< 1 Mosebog 48 >
1 Og det skete derefter, at der sagdes til Josef: Se, din Fader er syg; og han tog begge sine Sønner med sig, Manasse og Efraim.
At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinabi ng isa kay Jose, Narito, ang iyong ama ay may sakit: at kaniyang ipinagsama ang kaniyang dalawang anak, si Manases at si Ephraim.
2 Og det gaves Jakob til Kende, og der sagdes: Se, din Søn Josef kommer til dig; saa gjorde Israel sig stærk og sad paa Sengen.
At may nagsaysay kay Jacob, at nagsabi, Narito, pinaparituhan ka ng anak mong si Jose: at si Israel ay nagpakalakas at umupo sa higaan.
3 Og Jakob sagde til Josef: Den almægtige Gud aabenbaredes for mig i Lus, udi Kanaans Land, og velsignede mig,
At sinabi ni Jacob kay Jose, Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan, at binasbasan ako.
4 og han sagde til mig: Se, jeg vil gøre dig frugtbar og formere dig og gøre dig til en Hob Folk og give din Sæd efter dig dette Land til Ejendom evindelig.
At sinabi sa akin, Narito, palalaguin kita, at pararamihin kita, at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan; at aking ibibigay ang lupaing ito sa iyong lahi pagkamatay mo, na pinakaari magpakailan man.
5 Og nu, dine to Sønner, som ere fødte dig i Ægyptens Land, før jeg kom til dig i Ægypten, de skulle høre mig til; Efraim og Manasse skulle høre mig til, som Ruben og Simeon.
At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto, ay akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin.
6 Men dit Afkom, som du avler efter dem, skal høre dig til; de skulle kaldes efter deres Brødres Navn i deres Arv.
At ang iyong mga anak, na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo; sila'y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.
7 Og der jeg kom fra Paddan, døde Rakel for mig i Kanaans Land paa Vejen, der jeg havde endnu et Stykke Vej for at komme til Efrath, og jeg begrov hende der paa Vejen til Efrath, det er Bethlehem.
At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem).
8 Og Israel saa Josefs Sønner og sagde: Hvo ere disse?
At nakita ni Israel ang mga anak ni Jose, at sinabi, Sino sino ito?
9 Og Josef sagde til sin Fader: Det er mine Sønner, som Gad har givet mig her, og han sagde: Kære, led dem til mig, og jeg vil velsigne dem.
At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Sila'y aking mga anak, na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito. At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na iyong dalhin sila rito sa akin, at sila'y aking babasbasan.
10 Og Israels Øjne vare matte af Alder, han kunde ikke se; og han lod dem komme til ham, og han kyssede dem og tog dem i Favn.
Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan, na ano pa't hindi na siya makakita. At kaniyang inilapit sila sa kaniya; at sila'y kaniyang hinagkan, at niyakap.
11 Og Israel sagde til Josef: Jeg havde ikke tænkt at se dit Ansigt, og se, Gud har endog ladet mig se din Sæd.
At sinabi ni Israel kay Jose, Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha: at, narito, ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi.
12 Og Josef førte dem ud fra hans Knæ og bøjede sig med sit Ansigt til Jorden.
At sila'y pinagkuha ni Jose sa pagitan ng kaniyang mga tuhod; at siya'y nagpatirapa sa lupa.
13 Og Josef tog dem begge, Efraim i sin højre Haand, for Israels venstre Haand, og Manasse i sin venstre Haand, for Israels højre Haand, og lod dem komme nær til ham.
At kapuwa dinala ni Jose, si Ephraim sa kaniyang kanang kamay, sa dakong kaliwang kamay ni Israel, at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay, sa dakong kanang kamay ni Israel, at inilapit niya sa kaniya.
14 Og Israel rakte sin højre Haand ud og lagde den paa Efraims Hoved, enddog han var den yngste, og sin venstre Haand paa Manasses Hoved; vidende gjorde han saaledes med sine Hænder, thi Manasse var den førstefødte.
At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay.
15 Og han velsignede Josef og sagde: Den Gud, for hvis Ansigt mine Fædre, Abraham og Isak, vandrede, den Gud, som vogtede mig, fra jeg blev til, indtil denne Dag,
At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito,
16 den Engel, som udløste mig fra alt ondt, velsigne Drengene, at de maa kaldes efter mit Navn og efter mine Fædres, Abrahams og Isaks, Navn, og at de maa blive saare mange midt i Landet.
Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.
17 Der Josef saa, at hans Fader lagde sin højre Haand paa Efraims Hoved, da mishagede det ham; og han tog fat paa sin Faders Haand for at føre den fra Efraims Hoved paa Manasses Hoved.
At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang kamay sa ulo ni Ephraim, ay minasama niya; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama, upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim.
18 Og Josef sagde til sin Fader: Ikke saa, min Fader! thi denne er den førstefødte, læg din højre Haand paa hans Hoved.
At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Hindi ganyan, ama ko: sapagka't ito ang panganay; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo.
19 Men hans Fader vægrede sig og sagde: Jeg ved det, min Søn, jeg ved det; han skal ogsaa blive til Folk, og han skal ogsaa blive stor; men hans yngste Broder skal blive større end han, og hans Sæd skal være en stor Hob Folk.
At tumanggi ang kaniyang ama, at sinabi, Talastas ko, anak ko, talastas ko; siya man ay magiging isang bayan, at siya man ay magiging dakila: gayon ma'y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya, at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa.
20 Saa velsignede han dem paa den samme Dag og sagde: Ved dig skal Israel velsigne og sige: Gud sætte dig som Efraim og som Manasse! og han satte Efraim foran Manasse.
At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.
21 Og Israel sagde til Josef: Se, jeg dør, og Gud skal være med eder og føre eder til eders Fædres Land igen.
At sinabi ni Israel kay Jose, Narito, ako'y namamatay: nguni't ang Dios ay sasainyo, at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang.
22 Og jeg har givet dig fremfor dine Brødre et Stykke Land, som jeg har taget af Amoriternes Haand med mit Sværd og med min Bue.
Bukod dito'y binigyan kita ng isang bahaging higit kay sa iyong mga kapatid, na aking kinuha ng aking tabak at ng aking busog sa kamay ng Amorrheo.