< Jób 8 >

1 Tedy odpovídaje Bildad Suchský, řekl:
Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at nagsabing,
2 Dokudž mluviti budeš takové věci, a slova úst tvých budou jako vítr násilný?
“Hanggang kailan mo sasabihin ang mga bagay na ito? Gaano katagal magiging kagaya ng malakas na hangin ang mga salita sa iyong bibig? Binabaluktot ba ng Diyos ang katarungan?
3 Což by Bůh silný neprávě soudil, a Všemohoucí což by převracel spravedlnost?
Maaari bang baluktututin ng Makapangyarihang Diyos ang katuwiran?
4 Synové zajisté tvoji že zhřešili proti němu, proto pustil je po nepravosti jejich.
Ang iyong mga anak ay nagkasala laban sa kaniya; Alam namin ito, dahil pinarusahan niya sila sa kanilang mga kasalanan.
5 Kdybys ty opravdově hledal Boha silného, a Všemohoucímu se modlil,
Sabihin nating masigasig mong hinanap ang Diyos at iyong inilahad ang iyong mga kahilingan sa Makapangyarihan.
6 A byl čistý a upřímý: jistě žeť by se hned probudil k tobě, a napravil by příbytek spravedlnosti tvé.
Sabihin nating ikaw ay dalisay at matuwid; pagkatapos siguradong gagawa siya para sa iyo at gagantipalaan ka ng tahanan na tunay mong pag-aari.
7 A byly by první věci tvé špatné, poslední pak rozmnožily by se náramně.
Kahit na maliit ang iyong simula, ang iyong huling kalagayan ay magiging mas higit.
8 Nebo vzeptej se, prosím, věku starého, a nastroj se k zpytování otců jejich.
Para sa kaalaman, nagmamakaawa ako sa iyo, tungkol sa mga dumaang panahon, ihanda ang iyong sarili para matutunan kung ano ang mga natuklasan ng ating mga ninuno.
9 (Myť zajisté včerejší jsme, aniž jsme čeho povědomi; k tomu dnové naši jsou jako stín na zemi.)
( Ipinanganak lamang tayo kahapon at wala tayong nalalaman sapagkat ang ating mga araw sa daigdig ay isang anino.)
10 Zdaliž tě oni nenaučí, a nepovědí tobě, a z srdce svého nevynesou-liž slov?
Hindi ba nila ituturo at sasabihin sa iyo? Hindi ba sila magsasalita mula sa kanilang mga puso?
11 Zdali roste třtí bez bahna? Roste-liž rákosí bez vody?
Maaari bang tumubo ang papirus na walang lati? Maaari bang tumubo ang tambo na walang tubig?
12 Nýbrž ještě za zelena, dříve než vytrháno bývá, ano prvé než jaká jiná tráva, usychá.
Habang sila ay mga sariwa pa at hindi pinuputol, sila ay natutuyo bago ang anumang halaman.
13 Tak stezky všech zapomínajících se na Boha silného, tak, pravím, naděje pokrytce zahyne.
Kaya gayon din ang mga landas ng lahat nang nakakalimot sa Diyos, ang pag-asa ng mga walang diyos ay maglalaho — na ang may pagtitiwala ay nagkakahiwa-hiwalay,
14 Klesne naděje jeho, a doufání jeho jako dům pavouka.
na ang may tiwala ay marupok tulad ng isang sapot ng gagamba.
15 Spolehne-li na dům svůj, neostojí; chytí-li se ho, nezdrží.
Ang ganoong tao ay sasandig sa kaniyang bahay, pero hindi ito magtatagal. Hahawak siya dito, pero hindi ito mananatili.
16 Vláhu má před sluncem, tak že z zahrady jeho výstřelkové jeho vynikají.
Siya ay sariwa sa ilalim ng araw, at ang kaniyang mga sibol ay kumakalat sa kaniyang buong hardin.
17 Při vrchovišti kořenové jeho hustě rostou, i na místech skalnatých rozkládá se.
Ang kaniyang mga ugat ay pumupulupot sa tambak ng bato; naghahanap sila ng magagandang lugar sa gitna ng batuhan.
18 A však bývá-li zachvácen z místa svého, až by se ho i odečtlo, řka: Nevidělo jsem tě:
Pero kung ang taong ito ay sinira sa kaniyang lugar, saka siya ipagkakaila ng lugar na iyon at sasabihing, 'Hindi kailanman kita nakita.'
19 Tožť ta radost života jeho, a z země jiný vykvetá.
Masdan mo, Ito ay ang “kagalakan” ng ganoong pag-uugali ng isang tao; Sisibol muli ang ibang halaman sa parehong lupa sa kaniyang lugar.
20 Aj, Bůh silný nepohrdá upřímým, ale nešlechetným ruky nepodává:
Masdan mo, hindi itatakwil ng Diyos ang isang taong walang kasalanan; ni aalalayan ang kamay ng mga gumagawa ng masama.
21 Až i naplní smíchem ústa tvá, a rty tvé plésáním,
Pupunuin pa niya ang iyong bibig ng tuwa, at ang iyong mga labi ng sigawan.
22 Když nenávidící tebe v hanbu oblečeni budou, a stánku lidí bezbožných nikdež nebude.
Sila na mga napopoot sa iyo ay dadamitan ng kahihiyan; Ang tolda ng mga masasama ay maglalaho.”

< Jób 8 >