< Hoseas 5 >
1 Hører dette I Præster! og giver Agt, Israels Hus! og du, Kongehus, laan Øre! thi Dommen angaar eder, fordi I vare en Snare for Mizpa og et udbredt Garn over Tabor.
Pakinggan ninyo ito, mga pari! Bigyan ninyo ng pansin, sambahayan ng Israel! Makinig, sambahayan ng hari! Sapagkat paparating na ang paghuhukom laban sa inyong lahat. Naging isang bitag kayo sa Mizpa at isang nakalatag na lambat sa buong Tabor.
2 Og de afvegne ere dybt fordærvede; men jeg er den, som tugter dem alle sammen.
Nalunod sa pagkakatay ang mga maghihimagsik, ngunit sasawayin ko silang lahat.
3 Jeg kender Efraim, og Israel er ikke skjult for mig; thi nu har du, Efraim, bedrevet Hor, Israel er besmittet.
Kilala ko ang Efraim at hindi lingid sa akin ang Israel. Efraim, ngayon na naging tulad ka ng isang babaing nagbebenta ng aliw; nadungisan ang Israel.
4 Deres Idrætter tillade dem ikke at vende om til deres Gud; thi der er en Horeriets Aand i deres Indre, og Herren kende de ikke.
Hindi sila pahihintulutan ng kanilang mga gawa upang manumbalik sa akin, na kanilang Diyos, sapagkat nasa kanila ang espiritu ng pangangalunya, at hindi nila ako nakikilala, si Yahweh.
5 Og Israels Stolthed vidner imod det; og Israel og Efraim skulle falde for deres Misgerning, Juda skal ogsaa falde med dem.
Nagpapatotoo ang pagmamataas ng Israel laban sa kaniya; kaya matitisod ang Israel at Efraim sa kanilang mga kasalanan; at matitisod din ang Juda kasama nila.
6 Med deres Faar og med deres Øksne skulle de gaa hen for at søge Herren, men ikke finde ham; han har draget sig bort fra dem.
Aalis sila kasama ang kanilang mga kawan at mga bakahan upang hanapin si Yahweh, ngunit hindi nila siya matatagpuan, sapagkat lumayo siya sa kanila.
7 Imod Herren have de handlet troløst, thi de fødte fremmede Børn; nu skal Nymaaneden fortære dem med deres Agre.
Hindi sila naging tapat kay Yahweh, sapagkat nagkaroon sila ng mga anak sa labas. Lalamunin sila ngayon ng mga pista ng bagong buwan kasama ng kanilang mga bukirin.
8 Blæser i Trompeten i Gibea, i Basunen i Rama! raaber højt i Beth-Aven: Bag dig, Benjamin!
Hipan ang tambuli sa Gibea, at ang trumpeta sa Rama. Patunugin ang hudyat ng pakikipaglaban sa Beth-aven: 'Susunod kami sa iyo, Benjamin!'
9 Efraim skal blive øde paa Straffens Dag; iblandt Israels Stammer har jeg kundgjort, hvad der staar fast.
Magiging isang lagim ang Efraim sa araw ng pagpaparusa. Kabilang sa mga tribo ng Israel na aking ipinahayag kung ano ang tunay na mangyayari.
10 Judas Fyrster ere blevne som de, der flytter Grænseskel; over dem vil jeg udøse min Harme som Vand.
Ang mga pinuno ng Juda ay tulad ng mga naglilipat ng batong palatandaan. Ibubuhos ko sa kanila ang aking galit na tulad ng tubig.
11 Undertrykt er Efraim og knust i sin Ret; thi det tog sig for at vandre efter selvgjorte Bud.
Nadurog ang Efraim, nadurog siya sa paghuhukom, dahil disidido siyang yumukod sa mga diyus-diyosan.
12 Og jeg er som Møl for Efraim og som Kræft for Judas Hus.
Para akong isang tanga sa damit sa Efraim, at tulad ng bulok sa tahanan ng Juda.
13 Der Efraim saa sin Sygdom og Juda sin Byld, da gik Efraim til Assyrien og sendte Bud til en stridbar Konge; men han skal ikke kunne læge eder, og Bylden skal ikke gaa bort fra eder.
Nang makita ng Efraim ang kaniyang pagkakasakit, at nakita ng Juda ang kaniyang sugat, pumunta ang Efraim sa Asiria at nagpadala ang Juda ng mga mensahero sa dakilang hari. Ngunit wala siyang kakayahan upang pagalingin kayong mga tao o pagalingin ang inyong sugat.
14 Thi jeg er som en Løve for Efraim og som en ung Løve for Judas Hus, jeg, jeg sønderriver og gaar bort, jeg tager det med, og ingen skal redde.
Kaya magiging tulad ako ng isang leon sa Efraim, at tulad naman ng isang batang leon naman sa sambahayan ng Juda. Ako, maging ako, ang gugutay at aalis; ako ang mag-aalis sa kanila at walang sinuman ang makapagliligtas sa kanila.
15 Jeg vil gaa bort, jeg vil vende tilbage til mit Sted, indtil de kende deres Skyld og søge mit Ansigt; naar de ere i Trængsel, ville de søge mig.
Aalis ako at babalik sa aking lugar, hanggang sa aminin nila ang kanilang kasalanan at hanapin ang aking mukha, hanggang sa hanapin nila ako ng masigasig sa kanilang pagdadalamhati.”