< Žalmy 100 >

1 Žalm k díků činění. Prokřikuj Hospodinu všecka země.
Sumigaw na may kagalakan kay Yahweh, buong daigdig.
2 Služte Hospodinu s veselím, předstupte před oblíčej jeho s prozpěvováním.
Maglingkod kay Yahweh ng may kasiyahan; magsilapit sa kanyang presensiya na umaawit nang may kagalakan.
3 Vězte, že Hospodin jest Bůh; on učinil nás, a ne my sami sebe, abychom byli lid jeho, a ovce pastvy jeho.
Kilalalanin ninyo na si Yahweh ay Diyos; siya ang gumawa sa atin, at tayo ay sa kanya. Tayo ang kanyang bayan at mga tupa sa kanyang pastulan.
4 Vcházejte do bran jeho s díkčiněním, a do síní jeho s chvalami; oslavujte jej, a dobrořečte jménu jeho.
Magsipasok kayo sa loob ng kanyang mga tarangkahan na may pagpapasalamat at sa loob ng kanyang mga silid na may pagpupuri. Pasalamatan at purihin ang kanyang pangalan.
5 Nebo dobrý jest Hospodin, na věky milosrdenství jeho, a od národu až do pronárodu pravda jeho.
Dahil si Yahweh ay mabuti; ang kanyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman at ang kanyang pagiging totoo ay magpapatuloy sa lahat ng mga salinlahi.

< Žalmy 100 >