< Dommer 2 >
1 Og Herrens Engel kom op fra Gilgal til Bokim og sagde: Jeg har ført eder op af Ægypten og bragt eder i det Land, som jeg tilsvor eders Fædre, og jeg sagde: Jeg vil ikke rygge min Pagt med eder i Evighed.
At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal. At kaniyang sinabi, Kayo'y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang; at sinabi ko, Kailan ma'y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo:
2 Og I skulle ikke gøre Pagt med dette Lands Indbyggere, I skulle nedbryde deres Altre; men I hørte ikke min Røst; hvad er det, I have gjort?
At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?
3 Da sagde jeg ogsaa: Jeg vil ikke uddrive dem fra eders Ansigt; men de skulle være eder paa Siderne, og deres Guder skulle være eder til en Snare.
Kaya't aking sinabi rin, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila'y magiging parang mga tinik sa inyong mga tagiliran, at ang kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo.
4 Og det skete, der Herrens Engel havde talet disse Ord til alle Israels Børn, da opløftede Folket sin Røst, og de græd.
At nangyari, pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel, na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak.
5 Og de kaldte det samme Steds Navn Bokim, og de ofrede til Herren der.
At kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Bochim; at sila'y naghain doon sa Panginoon.
6 Og der Josva lod Folket fare, og Israels Børn gik hver til sin Arv for at eje Landet,
Nang mapayaon nga ni Josue ang bayan, pumaroon ang mga anak ni Israel, bawa't isa, sa kaniyang mana, upang ariin ang lupa.
7 da tjente Folket Herren, saa længe Josva levede, og saa længe de ældste levede, som levede længe efter Josva, hvilke havde set al Herrens store Gerning, som han havde gjort imod Israel.
At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.
8 Men der Josva, Nuns Søn, Herrens Tjener, var død, hundrede og ti Aar gammel,
At si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay, na may isang daan at sangpung taon ang gulang.
9 og de havde begravet ham i hans Arvs Landemærke, i Thimnat-Heres, paa Efraims Bjerg, Norden for det Bjerg Gaas,
At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana, sa Timnath-heres, sa lupaing maburol ng Ephraim, sa hilagaan ng bundok Gaas.
10 og der hele den samme Slægt ogsaa var forsamlet til sine Fædre, da kom en anden Slægt op efter dem, som ikke kendte Herren, ej heller den Gerning, som han havde gjort mod Israel.
At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel.
11 Da gjorde Israels Børn det onde for Herrens Øjne, og de tjente Baalerne.
At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal:
12 Og de forlode Herren deres Fædres Gud, som havde udført dem af Ægyptens Land, og vandrede efter andre Guder; af de Folks Guder, som vare trindt omkring dem, og tilbade dem; og de opirrede Herren.
At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit.
13 Og de forlode Herren og tjente Baal og Astharoth.
At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth.
14 Saa optændtes Herrens Vrede over Israel, og han gav dem i Røveres Haand, og disse røvede fra dem; og han solgte dem i deres Fjenders Haand trindt omkring, og de kunde ikke ydermere bestaa for deres Fjenders Ansigt.
At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway.
15 I alt det, som de udgik til, var Herrens Haand imod dem til det onde, som Herren havde sagt, og som Herren havde svoret dem; og de bleve saare ængstede.
Saan man sila yumaon, ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila, gaya ng sinalita ng Panginoon, at gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon: sila'y nagipit na mainam.
16 Og Herren oprejste Dommere, og de frelste dem af deres Røveres Haand.
At nagbangon ang Panginoon ng mga hukom, na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila.
17 Men de vare heller ikke deres Dommere lydige, thi de bolede med andre Guder og tilbade dem; de vege snart fra den Vej, som deres Fædre havde vandret paa ved at lyde Herrens Bud, de gjorde ikke saaledes.
At gayon ma'y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka't sila'y sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyukuran ang mga yaon: sila'y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; nguni't hindi sila gumawa ng gayon.
18 Og naar Herren oprejste dem Dommere, da var Herren med Dommeren, og han frelste dem af deres Fjenders Haand, saa længe den Dommer levede; thi Herren ynkedes over dem for deres Suk over dem, som trængte dem og fortrykte dem.
At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.
19 Men det skete, naar Dommeren døde, da vendte de om og gjorde værre end deres Fædre ved at vandre efter andre Guder, at tjene dem og at tilbede dem; de lode ikke af fra deres Gerninger eller fra deres haarde Vej.
Nguni't nangyari pagkamatay ng hukom, na sila'y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios, upang maglingkod sa kanila, at yumukod sa kanila; sila'y hindi naglikat sa kanilang mga gawa, ni sa kanilang tampalasang lakad.
20 Og Herrens Vrede optændtes over Israel, og han sagde: Efterdi dette Folk har overtraadt min Pagt, som jeg har budt deres Fædre, og de løde ikke min Røst,
At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel; at kaniyang sinabi, Sapagka't sinalangsang ng bansang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga magulang, at hindi dininig ang aking tinig;
21 da vil jeg heller ikke ydermere fordrive fra deres Ansigt nogen af Hedningerne, som Josva efterlod, der han døde,
Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya'y mamatay;
22 for at forsøge Israel ved dem, om de vilde tage Vare paa Herrens Vej, at vandre paa den, ligesom deres Fædre toge Vare derpaa, eller ej.
Upang sa pamamagitan nila'y aking masubok ang Israel, kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila, na gaya ng inilakad ng kanilang mga magulang.
23 Saa lod Herren disse Hedninger blive, saa at han ikke snart fordrev dem; og han havde ikke givet dem i Josvas Haand.
Kaya't iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon, na hindi niya pinalayas silang biglaan; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue.