< 4 Mojžišova 8 >

1 I mluvil Hospodin k Mojžíšovi, řka:
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Mluv k Aronovi a rci jemu: Když rozsvěcovati budeš lampy, ven z svícnu sedm lamp svítiti má.
Salitain mo kay Aaron, at sabihin mo sa kaniya, Pagsisindi mo ng mga ilawan, ay iyong papagliliwanagin ang pitong ilawan sa harap ng kandelero.
3 I učinil Aron tak; ven z svícnu světlo od sebe dávající rozsvítil lampy jeho, jakož přikázal Hospodin Mojžíšovi.
At ginawang gayon ni Aaron: kaniyang sinindihan ang mga ilawan upang magliwanag sa harap ng kandelero, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
4 Bylo pak dílo svícnu takové: Z taženého zlata byl všecken, až i sloupec jeho i květové jeho z taženého zlata byli; podlé podobenství toho, kteréž ukázal Hospodin Mojžíšovi, tak udělal svícen.
At ito ang pagkayari ng kandelero, gintong niyari sa pamukpok; mula sa tungtungan niyaon hanggang sa mga bulaklak niyaon ay yari sa pamukpok: ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya ginawa ang kandelero.
5 Mluvil také Hospodin k Mojžíšovi, řka:
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
6 Vezmi Levíty z prostředku synů Izraelských, a očisť je.
Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila.
7 Tímto pak způsobem očišťovati je budeš: Pokropíš jich vodou očištění; oholí všecko tělo své, a zperou roucha svá, a očištěni budou.
At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang linisin sila: iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala, at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila, at labhan nila ang kanilang mga suot, at sila'y magpakalinis.
8 Potom vezmou volka mladého a obět suchou z mouky bělné, olejem skropené; a druhého volka mladého vezmeš k oběti za hřích.
Kung magkagayo'y pakunin mo sila ng isang guyang toro at ng handog na harina niyaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, at kukuha ka ng ibang guyang toro na handog dahil sa kasalanan.
9 Tedy přistoupiti rozkážeš Levítům před stánek úmluvy, a shromáždíš všecko množství synů Izraelských.
At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tabernakulo ng kapisanan at pipisanin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel:
10 Postavíš Levíty před Hospodinem, a vloží synové Izraelští ruce své na Levíty.
At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita:
11 A obětovati bude Aron Levíty v obět před Hospodinem od synů Izraelských, aby vykonávali službu Hospodinu.
At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon.
12 Levítové pak vloží ruce své na hlavy těch volků; a obětovati budeš jednoho za hřích, a druhého v obět zápalnou Hospodinu k očištění Levítů.
At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga guyang toro: at ihandog mo ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin sa Panginoon, upang itubos sa mga Levita.
13 A postavíš Levíty před Aronem a před syny jeho, a obětovati je budeš v obět Hospodinu.
At patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak, at ihahandog mo ang mga yaon na pinakahandog na inalog sa Panginoon.
14 I oddělíš Levíty z prostředku synů Izraelských, aby moji byli Levítové.
Ganito mo ihihiwalay ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin.
15 Potom pak přijdou Levítové, aby přisluhovali při stánku úmluvy, když bys očistil je a obětoval v obět.
At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog.
16 Nebo vlastně dáni jsou mi z prostředku synů Izraelských za všecky otvírající život, za prvorozené ze všech synů Izraelských vzal jsem je sobě.
Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel.
17 Nebo mé jest všecko prvorozené mezi syny Izraelskými, tak z lidí jako z hovad; od toho dne, jakž jsem pobil všecko prvorozené v zemi Egyptské, posvětil jsem jich sobě.
Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin.
18 Vzal jsem pak Levíty za všecky prvorozené synů Izraelských.
At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel.
19 A dal jsem Levíty darem Aronovi i synům jeho z prostředku synů Izraelských, aby konali službu místo synů Izraelských při stánku úmluvy, a očišťovali od hříchů syny Izraelské; a tak nepřijde na syny Izraelské rána, kteráž by přišla, kdyby přistupovali synové Izraelští k svatyni.
At aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario.
20 I učinili Mojžíš a Aron i všecko množství synů Izraelských při Levítích všecko to, což přikázal Hospodin Mojžíšovi o Levítích; tak s nimi učinili synové Izraelští.
Ganito ang ginawa ni Moises, at ni Aaron, at ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita: ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila.
21 A očistili se Levítové a zeprali roucha svá; a obětoval je Aron v obět před Hospodinem, a očistil je Aron, aby byli čisti.
At ang mga Levita ay nagsipaglinis ng kanilang sarili sa kasalanan, at nagsipaglaba ng kanilang mga damit; at inihandog ni Aaron sila na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon; at si Aaron ay naggawa ng pangtubos sa kanila upang linisin sila.
22 Potom teprv přistoupili Levítové k vykonávání služby své při stánku úmluvy, před Aronem i před syny jeho; jakž přikázal Hospodin Mojžíšovi o Levítích, tak s nimi učinili.
At pagkatapos niyaon ay nagsipasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak: kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ang ginawa nila sa kanila.
23 I mluvil opět Hospodin k Mojžíšovi, řka:
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
24 I toto k Levítům přináleží: V pětmecítma letech zstáří a výše jeden každý z nich přistoupí, a postaví se k ochotnému práce konání v službě při stánku úmluvy.
Ito ang nauukol sa mga Levita: mula sa dalawang pu't limang taong gulang na patanda, ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan.
25 V padesáti pak letech přestane od práce služby té, a více přisluhovati nebude.
At mula sa limang pung taong gulang ay titigil sila sa paglilingkod sa gawain at hindi na sila maglilingkod;
26 Ale přisluhovati bude bratřím svým při stánku úmluvy stráž držícím, sám pak služeb konati nebude. Tak učiníš s Levíty při pracech jejich.
Nguni't sila'y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan, upang ingatan ang katungkulan, at sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan.

< 4 Mojžišova 8 >