sila ng isang liham na ipapadala ng hari at para sa isang utos na ibabalik sa kanila patungkol dito.
6 Afskrift af det Brev, som Tattenaj, Statholderen hinsides Floden, Sjetar-Bozenaj og hans Embedsbrødre, Afarsekiterne hinsides Floden, sendte Kong Darius;
Ito ang liham nina Tatenai, Setar Bozenai, at ang kanilang mga kapwa opisyal kay haring Dario.
7 de sendte ham en Skrivelse, hvori der stod: Kong Darius ønsker vi al Fred!
Nagpadala sila ng isang ulat, isinusulat ito kay haring Dario, “Sumainyo nawang lahat ang kapayapaan.
8 Det være Kongen kundgjort, at vi begav os til Landsdelen Judæa til den store Guds Hus; det bliver bygget af Kvadersten, der lægges Bjælker i Muren, og Arbejdet udføres med Omhu og skyder frem under deres Hænder.
Malaman nawa ng hari na kami ay pumunta ng Juda sa tahanan ng dakilang Diyos. Ito ay itinatayo sa pamamagitan ng malalaking bato at ang mga trosong nakalapat sa mga pader. Ang gawaing ito ay ginagawa ng lubos at umuusad ng mabuti sa kanilang mga kamay.
9 Vi spurgte da de Ældste der og talte saaledes til dem: »Hvem har givet eder Lov til at, bygge dette Tempel og opføre denne Helligdom?
Tinanong namin ang mga nakatatanda, 'Sino ang nagbigay sa inyo ng utos para itayo ang tahanang ito at ang mga pader na ito?'
10 Vi spurgte dem ogsaa om deres Navne for at lade dig dem vide, og vi opskrev Navnene paa de Mænd, der staar i Spidsen for dem.
Tinanong pa namin ang kanilang mga pangalan nang sa gayon ay maaari mong malaman ang mga pangalan ng bawat taong nanguna sa kanila.
11 Og Svaret, de gav os, lød saaledes: Vi er Himmelens og Jordens Guds Tjenere, og vi bygger det Tempel, som blev bygget for mange Aar siden, da en stor Konge i Israel byggede og opførte det.
Tumugon sila at sinabi, 'Kami ay mga lingkod ng nag-iisang Diyos ng langit at lupa, at muli naming itinatayo ang tahanang ito na itinayo ng dakilang hari ng Israel maraming taon na ang nakalilipas at binubuo namin ito.
12 Da imidlertid vore Fædre vakte Himmelens Guds Vrede, gav han dem i Babels Konges, Kaldæeren Nebukadnezars, Haand, og han nedbrød dette Tempel og førte Folket i Landflygtighed til Babel.
Gayunman, nang ginalit ng aming mga ninuno ang Diyos ng langit, ibinigay niya sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na siyang sumira ng bahay na ito at ipinatapon ang mga tao sa Babilonia.
13 Men i sit første Regeringsaar gav Kong Kyros af Babel Befaling til at genopbygge dette Gudshus;
Gayunpaman, sa unang taon nang si Ciro ay hari ng Babilonia, naglabas si Ciro ng isang utos na itayong muli ang tahanan ng Diyos.
14 og Kong Kyros lod tillige de til Gudshuset hørende Guld— og Sølvkar, som Nebukadnezar havde borttaget fra Helligdommen i Jerusalem og ført til sin Helligdom i Babel, tage ud af Helligdommen i Babel, og de overgaves til en Mand ved Navn Sjesjbazzar, som han havde indsat til Statholder;
Ibinalik din ni haring Ciro ang ginto at pilak na nabibilang sa tahanan ng Diyos na kinuha at dinala ni Nebucadnezar mula sa templo sa Jerusalem tungo sa templo sa Babilonia. Isinauli niya ang mga ito kay Sesbazar, na siyang iniluklok niyang gobernador.
15 og han sagde til ham: «Tag disse Kar og drag ben og lad dem faa deres Plads i Helligdommen i Jerusalem og lad Gudshuset blive genopbygget paa sin gamle Plads!»
Sinabi niya sa kaniya, “Kunin mo ang mga kagamitang ito. Pumunta ka at ilagay ang mga ito sa templo sa Jerusalem. Nawa maitayong muli ang tahanan ng Diyos doon.”
16 Saa kom denne Sjesjbazzar og lagde Grunden til Gudshuset i Jerusalem, og siden den Tid er der bygget derpaa, men det er ikke færdigt.
At dumating itong si Sesbazar at inilagay ang pundasyon para sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem; na ginagawa ngayon ngunit hindi pa tapos.
17 Hvis derfor Kongen synes, saa lad der blive set efter i det kongelige Skatkammer ovre i Babel, om det har sig saaledes, at der af Kong Kyros er givet Befaling til at bygge dette Gudshus i Jerusalem; og Kongen give os saa sin Vilje i denne Sag til Kende!«
Ngayon kung mainam ito para sa hari, masuri nawa ito sa tahanan ng mga talaan sa Babilonia kung may isang pasya doon mula kay Haring Ciro para itayo ang tahanang ito ng Diyos sa Jerusalem. Kung gayon, maaring ipadala ng hari ang kaniyang pasya sa amin.”