< 5 Mosebog 3 >

1 Og vi vendte os og droge op ad Vejen til Basan. Saa drog Og, Kongen af Basan, ud imod os, han og alt hans Folk til Strid ved Edrei.
Pagkatapos umikot tayo at umakyat papuntang Bashan. Si Og, ang hari ng Bashan, ay dumating at sinalakay tayo, siya at ang lahat kaniyang mamamayan, para lumaban sa Edrei.
2 Og Herren sagde til mig: Frygt ikke for ham, thi jeg har givet ham og alt hans Folk og hans Land i din Haand; og du skal gøre ved ham, ligesom du gjorde ved Sihon, Amoriternes Konge, som boede i Hesbon.
Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Huwag mo siyang katakutan; dahil binigyan ko kayo ng tagumpay sa kaniya at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao at kaniyang lupain sa ilalim ng inyong pangangasiwa. Gagawin ninyo sa kaniya ang ginawa ninyo kay Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuhay sa Hesbon.'
3 Saa gav Herren vor Gud ogsaa Kong Og af Basan og alt hans Folk i vor Haand, og vi sloge ham, indtil at ingen undkommen blev tilovers for ham.
Kaya binigyan din tayo ni Yahweh na ating Diyos ng tagumpay laban kay Og, at ang hari ng Bashan, at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng ating pangangasiwa. At pinatay natin siya hanggang walang ni isa sa mga tao niya ang natira.
4 Og vi indtoge alle hans Stæder paa samme Tid; der var ikke en Stad, som vi jo toge fra dem: Tresindstyve Stæder, hele Egnen Argob, som var Ogs Rige i Basan.
Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang panahong iyon; walang ni isang lungsod ang hindi natin kinuha mula sa kanila: animnapung mga lungsod—lahat ng rehiyon ng Argob, ang kaharian ni Og sa Bashan.
5 Alle disse Stæder vare faste med høje Mure, dobbelte Porte og Stænger; desuden saare mange Stæder, som vare ubefæstede Byer.
Ito ang lahat ng mga lungsod na pinatibay na may matataas na mga pader, mga tarangkahan, at mga rehas; maliban pa dito ang mga napakaraming hindi nababakuran na mga nayon.
6 Og vi bandlyste dem, ligesom vi gjorde ved Sihon, Kongen af Hesbon; vi bandlyste alle Stæderne, Mænd, Kvinder og smaa Børn.
Ganap natin silang winasak, kagaya ng ginawa natin kay Sihon hari ng Hesbon, ganap nating winasak ang bawat tinirahang lungsod, kasama ng mga babae at mga bata.
7 Men alt Kvæget og Byttet, som var i Stæderne, røvede vi for os selv.
Pero lahat ng baka at mga sinamsam sa mga lungsod, ay kinuha natin bilang samsam para sa ating mga sarili.
8 Saa toge vi paa den samme Tid Landet af de to amoritiske Kongers Haand, det som var paa denne Side Jordanen, fra Bækken Arnon indtil Bjerget Hermon,
Nang panahong iyon kinuha natin ang lupain mula sa kamay ng dalawang hari ng mga Amoreo na nasa ibayo ng Jordan, mula sa lambak ng Arnon hanggang sa Bundok Hermon
9 — Sidonierne kalde Hermon Sirjon; men Amoriterne kalde det Senir, —
(ang Bundok Hermon na ang tawag ng mga Sidoneo ay Sirion, at ang mga Amoreo ay tinawag itong Senir);
10 alle Stæderne paa det jævne Land og hele Gilead og hele Basan, indtil Salka og Edrei, som vare Stæder i Ogs Rige i Basan.
at lahat ng mga lungsod ng kapatagan, buong Galaad, at buong Bashan, hanggang Salca at Edrei, mga lungsod ng kaharian ni Og sa Bashan.
11 Thi Kong Og af Basan var ene tilbage af de overblevne Kæmper; se, hans Seng, en Jernseng, er den ikke i Ammons Børns Rabba? ni Alen er dens Længde, og fire Alen er dens Bredde, efter en Mands Arm.
(Para sa mga natira sa Refaim, tanging si Og na hari ng Bashan ang naiwan; tumingin kayo, sa kaniyang higaan ay isang higaang bakal; hindi ba ito sa Rabba, kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Ammon naninirahan? Siyam na kubito ang haba nito at apat na kubit ang lawak, sa paraan ng pag-sukat ng mga tao.)
12 Og vi indtoge dette Land paa den samme Tid; fra Aroer, som ligger ved Arnons Bæk, og Halvdelen af Gileads Bjerg med dets Stæder gav jeg Rubeniterne og Gaditerne.
Ang lupaing ito na ating kinuhang pag-aari nang panahong iyon—mula sa Aroer, na nasa lambak ng Arnon, at kalahati ng burol na bayan ng Galaad, at mga lungsod nito—ibinigay ko sa lipi ni Ruben at sa lipi ni Gad.
13 Og det øvrige af Gilead og hele Basan, Ogs Rige, gav jeg Manasse halve Stamme; hele Egnen Argob, hele Basan, dette er kaldet Kæmpelandet.
Ang ibang lupain sa Galaad at lahat ng Bashan, ang kaharian ni Og, ibinigay ko sa kalahati ng lipi ni Manases: lahat ng rehiyon ng Argob, at lahat ng Bashan. (Ang parehong teritoryo ay tinawag na lupain ng Refaim.)
14 Jair, Manasse Søn, indtog hele Egnen Argob, indtil Gesuriternes og Maakathiternes Landemærke; og han kaldte det, nemlig Basan, efter sit Navn Havoth-Jair indtil denne Dag.
Si Jair, kaapu-apuhan ni Manases, ay kinuha ang lahat ng rehiyon ng Argob hanggang sa hangganan ng lipi ng Gesureo at ng lipi ng Maacateo. Tinawag niya ang rehiyon, kahit ang Bashan, sa kaniyang sariling pangalan, Havvot Jair, hanggang sa araw na ito.)
15 Saa gav jeg Makir Gilead.
Ibinigay ko ang Galaad kay Maquir.
16 Og jeg gav Rubeniterne og Gaditerne fra Gilead og indtil Arnons Bæk, midt i Dalen, som blev Landemærke, og indtil Jaboks Bæk, som er Ammons Børns Landemærke,
Sa mga lipi ni Ruben at sa lipi ni Gad ibinigay ko ang teritoryo mula Galaad sa lambak ng Arnon—ang kalagitnaan ng lambak ay ang hangganan ng teritoryo—at sa Ilog Jabok, na hangganan ng mga kaapu-apuhan ni Ammon.
17 og den slette Mark og Jordanen, som blev Landemærke, fra Kinnereth og indtil Havet ved den slette Mark, nemlig Salthavet, neden for Foden af Pisga, imod Østen.
Isa pa sa mga hangganan nito ay ang kapatagan din ng lambak ng Ilog Jordan, mula sa Cineret hanggang sa Dagat ng Araba (iyon ay, ang Dagat Asin), hanggang sa mga matarik na bundok ng Pisga na pasilangan.
18 Og jeg bød eder paa samme Tid og sagde: Herren eders Gud har givet eder dette Land at eje det; I skulle drage bevæbnede over for eders Brødres, Israels Børns Ansigt, alle I, som ere kampdygtige.
Inutusan ko kayo nang panahong iyon, na nagsasabing, 'Si Yahweh na inyong Diyos ay ibinigay sa inyo ang lupaing ito para angkinin ito; kayo, lahat ng tao ng digmaan, ay dadaan sa ilalim ng armado sa harapan ng inyong mga kapatid, ang bayan ng Israel.
19 Ikkun eders Hustruer og eders smaa Børn og eders Kvæg, (jeg ved, at I have meget Kvæg), de maa blive i eders Stæder, som jeg har givet eder,
Pero ang inyong mga asawa, mga maliliit na anak, at mga baka (alam ko na mayroon kayong maraming baka), ay mananatili sa lungsod na ibinigay ko sa inyo,
20 indtil Herren skaffer eders Brødre Rolighed ligesom eder, og de ogsaa have indtaget det Land, som Herren eders Gud giver dem paa hin Side Jordanen; saa skulle I vende tilbage hver til sin Ejendom, som jeg har givet eder.
hanggang si Yahweh ay magbigay ng kapahingahan sa inyong mga kapatid, gaya ng ginawa niya sa inyo, hanggang sa maging pag-aari na din nila ang lupain na ibibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos sa ibayo ng Jordan; pagkatapos ay babalik kayo, bawat isa sa inyo, sa mga sarili ninyong pag-aari na ibinigay ko sa inyo.'
21 Og jeg befalede Josva paa den samme Tid og sagde: Dine Øjne have set alt det, som Herren eders Gud har gjort ved disse to Konger; saaledes skal Herren gøre ved alle de Riger, som du drager over til.
Inutusan ko si Josue nang panahong iyon sa pagsasabing, 'Nakita ng inyong mga mata ang lahat ng nagawa ni Yahweh na inyong Diyos sa dalawang haring ito; Gagawin ni Yahweh ang katulad sa lahat ng mga kaharian kung saan kayo pupunta.
22 Frygter ikke for dem; thi Herren eders Gud, han er den, som strider for eder.
Hindi ninyo sila katatakutan, dahil si Yahweh na inyong Diyos ang siyang lalaban para sa inyo.'
23 Og jeg bad Herren om Naade paa den samme Tid og sagde:
Pinakiusapan ko si Yahweh nang panahong iyon sa pagsasabing,
24 Herre, Herre! du har begyndt at lade din Tjener se din Storhed og din stærke Haand; thi hvo er Gud i Himmelen og paa Jorden, som kan gøre efter dine Gerninger og efter dit Storværk?
'O Panginoong Yahweh, sinimulan mong ipakita sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at malakas mong kamay; anong diyos ba ang nasa langit o nasa lupa ang makakagawa ng katulad ng mga ginawa mo, at katulad ng matitinding mga gawa?
25 Kære, lad mig fare over og lad mig se det gode Land, som er paa hin Side Jordanen, dette gode Bjerg og Libanon.
Hayaan mo akong makapunta, nagmamakaawa ako, at makita ang masaganang lupain na nasa ibayo ng Jordan, iyong masaganang burol na bansa, at pati na rin ang Lebanon.'
26 Men Herren var bleven fortørnet paa mig for eders Skyld og vilde ikke høre mig; men Herren sagde til mig: Lad det være dig nok, bliv ikke ved at tale til mig ydermere om denne Sag.
Pero galit sa akin si Yahweh dahil sa inyo; hindi siya nakinig sa akin. Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Hayaang maging sapat ito para sa iyo—huwag nang magsalita sa akin tungkol sa bagay na ito:
27 Gak op paa Pisgas Top, og opløft dine Øjne mod Vesten og mod Norden og mod Sønden og mod Østen, og se det med dine Øjne; thi du skal ikke gaa over denne Jordan.
umakyat ka sa itaas ng Pisga at ituon ang iyong mga mata pakanluran, pahilaga, patimog, at pasilangan; tingnan ng iyong mga mata, dahil hindi ka makakapunta sa Jordan.
28 Og byd Josva, og gør ham frimodig og styrk ham; thi han skal gaa over for dette Folks Ansigt, og han skal dele dem Landet, hvilket du skal se, til Arv.
Sa halip, atasan si Josue at palakasin ang loob at palakasin siya, dahil pupunta siya doon kasama ng mga taong ito, at siya ang magdudulot na mamana nila ang lupain na makikita mo.'
29 Og vi bleve i Dalen over for Beth-Peor.
Kaya nanatili kami sa lambak na kasalungat ng Beth Peor.

< 5 Mosebog 3 >