< 4 Mojžišova 31 >

1 Mluvil opět Hospodin k Mojžíšovi, řka:
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Pomsti prvé synů Izraelských nad Madianskými, a potom připojen budeš k lidu svému.
Ipanghiganti mo ang mga anak ni Israel sa mga Madianita; pagkatapos nito'y malalakip ka sa iyong bayan.
3 Mluvil tedy Mojžíš k lidu, řka: Vypravte některé z sebe k boji, aby šli proti Madianským a vykonali pomstu Hospodinovu nad nimi.
At sinalita ni Moises sa bayan, na sinasabi, Magsipagsakbat kayong mga lalake na humanda sa pakikibaka, upang magsiyaon sila laban sa Madian, upang isagawa ang panghihiganti ng Panginoon sa Madian.
4 Po tisíci z pokolení, ze všech pokolení Izraelských vyšlete k boji.
Sa bawa't lipi ay isang libo, sa lahat ng mga lipi ng Israel, ang susuguin ninyo sa pakikibaka.
5 I vydáno jest z mnohých tisíců Izraelských po tisíci z každého pokolení, totiž dvanácte tisíců způsobných k boji.
Sa gayo'y sinugo sa libolibong Israelita, ang isang libo sa bawa't lipi, na labing dalawang libo ngang nasasakbatan sa pakikibaka.
6 I poslal je Mojžíš po tisíci z každého pokolení k boji, a Fínesa syna Eleazara kněze s nimi; a nádoby svaté i trouby k troubení byly v ruce jeho.
At sinugo sila ni Moises, sa pakikibaka, isang libo sa bawa't lipi, sila at si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote, sa pakikibaka, na may mga kasangkapan ng santuario, at may mga pakakak na panghudyat sa kaniyang kamay.
7 Tedy bojovali proti Madianským, jakož byl přikázal Hospodin Mojžíšovi, a zbili všecky pohlaví mužského.
At binaka nila ang Madian, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises; at kanilang pinatay ang bawa't lalake.
8 Pobili také krále Madianské mezi jinými, kteréž porazili, totiž Evi, Rekem, Sur, Hur a Rebe, pět králů Madianských; Baláma také, syna Beorova, zabili mečem.
At pinatay nila ang mga hari sa Madian na kasama ng mga napatay: si Evi at si Recem, at si Zur, at si Hur, at si Reba, limang hari sa Madian: si Balaam man na anak ni Beor ay kanilang pinatay ng tabak.
9 A zajali synové Izraelští ženy Madianské i děti jejich; všecka hovada jejich, i všechny dobytky jejich, a všecka zboží jejich pobrali.
At binihag ng mga anak ng Israel ang mga babae sa Madian at ang kanilang mga bata; at ang lahat nilang mga hayop at ang lahat nilang mga kawan, at ang lahat nilang pag-aari ay kanilang sinamsam.
10 Všecka také města jejich, v kterýchž svá obydlí měli, i všecky hrady jejich vypálili ohněm.
At ang lahat nilang mga bayan sa mga dakong kanilang tinatahanan at ang lahat nilang mga tolda ay kanilang sinunog sa apoy.
11 A všecku loupež i všecky kořisti pobravše, lidi i hovada,
At kanilang dinala ang lahat ng kanilang nakuha, at ang lahat ng kanilang nasamsam, maging sa tao at maging sa hayop.
12 Vedli je k Mojžíšovi a k Eleazarovi knězi, a ke všemu množství synů Izraelských, i zajaté i kořisti, i loupeže, k vojsku na roviny Moábské, kteréž jsou při Jordánu naproti Jerichu.
At kanilang dinala ang mga bihag, ang nasamsam at ang nahuli, kay Moises, at kay Eleazar na saserdote, at sa kapisanan ng mga anak ni Israel, na nasa kampamento sa mga kapatagan ng Moab, na nasa tabi ng Jordan sa Jerico.
13 I vyšli Mojžíš a Eleazar kněz a všecka knížata shromáždění proti nim ven za stany.
At si Moises at si Eleazar na saserdote, at ang lahat ng mga prinsipe sa kapisanan, ay nagsilabas na sinalubong sila sa labas ng kampamento.
14 Tedy rozhněval se Mojžíš na vůdce vojska, hejtmany nad tisíci a setníky, kteříž se navraceli z boje,
At si Moises ay nag-init sa mga pinuno ng hukbo, sa mga kapitan ng libolibo at sa mga kapitan ng daandaan, na nagsipanggaling sa pakikipagbaka.
15 A řekl jim Mojžíš: A což jste zachovali všecky ženy?
At sinabi ni Moises sa kanila, Iniligtas ba ninyo na buhay ang lahat ng mga babae?
16 Ej, onyť jsou hle synům Izraelským, podlé rady Balámovy, daly příčinu k přestoupení proti Hospodinu, při modlářství Fegor, pročež ona rána přišla byla na lid Hospodinův.
Narito, sila'y naging sanhi, sa payo ni Balaam, upang ang mga anak ni Israel ay sumalangsang laban sa Panginoon sa bagay ng Peor, at kaya't nagkasalot sa kapisanan ng Panginoon.
17 Protož nyní zmordujte všecky děti pohlaví mužského, a všecky ženy, kteréž poznaly muže.
Ngayon nga ay patayin ninyo ang lahat ng mga batang lalake at patayin ninyo ang bawa't babae na nasipingan ng lalake.
18 Všecky pak panny, kteréž nepoznaly muže, zachovejte sobě živé.
Nguni't ang lahat ng batang babae na hindi pa nasisipingan ng lalake ay buhayin ninyo upang mapasa inyo.
19 Vy pak zůstaňte vně za stany za sedm dní; všickni, kteřížkoli jste někoho zabili, aneb kteříž jste se zabitého dotkli, očištovati se budete dne třetího a dne sedmého, sebe i zajaté své.
At matira kayo sa labas ng kampamento na pitong araw: sinoman sa inyo na nakamatay ng sinomang tao, at sinoman sa inyo na nakahipo ng anomang pinatay, ay maglilinis kayo sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, kayo at ang inyong mga bihag.
20 Všeliké také roucho a všecky věci kožené, i všelijaké dílo z í kozích, i všelikou nádobu dřevěnou očistíte.
At tungkol sa bawa't kasuutan, at sa lahat ng yari sa balat, at sa lahat ng yari sa balahibo ng kambing, at sa lahat ng bagay na yari sa kahoy, ay pakalinisin ninyo.
21 I řekl Eleazar kněz vojákům, kteříž byli šli k boji: Toto jest ustanovení zákona, kteréž byl přikázal Hospodin Mojžíšovi.
At sinabi ni Eleazar na saserdote sa mga lalake ng hukbo na nagsiparoon sa pakikipagbaka, Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon kay Moises:
22 Zlato však, stříbro, měď, železo, cín a olovo,
Gayon ma'y ang ginto at ang pilak, ang tanso, ang bakal, ang lata, at ang tingga,
23 A cožkoli trpí oheň, ohněm přepálíte, a přečištěno bude, však tak, když vodou očišťování obmyto bude; což pak nemůže ohně strpěti, to skrze vodu protáhnete.
Bawa't bagay na hindi naaano sa apoy, ay inyong pararaanin sa apoy, at magiging malinis; gayon ma'y inyong lilinisin ng tubig para sa karumihan: at ang lahat na hindi nakatatagal sa apoy, ay inyong pararaanin sa tubig.
24 Zpéřete také roucha svá v den sedmý, a čistí budete; a potom vejdete do stanů.
At inyong lalabhan ang inyong mga damit sa ikapitong araw, at kayo'y magiging malinis, at pagkatapos nito'y makapapasok kayo sa kampamento.
25 Mluvil i to Hospodin k Mojžíšovi, řka:
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
26 Sečti summu kořistí zajatých, tak z lidí jako z hovad, ty a Eleazar kněz, a přední z čeledi otců v lidu;
Bilangin mo ang samsam na nakuha sa tao at gayon din sa hayop, ninyo at ni Eleazar na saserdote, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng kapisanan:
27 A rozdělíš ty kořisti na dva díly, jeden mezi vojáky, kteříž byli vytáhli na vojnu, a druhý mezi všecko shromáždění.
At hatiin mo ang samsam ng dalawa; sa mga lalaking mangbabaka na nagsilabas sa pakikipagbaka, at sa buong kapisanan:
28 A vezmeš díl na Hospodina od mužů bojovných, kteříž byli vyšli na vojnu, jednu duši z pěti set, buďto z lidí neb z hovad, neb z oslů, neb z ovcí.
Bigyan mo ng buwis ang Panginoon sa mga lalaking mangdidigma na nagsilabas sa pakikipagbaka: isang tao sa bawa't limang daan, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, at sa mga asno at sa mga kawan:
29 Z jejich polovice to vezmete, a dáte Eleazarovi knězi obět vzhůru pozdvižení Hospodinu.
Sa kalahating nauukol sa kanila, ay kukunin mo at ibibigay mo kay Eleazar na saserdote na pinakahandog na itinaas sa Panginoon.
30 Z polovice pak té, kteráž jest synů Izraelských, vezmeš jedno z padesáti, buďto z lidí neb z volů, neb z oslů, neb z ovcí, a tak ze všelijakých hovad, a dáš to Levítům, držícím stráž příbytku Hospodinova.
At sa kalahati na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kunin mo ang isang nakuha sa bawa't limang pu, sa mga tao, sa mga bata, sa mga asno, at sa mga kawan, sa lahat ng hayop at ibigay mo sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon.
31 I učinil Mojžíš a Eleazar kněz tak, jakž byl rozkázal Hospodin Mojžíšovi.
At ginawa ni Moises at ni Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
32 A bylo té kořisti z pozůstalé ještě loupeže, kteréž nabral lid válečný, ovec šestkrát sto tisíc, sedmdesáte a pět tisíců;
Ang nabihag nga bukod pa sa nasamsam ng mga taong nakipagbaka, ay anim na raan at pitong pu't limang libong tupa,
33 A volů sedmdesáte a dva tisíce;
At pitong pu't dalawang libong baka,
34 Oslů šedesáte a jeden tisíců;
Anim na pu't isang libong asno,
35 A panen, kteréž mužů nepoznaly, všech dva a třidceti tisíců.
At tatlong pu't dalawang libong tao sa lahat, sa mga babae na hindi pa nasisipingan ng lalake.
36 Dostala se pak polovice jedna na díl těm, kteříž byli vytáhli na vojnu, dobytka drobného v počtu třikrát sto tisíc, třidceti a sedm tisíců a pět set,
At ang kalahati, na siyang bahagi niyaong mga nagsilabas sa pakikipagbaka ay umaabot sa bilang na tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa:
37 A na díl vzatý Hospodinu dobytka drobného šest set, sedmdesáte pět.
At ang buwis na tupa sa Panginoon, ay anim na raan at pitong pu't lima.
38 A z volů šest a třidceti tisíců, z nichž přišlo na díl Hospodinu sedmdesáte a dva.
At ang mga baka ay tatlong pu't anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay pitong pu't dalawa.
39 Oslů také třidceti tisíc a pět set, z nichž přišlo na díl Hospodinu šedesáte a jeden.
At ang mga asno ay tatlong pung libo at limang daan; na ang buwis sa Panginoon ay anim na pu't isa.
40 A lidí šestnácte tisíců, z nichž přišlo na díl Hospodinu třidceti a dvě duše.
At ang mga asno ay labing anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay tatlong pu't dalawang tao.
41 Dal tedy Mojžíš díl oddělený Hospodinu Eleazarovi knězi, jakž byl přikázal Hospodin Mojžíšovi.
At ibinigay ni Moises ang buwis, na ukol sa handog na itinaas sa Panginoon, kay Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
42 Z druhé pak polovice synů Izraelských, kterouž vzal Mojžíš od těch mužů, jenž bojovali,
At ang kalahati ay sa mga anak ni Israel, na inihiwalay ni Moises sa mga taong nakipagbaka
43 (A bylo té polovice k shromáždění přináležející z ovec třikrát sto tisíc, třidceti a sedm tisíců a pět set;
(Siya ngang kalahati na nauukol sa kapisanan ay tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa,
44 Volů třidceti šest tisíců;
At tatlong pu't anim na libong baka,
45 Oslů třidceti tisíců a pět set;
At tatlong pung libo't limang daang asno,
46 A lidí šestnácte tisíců; )
At labing anim na libong tao),
47 Z té tedy polovice synů Izraelských vzal Mojžíš po jednom zajatém z padesáti, tak z lidí jako z hovad, a dal to Levítům, držícím stráž příbytku Hospodinova, jakž byl přikázal Hospodin Mojžíšovi.
At sa kalahati nga na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kinuha ni Moises ang isa sa bawa't limang pu, sa tao at gayon din sa hayop, at ibinigay sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
48 Tedy přistoupili k Mojžíšovi vývodové vojska, hejtmané nad tisíci a setníci,
At ang mga pinuno na namamahala sa libolibo ng hukbo, ang mga kapitan ng libolibo, at ang mga kapitan ng daandaan ay nangagsilapit kay Moises:
49 A řekli jemu: My služebníci tvoji sečtli jsme počet bojovníků, kteréž jsme měli pod spravou naší, a neubyl ani jeden z nás.
At sinabi nila kay Moises, Binilang ng iyong mga lingkod ang mga lalaking mangdidigma na nasa aming kapangyarihan, at walang kulang kahit isa man sa amin.
50 A protož obětujeme obět Hospodinu, každý z toho, čehož jest dostal, nádobí zlaté, zápony, náramky, prsteny, náušnice a řetízky, aby očištěny byly duše naše před Hospodinem.
At aming dinala na pinakaalay sa Panginoon, ang nakuha ng bawa't lalake, na mga hiyas na ginto, mga tanikala sa bukongbukong, at mga pulsera, mga singsing na pinaka tanda, mga hikaw, at mga kuwintas sa leeg upang itubos sa aming mga kaluluwa sa harap ng Panginoon.
51 Vzal tedy Mojžíš a Eleazar kněz od nich to zlato všelikého díla řemeslného.
At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto nila, lahat ng hiyas na dalisay.
52 Bylo pak všeho zlata odděleného, kteréž obětováno Hospodinu, šestnácte tisíců, sedm set a padesáte lotů, od hejtmanů nad tisíci a od setníků.
At ang buong gintong handog na itinaas, na kanilang inihandog sa Panginoon, ng mga kapitan ng libolibo, at ng mga kapitan ng daandaan, ay labing anim na libo at pitong daan at limang pung siklo.
53 (Muži zajisté bojovní, což loupeží vzali, to sobě měli.)
(Sapagka't ang mga lalake na nakipagbaka ay naguwi ng samsam, na bawa't isa ay may sariling dala.)
54 A vzavše Mojžíš a Eleazar kněz od hejtmanů nad tisíci a setníků to zlato, vnesli je do stánku úmluvy, na památku synů Izraelských před Hospodinem.
At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto ng mga kapitan ng libolibo at ng daandaan, at isinilid sa tabernakulo ng kapisanan, pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon.

< 4 Mojžišova 31 >