< Esajas 32 >
1 Se, med Retfærdighed skal en Konge regere, og efter Ret skulle Fyrsterne styre.
Narito, isang hari ay maghahari sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.
2 Og enhver af dem skal være som Skjul imod Vejr og Ly imod Vandskyl, som Vandbække paa et tørt Sted og som en svar Klippes Skygge i et vansmægtende Land.
At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain.
3 Og de seendes Øjne skulle ikke være blændede, og de hørendes Øren skulle give Agt.
At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.
4 Og de ubesindiges Hjerte skal forstaa Kundskab; og de stammendes Tunge skal haste til at tale forstaaelige Ord.
Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.
5 En Daare skal ikke ydermere kaldes ædel og en karrig ej kaldes rig.
Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.
6 Thi en Daare taler Daarlighed, og hans Hjerte gør Uret for at øve Ugudelighed og for at tale Usandhed imod Herren, for at lade en hungrig Sjæl forblive tom og lade en tørstig fattes Drik.
Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.
7 Og den karrige bruger slette Midler; han optænker List for at berede de elendige Fordærvelse med falske Ord, og det, naar den fattige taler sin Sag.
Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.
8 Men den ædle tænker paa ædle Ting, han skal bestaa ved sin ædle Daad.
Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.
9 I Kvinder, som ere saa sorgløse, staar op og hører min Røst! I Døtre, som ere saa trygge, vender Øren til min Tale!
Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita.
10 Om Aar og Dag skulle I, som ere trygge, blive urolige; thi det er forbi med Vinhøsten, der kommer ingen Frugtsamling.
Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating.
11 Vorder forfærdede, I sorgløse! vorder urolige, I trygge! klæd dig af, og blot dig, og bind om Lænderne!
Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.
12 De skulle slaa sig for Brystet for de yndige Agres, for de frugtbare Vintræers Skyld;
Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas.
13 der skal opvokse Torne og Tidsler paa mit Folks Mark, ja, over alle Glædens Boliger i den lystige Stad.
Sa lupain ng aking bayan ay tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:
14 Thi Paladserne ere forladte, Stadens Tummel er ophørt; Ofel og Vagttaarnet er blevet til Huler evindelig, Vildæsler til Glæde, Hjorde til Føde,
Sapagka't ang bahay-hari ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;
15 indtil Aanden fra det høje udgydes over os, og Ørken bliver til en frugtbar Mark, og den frugtbare Mark agtes som en Skov;
Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.
16 og Ret bor i Ørken, og Retfærdighed bliver paa den frugtbare Mark;
Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid.
17 og Retfærdigheds Gerning bliver Fred, og Retfærdighedens Løn bliver Hvile og Tryghed indtil evig Tid;
At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.
18 og mit Folk bor i Fredens Hytter og i Trygheds Boliger og i stille rolige Steder.
At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.
19 Men det skal hagle, naar Skoven fældes, og Staden skal nedtrykkes i det lave.
Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak.
20 Lyksalige ere I, som saa ved alle Vande, I, som lade Oksen og Æselet frit løbe om!
Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng baka at ng asno.