< Anden Kongebog 3 >

1 Joram, Akabs Søn, blev Konge over Israel i Samaria i Kong Josafat af Judas attende Regeringsaar, og han herskede i tolv Aar.
Ngayon sa ikalabing walong taon na paghahari ni haring Jehosafat hari ng Juda, si Joram anak ni Ahab ay nagsimulang maghari sa buong Israel sa Samaria; naghari siya ng labindalawang taon.
2 Han gjorde, hvad der var ondt i HERRENS Øjne, dog ikke som hans Fader og Moder, og han fjernede Ba'als Stenstøtter, som hans Fader havde ladet lave.
Gumawa siya ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, pero hindi gaya ng kaniyang ama at ina; dahil tinanggal niya ang sagradong posteng bato ni Baal na ginawa ng kaniyang ama.
3 Men han holdt fast ved de Synder, som Jeroboam, Nebats Søn, forledte Israel til; dem veg han ikke fra.
Gayun pa man, sumunod siya sa mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na nagsanhi sa Israel na magkasala; hindi siya lumayo sa kanila.
4 Kong Mesja af Moab drev Kvægavl og svarede Israels Konge en Afgift paa 100 000 Lam og Ulden af 100 000 Vædre.
Ngayon, nagparami ng tupa si Mesa hari ng Moab. Kailangan niyang magbigay sa hari ng Israel ng 100, 000 kordero at 100, 000 ng balahibo ng tupa.
5 Men efter Akabs Død faldt Moabs Konge fra Israels Konge.
Pero pagkatapos mamatay ni haring Ahab, nagrebelde ang hari ng Moab laban sa hari ng Israel.
6 Da drog Kong Joram straks ud fra Samaria og mønstrede hele Israel;
Kaya sa oras na iyon, iniwan si Haring Joram ang Samaria para tipunin ang mga Israelita para sa digmaan.
7 desuden sendte han Bud til Kong Josafat af Juda og lod sige: »Moabs Konge er faldet fra mig; vil du drage med i Krig mod Moab?« Han svarede: »Ja, jeg vil; jeg som du, mit Folk som dit, mine Heste som dine!«
Nagpadala siya ng mensahe kay Jehosafat hari ng Juda, nagsasabing, “nagrebelde ang hari ng Moab laban sa akin. Sasamahan mo ba ako sa labanan sa Moab?” Sumagot si Jehosafat, “Pupunta ako. Ikaw at ako ay iisa, ang aking bayan ay iyong bayan, ang aking mga kabayo ay iyong mga kabayo.”
8 Og han spurgte: »Hvilken Vej skal vi drage?« Han svarede: »Gennem Edoms Ørken!«
Pagkatapos kaniyang sinabi, “Saang daanan tayo lulusob?” sumagot si Jehosafat, “Sa daanan sa disyerto ng Edom.”
9 Saa drog Israels, Judas og Edoms Konger af Sted. Men da de havde tilbagelagt en Strækning af syv Dagsrejser, var der ikke Vand til Hæren og Dyrene, som de havde med.
Kaya ang mga hari ng Israel, Juda, at Edom ay naglakad nang halos paikot ng pitong araw. Walang tubig ang matagpuan para sa mga hukbo, ni para sa mga kabayo o ibang mga hayop.
10 Da sagde Israels Konge: »Ak, at HERREN har kaldt disse tre Konger sammen for at overgive dem i Moabs Haand!«
Kaya sinabi ng hari ng Israel, “Ano ito? Tinawag ba ni Yahweh ang tatlong hari ng magkakasama para talunin ng Moab?”
11 Men Josafat sagde: »Er her ingen af HERRENS Profeter, ved hvem vi kan raadspørge HERREN?« Da svarede en af Israels Konges Folk: »Jo, her er Elisa, Sjafats Søn, som øste Vand paa Elias's Hænder.«
Pero sinabi ni Jehosafat, “Wala ba ritong propeta ni Yahweh, para makapagsangguni tayo kay Yahweh sa pamamagitan niya?” Isa sa mga alipin ng hari ng Israel ang sumagot at sinabi, “Nandito si Eliseo anak ni Safat, ang nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias.”
12 Josafat sagde: »Hos ham er HERRENS Ord!« Og Israels Konge og Josafat og Edoms Konge begav sig ned til ham.
Sinabi ni Jehosafat, “Nasasakaniya ang salita ni Yahweh.” Kaya pinuntahan siya ni Jehosafat hari ng Israel, at ng hari ng Edom.
13 Men Elisa sagde til Israels Konge: »Hvad har jeg med dig at gøre? Gaa du til din Faders og Moders Profeter!« Israels Konge svarede: »Ak nej, thi HERREN har kaldt disse tre Konger sammen for at give dem i Moabs Haand.«
Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel, “Ano ang kinalaman ko sa iyo? Pumunta ka sa mga propeta ng iyong ama at ina.” Kaya sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, “Hindi, dahil tinawag kaming tatlong hari ni Yahweh, para matalo kami ng Moab.”
14 Da sagde Elisa: »Saa sandt Hærskarers HERRE lever, for hvis Aasyn jeg staar: Var det ikke for Kong Josafat af Judas Skyld, vilde jeg ikke se til dig eller værdige dig et Blik!
Sumagot si Eliseo, “Hanggang nabubuhay si Yahweh ng mga hukbo, na siyang aking pinanaligan, kung hindi ko lang totoong ginagalang ang presensya ni Jehosafat hari ng Juda, ni hindi kita papansinin, o titingnan.
15 Men hent mig nu en Strengespiller!« Thi naar Strengespilleren spillede, kom HERRENS Haand over ham.
Pero magdala kayo ngayon ng isang manunugtog.” At nang tapos na ang pagtugtog ng manunugtog ng alpa, lumapit ang kamay ni Yahweh kay Eliseo.
16 Derpaa sagde han: »Saa siger HERREN: Grav Grøft ved Grøft i Dalen her!
Sinabi niya, “Sinabi ito ni Yahweh, 'Gawan ninyo ang tuyong ilog na ito ng maraming kanal.'
17 Thi saa siger HERREN: I skal hverken mærke til Blæst eller Regn, men alligevel skal Dalen her fyldes med Vand, saa at I, eders Hær og eders Dyr kan drikke!
Dahil sinabi ito ni Yahweh, 'Hindi kayo makakakita ng hangin, ni makakakita ng ulan, pero mapupuno ng tubig ang ilog na ito, at iinom kayo, ikaw at inyong mga baka at lahat ng inyong mga alagang hayop.'
18 Dog tykkes dette HERREN for lidet, han vil ogsaa give Moab i eders Haand;
Madaling bagay lamang ito sa paningin ni Yahweh. Bibigyan niya din kayo ng tagumpay laban sa mga Moabita.
19 I skal indtage alle befæstede Byer og alle betydelige Byer, alle Frugttræer skal I fælde, alle Kilder skal I tilstoppe, og al frugtbar Agerjord skal I ødelægge med Sten!«
Lulusob kayo sa bawat matitibay na lungsod at magagandang lungsod, puputulin ang bawat magagandang puno, ihihinto ang lahat ng tubig na bukal, at sisirain ang bawat magagandang bahagi ng lupain sa pamamagitan ng bato.”
20 Og næste Morgen ved Afgrødeofferets Tid kom der Vand fra den Kant, hvor Edom ligger, saa hele Egnen blev fuld af Vand.
Kaya kinaumagahan, nang halos oras na ng paghahandog ng alay, dumating ang tubig sa direksyon ng Edom; napuno ang bansa ng tubig.
21 Da alle Moabiterne hørte, at Kongerne var draget op for at føre Krig med dem, blev enhver, der overhovedet kunde bære Vaaben, opbudt, og de tog Stilling ved Grænsen.
Nang narinig ng lahat ng Moabita na dumating ang mga hari para lumaban sa kanila, tinipon nila ang kanilang mga sarili, lahat nang may kakayahan na magsuot ng baluti, at tumayo sila sa hangganan.
22 Men tidligt om Morgenen, da Solen stod op over Vandet, saa Moabiterne Vandet foran sig rødt som Blod.
Gumising sila nang maaga at sumalamin ang araw sa tubig. Nang nakita ito ng mga Moabita, ang tubig sa kanilang banda, mukhang kasing pula ng dugo.
23 Da raabte de: »Det er Blod! Kongerne har fuldstændig tilintetgjort hverandre, de har hugget hverandre ned; nu til Byttet, Moab!«
Sumigaw sila, “Dugo ito! Tiyak na nawasak na ang mga hari, at pinatay nila ang isa't-isa! Kaya ngayon, Moab, Nakawan na natin sila!”
24 Men da de naaede Israels Lejr, brød Israeliterne op og slog Moabiterne paa Flugt. Derpaa rykkede de frem og huggede Moabiterne ned;
Nang dumating sila sa kampo ng Israel, binigla sila ng mga Israelita at nilusob ang mga Moabita, na tumakas mula sa kanila. Hinabol ng mga hukbo ng Israel ang mga Moabita sa kabilang lupain at pinatay sila.
25 Byerne nedbrød de; paa al frugtbar Agerjord kastede de hver sin Sten, saa den blev fuld af Sten; alle Kildevæld tilstoppede de, og alle Frugttræer fældede de. Til sidst var kun Kir-Hareset tilbage, og denne By omringede Slyngekasterne og skød paa den.
Winasak ng Israel ang mga lungsod, at sa bawat magagandang bahagi ng lupain, naghahagis ang bawat tao ng bato at napuno ng bato ang mayabong na mga sakahan. Pinahinto nila ang lahat ng bukal ng tubig at pinutol ang lahat ng magagandang puno, maliban lamang sa Kir-Haseret, kung saan iniwan nila ang mga bato sa lugar. Pero inatake ito ng mga sundalong may tirador.
26 Da Moabs Konge saa, at han ikke kunde modstaa Angrebet, samlede han 700 sværdvæbnede Mænd for at bryde igennem hen til Kongen af Edom, men det lykkedes ikke.
Nang nakita ni Haring Mesa ng Moab na natalo na sila sa laban, sinama niya ang pitong-daan na mga lalaking gumagamit ng espada para lusubin ang hari ng Edom, pero nabigo sila.
27 Saa tog han sin førstefødte Søn, der skulde følge ham paa Tronen, og ofrede ham som Brændoffer paa Muren. Da kom heftig Vrede over Israel, og de brød op og vendte hjem til deres Land.
Pagkatapos, sinama niya ang kaniyang panganay, na maghahari sana pagkatapos niya, hinandog niya ito bilang susunuging alay sa pader. Kaya nagkaroon ng labis na galit laban sa Israel, at iniwan ng hukbo ng Israelita si Haring Mesa at bumalik sa kanilang sariling lupain.

< Anden Kongebog 3 >