< 2 Mosebog 40 >

1 Og HERREN talede til Moses og sagde:
At nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
2 Paa den første Dag i den første Maaned skal du rejse Aabenbaringsteltets Bolig.
“Sa unang araw ng unang buwan ng bagong taon dapat mong itayo ang tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong.
3 Sæt saa Vidnesbyrdets Ark derind og hæng Forhænget op for Arken.
Dapat mong ilagay doon ang kaban ng mga tipan ng kautusan, at dapat mong tabingan ang kaban gamit ang kurtina.
4 Og du skal bringe Bordet ind og ordne, hvad dertil hører, og bringe Lysestagen ind og sætte Lamperne paa.
Dapat mong dalhin ang mesa at ilagay ng maayos ang mga bagay na nakapaloob doon. Pagkatapos dapat mong ipasok ang ilawan at isaayos ang mga lampara.
5 Stil Guldalteret til Røgelsen op foran Vidnesbyrdets Ark og hæng Forhænget op foran Boligens Indgang.
Dapat mong ilagay ang gintong insenso sa altar s harap ng kaban ng tipan ng kautusan, at dapat mong ilagay ang kurtina sa pasukan ng tabernakulo.
6 Stil Brændofferalteret op foran Indgangen til Aabenbaringsteltets Bolig
Dapat mong ilagay ang altar para sa mga sinunog na alay sa harapan ng pasukan ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong.
7 og stil Vandkummen op mellem Aabenbaringsteltet og Alteret og hæld Vand deri.
Dapat mong ilagay ang malaking palanggana sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at altar, at dapat mong lagyan ng tubig iyon.
8 Rejs Forgaarden rundt om og hæng Forhænget op foran Forgaardens Indgang.
Dapat mong ayusin ang patyo sa palibot nito, at dapat mong ibitin ang kurtina sa pasukan ng patyo.
9 Tag Salveolien og salv Boligen og alle Ting deri, og du skal hellige den med alt dens Tilbehør, saa den bliver hellig.
Dapat mong kunin ang pangpahid na langis at pahiran ang tabernakulo at ang lahat ng bagay na naroon. Dapat mong ilaan ito at ang lahat ng mga kagamitan para sa akin; pagkatapos ito ay magiging banal.
10 Du skal salve Brændofferalteret og alt dets Tilbehør og hellige Alteret, saa det bliver højhelligt.
Dapat mong pahiran ang altar para sa sinunog na handog at lahat ng mga kagamitan nito. Dapat mong ilaan ang altar sa akin, at ito ay magiging buong ilaan sa akin.
11 Og du skal salve Vandkummen og Fodstykket og hellige den.
Dapat mong pahiran ang tansong palanggana at ang patungan nito, at ilaan ito sa akin.
12 Lad saa Aron og hans Sønner træde hen til Aabenbaringsteltets Indgang, tvæt dem med Vand
Dapat mong dalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at dapat mong hugasan sila ng tubig.
13 og ifør Aron de hellige Klæder, salv og hellig ham til at gøre Præstetjeneste for mig.
damitan mo si Aaron ng mga kasuotan na nailaan sa akin, pahiran mo siya, at ilaan mo siya sa akin ng sa ganoon siya ay makapaglingkod sa akin bilang aking pari.
14 Lad saa hans Sønner træde frem, ifør dem Kjortler
Dadalhin mo ang kaniyang mga anak na lalaki at dadamitan mo sila ng balabal.
15 og salv dem, som du salver deres Fader, til at gøre Præstetjeneste for mig. Saaledes skal det ske, for at et evigt Præstedømme kan blive dem til Del fra Slægt til Slægt i Kraft af denne Salvning, som du foretager paa dem.
Dapat mong pahiran sila gaya ng pangpahid mo sa kanilang ama kaya makapaglilingkod sila sa akin bilang mga pari. Ang pagpapahid sa kanila ay magdudulot sa kanila na maging palagian ang kanilang pagpapari sa buong salinlahi ng kanilang bayan.”
16 Og Moses gjorde ganske som HERREN havde paalagt ham; saaledes gjorde han.
Ito ang ginawa ni Moises; sumunod siya sa lahat ng iniutos ni Yahweh. Ginawa niya ang lahat ng mga ito.
17 Paa den første Dag i den første Maaned i det andet Aar blev Boligen rejst.
Kaya ang tabernakulo ay naitayo noong unang araw ng unang buwan ng ikalawang taon.
18 Moses rejste Boligen, idet han anbragte Fodstykkerne, rejste Brædderne, stak Tværstængerne ind, rejste Pillerne,
Itinayo ni Moises ang tabernakulo, inilagay ang mga tuntungan nito sa kanilang mga lugar, inilagay ang mga tabla, ikinabit ang mga tubo, at itinayo ang mga haligi at poste.
19 spændte Teltdækket ud over Boligen og lagde Teltdækkets Dække ovenover, som HERREN havde paalagt Moses.
Inilatag niya ang pantakip sa ibabaw ng tabernakulo at naglagay ng tolda sa ibabaw nito, ayon sa inutos ni Yahweh.
20 Derpaa tog han Vidnesbyrdet og lagde det i Arken, stak Bærestængerne i Arken og lagde Sonedækket oven paa den;
Kinuha niya ang mga tipan ng kautusan at inilagay ito sa loob ng kaban. Inilagay niya din ang mga baras sa kaban at inilagay ang takip ng luklukan ng awa doon.
21 saa bragte han Arken ind i Boligen og hængte det indre Forhæng op og tilhyllede saaledes Vidnesbyrdets Ark, som HERREN havde paalagt Moses.
Dinala niya ang kaban sa loob ng tabernakulo. Iniayos niya ang kurtina para ito ay magtabing sa kaban ng mga tipan ng kautusan, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
22 Derpaa opstillede han Bordet i Aabenbaringsteltet ved Boligens nordre Væg uden for Forhænget,
Inilagay niya ang mesa papasok sa tolda ng pagpupulong, sa may hilagang bahagi ng tabernakulo, sa labas ng kurtina.
23 og han lagde Brødene i Række derpaa for HERRENS Aasyn, som HERREN havde paalagt Moses.
Inilagay niya sa ayos tinapay sa mesa sa tapat ni Yahweh, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
24 Derpaa satte han Lysestagen ind i Aabenbaringsteltet lige over for Bordet, ved Boligens søndre Væg;
Inilagay niya ang ilawan sa loob ng tolda ng pagpupulong, sa kabila mula sa mesa, sa gawing timog ng tabernakulo.
25 og han satte Lamperne derpaa for HERRENS Aasyn, som HERREN havde paalagt Moses.
Sinindihan niya ang mga ilaw sa tapat ni Yahweh, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
26 Derpaa stillede han Guldalteret op i Aabenbaringsteltet foran Forhænget,
Inilagay niya ang gintong altar ng insenso sa loob ng tolda ng pagpupulong sa harap ng kurtina.
27 og han tændte vellugtende Røgelse derpaa, som HERREN havde paalagt Moses.
Nagsunog siya doon ng pabangong insenso, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
28 Derpaa hængte han Forhænget op for Boligens Indgang.
Isinabit niya ang kurtina sa pasukan ng tabernakulo.
29 Brændofferalteret opstillede han foran Indgangen til Aabenbaringsteltets Bolig og ofrede Brændofferet og Afgrødeofferet derpaa, som HERREN havde paalagt Moses.
Inilagay niya ang altar para sa sinunog na handog sa pasukan ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong. Inihandog niya doon ang sinunog na handog at butil na handog, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
30 Derpaa opstillede han Vandkummen mellem Aabenbaringsteltet og Alteret og hældte Vand deri til Tvætning.
Inilagay niya ang palanggana sa gitna ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at naglagay siya ng tubig dito para sa paghuhugas.
31 Og Moses og Aron og hans Sønner tvættede deres Hænder og Fødder deri;
Si Moises, Aaron at kaniyang mga anak ay naghugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa sa palanggana.
32 naar de gik ind i Aabenbaringsteltet og traadte hen til Alteret, tvættede de sig, som HERREN havde paalagt Moses.
Sa tuwing sila ay papasok sa tolda ng pagtitipon at sa tuwing pupunta sila pataas ng altar. Hinuhugasan nila ang kanilang mga sarili, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
33 Saa rejste han Forgaarden rundt om Boligen og Alteret og hængte Forhænget op for Forgaardens Indgang. Hermed var Moses færdig med Arbejdet.
Iniayos ni Moises ang patyo sa paligid ng tabernakulo at ng altar. Iniayos niya ang kurtina sa pasukan ng patyo. Sa paraang ito, tinapos ni Moises ang mga gawa.
34 Da dækkede Skyen Aabenbaringsteltet, og HERRENS Herlighed fyldte Boligen;
Pagkatapos binalot ng ulap ang tolda ng pagpupulong, at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo.
35 og Moses kunde ikke gaa ind i Aabenbaringsteltet, fordi Skyen havde lagt sig derover, og HERRENS Herlighed fyldte Boligen.
Hindi makapasok si Moises sa tolda ng pagpupulong dahil ang ulap ay palaging naroon, at dahil pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo.
36 Men under hele deres Vandring brød Israeliterne op, naar Skyen løftede sig fra Boligen;
Kahit na ang ulap ay umalis sa ibabaw ng tabernakulo, ang bayan ng Israel ay magpapatuloy sa kanilang paglalakbay.
37 og naar Skyen ikke løftede sig, brød de ikke op, men ventede, til den atter løftede sig.
Pero kung hindi tumaas ang ulap mula sa tabernakulo, pagkatapos ang bayan ay hindi makakapaglakbay. Sila ay mananatili hanggang sa ito ay tumaas.
38 Thi HERRENS Sky laa over Boligen om Dagen, og om Natten lyste Ild i Skyen for alle Israeliternes Øjne under hele deres Vandring.
Dahil ang ulap ni Yahweh ay nasa taas ng tabernakulo kapag umaga, at ang kaniyang apoy ay nasa itaas nito kapag gabi, sa patag na tanawin ng lahat ng bayan ng Israel sa buo nilang paglalakbay.

< 2 Mosebog 40 >