< Ezekiel 30 >
1 HERRENS Ord kom til mig saaledes:
Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
2 Menneskesøn, profeter og sig: Saa siger den Herre HERREN: Jamrer: Ak, hvilken Dag!
“Anak ng tao, magpropesiya ka at sabihin, 'ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Managhoy, “Aba sa darating na araw!”
3 Thi nær er Dagen, ja nær er HERRENS Dag; det bliver en Mulmets Dag, Hedningernes Tid.
Ang araw ay malapit na! Malapit na ang araw para kay Yahweh! Magiging maulap ang araw na ito, isang panahon ng katapusan para sa mga bansa!
4 Et Sværd kommer over Ægypten, og Ætiopien gribes af Skælven, naar de slagne segner i Ægypten, naar dets Rigdom bortføres og dets Grundvolde nedbrydes.
At isang espada ang darating laban sa Egipto at magkakaroon ng pagdadalamhati sa Cush kapag babagsak sa Egipto ang mga taong pinatay—kapag kinuha nila ang kaniyang kayamanan at kapag gumuho ang kaniyang mga pundasyon!
5 Ætioperne, Put og Lud og alt Blandingsfolket, Kub og min Pagts Sønner skal falde for Sværdet med dem.
Ang Cush, Libya at Lidya at ang lahat ng mga dayuhan kasama ang mga taong kabilang sa kasunduan—babagsak silang lahat sa pamamagitan ng espada!
6 Saa siger HERREN: Alle, som støtter Ægypten, skal falde og dets stolte Herlighed synke sammen; fra Migdol til Syene skal de falde for Sværdet, lyder det fra den Herre HERREN.
Sinasabi ito ni Yahweh: Kaya ang sinumang tutulong sa Egipto ay babagsak, at ang kapalaluan ng kaniyang lakas ay manghihina. Mula sa Migdal patungo sa Sevene ang kanilang mga kawal ay babagsak sa pamamagitan ng espada! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!
7 Det skal lægges øde blandt øde Lande, og Byerne skal ligge hen blandt tilintetgjorte Byer;
Manlulumo sila sa gitna ng nilayasang mga lupain, at ang kanilang mga lungsod ay magiging kabilang ng lahat ng mga nasirang lungsod!
8 og de skal kende, at jeg er HERREN, naar jeg sætter Ild paa Ægypten og alle dets Hjælpere knuses.
At malalaman nilang ako si Yahweh, kapag susunugin ko ang Egipto, at kapag nawasak ang lahat ng kaniyang mga katulong!
9 Paa hin Dag skal der udgaa Sendebud fra mig paa Skibe for at indjage det sorgløse Ætiopien Rædsel, og de skal gribes af Skælven over Ægyptens Dag; thi se, den kommer.
Sa araw na iyon magsisilabasan ang mga mensahero mula sa harapan ko sa mga barko upang kilabutan ang matiwasay na Cush, at magkakaroon ng pagdadalamhati sa kanila sa araw ng pagwakas ng Egipto. Sapagkat masdan! Ito ay paparating!
10 Saa siger den Herre HERREN: Jeg gør Ende paa Ægyptens Herlighed ved Kong Nebukadrezar af Babel.
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Wawakasan ko ang karamihan sa Egipto sa pamamagitan ng kamay ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia.
11 Han og hans Folk med ham, de grummeste blandt Folkene, skal hentes for at ødelægge Landet; de skal drage deres Sværd mod Ægypten og fylde Landet med slagne.
Siya at ang kaniyang hukbong kasama niya, ang kinatatakutan ng mga bansa ay dadalhin upang sirain ang lupain; ilalabas nila ang kanilang mga espada laban sa Egipto at pupunuin ang lupain ng mga patay na tao!
12 Jeg tørlægger Strømmene, sælger Landet til onde Folk, og ved fremmede ødelægger jeg det med alt, hvad der er deri. Jeg, HERREN, har talet.
Gagawin kong tuyong lupa ang mga ilog, at ibebenta ko ang lupain sa kamay ng mga masasamang tao. Pababayaan ko ang lupain at ang kabuuan nito sa pamamagitan ng kamay ng mga banyaga! Ako, si Yahweh, ang nagpapahayag nito!
13 Saa siger den Herre HERREN: Jeg tilintetgør Afgudsbillederne og udrydder Høvdingerne af Nof og Fyrsterne af Ægypten; de skal ikke findes mere; og jeg indjager Ægypten Rædsel.
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sisirain ko ang mga diyus-diyosan at wawakasan ko ang mga walang silbing diyus-diyosan ng Memfis. Wala ng magiging prinsipe sa lupain ng Egipto at maglalagay ako ng katatakutan sa lupain ng Egipto!
14 Jeg lægger Patros øde, sætter Ild paa Zoan og holder Dom over No.
Pagkatapos, pababayaan ko ang Patros at susunugin ko ng apoy ang Zoan, at magsasagawa ako ng mga kahatulan sa Tebez.
15 Jeg udøser min Vrede over Sin, Ægyptens Bolværk, og udrydder Nos larmende Hob.
Sapagkat ibubuhos ko ang aking matinding galit sa Pelesium, ang tanggulan ng Egipto, at papatayin ang karamihan ng Tebez.
16 Jeg sætter Ild paa Ægypten, Syene skal skælve af Angst, der skal brydes Hul paa No, og dets Mure skal nedrives.
Pagkatapos, susunugin ko ng apoy ang Egipto. Magiging labis ang kahirapan ng Pelesium at ang Tebez ay mawawasak. Araw-araw ay magkakaroon ng mga kaaway ang Memfis!
17 De unge Mænd i On og Pibeset skal falde for Sværdet og Kvinderne vandre i Fangenskab.
Ang mga binata sa Heliopolis at Bubastis ay babagsak sa pamamagitan ng espada at ang kanilang mga lungsod ay mabibihag.
18 I Takpankes sortner Dagen, naar jeg der sønderbryder Ægyptens Herskerstav, og dets stolte Herlighed faar Ende der. Selv skal det skjules af Skyer og dets Smaabyer vandre i Fangenskab.
Sa Tafnes, hindi magliliwanag ang araw na iyon kapag sisirain ko ang pamatok ng Egipto roon at ang kapalaluan ng kaniyang lakas ay magwawakas. Magkakaroon ng ulap na kukubkob sa kaniya at ang kaniyang mga anak na babae ay dadaan sa pagkakabihag.
19 Jeg holder Dom over Ægypten; og de skal kende, at jeg er HERREN.
Magsasagawa ako ng paghuhukom sa Egipto, at malalaman nila na ako si Yahweh.”'
20 I det ellevte Aar paa den syvende Dag i den første Maaned kom HERRENS Ord til mig saaledes:
At nangyari nga sa ika-labingisang taon, sa unang buwan, sa ika-pitong araw ng buwan, na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
21 Menneskesøn! Ægypterkongen Faraos Arm har jeg brudt; og se den skal ikke forbindes, ikke læges ved at der lægges Bind om den, saa den kunde faa Kræfter til atter at gribe Sværdet.
“Anak ng tao, binali ko ang braso ng Paraon, ang hari ng Egipto. Masdan! Hindi ito nabendahan at hindi makatatanggap ng gamot; walang sinuman ang makakapaglagay ng benda nito, kaya wala itong magiging sapat na lakas upang humawak ng espada.
22 Derfor, saa siger den Herre HERREN: Se, jeg kommer over Farao, Ægyptens Konge, og bryder hans Arme, baade den hele og den brudte, og lader Sværdet falde af hans Haand.
Samakatuwid sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, 'Masdan ang Paraon, ang hari ng Egipto! Sapagkat babaliin ko ang kaniyang braso, ang malakas at ang bali na, at pababagsakin ko ang espada mula sa kaniyang kamay.
23 Jeg spreder Ægypterne blandt Folkene og udstrør dem i Landene.
Pagkatapos ay ikakalat ko ang Egipto sa mga bansa at pagwawatak-watakin sila sa mga lupain.
24 Men jeg styrker Babels Konges Arme og lægger mit Sværd i hans Haand; og jeg bryder Faraos Arme, og han skal stønne for ham paa saaredes Vis.
Palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia at ilalagay ko ang aking espada sa kaniyang kamay upang maaari kong masira ang mga braso ng Paraon. Maghihinagpis siya sa harapan ng hari ng Babilonia tulad ng paghihinagpis ng taong mamamatay na.
25 Jeg styrker Babels Konges Arme, men Faraos skal synke; og de skal kende, at jeg er HERREN, naar jeg lægger mit Sværd i Babels Konges Haand og han svinger det imod Ægypten.
Sapagkat palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia, habang bumabagsak ang mga braso ng Paraon. Pagkatapos, malalaman nila na ako si Yahweh, kapag inilagay ko ang aking espada sa kamay ng hari ng Babilonia; sapagkat kaniyang lulusubin ang lupain ng Egipto gamit ito.
26 Og jeg spreder Ægypterne blandt Folkene og udstrør dem i Landene; og de skal kende, at jeg er HERREN.
Kaya ikakalat ko ang Egipto sa mga bansa at pagwatak-watakin sila sa mga lupain. At malalaman nila na ako si Yahweh!”'