< Jonas 1 >

1 Og Herrens Ord kom til Jonas, Amithajs Søn, saa lydende:
Ngayon ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas na anak ni Amitai, na nagsasabing,
2 Gør dig rede, gak til Ninive, den store Stad, og raab over den; thi deres Ondskab er stegen op for mit Ansigt.
“Bumangon ka at pumunta sa Ninive, iyong malaking lungsod, at magsalita ka laban dito, dahil ang kasamaan nila ay umabot sa akin.”
3 Men Jonas gjorde sig rede for at fly til Tharsis fra Herrens Ansigt; og han drog ned til Jafo og fandt et Skib, som vilde fare til Tharsis, og han gav Fragt derfor og gik om Bord for at fare med dem til Tharsis fra Herrens Ansigt.
Subalit bumangon si Jonas at tumakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh at nagtungo sa Tarsis. Bumaba siya sa Joppa at nakakita ng isang barko patungong Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko upang sumama sa kanila patungong Tarsis, palayo mula sa presensya ni Yahweh.
4 Men Herren kastede et stort Vejr paa Havet, og der blev en stor Storm paa Havet, og Skibet lod til at skulle sønderbrydes.
Subalit nagpadala si Yahweh ng malakas na hangin sa dagat at ito ay naging malakas na bagyo sa dagat. Hindi nagtagal ang barko ay parang masisira na.
5 Og Skibsfolkene frygtede, og de raabte hver til sin Gud, og de kastede Redskaberne, som vare udi Skibet, i Havet for at skaffe sig Lettelse; men Jonas var stegen ned i det nederste Skibsrum og laa og sov hart.
Kaya lubhang natakot ang mga mandaragat at tumatawag ang bawat tao sa kaniya-kanyang sariling diyos. Tinapon nila ang mga kargamento ng barko sa dagat upang mapagaan ito. Ngunit bumaba si Jonas doon sa mga kaloob-loobang bahagi ng barko, at nakahiga roon mahimbing na natutulog.
6 Men Styrmanden gik til ham og sagde til ham: Hvorledes kan du sove saa hart? staa op, kald paa din Gud, maaske den Gud vil tænke mildelig paa os, at vi ikke forgaa.
Kaya pumunta ang kapitan sa kaniya at sinabi sa kanya, “Anong ginagawa mong natutulog? Bumangon ka! Tumawag ka sa iyong diyos! Marahil mapapansin tayo ng iyong diyos at hindi tayo mamamatay.”
7 Og de sagde, den ene til den anden: Kommer, og lader os kaste Lod, at vi kunne faa at vide, for hvis Skyld denne Ulykke hændes os; og de kastede Lod, og Lodden faldt paa Jonas.
Sinabi nilang lahat sa bawat isa, “Halikayo, magpalabunutan tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng kasamaang ito na nangyayari sa atin.” Kaya nagpalabunutan sila at ang bunot ay napunta kay Jonas.
8 Da sagde de til ham: Kundgør os dog, for hvis Skyld denne Ulykke hændes os! hvad er din Bestilling? og hvorfra kommer du? hvilket er dit Land? og af hvad Folk er du?
Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, “Pakiusap sabihin sa amin kung sino ang dahilan nitong kasamaang nangyayari sa atin. Ano ang iyong hanap-buhay, at saan ka nanggaling? Ano ang iyong bansa at mula sa aling lahi ka?”
9 Og han sagde til dem: Jeg er en Hebræer, og jeg frygter Herren, Himmelens Gud, som har skabt Havet og det tørre Land.
Sinabi ni Jonas sa kanila, “Ako ay isang Hebreo; at kinatatakutan ko si Yahweh, ang Diyos ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupa.”
10 Da grebes Mændene af en stor Frygt, og de sagde til ham: Hvad har du dog gjort? thi Mændene havde faaet at vide, at han flyede fra Herrens Ansigt, thi han havde kundgjort dem det.
Pagkatapos lalong natakot ang mga tao at sinabi kay Jonas, “Ano itong ginawa mo?” Dahil nalaman ng mga tao na siya ay tumatakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh, dahil sinabi niya sa kanila.
11 Og de sagde til ham: Hvad skulle vi gøre dig, at Havet kan stilles for os? thi Havet vedblev at storme mere og mere.
Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, “Ano ang dapat naming gawin sa iyo upang humupa ang dagat para sa atin?” Sapagkat ang dagat ay lalong naging marahas.
12 Og han sagde til dem: Tager mig, og kaster mig i Havet, saa stilles Havet for eder; thi jeg ved, at denne store Storm er over eder for min Skyld.
Sinabi ni Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at itapon ninyo ako sa dagat. Pagkatapos huhupa ang dagat para sa inyo, sapagkat alam kong dahil sa akin kaya nangyayari sa inyo ang malakas na bagyong ito.”
13 Og Mændene roede for at naa tilbage til Land, men de kunde ikke; thi Havet vedblev at storme imod dem mere og mere.
Gayunpaman, ang mga lalaki ay nagsumikap sumagwan ng matindi upang makabalik sila sa lupa, ngunit hindi nila ito magawa dahil ang dagat ay lalong nagiging marahas laban sa kanila.
14 Da raabte de til Herren og sagde: Ak, Herre! lad os dog ikke omkomme for denne Mands Sjæls Skyld, og læg ikke uskyldigt Blod paa os; thi du, Herre! har gjort, som det behagede dig.
Kaya tumawag sila kay Yahweh at sinabing, “Nagmamakaawa kami sa iyo, Yahweh, nagmakaawa kami, huwag mo kaming hayaang mamatay dahil sa buhay ng taong ito, at huwag mong ipataw sa amin ang pagkakasala sa kanyang kamatayan, dahil ikaw, Yahweh ang gumawa kung ano ang makalulugod sa iyo.”
15 Og de toge Jonas og kastede ham i Havet; da blev Havet stille efter sin heftige Brusen.
Kaya binuhat nila si Jonas at itinapon siya sa dagat, at tumigil ang matinding galit ng dagat.
16 Og Mændene frygtede Herren med en stor Frygt, og de ofrede Herren Slagtoffer og gjorde Løfter.
Pagkatapos lalong natakot ang mga tao kay Yahweh. Naghandog sila ng mga alay kay Yahweh at gumawa ng mga panata.
17 Og Herren beskikkede en stor Fisk til at opsluge Jonas, og Jonas var i Fiskens Bug tre Dage og tre Nætter.
Ngayon inihanda ni Yahweh ang isang malaking isda upang lunukin si Jonas, at si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng isda nang tatlong araw at tatlong gabi.

< Jonas 1 >