< Anden Krønikebog 23 >

1 Men i det syvende Aar tog Jojada Mod til sig og indgik Pagt med Hundredførerne Azarja, Jerohams Søn, Jisjmael, Johanans Søn, Azarja, Obeds Søn, Ma'aseja, Adajas Søn, og Elisjafat, Zikris Søn.
Sa ika-pitong taon, naging makapangyarihan si Joiada. Nakipagkasundo siya sa mga pinuno ng hukbo ng daan-daan, sina Azarias na anak na lalaki ni Jeroham, Ismael na anak na lalaki ni Jehohanan, Azarias na anak na lalaki ni Obed, Maasias na anak na lalaki ni Adaya at si Elisafat na anak na lalaki ni Zicri.
2 De drog Juda rundt og samlede Leviterne fra alle Judas Byer og Overhovederne for Israels Fædrenehuse, og de kom saa til Jerusalem.
Nilibot nila ang Juda at tinipon ang mga Levita mula sa lahat ng lungsod ng Juda, gayundin ang mga pinuno ng mga sinaunang sambahayan ng Israel, at nakarating sila sa Jerusalem.
3 Saa sluttede hele Forsamlingen i Guds Hus en Pagt med Kongen. Og Jojada sagde til dem: »Se, Kongesønnen skal være Konge efter det Løfte, HERREN har givet om Davids Sønner!
Nakipagkasundo ang buong kapulungan sa hari sa tahanan ng Diyos. Sinabi ni Joiada sa kanila,” Tingnan ninyo, maghahari ang anak ng hari, gaya ng sinabi ni Yahweh tungkol sa mga kaapu-apuhan ni David.
4 Og saaledes skal I gøre: Den Tredjedel af eder Præster og Leviter, der rykker ind om Sabbaten, skal tjene som Dørvogtere;
Ito ang dapat ninyong gawin: ang ikatlong bahagi ng mga pari at ng mga Levita na pupunta upang maglingkod sa Araw ng Pamamahinga ay magiging mga bantay sa mga pintuan.
5 den anden Tredjedel skal besætte Kongens Palads og den tredje Jesodporten, medens alt Folket skal besætte Forgaardene til HERRENS Hus.
Ang isa pang ikatlong bahagi ay sa bahay ng hari; at ang natirang ikatlo ay sa Saligang Tarangkahan. Ang lahat ng tao ay pupunta sa patyo ng tahanan ni Yahweh.
6 Men ingen maa betræde HERRENS Hus undtagen Præsterne og de Leviter, der gør Tjeneste; de maa gaa derind, thi de er hellige; men hele Folket skal holde sig HERRENS Forskrift efterrettelig.
Walang papasok sa tahanan ni Yahweh, maliban sa mga pari at mga Levita na naglilingkod; dapat silang pumasok, sapagkat naitalaga sila para sa kanilang gawain sa ngayon. Dapat nilang sundin ang lahat ng utos ni Yahweh.
7 Saa skal Leviterne, alle med Vaaben i Haand, slutte Kreds om Kongen, og enhver, der nærmer sig Templet, skal dræbes. Saaledes skal I være om Kongen, naar han gaar ind, og naar han gaar ud.«
Dapat palibutan ng mga Levita ang hari sa lahat ng mga panig, ang bawat tao ay may sandata sa kanilang kamay. Patayin ang sinumang papasok sa tahanan. Samahan ninyo ang hari kapag siya ay papasok at kapag siya ay lalabas.”
8 Leviterne og alle Judæerne gjorde alt, hvad Præsten Jojada havde paabudt, idet de tog hver sine Folk, baade dem, der rykkede ud, og dem, der rykkede ind om Sabbaten, thi Præsten Jojada gav ikke Skifterne Orlov.
Kaya naglingkod ang mga Levita at lahat ng Juda sa bawat kaparaanang iniutos ng pari na si Joiada. Isinama ng bawat isa ang kanilang mga tauhan, sila na papasok upang maglingkod sa Araw ng Pamamahinga, at sila na aalis sa paglilingkod sa Araw ng Pamamahinga; sapagkat hindi pinauwi ni Joiada ang kanilang mga pangkat.
9 Og Præsten Jojada gav Hundredførerne Spydene og de smaa og store Skjolde, som havde tilhørt Kong David og var i Guds Hus.
At binigyan ni Joiada na pari ang mga pinuno ng hukbo ng mga sibat, at mga maliliit at malalaking panangga, na pag-aari ni haring David, na nasa tahanan ng Diyos.
10 Derpaa opstillede han alt Folket, alle med Spyd i Haand, fra Templets Sydside til Nordsiden, hen til Alteret og derfra igen hen til Templet, rundt om Kongen.
Inilagay ni Joiada ang lahat ng kawal, ang bawat isa sa kanila ay may hawak na sandata, mula sa kanang bahagi ng templo hanggang sa kaliwang bahagi ng templo, sa tabi ng altar at sa templo, na pinaliligiran ang hari.
11 Saa førte de Kongesønnen ud, satte Kronen og Vidnesbyrdet paa ham; derefter udraabte de ham til Konge, og Jojada og hans Sønner salvede ham og raabte: »Kongen leve!«
Pagkatapos, inilabas nila ang anak na lalaki ng hari, inilagay ang korona sa kaniya at ibinigay ang kautusan. At ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ni Joiada at ng kaniyang mga anak. At sinabi nila, “Mabuhay ang hari.”
12 Da Atalja hørte Larmen af Folket, som løb og jublede for Kongen, gik hun hen til Folket i HERRENS Hus,
Nang marinig ni Atalia ang ingay ng mga taong tumatakbo at nagpupuri sa hari, pumunta siya sa mga tao na nasa tahanan ni Yahweh.
13 og der saa hun Kongen staa paa sin Plads ved Indgangen og Øversterne og Trompetblæserne ved Siden af, medens alt Folket fra Landet jublede og blæste i Trompeterne, og Sangerne med deres Instrumenter ledede Lovsangen. Da sønderrev Atalja sine Klæder og raabte: »Forræderi, Forræderi!«
At tumingin siya, at masdan, ang hari ay nakatayo sa kaniyang haligi sa pasukan, at nasa tabi ng hari ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trumpeta. Nagsasaya at umiihip ng mga trumpeta ang lahat ng tao sa lupain at ang mga mang-aawit ay tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika at nangunguna sa pagkanta ng papuri. At pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Pagtataksil! Pagtataksil!”
14 Men Præsten Jojada bød Hundredførerne, Hærens Befalingsmænd: »Før hende uden for Forgaardene og hug enhver ned, der følger hende, thi — sagde Præsten — I maa ikke dræbe hende i HERRENS Hus!«
At inilabas ni Joiada na pari, ang mga pinuno ng daan-daan na namumuno sa hukbo at sinabi sa kanila, “Ilabas siya sa gitna ng mga hanay, patayin sa pamamagitan ng espada ang sinumang susunod sa kaniya.” Sapagkat sinabi ng pari, “Huwag ninyo siyang patayin sa tahanan ni Yahweh.”
15 Saa greb de hende, og da hun ad Hesteporten var kommet til Kongens Palads, dræbte de hende der.
Kaya nagbigay daan sila para sa kaniya, at lumabas siya sa daan na Tarangkahan ng Kabayo papunta sa tahanan ng hari at doon siya ay pinatay nila.
16 Men Jojada sluttede Pagt mellem sig og hele Folket og Kongen om, at de skulde være HERRENS Folk.
At gumawa si Joiada ng isang kasunduan, sa lahat ng tao at sa hari, na sila ay dapat maging mga tao ni Yahweh.
17 Og alt Folket begav sig til Ba'als Hus og nedbrød det; Altrene og Billederne huggede de i Stykker, og Ba'als Præst Mattan dræbte de foran Altrene.
Kaya pumunta ang lahat ng tao sa bahay ni Baal at giniba ito. Binasag nila ang mga altar ni Baal, dinurog ang kaniyang mga imahe at pinatay nila si Matan, ang pari ni Baal, sa harap ng mga altar na iyon.
18 Derpaa satte Jojada Vagtposter ved HERRENS Hus under Ledelse af Præsterne og Leviterne, som David havde tildelt HERRENS Hus, for at de skulde bringe HERREN Brændofre, som det er foreskrevet i Mose Lov, under Jubel og Sang efter Davids Anordning;
Nagtalaga si Joiada ng mga opisyal para sa tahanan ni Yahweh sa ilalim ng kamay ng mga pari, na mga Levita, na siyang itinalaga ni David sa tahanan ni Yahweh, upang mag-alay ng mga handog na susunugin kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, kasama ng pagsasaya at pag-aawitan, gaya ng ibinigay na tagubilin ni David.
19 og han opstillede Dørvogterne ved HERRENS Hus's Porte, for at ingen, der i nogen Maade var uren, skulde gaa derind;
Naglagay si Joiada ng mga bantay sa mga tarangkahan sa tahanan ni Yahweh, nang sa gayon ay walang sinumang marumi ang makapasok sa.
20 og han tog Hundredførerne og Stormændene og Folkets overordnede og alt Folket fra Landet og førte Kongen ned fra HERRENS Hus; de gik igennem Øvreporten til Kongens Palads og satte Kongen paa Kongetronen.
Isinama ni Joiada ang mga pinuno ng daan-daan, ang mga mararangal na tao, ang mga gobernador ng mga tao, at lahat ng mga tao sa lupain. Ibinaba niya ang hari mula sa tahanan ni Yahweh; pumasok ang mga tao sa Mataas na Tarangkahan sa bahay ng hari at pinaupo ang hari sa trono ng kaharian.
21 Da glædede alt Folket fra Landet sig, og Byen holdt sig rolig. Men Atalja huggede de ned.
Kaya nagalak ang lahat ng mga tao sa lupain at ang lungsod ay tumahimik. Tungkol naman kay Atalia, siya ay pinatay nila ng espada.

< Anden Krønikebog 23 >