< Lukáš 1 >

1 Poněvadž mnozí usilovali sepsati pořádně vypravování těch věcí, kteréž jsou u nás jisté,
Marami ang sumubok na ayusin ang salaysay tungkol sa lahat ng bagay na naganap sa amin kalagitnaan,
2 Jakž jsou nám vydali ti, kteřížto od počátku sami viděli, a služebníci toho Slova byli,
na gaya ng binigay nila sa amin, sila na sa simula pa ay naging saksi at mga lingkod ng mensahe.
3 Vidělo se i mně, kterýž jsem toho všeho pravé povědomosti došel, tobě z gruntu o tom pořádně vypsati, výborný Theofile,
Sa akin din naman, nang nasiyasat ko nang mabuti ang lahat ng pangyayaring ito mula pa noong simula—sa tingin ko ay mabuti na isulat ko ang mga ito ayon sa kanilang pagkasunod-sunod—pinakatanyag na Teopilo.
4 Abys zvěděl jistotu těch věcí, jimž jsi vyučován.
Nang sa gayon ay malaman mo ang katotohanan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.
5 Byl za dnů Herodesa krále Judského kněz nějaký, jménem Zachariáš, z třídy Abiášovy, a manželka jeho ze dcer Aronových, a jméno její Alžběta.
Sa mga araw ni Herodes, na hari ng Judea, may isang pari na nagngangalang Zacarias na nagmula sa pangkat ni Abias. Ang kaniyang asawa ay nagmula sa mga babaeng anak ni Aaron, at ang kaniyang pangalan ay Elisabet.
6 Byli pak oba spravedliví před obličejem Božím, chodíce ve všech přikázáních a spravedlnostech Páně bez úhony.
Kapwa sila matuwid sa harapan ng Diyos; sila ay namuhay nang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon.
7 A neměli plodu, protože Alžběta byla neplodná, a oba se byli zstarali ve dnech svých.
Ngunit wala silang anak, sapagkat si Elisabet ay baog, at silang dalawa ay matanda na sa panahong ito.
8 I stalo se, když on úřad kněžský konal v pořádku třídy své před Bohem,
Ngayon ay nangyari na si Zacarias ay nasa presensiya ng Diyos, gumagawa ng mga tungkulin bilang pari sa kapanahunan ng kaniyang pangkat.
9 Že vedle obyčeje úřadu kněžského los naň přišel, aby položil zápal, vejda do chrámu Páně.
Ayon sa nakaugaliang paraan ng pagpili kung sinong pari ang maglilingkod, siya ay pinili sa pamamagitan ng sapalaran upang makapasok sa templo ng Panginoon at upang siya ay makapagsunog ng insenso.
10 A všecko množství lidu bylo vně, modlíce se v hodinu zápalu.
Napakaraming tao ang nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng insenso.
11 Tedy ukázal se jemu anděl Páně, stoje na pravé straně oltáře zápalu.
Ngayon, isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya at tumayo sa kanang bahagi ng altar ng insenso.
12 A uzřev jej Zachariáš, zstrašil se, a bázeň připadla na něj.
Si Zacarias ay nasindak nang makita niya ito, labis ang pagkatakot niya.
13 I řekl jemu anděl: Neboj se, Zachariáši, neboť jest uslyšána modlitba tvá, a Alžběta manželka tvá porodí tobě syna, a nazůveš jméno jeho Jan.
Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya “Huwag kang matakot Zacarias, sapagkat ang iyong panalangin ay pinakinggan. Ipagbubuntis ng asawa mong si Elisabet ang iyong anak na lalaki. Juan ang ipapangalan mo sa kaniya.
14 Z čehož budeš míti radost a veselé, a mnozí z jeho narození budou se radovati.
Magkakaroon ka ng kagalakan at saya, at marami ang matutuwa sa pagsilang sa kaniya.
15 Bude zajisté veliký před obličejem Páně, a vína i nápoje opojného nebudeť píti, a Duchem svatým bude naplněn hned od života matky své.
Sapagkat siya ay magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o matapang na inumin, at siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu mula sa sinapupunan ng kaniyang ina.
16 A mnohé z synů Izraelských obrátí ku Pánu Bohu jejich.
At maraming tao sa bayan ng Israel ang mapapanumbalik sa Panginoon na kanilang Diyos.
17 Neboť, on předejde před obličejem jeho v duchu a v moci Eliášově, aby obrátil srdce otců k synům, a nevěřící k opatrnosti spravedlivých, aby tak připravil Pánu lid hotový.
Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias. Gagawin niya ito upang mapanumbalik ang puso ng mga ama sa mga anak, upang ang mga hindi sumusunod ay mamuhay sa karunungan ng mga matuwid. Gagawin niya ito upang ihanda para sa Panginoon, ang mga taong inihanda na para sa kaniya.”
18 I řekl Zachariáš k andělu: Po čemž to poznám? Nebo já starý jsem, a manželka má zstarala se ve dnech svých.
Sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko malalaman ito? Sapagkat ako ay matanda na at ang aking asawa ay may pataw na ng maraming taon.”
19 Odpověděv anděl, řekl jemu: Jáť jsem Gabriel, kterýž stojím před obličejem Božím, a poslán jsem, abych mluvil s tebou, a tyto věci veselé tobě zvěstoval.
Ang anghel ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Ako si Gabriel na nakatayo sa presensiya ng Diyos. Ako ay inutusan upang makipag-usap sa iyo, upang iparating sa iyo ang mabuting balita.
20 A aj, budeš němý, a nebudeš moci mluviti až do toho dne, v kterémž se tyto věci stanou, protože jsi neuvěřil řečem mým, kteréž se naplní časem svým.
Masdan mo, magiging pipi ka, hindi ka makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito. Ito ay dahil sa hindi ka naniwala sa aking mga salita na matutupad ito sa tamang panahon.”
21 Lid pak očekával Zachariáše, a divili se, že on tak prodléval v chrámě.
Ngayon ay inaantay ng mga tao si Zacarias. Sila ay nagulat sapagkat siya ay labis na gumugol ng panahon sa loob ng templo.
22 Vyšed pak, nemohl mluviti k nim. I srozuměli, že vidění viděl v chrámě. Nebo on návěští jim dával, a zůstal němý.
Ngunit nang siya ay lumabas, hindi siya makapagsalita sa kanila. Naisip ng mga tao na nagkaroon siya ng pangitain habang siya ay nasa loob ng templo. Patuloy siyang gumagawa ng mga senyas sa kanila at nanatiling hindi makapagsalita.
23 I stalo se, když se vyplnili dnové konání úřadu jeho, odšel do domu svého.
Dumating ang panahon na natapos ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, umalis siya at bumalik sa kaniyang bahay.
24 A po těch dnech počala Alžběta manželka jeho, a tajila se za pět měsíců, řkuci:
Pagkatapos ng mga araw na iyon, ang kaniyang asawang si Elisabet ay nagbuntis. Siya ay nanatili sa kaniyang bahay sa loob ng limang buwan. Sinabi niya,
25 Že tak mi učinil Pán ve dnech, v nichžto vzezřel, aby odjal mé pohanění mezi lidmi.
“Ito ang ginawa ng Panginoon sa akin nang tiningnan niya ako nang may biyaya upang tanggalin ang aking kahihiyan sa harapan ng ibang tao.”
26 V měsíci pak šestém poslán jest anděl Gabriel od Boha do města Galilejského, kterémuž jméno Nazarét,
Ngayon sa kaniyang ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod sa Galilea na ang pangalan ay Nazaret,
27 Ku panně zasnoubené muži, kterémuž jméno bylo Jozef, z domu Davidova, a jméno panny Maria.
sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa lalaking nagngangalang Jose. Siya ay kabilang sa angkan ni David at ang pangalan ng birhen ay Maria.
28 I všed k ní anděl, dí: Zdráva milosti došlá, Pán Bůh s tebou, požehnaná ty mezi ženami.
Siya ay lumapit sa kaniya at sinabi, “Binabati kita, ikaw ay lubos na pinagpala! Ang Panginoon ay nasa iyo.”
29 Ona pak uzřevši ho, zarmoutila se nad řečí jeho, a myslila, jaké by to bylo pozdravení.
Ngunit siya ay lubhang naguluhan sa kaniyang sinabi at siya ay namangha kung anong uri ng pagbati ito.
30 I řekl jí anděl: Neboj se, Maria, nebo jsi nalezla milost u Boha.
Sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Maria, dahil ikaw ay nakatanggap ng biyaya sa Diyos.”
31 A počneš v životě a porodíš syna, a nazůveš jméno jeho Ježíš.
At makikita mo, ikaw ay magbubuntis sa iyong sinapupunan at magsisilang ng isang anak na lalaki. Tatawagin mo ang kaniyang pangalan na 'Jesus'.
32 Tenť bude veliký, a Syn Nejvyššího slouti bude, a dáť jemu Pán Bůh stolici Davida otce jeho.
Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa kaniya ng trono ng kaniyang ninunong si David.
33 A kralovati bude v domě Jákobově na věky, a království jeho nebude konce. (aiōn g165)
Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.” (aiōn g165)
34 I řekla Maria k andělu: Kterak se to stane, poněvadž já muže nepoznávám?
Sinabi ni Maria sa anghel, “Paano mangyayari ito, yamang hindi pa naman ako nakitabi kasama ang sinumang lalaki?”
35 A odpověděv anděl, řekl jí: Duch svatý sstoupí v tě, a moc Nejvyššího zastíní tobě; a protož, což se z tebe svatého narodí, slouti bude Syn Boží.
Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
36 A aj, Alžběta, příbuzná tvá, i ona počala syna v starosti své, a tento jest jí šestý měsíc, kteráž sloula neplodná.
At tingnan mo, ang iyong kamag-anak na si Elisabet ay nagbuntis din ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito na ang kaniyang ikaanim na buwan, siya na tinawag na baog.
37 Neboť nebude nemožné u Boha všeliké slovo.
Sapagkat walang hindi kayang gawin ang Diyos.”
38 I řekla Maria: Aj, služebnice Páně, staniž mi se podle slova tvého. I odšel od ní anděl.
Sinabi ni Maria, “Tingnan mo, ako ay babaeng lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong mensahe.” At iniwan na siya ng anghel.
39 Tedy povstavši Maria v těch dnech, odešla na hory s chvátáním do města Judova.
Pagkatapos, si Maria ay gumayak noong mga araw na iyon at nagmadaling pumunta sa maburol na bahagi ng lupain, sa isang lungsod sa Judea.
40 I vešla do domu Zachariášova, a pozdravila Alžběty.
Siya ay pumunta sa bahay ni Zacarias at binati si Elisabet.
41 I stalo se, jakž uslyšela pozdravení Marie Alžběta, zplésalo nemluvňátko v životě jejím, a naplněna jest Duchem svatým Alžběta.
At nangyari nga nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, lumukso ang bata sa kaniyang sinapupunan at si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu.
42 I zvolala hlasem velikým a řekla: Požehnaná ty mezi ženami, a požehnaný plod života tvého.
Ang kaniyang tinig ay tumaas at nagsabi nang malakas, “Pinagpala ka sa lahat ng mga babae at Pinagpala din ang bunga ng iyong sinapupunan.
43 A odkud mi to, aby přišla matka Pána mého ke mně?
At bakit ito nangyari sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay kailangan pang pumunta sa akin?
44 Nebo aj, jakž se stal hlas pozdravení tvého v uších mých, zplésalo radostně nemluvňátko v životě mém.
Sapagkat tingnan mo, nang marinig ko ang iyong pagbati ay tumalon sa galak ang bata sa aking sinapupunan.
45 A blahoslavená, kteráž uvěřila, neboť dokonány budou ty věci, kteréž jsou povědíny jí ode Pána.
At pinagpala ang siyang nanampalataya na mayroong katuparan ang mga bagay na ipinahayag sa kaniya mula sa Panginoon.”
46 Tedy řekla Maria: Velebí duše má Hospodina,
Sinabi ni Maria, “Ang kaluluwa ko ay nagpupuri sa Panginoon,
47 A veselí se duch můj v Bohu, Spasiteli mém,
at ang aking espiritu ay nagalak sa Diyos na aking tagapagligtas.”
48 Že jest vzezřel na ponížení služebnice své; neb aj, od této chvíle blahoslaviti mne budou všickni národové.
Sapagkat siya ay tumingin sa kababaan ng kaniyang lingkod na babae. Kaya tingnan mo, mula ngayon ang lahat ng salinlahi ay tatawagin akong pinagpala.
49 Neboť mi učinil veliké věci ten, jenž mocný jest, a svaté jméno jeho,
Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa akin, at ang kaniyang pangalan ay banal.
50 A jehož milosrdenství od pokolení až do pokolení bojícím se jeho.
Ang kaniyang habag ay walang katapusan mula sa lahat ng salinlahi para sa mga nagpaparangal sa kaniya.
51 Dokázal moci ramenem svým, rozptýlil pyšné myšlením srdce jejich.
Nagpakita siya ng lakas ng kaniyang mga bisig; ikinalat niya ang mga nagmamataas ng nilalaman ng kanilang mga puso.
52 Sházel mocné s stolic, a povýšil ponížených.
Pinabagsak niya ang mga prinsipe mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga may mababang kalagayan.
53 Lačné nakrmil dobrými věcmi, a bohaté pustil prázdné.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit ang mga mayayaman ay pinaalis niyang gutom.
54 Přijal Izraele, služebníka svého, pamětliv jsa na milosrdenství své
Nagkaloob siya ng tulong sa Israel na kaniyang lingkod, na gaya ng pag-alaala niya sa kaniyang pagpapakita ng habag
55 (Jakož mluvil k otcům našim, k Abrahamovi a semeni jeho) na věky. (aiōn g165)
(na sinabi niya sa ating mga ama) kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.” (aiōn g165)
56 I zůstala Maria s ní asi za tři měsíce, a potom navrátila se do domu svého.
Nanatili si Maria kina Elisabet sa loob ng mga tatlong buwan at pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang bahay.
57 Alžbětě pak naplnil se čas, aby porodila; i porodila syna.
Ngayon ay dumating ang panahon ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang lalaki.
58 A uslyšeli sousedé a přátelé její, že Hospodin veliké učinil s ní milosrdenství své, i radovali se spolu s ní.
Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na ang Panginoon ay nagpakita ng dakilang habag para sa kaniya, at sila ay nagalak kasama niya.
59 Stalo se pak v den osmý, přišli obřezovati dítěte, a nazývali jej jménem otce jeho Zachariášem.
Ngayon ay nangyari sa ikawalong araw na tuliin nila ang sanggol. Tatawagin sana nila siyang “Zacarias” mula sa pangalan ng kaniyang ama,
60 Ale odpověděvši matka jeho, řekla: Nikoli, ale slouti bude Jan.
ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi, “Hindi; siya ay tatawaging Juan.”
61 I řekli k ní: Však nižádného není v rodu tvém, kterýž by sloul jménem tím.
Sinabi nila sa kaniya, “Wala pa ni isa sa iyong angkan ang tinawag sa ganyang pangalan.”
62 I dávali návěští otci jeho, jak by ho chtěl nazývati.
Sumenyas sila sa kaniyang ama kung ano ang gusto niyang ipangalan sa kaniya.
63 A on požádav deštičky, napsal řka: Jan jest jméno jeho. I divili se všickni.
Humingi ang kaniyang ama ng isang sulatan at nagsulat siya, “Ang kaniyang pangalan ay Juan.” Silang lahat ay namangha dito.
64 A ihned otevřela se ústa jeho a jazyk jeho, i mluvil, velebě Boha.
Agad nabuksan ang kaniyang bibig at napalaya ang kaniyang dila. Nagsalita at nagpuri sa Diyos.
65 Tedy přišla bázeň na všecky sousedy jejich, a po všech horách Judských rozhlásána jsou všecka ta slova.
Natakot ang lahat ng nakatira malapit sa kanila. Lahat ng mga bagay na ito ay kumalat sa lahat ng bahagi ng maburol na lupain ng Judea.
66 A všickni, kteříž o tom slyšeli, skládali to v srdci svém, řkouce: I kteraké dítě toto bude? A ruka Páně byla s ním.
At ito ay itinago ng lahat ng nakarinig sa kanilang mga puso, na nagsasabi, “Ano kaya ang magiging kapalaran ng batang ito?” Sapagkat ang kamay ng Panginoon ay nasa kaniya.
67 Zachariáš pak otec jeho naplněn jest Duchem svatým, a prorokoval řka:
Ang kaniyang amang si Zacarias ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagpahayag na nagsasabi,
68 Požehnaný Pán Bůh Izraelský, že jest navštívil, a učinil vykoupení lidu svému,
“Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sapagkat tumulong siya at tinubos ang kaniyang mga tao.
69 A vyzdvihl nám roh spasení v domu Davida, služebníka svého,
Itinaas niya ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ng kaniyang lingkod na si David, mula sa kaapu-apuhan ng kaniyang lingkod na si David,
70 Jakož mluvil skrze ústa proroků svých svatých, kteříž byli od věků, (aiōn g165)
tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon. (aiōn g165)
71 O vysvobození z nepřátel našich, a z ruky všech, kteříž nás nenáviděli,
Magdadala siya ng kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mula sa kamay ng lahat ng mga galit sa atin.
72 Aby učinil milosrdenství s otci našimi, a rozpomenul se na smlouvu svou svatou,
Gagawin niya ito upang ipakita ang habag sa ating mga ama at upang alalahanin ang kaniyang banal na kasunduan,
73 Na přísahu, kterouž jest přisáhl Abrahamovi, otci našemu, že jistě nám to dá,
ang pangako na kaniyang sinalita kay Abraham na ating ama.
74 Abychom bez strachu, z ruky nepřátel našich jsouce vysvobozeni, sloužili jemu,
Siya ay nangako na kaniyang tutuparin sa atin, upang tayo, bilang mga pinalaya mula sa kamay ng lahat ng ating mga kaaway, ay makapaglingkod sa kaniya nang walang takot,
75 V svatosti a v spravedlnosti před obličejem jeho, po všecky dny života našeho.
sa kabanalan at katuwiran sa kaniyang harapan sa lahat ng ating panahon.
76 Ty pak, dítě, prorokem Nejvyššího slouti budeš, nebo předejdeš před tváří Páně připravovati cesty jeho,
Oo, at ikaw, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan, sapagkat ikaw ay mauuna sa Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daraanan, upang ihanda ang mga tao sa kaniyang pagdating,
77 Aby bylo dáno umění spasitelné lidu jeho na odpuštění hříchů jejich,
upang magbigay kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
78 Skrze srdečné milosrdenství Boha našeho, v němžto navštívil nás, vyšed z výsosti,
Mangyayari ito dahil sa dakilang habag ng ating Diyos, dahil dito ay dumarating sa atin ang pagsikat ng araw mula sa itaas,
79 Aby se ukázal sedícím v temnostech a v stínu smrti, k spravení noh našich na cestu pokoje.
upang magliwanag sa kanila na nakaupo sa kadiliman at sa anino ng kamatayan. Gagawin niya ito upang gabayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.”
80 Dítě pak rostlo a posilovalo se v duchu, a bylo na poušti až do dne zjevení svého lidu Izraelskému.
Ngayon ang bata ay lumaki at naging malakas sa espiritu, at siya ay nasa ilang hanggang sa kaniyang pagharap sa Israel.

< Lukáš 1 >