< Žalmy 59 >
1 Přednímu z kantorů, jako: Nevyhlazujž, Davidův žalm zlatý, když poslal Saul, aby střehouc domu, zabili ho. Vytrhni mne od nepřátel mých, Bože můj; před těmi, kteříž povstávají proti mně, bezpečna mne učiň.
Sagipin mo ako mula sa aking mga kaaway, aking Diyos; itaas mo ako na malayo mula sa mga kumakalaban sa akin.
2 Vytrhni mne od těch, kteříž páší nepravost, a od mužů vražedlných zachovej mne.
Panatilihin mo akong ligtas mula sa mga gumagawa ng malaking kasalanan, at iligtas mo ako mula sa mga taong uhaw sa dugo.
3 Neb aj, zálohy činí duši mé, sbírají se proti mně mocní, bez mého provinění a bez hříchu mého, ó Hospodine.
Dahil, tingnan mo, nag-aabang (sila) para kunin ang buhay ko. Ang mga makapangyarihang gumagawa ng kasamaan ay nagsasama-sama laban sa akin, pero hindi dahil sa aking pagsuway o kasalanan, Yahweh.
4 Beze vší mé nepravosti sbíhají se, a strojí; povstaniž mně vstříc, a popatř.
Naghahanda silang tumakbo tungo sa akin kahit na wala akong kasalanan; gumising ka at tulungan mo ako at tingnan.
5 Sám ty, Hospodine Bože zástupů, Bože Izraelský, prociť, abys navštívil všecky národy, aniž se smilovávej nad kterým z těch převrácenců nešlechetných. (Sélah)
Ikaw, Yahweh ang Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, bumangon ka at parusahan mo ang lahat ng mga bansa; huwag kang maging maawain sa sinumang gumagawa ng masasama. (Selah)
6 Navracejí se k večerou, štěkají jako psi, a běhají okolo města.
Bumabalik (sila) sa gabi, umalulong (sila) na parang mga aso at lumilibot sa lungsod.
7 Aj, coť vynášejí ústy svými! Mečové jsou ve rtech jejich, nebo říkají: Zdaliž kdo slyší?
Tingnan mo, dumidighay (sila) sa kanilang mga bibig; mga espada ay nasa kanilang mga labi, dahil sinasabi nila, “Sino ang nakaririnig sa atin?”
8 Ale ty, Hospodine, směješ se jim, posmíváš se všechněm národům.
Pero ikaw, Yahweh, ay tinatawanan (sila) kinukutya mo ang mga bansa.
9 Když on moc provozuje, na tebe pozor míti budu, nebo ty, Bože, jsi hrad můj vysoký.
O Diyos, aking kalakasan, magbibigay pansin ako sa iyo; ikaw ang aking matayog na tore.
10 Bůh mně milosrdný předejdeť mne, Bůh dá mi viděti pomstu nad nepřátely mými.
Katatagpuin ako ng Diyos sa kaniyang katapatan sa tipan; hahayaan ng Diyos na makita ko ang aking nais sa aking mga kaaway.
11 Nezbijej jich, aby nezapomněl lid můj, ale zmítej jimi mocí svou, a sházej je, pavézo naše, ó Pane.
Huwag mo silang papatayin, o makakalimutan ito ng aking bayan. Ikalat mo (sila) gamit ang iyong kapangyarihan at ilaglag (sila) Panginoon na aming kalasag.
12 Hřích úst svých, slova rtů svých, (postiženi jsouce v pýše své, pro prokletí a chřadnutí), ať vypravují.
Dahil sa mga kasalanan ng kanilang mga bibig at sa mga salita ng kanilang mga labi, hayaan mo silang madakip ng kanilang kayabangan, at para sa mga sumpa at kasinungalingan na ipinapahayag nila.
13 Zahlaď v prchlivosti, zahlaď je, ať jich není, ať poznají, že Bůh panuje v Jákobovi i do končin země. (Sélah)
Tupukin mo (sila) sa poot, tupukin mo (sila) para (sila) ay mawala na; hayaan mo silang malaman na namumuno ang Diyos kay Jacob at sa dulo ng mundo. (Selah)
14 I nechažť se pak zase navracejí k večerou, štěkají jako psi, a běhají okolo města.
Sa gabi hayaan mo silang bumalik, hayaan mo silang umalulong na parang mga aso at lumibot sa lungsod.
15 Nechať těkají, a potravy hledají, však hladovití jsouce, uložiti se musejí.
Maglalakbay (sila) pataas at pababa para sa pagkain at maghihintay buong gabi kung hindi (sila) masiyahan.
16 Já pak zpívati budu o síle tvé, hned z jitra hlasitě slaviti budu milosrdenství tvé, nebo jsi byl hrad můj vysoký, a útočiště v den ssoužení mého.
Pero aawit ako tungkol sa iyong kalakasan; dahil ikaw ang naging matayog kong tore at isang kublihan sa araw ng aking kapighatian.
17 A posilen jsa, žalmy tobě zpívati budu; nebo jsi Bůh, vysoký hrad můj, Bůh mně milosrdný.
Sa iyo, aking kalakasan, aawit ako ng mga papuri; dahil ang aking Diyos ang aking matayog na tore, ang Diyos ng katapatan sa tipan.